KIRSTEN: Half Human-Half Vamp...

By Dream_Secretly

110K 3.8K 226

She is KIRSTEN ORTEGA. A Half human-Half vampire. Buong buhay nya, Isa lang tangi nyang hinahangad yun ay ang... More

KIRSTEN: Half human-Half vampire
SIMULA
VAMPIRE 01
VAMPIRE 02
VAMPIRE 03
VAMPIRE 04
VAMPIRE 05
VAMPIRE 06
VAMPIRE 07
VAMPIRE 08
VAMPIRE 09
VAMPIRE 10-11
VAMPIRE 12
VAMPIRE 13
VAMPIRE 14
VAMPIRE 15
VAMPIRE 16
VAMPIRE 17
VAMPIRE 18
VAMPIRE 19
VAMPIRE 20
VAMPIRE 21
VAMPIRE 22
VAMPIRE 23
VAMPIRE 24
VAMPIRE 25
VAMPIRE 26
VAMPIRE 27
VAMPIRE 28
VAMPIRE 29
VAMPIRE 30
VAMPIRE 31
VAMPIRE 32
VAMPIRE 33
VAMPIRE 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
EPILOGUE
ESPESYAL NA KABANATA

CHAPTER 40

1.4K 36 0
By Dream_Secretly

Sa lahat po nakaabot rito. Maraming maraming salamat po! Wag pong kalimutang i-comment ang mga katanungang nasa inyong isipin hinggil sa kwentong ito 😂😂

N: Don't hate me po 😢 kung may mga tanong akong di nasagot, maaari niyo pong i-comment dito ng maayos. Salamat po!

NILAPITAN ko siya at mahigpit na niyakap. Pa-ulit ulit akong bumubulong ng patawad sa kaniya pero tanging iling at hikbi lamang ang tanging naging tugon niya.

"P-Parati niya nalang akong sinasaktan k-kirsten! Napapagod na ako p-pero minamahal ko pa rin siya." Hagulgol niya.

Hinagod ko ang likod niya at napatingin sa pamilyar na bultong nakatayo sa labas ng veranda. Malungkot ang mga mata nitong nakatingin sa amin habang sapo sapo ang tila naninikip na dibdib.

Darwin.....

Maya maya lang ay bigla itong tumalikod at nakayukong naglakad palayo. Gusto ko sana siyang pigilan para kausapin kaya lang ay hindi ko naman pwedeng iwan si rina. Kung kailan naman siya nakakaalala ay 'tsaka naman ito pinagtatabuyan ni darwin. Hindi ko talaga makuha ang iniisip ng pinsan kong iyon.

Nang makatulog si rina sa kakaiyak ay dahan dahan ko na itong iniwan para tuluyan nang makapag-pahinga. Balak ko sanang hanapin si darwin kaya lang naalala ko na hinihintay pala ako ni dark. Kasama kasi nito ang hukbong pamumunuan naming dalawa para sa darating na digmaan bukas.

Napapikit ako at dinasal na sana ay magtagumpay kami sa labang ito nang walang namamatay at nasasaktan.

"Handa na mahal ko..." Nakangiting mukha ni dark cane ang sumalubong sa aking ng makapasok ako sa malaking bulwagan. Nakatayo ngayon sa aming harapan ang higit sampong daang libong mandirigma na makakasama namin sa digmaan bukas. Matitikas at matatapang ang mga itong tuwid na tumayo sa aming harapan.

Ngumiti ako at binati sila. "Hangad ko ang tagumpay nating lahat sa laban. Nawa'y manatili tayong buhay at makabalik ng nakangiti sa ating mga mahal sa buhay!" Sabi ko. Nawa'y manatili tayong lahat ng buhay.

Sana ay makuha ko na rin si papa.....

"Mabuhay ang mahal na prinsesa't prinsepe!" Matikas na sigaw ng pinuno ng mga mandirigma.

"Mabuhay!" Sigaw naman pabalik ng lahat.

Nagningas ang mga mata namin at sabay na nagpakita ng pangil bilang tanda ng pagkakaisa. Mabubuhay kaming lahat.

"Magtatagumpay tayo mahal ko...." Napalingon ako kay dark cane ng kunin niya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.

