A Beautiful DISASTER (Publish...

بواسطة skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... المزيد

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

45. Accident

24.2K 570 72
بواسطة skycharm24

Nakangiting anak ang bumungad sa kanya ng puntahan niya ito sa kwarto nito.

" Good morning Sunshine, ang sarap naman ng ngiti ng anak ko." nilapitan niya ito.

" Good morning Daddy. I loveyou." naglalambing na yumakap ito sa kanya. Natuwa siyang pagmasdan ang mukha nito at hindi niya maiwasang maalala ang mukha ng ina nito kapag ganitong bagong gising.

" Malungkot parin ba ang baby ko?" kagabi lang ay umiiyak ito.

" Sorry Daddy, I miss Mommy." mas humigpit ang yakap nito sa kanya. Nakakaramdam siya ng selos sa attachment nito sa ina. Gusto niyang makasama si Maui ng hindi nito iniisip si Chloe.

" Let's go down and eat breakfast? Inaantay kana ni Kylie anak." pagiiba niya ng usapan. Maliksi naman itong kumapit sa leeg niya at nagpabuhat.

" Good morning Maui.." bati ng naguumpisang ng kumain na si Kylie.

" Good morning Kylie. MommyLa and Tita Olivia." masiglang sagot ng anak niya.

" Ako na ang magpapakain sa kanya, kumain kana para maaga kayong makaalis." nilagyan ni Olivia ng pagkain ang anak niya, inaasikaso din nito si Kylie.

" Thank you Tita Olivia." nakangiting pasalamat ni Maui kay Olivia. Hinalikan naman ito ni Olivia sa pisngi matapos subuan.

" Isama mo si Yaya Luce, para hindi ka mahirapan sa dalawa, susunod naman agad ako sa inyo. Kailangan ko lang puntahan iyong caterer sa kasal." si Olivia.

" Huwag, na kaya ko na silang dalawa. Isa pa susunod ka naman sa amin." dalawang maliliit na bata lang naman ang babantayan niya.

" Ikaw ang bahala. Basta ingatan mo sila." mabilis nilang tinapos ang pagkain. Excited na rin ang mga bulilit.

Si Olivia na ang naghanda ng mga gamit ng dalawang bata, mag oovernight sila sa Isabelle Royal, alam niyang sa mga Rosales ang Resort. Pero bago ito at maganda ang swimming pool nila lalo na para sa mga bata. Naipasyal na niya doon si Kylie.

" Suot na ng dalawa ang swimsuit nila, alisin mo nalang ang mga damit nila mamaya. Huwag mong hayaang magbabad sila ng matagal sa tubig, baka sipunin ang mga yan." andami pang bilin ni Olivia at malapit na siyang mainis.

" Tsk! Para namang hindi kami nag swimming dati ni Kylie." reklamo niya dito.

" Zaide dalawang bata ang kasama mo hindi isa, umayos ka! Kung isama mo nalang kaya ang Yaya ni Kylie para mapanatag ang loob ko." sinimangutan niya ito.

" Aalis na kami." paalam niya dito. Naipasok na niya ang mga gamit nila sa sasakyan maging ang inflatable na laruan ng dalawa.

" Babye Mommy! " paalam ni Kylie sa ina.

" Bye Tita Olivia." nagpaalam din si Maui sa kanya.

" Zaide, ang mga bata." pahabol pa nito.

Tinulungan sila ng staff ng resort na ipasok sa kwarto ang mga gamit pagdating nila. Malaking kwarto ang kinuha niya para sa kanilang apat. Agad naman siyang kinulit ng dalawa para magswimming.

Gaya ng bilin ni Olivia ay inalis nalang niya ang mga damit sa taas ng swimsuit ng mga ito. Saka niya pinahiran ng sunblock ang dalawa. Mabilis din siyang nagbihis. Bitbit ang laruan ng mga ito ay nagpunta sila ng malawak na pool ng Isabelle Royal.

