EMERALD (Published Under Pop...

By OnneeChan

7.1M 248K 63.1K

Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men... More

Emerald
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5 - Bitten
Chapter 6 - Dark Blood
Chapter 7 - Heir to the Throne
Chapter 8 - Queen?
Chapter 9 - 4 Kingdoms, 3 Suitors
Chapter 10 - Drowning Emerald
Chapter 11 - Under the Water
Chapter 12 - Gretel
Chapter 13 - Candy Rush
Chapter 14 - Dark Prince
Chapter 15 - Chant
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Winter Ball
Chapter 19 - Runaway Queen
Chapter 20 - Blue Ribbon
Chapter 21 - The Glass Shoe Finally Fits
Chapter 22 - Red
Chapter 23 - Howl
Chapter 24 - Bad Dogs
Chapter 25 - Mate
Chapter 26 - I Hate Frogs
Chapter 27 - Kokak!
Chapter 28 - Rocco
Chapter 29 - Princess Frog
Chapter 30 - River of Fantasies
Chapter 31 - Statue
Chapter 32 - Three Sisters
Chapter 33 - Medusa's Curse
Chapter 34 - Time
Chapter 35 - Where Everything Changed
Chapter 36 - Where Aerielle Came
Chapter 37
Chapter 38 - Aeric
Chapter 39 - The Choice
Chapter 40 - Coronation Day
Chapter 41 - The Proposal
Chapter 42 - APPLE
Chapter 43 - Holding on and Letting go
Chapter 44 - The Dark Prince
Epilogue
THELESSA'S POV
Book 2!!!
Published Under Pop Fiction
POP FICTION FEST 5

Chapter 4 - The Vladimirs

212K 7.1K 3.3K
By OnneeChan


This chapter is dedicated to jennybiee dahil pinasaya niya ako today :))

------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 4 - THE VLADIMIRS

"Kailangan ko ba talaga isuot 'to?"

"Ofcourse, princess." sabi ni Felicity.

Eto nanaman ang tawag nila sa akin. Sumimangot ako. Ayokong tinatawag akong Princess. Ang awkward eh. Parang..di bagay sa akin. Hindi ako sanay.

"Please. Wag niyo akong tawaging princess. Please." sabi ko habang sinusuot nila sa akin ang red dress ko. Mahaba at vintage style ang dress. Formal na formal. Kung white 'to, baka magmukha akong ikakasal.

Inupo nila ako sa harap ng mirror ko na may emerald stones na design sa gilid. Naramdaman kong tinatalian ako ni Lucinda.

"Mga Guardians ko rin kayo diba?" bigla kong tanong. Tumango naman silang apat. Nilalagyan ni Meredith ng nail polish ang kamay ko samantalang si Aliyah naman ang naglalagay sa paa. Si Felicity naman ang naglalagay ng blush on sa mukha ko. Hindi ako comfortable. Sobrang dami nilang ginagawa sa katawan ko.

"Ibig sabihin.. marunong kayo makipag-laban?" tanong ko.

"Nagtraining na kaagad kami simula palang noong bata kami." sabi ni Meredith.

"Bakit naman? Diba dapat, nasa school kayo?" sabi ko.

"Bukod sa nag-aaral kami, nagtatraining din kami para maging Guardians mo." sagot naman ni Felicity.

"Ha? Ibig sabihin.. dati palang.. alam niyo na?"

"Ipinanganak ka palang, planado na agad ng King. Bago siya mamatay, naayos niya na ang future mo." sabi ni Lucinda.

"Ang King ang nagsabi sa mga magulang namin na magiging Guardian mo kami. Pati nga ang mapapangasawa mo ay planado na." sabi naman ni Aliyah.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Pati mapapangasawa ko?! Ikakasal ako?!" gulat kong tanong.

"Syempre naman." sabi ni Meredith.

"Papakasalan ko ang isang taong hindi ko naman kilala?"

"That's part of you being a princess. Kailangan mo pakasalan ang isang prince o isang tao na may power o pera para sa kaharian mo." sabi ni Lucinda.

Nalungkot naman ako. Pangarap ko pa naman magpakasal sa isang taong mahal ko talaga.

