The Jerk Next Door

By ScribblerMia

876K 19K 5K

"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © S... More

The Jerk Next Door
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 4

53.2K 1.8K 724
By ScribblerMia

Mia's Message: I am back. Hahaha. This chapter is short, but it will give you an idea about Anton and Rafaela—about their friendship, their feelings, their past, and their present circumstances. Huwag kayong magko-comment ng "bitin" kasi sasakalin ko kayo. Charing. Hello, "on-going story" ito, so talagang bitin ito kasi Chapter 4 pa lang. Haha. Anyway, happy reading! :)


--


"Sige na naman, Rafaela!"

"Ayoko," tanggi nito.

"Please?" Niyugyog ko ang balikat ni Rafaela. Magkatabi kaming nakaupo sa terrace nila habang kumakain ng manggang may alamang. Sabado ngayon at kakatapos lang naming maglinis ng CR kanina sa school bilang parusa sa kalokahang ginawa namin.

"Ano ba!" Tinapik nito ang mga kamay kong nakahawak sa balikat niya. "I said no. Sumusobra ka na talagang abusada ka."

"For my happiness? Please?"

"For your happiness? Give me a break. I've heard that line a thousand times already," he said, looking annoyed.

"This time, it's for real!" I pleaded.

He gave me a blank stare. "Seryoso? Si Nikos talaga? Parang nitong nakaraang Linggo lang, halos maglupasay ka sa akin dahil kay Craig."

"E, ayoko na pala sa kanya. 'Di ko na siya feel. Si Nikos na lang." I grinned.

Napakamot ito sa ulo. "Bakit ka ba kasi asa ka ng asa sa mga lalaking crush mo, naging crush mo, at magiging crush mo kung ayaw naman nilang lahat sa'yo?" Nakasimangot na tanong ni Rafaela.

Siniko ko ito sa tagiliran na nakapagpangiwi rito. "Hoy. FYI. Ang iba sa kanila ay nagkagusto rin sa akin. Nagkataon lang na no'ng nagustuhan na nila ako, ayoko na."

"Mabilis ka kasing magsawa," mahinang sabi nito.

"Tumpak. I want to be the one who's chasing, not the one to be chased after."

"You know that for a hopeless romantic girl, you're weird, right?"

"And you know that for an arrogant jerk, you're nosy, right?" I shot back.

Ngumiti ito at nag-inat bago nagpatuloy muli sa pagkain. "Sabi ko naman sa'yo, hindi mo na kailangang maghanap pa ng iba. Nandito naman ako noon pa."

Umirap ako. "Ayoko nga sa'yo." Dinuro ko ito gamit ang piraso ng manggang may alamang sabay nguya.

"Bakit hindi na lang ako?" Pangungulit nito. Huminto ito sa pagnguya at nakasimangot na nakatingin sa akin ng seryoso.

"Bakit kailangang ikaw?" I sneered.

"Kasi matagal na kitang gusto. Kita mo nga, kahit napakagwapo ko, wala akong pinapansing ibang babae kahit nagpapapansin sila sa akin kasi nga ikaw lang ang gusto ko."

Sumandal ako sa bangko. "Kaya ka ba NGSB?" Pang-aasar ko rito.

Sumandal din ito sa bangko at pinatong ang mga paa sa maliit na mesa na pinagpapatungan ng mangga at alamang. "Kasi nga ako ang sisira sa pagiging NBSB mo."

"Libre'ng mangarap, Rafaela."

"Matagal na kitang pinapangarap, Anton."

Bigla ko itong binatukan.

"Masakit 'yon, Anton, ha." Himas-himas nito ang likod ng ulo.

"You and your stupid pick-up lines! Magpreno ka naman, Rafaela! Dire-diretso ka masyado, e."

"Hindi na kasi kailangang magpaligoy-ligoy pa. Bakit ko naman pahihirapan ang sarili ko kung pwede namang diretsuhin na kita?"

"Hindi ka ba nanonood ng movies at nagbabasa ng books? Hindi agad-agad sinasabi ng bidang lalaki sa bidang babae na mahal niya ito. Marami pang nangyayari."

"Because those male characters are wusses. Seriously, why do they have to prolong the agony when they can just tell it directly then poof! Happily ever after blah blah," he explained. Humalukipkip pa ito na tila propesor.

Prolonging the agony. Seriously, are all guys like that? O, itong Dominguez lang na ito ang nag-iisang ganito na may sapak? Matagal ko nang alam na gusto ako ni Rafaela. Kung ang ibang lalaki pamisteryoso, itong si Rafaela naman ay nuknukan ng kaprangkahan. Kung ang ibang lalaki ay torpe, itong si Rafaela ay punong-puno ng kahambugan sa katawan. Ibang klase ang confidence level nito. Bata pa lang kami, sinasabi na niya sa lahat na ako ang pakakasalan niya paglaki namin. We were like 6 or 7 at that time. He's my saviour, my partner in crime, and my best friend. Pero wala talaga akong nararamdaman sa kanya. As in wala. We're not like those stupid characters in stupid typical love stories where best friends fell in love with each other. For me, that's creepy. One-sided affair ang istorya naming dalawa. Siya lang naman ang nagmamahal. I promised myself that I won't ever fall in love with this jerk. At isipin ko pa lang na magiging couple kami ni Rafaela, nasusuka na ako.

"And now you're wondering why I don't like you," I hissed.

"I am just being wise you know." Kumindat pa ito na nakapagpangiwi sa akin.