Lalong nagliyab ang mga mata ko. Naniniwala akong magtatagumpay tayo, mahal ko.

MAAGA ang naging paghahanda namin kinabukasan. Ang tatlong libong daan sa aming hukbo ay matapang na nakapalibot sa buong kaharian. Ang mga natira naman ay nasa loob ng palasyo at nakahanda sa maaaring paglusob.

Kami naman ni dark kasama si kuya, auntie janice, uncle john, uncle marlon, bea, darwin at ang mahal na hari, na siyang may kakayahang muling ikulong ang hari ng dilim ay nasa pinaka-una ng hukbo. Ang iba'y kasama si mama sa loob ng palasyo at pino-proteksiyonan.

"Ihanda ang mga sandata!" Sigaw ng mahal na hari sa mga hukbong nasa aming likuran.

Ang mga pam-bomba ay maayos ng naka-helera at hinanda na para mamaya. Nilingon ko ang aking mga kasama at tinanguan. Tumango din sila sa'kin at buong tapang na pinakita ang mga sandata. Masaya ako na makasama sila sa malaking labanang ito.

"Ang aking mga kasama ay naka-kalat lamang sa paligid kirsten. Tutulungan nila tayo para sa kapayapaan." Sabi ni bea.

Ngumiti ako rito. "Maraming salamat." Ang mga kasamang vampire hunter ni bea ay naka-usap ko na bago pa man dumating ang araw na ito. Sinabi ko sa kanila na ang hangad lamang namin ay kapayapaan.

Pareho lang kami ng pinaglalaban kaya nakumbinsi ko silang makipag-tulungan sa amin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama namin ang mga taong iyon sa labanang ito. Mga bihasa sila at maalam sa pakikipaglaban sa mga bampira kaya alam kong makakaya nilang lumaban. Ang hiling ko lang ay ang kanilang kaligtasan.

Nilingon ko si dark sa aking tabi. Ngumiti ako at hinilig ang ulo sa kaniyang dibdib. Mabilis naman niya akong niyakap at hinalikan sa noo. "Natatakot ka ba?" Tanong niya.

Umiling ako. "Mas natatakot akong mawala ka..." Bulong ko.

Huminga siya ng malalim at inangat ang aking mukha para matitigan siya. "Hindi ako mawawala sa'yo. Pangako, mananatili ako sa tabi mo." Sabi niya.

Gayunpaman, hindi pa rin mawawala ang takot sa aking sistema. Pinipilit ko lamang magpakatatag para sa mga kasama. Kahit parang hindi ko kaya ay lumalaban ako para sa kapayapaan ng lahat.

"Nandito na sila!" Napahiwalay ako kay dark nang marinig ko ang sigaw ni darwin.

Tiningnan ko ang aking mga kasama na naging alerto na, bago ko hinarap ang paparating na kalaban. Kumuyom ang aking kamao ng una kong makita ang isang itim na anino. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nito ay alam kong ang....hari ng dilim iyon!

"Sandali," Humakbang si kuya ng kaunti sa harap. "Parang kay mali...." Kumunot ang noo niya sa pagtataka.

Tiningnan ko siya. "Anong ibig mong sabihin kuya?" Takang tanong ko.

Napatiim bagang siya at napakuyom rin ng kamao. "Hindi ang katawan ni papa ang sinapian niya!" Sabi nito.

Otomatik naman akong lumingong muli sa mga kalaban. Huminto na ang mga ito sa hindi kalayuan mula sa pwesto namin. At doon ko nga nakita ang sinasabi ni kuya. Napasinghap ako.

Hindi si papa ang hawak ng hari ng dilim. Isang hindi ko kilalang tao ang sinapian niya. Nasan si papa? Saan nila dinala si papa?!

"Itay!"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng biglang humagulgol si bea ng iyak. Balak pa nitong lumapit sa kalaban ngunit mabilis siyang niyakap ni uncle marlon.

"Hindi siya ang ama mo! Isa siyang halimaw!" Sabi ni uncle marlon.

"Pero....." Hilam sa luha ang mga matang tumitig si bea sa mukha ng kaniyang yumao ng ama.

Napayuko ako at naguguluhang nag-isip. Anong nangyayari? Bakit hindi si papa ang hawak niya? Bakit? Anong plano niya?