"Sino ba yung future husband ko?" tanong ko.

"Hindi rin namim alam. Ang Queen lang ang nakakaalam." sabi ni Meredith. "Pero don't worry. Hindi ka pa naman ikakasal. Ikakasal ka kapag 19 o 20 ka na."

Tapos na sila ayusan ako. Sinuot ko na ang Red high heels na shoes na hinanda nila. Sinuot sa akin ni Meredith ang Emerald Locket ko.

"Para saan 'to? Parang di naman bagay sa suot ko." sabi ko.

"Napakaimportante niyan Emerald. Wag na wag mong huhubarin 'yan. Mapoprotektahan ka niyan." sabi nila.

Tinignan ko naman ang Emerald Locket.

*poof!*

Napangiti ako nang nag-appear sa harap ko si Tipsy. Isang maliit na pixie. My very own Pixsenger.

"Shabi ng Queen bumaba na daw shi ikaw kashi malapit na daw ang mga bishita." bulong sa akin ni Tipsy. Sobrang cute niya talaga.

*poof* nawala na si Tipsy.

Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba sa malawak na hagdan

Pagdating namin sa 'Great Hall', kung saan una akong nakapunta, nandoon na kaagad si Mother at ang apat kong kapatid na mga naka-long dress din. Nakaupo na kaagad sila sa thrones. May mga lalaki na naka-allign sa walls. Mga nakasuot sila ng armors. Sila yata ang mga kawal ng castle.

Umupo na ako sa throne ko. Sina Meredith naman ay tumayo sa medyo malayo. Nakita ko sina Brix at Jared sa likod ng throne ko. Sina Matt naman at Zac (since mahaba ang pangalan na Mattheus at Zaccharius, pinaikli ko nalang ang pangalan nila haha.) ay nasa magkabilang gilid ko.

"Kailangan ba talaga na bantay sarado ako?" bulong ko kay Zac. For the first time, kinausap ko siya. Wala akong choice, natatakot ako kay Matt. Masungit yun eh. Hindi ko naman makausap yung iba kong Ate dahil dalawang metro yata ang pagitan ng mga throne namin.

"Are you saying na luwagan namin ang security mo para mas madali kang mapatay?" natatawa niyang sabi. "It's for your own safety, princess."

Huminga ako ng malalim.

"Pwede ba guys, wag niyo akong tawaging princess? Kahit Emerald lang. Okay na. Please. Hindi ako sanay." sabi ko sa kanila. Ngumiti at nag-nod sina Brix at Jared.

"Fine." sabi naman ni Zac. Samantalang si Matt tinarayan lang ako.

"Since when kita tinawag na princess?" sabi niya. BAKLA YATA 'TO EH! Mas mataray pa saken! Grr. Narinig kong nagchuckle sila Brix. Ugh. Kainis. Ang sungit talaga forever ni Matt.

Magsasalita pa sana ako pero kakaibang lamig ang naramdaman ko.

"Nandito na sila." sabi ni Jade. Napatingin ako sa kanya. Bakit parang mas lalong dumilim ang kulay ng mga mata niya?

Nagkaroon ng tension sa buong Hall. Bumukas ang malaking golden door. Sumigaw ang nagbukas ng pinto. "Queen Diamond, narito na po si King Vladimir at Prince Vincent." pagkatapos isigaw ng kawal ang mga pangalan na yun ay may pumasok na dalawang lalaki.

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng sobrang puting tao. They look so pale yet so good-looking.

"Ah. Queen Diamond and her princesses. Finally complete." sabi nung isang lalaki. Lumapit siya sa tapat ko. Nakita kong kumuyom yung palad ni Matt.

"It's a pleasure to finally meet you, Princess Emerald." inabot niya yung kamay ko at hinalikan ito. "You smell nice."

"Vincent, wag mong takutin si Princess Emerald." sabi ng isang isang lalaki.

"Hindi ko siya tinatakot, Vladimir." sabi nung Vincent bago siya bumalik sa tabi nung Vladimir.