" Yehey! Ang saya dito Papa, mas masaya lalo kasi kasama natin si Maui." isinawsaw na nito ang mga paa sa pool.

" Be careful Princess." babala niya kay Kylie.

Gumaya naman si Maui dito. " Hurry Daddy, let's go swim." pagmamadali sa kanya ng anak.

" Okay, okay Babies." sinuotan niya ang mga ito ng salbabida at dinala sa pool. Nagstay sila saglit sa pool na pang adult.

Sinabuyan niya ang mga ito ng tubig. Maging si Maui ay gumanti.

" Papa No, don't wet my face." sabay takip ni Kylie sa mukha nito.

" Princess ayan kana naman, saan ka ba nakakita ng nagsuswimming na hindi nabasa ang mukha?" natatawa pati si Maui dito.

Nilipat na niya ang mga ito sa pool na pang bata at hinayaang maglaro.

" Bawal sa malalim, okay." bilin niya sa mga ito. Sa bandang dulo kasi ay para sa mas may edad sa mga ito. Tiwala naman siya dahil nakasuot sa mga ito ng floating life vest.

Nilibot niya ng tingin ang lugar. RGC did a great job sa Isabelle Royal. Napakaganda maging ang landscape sa paligid.

" Papa we're hungry." hindi niya namalayan nakalapit na sa kanya ang mga bata.

" So my babies are hungry?" sabay na tumango ang mga ito.

" Let's go to the restaurant then." sinuotan niya ng robe ang mga ito para hindi lamigin.

Saktong pag upo nila ng tumawag ang Tito Tristan niya. Tinawag niya ang waiter para kunin ang order ng mga bata.

" Please paki assist nalang sila. I need to take this call." bilin niya sa waitress.

" Hello Tito, napatawag po kayo?" weekend naman kaya alam niyang hindi tungkol sa kompanya ang itinawag nito.

" Chase told me, you have a daughter. Naekwento daw sa kanya ni Jarred. Kailan mo balak ipakilala sa amin ang apo ko? " kelan pa naging tsismoso ang kaibigan at pinsan niya?

" I'm planning to bring her sa death anniversary ni Dad, para makilala din siya nila Grandma at Grandpa. " darating ang mga kamag anak nila at gusto niyang makilala ng mga ito si Maui.

" Siguradong matutuwa ang Mama at Papa' Zaide dahil makikilala nila ang apo nila sa tuhod. Excited na akong makita ang anak mo. " nagpaalam narin ang Tito niya. Babalik na sana siya sa mga bata ng matanaw niya na naroon na si Olivia. Tinawagan nalang niya si Jarred.

" Kelan kapa naging tsismoso Atty. Jarred Villamar? Inunahan mo pa ako sa pagbabalita kina Chase." sermon niya sa kaibigan.

" Pare, alam mo namang ang mga balitang ganyan ay dapat ipagyabang! Sa tropa ikaw palang ang may anak at take note malaki na. " natawa nalang din siya sa kaibigan. Wala pa yatang balak mag asawa ang mga kaibigan niya.

Nagpaalam na siya dito at bumalik kina Olivia at mga bata.

" Mukhang nagutom ang mga Prinsesa ko ah. Anong inorder n'yong food?" halos ubos na ng mga ito ang pagkain sa plato. Pinupunasan naman ni Olivia ang mukha ng dalawa.

" I ordered pasta Papa pareho kami ni Maui, yong kinain natin last time dito." nasarapan nga ito doon noong una silang pumunta kamakailan.

" Kylie let's go play with them." tinuro ng anak niya ang ilang batang naroon sa may gilid ng pool.

" I want to eat Ice cream pa, Maui. Ikaw?" matakaw talaga ang prinsesa niya.

" No, I'm full. " saka ito naglakad papunta sa ibang bata pero hindi pa ito nakakalayo ay bumalik ito at yumakap sa kanya.