Seryosong usapan, nakakadiri ang Dominguez na ito. Well, this little Dominguez, not the big Dominguez na kapitbahay din namin na nuknukhan ng kagwapuhan at sobrang cool. Kaya lang may asawa na, at magkaka-anak pa. At sa angkan ng mga lalaking Dominguez, ito pang kumag na ito ang natirang single. The horrors.

"Ako na nga lang kasi," pamimilit nito. Siniko pa ako nito sa tagiliran kaya muntik na akong mabulunan sa manggang kinakain ko.

Hinampas ko ng malakas ang likod ng ulo nito. "Lintek ka! Tumigil ka na nga! Nakakabwisit ka na, e."

Tumawa lang ito ng malakas.

I rolled my eyes and continued eating.

"Gwapo naman ako, matalino, mabait, maginoo at hindi bastos," nakangising sabi nito.

"Hindi bastos? Hindi bastos?!" My eyes widened. Bigla kong naipatong ang manggang kinakain ko sa platito at napaharap dito.

Rafaela nodded arrogantly.

"Nakalimutan mo na ba no'ng inangat mo ang palda ko no'ng Grade 6?!" Nanggigigil na tanong ko. Tuwing naaalala ko ang insidenteng iyon, tumataas ang alta presyon ko.

Ngumiwi ito. "I thought you were wounded kasi you were bleeding that time."

Naikuyom ko ang mga kamay ko. "For Christ's sake, you idiot! I was having my period! It just happened na natagusan ako! And you, the stupid good-for-nothing jerk lifted my skirt in front of the class." I screamed.

Mukha namang natakot ito sa sigaw ko kasi napahawak ito sa dibdib niya. "Sorry na—"

"And the worst part?! You even shouted 'Anton, dumudugo ang pwet mo.' Bwisit ka! Halos mamatay ako sa kahihiyan dahil doon!"

"E, kasalanan ko bang tatanga-tanga ang napkin na gamit mo kaya hindi kinaya ang dugo mo?!" He fired back.

"E, kasalanan ko ba'ng walang napkin with wings ang nabili ko sa tindahan kasi naubusan na raw?!"

"E, kasalanan ko ba'ng hindi naman ako aware na sa pwetan pala tinatagusan at hindi sa harapan?!"

"E, kasi hindi naman tumutulo ang dugo sa harapan kundi sa likuran!"

"E, akala ko almoranas, e!"

"E, kasi tanga ka!" Sabay suntok sa dibdib nito.

Napangiwi naman ito. "I was just concerned, and I got scared because you're bleeding. But seriously now? Are we really going to continue arguing about menstruation here?!" Rafaela scowled, brushing the back of his hair.

I took a deep breath. "It's your damn fault kasi pinaalala mo na naman sa akin ang katangahan mo!"

"That was ages ago."

"I have been left scarred for life!" I gritted my teeth.

Mas lalo itong sumiksik sa tabi ko at inakbayan ako. "Sorry na, Anton. Nakaganti ka naman, e. 'Di ba isang taon mo akong naging alalay para mapatawad mo ako. Ako pa nga ang nag-alaga sa mga kisses mo na hindi naman nanganak."

I suddenly laughed at what he said. Parang bulang biglang nawala ang galit ko. Tandang-tanda ko nga ang mga pang-aapi ko kay Rafaela no'ng Grade 6 kami. Tuwing naaalala ko ang mga kalokahan namin noon, natatawa na lang ako. Kahit naman ngayon, puros pa rin kalokohan ang ginagawa naming dalawa.

Saglit pa kaming nagtawanan at nagkwentuhan bago napunta ang usapan sa ulam nila kagabi.

"Ang sarap no'ng ginataang gulay na langka na bigay niyo kahapon. Masarap talagang magluto si Tito Chris," komento nito habang nakasandal sa akin.

"Really?" I snorted.

"Sina Mama at Papa kasi hindi talaga masarap magluto, e. Kaya tuwing nagdadala kayo ng ulam sa bahay, nabubuhayan ako. Ginagahan akong kumain."

I didn't comment on that.

"Anton?" Umayos ito ng upo mula sa pagkakasandal sa akin.

"O?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"About Tito Chris—"

"Don't you dare go there, Rafael Alessandro," I snapped. Binaling ko ang tingin ko sa harapan.

I heard him sigh. "Look, Anton, you can't just ignore him forever."

"Oh heck I can. Trust me."

"Can't you forgive him?" Kinulbit ako nito pero tinapik ko lang ang kamay niya. "It's been what, three years? Besides, okay na naman ang Mama mo—"

"Isa pa, Rafaela, isusubo ko sa'yo ang platitong ito," putol ko sa sinasabi nito sabay turo ko sa platito ng mangga.

"Anton," he groaned.

Tumayo ako at inayos ang buhok ko. "Aalis na ako." Pinagpagan ko ang damit ko at nag-inat.

He crossed his arms. "Bahala ka na nga," he sighed in defeat.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko. I hate it when the conversation suddenly shifts to the topic about 'that man.' Humakbang ako paalis pero saglit na huminto. "Alam mo, Rafaela, kahit ano'ng paghingi niya ng paumanhin, wala na rin. Nangyari na. Nagawa na niya. Nagkamali na siya. Ang tanging magagawa niya lang sa kasalukuyan ay ang pagsisihan ang pagkakamaling iyon at humingi ng kapatawaran. Pero ang pagkakamaling iyon? Hindi na niya mababago pa. Hindi na niya maaayos pa. Hindi na niya maibabalik pa. Kaya hindi mo ako masisisi kung hindi ko na siya mapapatawad pa. Dahil ang epekto ng pagkakamali niyang iyon..." Huminga ako ng malalim. "...ay permanente." Bago pinagpatuloy ang paglalakad paalis.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...