"Vladimir," masayang bati ni Mother. "Bakit niyo naisipan na dumalaw dito sa kaharian namin?"

"Ofcourse, para makita si Princess Emerald." nakangiting sabi nung Vladimir. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Matt? Bakit ba mukhang galit na galit si Matt sa mga Vladimirs na 'to?

"Very well. Emerald, this is King Van Vladimir and Prince Vincent Vladimir." sabi sa akin ni Mother. "Sila ang namumuno sa Vladimir Kingdom na malapit lang sa atin."

Nginitian ko sila.

"Ngayon, shall we proceed to the dining hall?" tanong ni Mother.

"Yes, Queen Diamond." sagot ni King Vladimir. Napatingin ako kay Prince Vincent. Nakatitig siya sa akin. He bit his lower lip and winked at me. Is he flirting with me? Ew. Babaero.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Matt sa shoulder ko.

"Aw!" bulong ko. "Kung galit ka sa mga yan, wag mong ilabas sa akin. Jusko."

Finally, binitawan niya na ang shoulder ko. Tumayo na kami sa throne namin at naglakad papunta sa dining hall. Naunang maglakad si Mother habang kausap si King Vladimir. Sumunod naman yung mga ate ko. Kasabay ko maglakad sa mahabang hallway sina Matt nang lumapit sa amin si Prince Vincent.

"Hi, princess." Nginitian niya ako. May something sa kanya na ayoko.

"Hello, Prince Vincent." bati ko. Tumingin ako sa likod ko at nakitang nakasimangot si Matt.

"Kamusta ang pagbalik dito?" tanong ni Prince Vincent.

"Maayos naman. Medyo hindi pa ako sanay." magalang kong sagot. Nakatingin ako sa harap. Nakita kong magkausap parin sina Mother at si King Vladimir. Bakit ba ang haba ng hallway na 'to?

"You really look beautiful." napatingin ako sa sinabi ni Prince Vincent. "Kamukha mo ang tatay mo."

Napaisip ako sa sinabi niya. Ano kaya itsura ng tatay ko? Sa wakas ay nakarating na kami sa malaking pinto papunta sa dining hall. Pagkabukas ng pinto ay umupo na kaagad kami sa mahabang lamesa.

Umupo sa gitna si Mother samantalang umupo naman sa kabilang gitna si King Vladimir. Umupo na rin sina Ate Amethyst at Ate Ruby sa right side ni Mother samantalang sa left side naman umupo sina Ate Jade at Ate Sapphire.

Pagkaupo ko sa tabi ni Ate Sapphire ay may umupo sa tabi ko.

"It is a privilege to seat next to Princess Emerald." sabi niya na narinig ng lahat ng nasa dining hall. Namula ako. Nakakahiya.

Nakatayo sa likod ko sina Matt at Zac. Across the table, doon naman nakatayo sina Jared at Brix. Bantay sarado parin ako.

May mga pumasok na naka-maid uniform. May mga dala silang samu't saring pagkain at nilapag ito sa lamesa. Sa sobrang dami ng pagkain ay parang fiesta. Nagsimula na kaming kumain.

"Dahil mukhang masaya naman tayong nakain, I will discuss something to you Queen Diamond." sabi ni King Vladimir. Tumingin kaming lahat sa kanya.

"What is it, Vladimir?" tanong ni Mother.

"I know na si Princess Emerald nalang ang hindi pa kinakasal at hindi pa naeengage sa mga anak mo. I am also aware na next year ay 19 na si Princess Emerald." sabi ni King Vladimir. Wait, may asawa na ung mga kapatid ko?

"Ever since ikasal ang apat mong anak sa mga makakapangyarihan na kingdom, I knew na pinapakasal mo ang mga anak mo sa worthy na tao." dugtong ni King Vladimir. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Ano ang gusto mong sabihin, Vladimir?" tanong ni Mother.

"I'm just proposing na available ang little brother ko na si Vincent para magpakasal." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni King Vladimir. "I want Vincent to marry Emerald. Kapag nagpakasal sila, madadagdagan ang army ng kaharian mo dahil mapapasaiyo ang army namin. Alam mo kung gaano kalakas ang mga katulad namin."