"Patay na ang ama mo bea. Huwag kang papadala sa kasinungalingan niya." Sabi ni uncle marlon sa kaniya.

Napatingin naman akong muli sa mga kalaban. Hinanap ng mga mata ko si jiro. Nang makita ko ito ay otomatikong nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Hawak niya ang papa ko!

"Mukhang pinaghandaan talaga ninyo ang aming pagdating..." Ngisi ng hari ng dilim.

Napakuyom ako ng kamao. "Hayop ka! Pakawalan mo ang papa ko!" Sigaw ko sa kaniya.

Bumaling naman siya sa'kin at napahalakhak. "Wag kang mag-alala kirsten. Ibabalik ko rin siya, ulo na nga lang." Halakhak niya.

"Kung kaya mo...." Ngumisi si kuya at tinaas ang espadang hawak bilang senyales ng pagsisimula ng laban.

Kasama ang isang libong hukbo ay mabilis kaming tumakbo papunta sa kanila. Mas marami ang mandirigma namin kaysa sa kanila, sigurado na ang panalo namin kung walang masasaktan sa aming hukbo.

"Ako na ang bahala kay jiro." Sabi ni dark. Nag-aalalang tinignan ko siya. "Huwag kang mag-alala hindi ko siya papatayin." Aniya.

Tumango ako. "Mag-iingat ka." Sabi ko.

Tumango lamang siya at tumakbo na papunta sa kinaroroonan ni jiro. Ako naman ay mabilis na nagtungo sa hari ng dilim. Ako lang ang may kakayahang tulungan ang hari na ikulong siya. Sisiguraduhin ko na hindi na siya makakawala ngayon.

"Kamahalan!" Sigaw ko nang makitang tumilapon ang hari sa di kalayuan.

Nag-alab ang mga mata ko sa galit, at mabilis na sumugod sa hari ng dilim. Pinatulis ko ang aking mga kuko at nilabas ang dalawang pangil. Sinugod ko siya at sinubukang kalmutin ngunit nakakailag siya. Inis ko siyang sinipa sa tiyan dahilan para tumilapon din siya.

Tumiim ang bagang nito sa galit. Ngumisi na lamang ako at muling sumugod sa kaniya. Tulad ng sinumpa ko, papatayin ko siya.

Itinaan ko ang kanang kamay sa ere. Unti unti namang nabuo ang espadang gawa sa apoy. Regalo ito sa'kin ng prinsesa ng mga elemento at ngayon ko masusubukan ang kapangyarihan nito.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang espada. Sa dulo nito ay mayroon ginto na kayang pumatay ng kahit na sinong bampira, kasama siya. Nakailag siya sa una kong pagsugod. Ngumisi ako. Hindi pa rin siya makakaligtas sa'kin.

"Tingin mo ba maliligtas mo ang lahat sa pag-patay mo sa'kin?!" Singhal niya. "Tingnan mo ang mga kasama mo babaeng itinakda! Lahat sila ay mamamatay dahil sa 'yo!" Sigaw niya kasabay ng malaking kulog na lalong nagpa-ingay sa nagaganap na labanan.

Tiningnan ko ang aking mga kasama. Marami nang sugatan at namatay. Unti unting nanlambot ang aking puso. Ang daming mandirigma ang hindi na makakabalik sa kanilang pamilya.

Pero....kailangan kong magpakatatag. Hindi ko pwedeng sayangin ang binuwis nilang buhay.

"Papatayin pa rin kita!" Nabalot ng galit ang puso ko. Pakiramdam ko ay nababalot ng apoy ang buong katawan. Muli kong itinaas ang aking espada at inipon ang lahat ng pwersa roon. Matalim kong binalingan ang gulantang na hari ng dilim. "Hindi na kita muling ikukulong dahil ihahatid na kita sa impyerno!" Ang mga katulad niyang halang ang kaluluwa ay dapat pinapaslang upang wala nang masaktan pang iba.

"Gawin mo na mahal ko...."

Napalingon ako kay dark nang kausapin ako nito sa isip. Tumatakbo na ito papunta sa kinaroroonan nang hari ng dilim.

"Masusunod mahal ko...."

Tumakbo na rin ako papunta sa kinaroroonan ng bampirang nagsimula sa lahat ng kaguluhan. Inihanda ko ang aking espada. Nang tumalon si dark papunta rito ay mabilis niyang hinawakan ang ulo nito atsaka sinubukan itong pilipitin. Tumango ako ng balingan niya ako, nakuha ko ang nais niyang iparating.

Mabilis akong sumugod sa kanila at walang pagdadalawang isip na ginamit ang espada upang putulin ang ulo ng hari ng dilim. Kumalat sa aking espada ang dugong galing sa tao.

Mabilis akong lumingon sa katawan niyang bumagsak sa lupa. Mula roon ay lumabas ang itim na usok. Unti unti itong nagiging hugis tao pero hindi ko na iyon hinayaang mabuo. Para masigurado ang kapayapaan ng buong mundo, kailangan na niyang mamatay ng tuluyan.

Pinaikot ko ang espadang hawak sa ere hanggang sa maipon roon ang buo kong pwersa't lakas. Delikado ang gagawin kong ito pero kailangan ko pa ring subukan.

"Kirsten!" Rinig kong tawag sa akin ni dark cane.

Patawad.

Pumikit ako. Nang maramdaman ko na ang pagkawala ng buong lakas ko ay saka ako tumingala. Nasa ere ngayon ang bilog na apoy na nagawa ko.

Nagliyab ang buong katawan ko pero wala akong init na nararamdaman. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang kontrolin ang apoy, pero isa lang ang sigurado ako. Tinutulungan ako ngayon ng prinsesa ng mga elemento.

Muli akong bumaling sa itim na elemento. Hinanda ko muna ang aking sarili bago lumapit rito at buong lakas na ibinato rito ang bolang apoy.

"Ahhhhhh....."

Yumanig ang lupa kasabay ng pagsigaw niya. Bumagsak ako at napaluhod nang manlambot ang aking mga tuhod. Hingal kong pinagmasdan ang unti unti niyang paglalaho.

Sa wakas....tapos na.

"Kirsten!" Mabilis akong dinaluhan ni dark at binuhat. "Ayos ka lang ba, mahal ko?" Alalang tanong niya.

Nanghihinang tumango ako. "Dadalhin kita sa manggagamot." Aniya atsaka ako hinalikan sa noo.

Umiling ako at hinanap ng aking mga mata ang aming mga kasama. "Dalhin mo ako sa mga kasama natin. Gusto ko silang makita." Gusto kong masigurado kung ligtas ba sila.

Dinala niya ako sa aming mga kasama kung saan nakapalibot ang mga ito sa katawan ng ama ni bea. Malungkot ko silang tiningnan. Puros mga sugatan sila at nanghihina na rin.

"Ama!"

Napatingin ako kay bea nang daluhan nito ang katawan ng matagal nang yumaong ama. Naaawa at nagui-guilty ako sa nangyari sa kaniya, hindi ko gustong lapastanganin ang katawan ng kaniyang ama ngunit iyon lang ang paraan upang matalo namin ang hari ng dilim.

Kahit paano ay nakahinga na ako ng maluwag. Kung buhay nga lang sana ang ama niya tulad ni papa ay maaari ko pa siyang iligtas dahil may kaluluwa pa rin siya, pero matagal nang patay ang papa niya at wala akong magagawa kundi ang palayain ang pisikal nitong katawan.

"Bakit pati ang ama ko, kailangang madamay?" Hinagpis ni bea.

Yumuko na lamang ako at umiling. Hindi ko kasi alam ang isasagot. Kahit ako ay hindi alam kung bakit hindi na ang katawan ni papa ang gamit ng hari ng dilim. Bakit mas pinili nito ang katawan ng yumao nang tao?

"Kailangan mo nang magpagamot...." Bulong ni dark.

Mahina naman akong tumango at siniksik ang sarili sa kaniya. Tapos na pero ang bigat pa rin ng loob ko para sa mga naulila. Lumaban sila para sa kapayapaan at hindi ko alam kung nararapat ba silang mamamatay.

Sana lang ay maging maayos na ang lahat mula ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
10.9M 320K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...
13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
1.9M 151K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...