Ito na ba yung sinasabi nina Meredith kanina? Na wala akong choice sa taong papakasalan ko? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bumigat bigla ang nararamdaman ko.

Tahimik kaming lahat sa dining hall. Rinig ko ang mabibigat na paghinga ni Matt sa likod ko. Ramdam ko naman ang nakakalokong ngiti ni Prince Vincent sa tabi ko.

"Mattheus, Zaccharius, Brix at Jared, dalhin niyo na sa kwarto niya si Emerald. May pag-uusapan lang kaming seryoso dito." utos ni Mother.

Teka, bakit bawal ako makinig?

"Mother.. bakit?" tanong ko.

"Sumunod ka nalang muna Emerald. Mattheus, dali na."

Tumayo na ako. Bago ako umalis ay nakita ko ang nakakainis na smirk ni Prince Vincent.

Habang naglalakad kami paakyat ay inis na inis ako.

"BADTRIP!" sigaw ko.

"Nakakagulat naman 'to." natatawang sabi ni Brix.

"Ano bang problema, princess?" magalang na tanong ni Jared.

"Isa pa 'yan! Diba sabi ko wag niyo akong tawaging 'princess'? Nakakainis! Bakit nila ako pinaalis sa dining hall! Bakit ayaw nila ako isali sa usapan! Ako ang pinag-uusapan nila doon! Bakit di nila ako sinasali eh tungkol naman sa pagpapakasal ko ang pinag-uusapan. Nakakainis!" dire-diretso kong sabi. Pulang pula na yata ako sa galit.

"Ang daldal mo." naiiritang sabi ni Matt.

"Ang bilis niya magsalita." natatawang sabi ni Zac.

"NAKAKAINIS KASI! Wala ba talaga akong choice sa taong papakasalan ko? Ipapakasal nila ako sa taong hindi ko naman kilala?!"

"Una sa lahat, next year ka pa naman ipapakasal. Pangalawa, planado na ng tatay mo ang taong ipapakasal sayo kaya malamang, disente na tao ang mapapakasalan mo dahil palaging maganda ang plano ng tatay mo." seryosong sabi ni Matt. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng pinto ng kwarto ko.

Nagpaalam na sa akin sina Brix, Jared at Zac. Bawal nga pala sila pumasok sa kwarto ko. Si Matt naman ay binuksan na ang kwarto niya.

"Sumigaw ka kapag may nangyaring masama sayo o may naramdaman kang takot. Ito ang purpose kaya sa tapat ng kwarto mo ang kwarto ko. Naiintindihan mo?" maawtoridad na sabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko. Nakabukas ang mga ilaw. Naiwan palang bukas 'to kanina? Akala ko pinatay nila Meredith.

Pinatay ko ang ilaw at binuksan ang bintana. Hilig kong gawin 'to noong nasa dating bahay pako. Noong ordinaryong tao palang ako. Umupo ako sa bintana. May kakaiba sa moon ngayon. Bakit parang medyo red?

Bumilis tibok ng puso ko nang may naramdaman akong parang naglalakad sa likod ko. May tao sa loob ng kwarto ko? Natatakot ako lumingon.

Muntik na akong sumigaw nang may humawak sa waist ko at buong pwersa akong hiniga sa kama.

"Prince Vincent?!" gulat kong sabi. "Anong ginagawa mo dito?"

Nginitian lang niya ako ng nakakaloko. Nakahiga ako sa kama at nakadagan siya sa akin. Binalot ako ng takot. Lalo nang makita ko ang mga mata niya. Pulang-pula.

"Anong ginagawa mo?!"

____________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

Una Vez en Diciembre By Azul

Historical Fiction

13.7K 757 16
Dahil sa maling bahay na pinasukan, biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Seraphim. Hindi niya inaasahan na mapupunta siya sa pahanon kung saan makik...
60.6K 677 6
Magaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat a...
Soledad By Mystrielle

Historical Fiction

4.3K 190 21
Ever since she was a kid, Solea Sta. Ana was fascinated with the only surviving American era house built in early 1900s in their town. Kaya naman nan...