Natatawang niyakap niya din ito. Likas na malambing ang anak niya.
" Malambing ang anak mo, halatang hindi nagmana sayo." komento ni Olivia.

" Malambing kaya ako, come here, I'll
hug you." pero inikutan lang siya nito ng mata.

Bumulong dito si Kylie. " Gusto niya daw magbanyo, paano kasi ang takaw, sinimot ba naman ang pasta, pati ang kay Maui siya na ang umubos. Tapos inaantay pa yong order niyang ice cream." iling iling na inakay nito ang anak papuntang banyo.

Nakaramdam din siya ng uhaw kaya tumayo siya para lumapit sa Bar, nilingon niya muna ang anak na nakikipaglaro parin sa dalawang batang naroon.

Nag order siya ng mango shake. Saka naman may isang mestisang babae na lumapit sa kanya. She's wearing a revealing two piece swimsuit. Maganda naman ang katawan nito.

" Hi..," bati nito.

" Hello, mango shake?" alok niya dito.

" Thanks, can I take a sip?" she's obviously flirting with him. Ngumiti siya dito.

" One mango shake for the lady." Baling niya sa waiter na naroon. " I'm Zaide." pakilala niya dito.

" I'm Tanya..," bumagay dito ang pangalan niya. Nagulat siya ng hingin nito ang number niya. Pero ganon naman na siguro ang mga babaeng millennial.

" Papa! Papa!" tumatakbong lumapit sa kanya si Kylie.

" May anak ka na?" kita niya ang disappointment sa mukha ni Tanya.

" Papa! Waaahhh!" umiiyak si Kylie. Kaya hinarap niya ito sa halip na sagitin ang tanong ni Tanya.

" What's wrong Princess?" hinila siya nito.

" Si Maui, si Maui! Waaahhh!" agad siyang kinabahan ng makitang may nagkukompulang mga tao sa gilid ng pool. Binuhat niya si Kylie at tumakbo papunta doon.

" Kawawa naman ang bata, nalunod. Pinabayaan lang ng magulang." Iyon ang narinig niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Her daughter was lying on the ground  at binibigyan ng CPR ng staff ng resort basi sa uniform nito.

" Somebody call an ambulance please! Common' Baby wake up! " sigaw ni Olivia na nasa gilid ni Maui.

" What happened!?" nanginginig na lumapit siya sa mga ito. Binigay niya kay Olivia si Kylie.

" Where the hell are you?! " sigaw sa kanya ni Olivia. Lalong umiyak si Kylie.

Umubo naman ang anak niya ng ilang beses, may niluwa itong tubig.

" Sir, kailangan na siyang madala sa Hospital. Mahina ang pulso niya at nahihirapan siyang ilabas ang tubig na nainom niya." agad niyang binuhat ang anak at dinala palabas ng resort. Sakto namang may paparating na ambulansiya.

May iniaabot na towel sa kanya si Olivia. Tinakip niya iyon kay Maui.
" Susunod kami ni Kylie."

Mabilis  namang umusad ang abulansiya ng makasakay na sila.
" Anak, hold on. " nilagyan ito ng oxygen ng taong naroon.

Hindi pa siya nakaramdam ng grabeng takot buong buhay niya. Halos murahin niya ang mga kotseng ayaw magbigay daan sa kalye.

Agad namang inasikaso ang anak niya pagdating nila ng Hospital. Napansin niya na may malalaking pantal sa katawan ang anak.

" Sir, hanggang dito nalang po kayo." pigil sa kanya ng Nurse ng akmang susunod siya ng Emergency Room.

Sinuntok niya ang pader sa galit sa sarili. How could he forget about Maui, nakipaglandian siya kay Tanya at kinalimutan ang anak.

" Kamusta na siya." naroon na si Olivia at buhat ang anak. Inabutan siya nito ng Tshirt. Ni hindi niya napansin na wala pala siyang pang itaas.

" Wala pang lumalabas galing sa loob ng ER.." sagot niya dito habang sinusuot ang damit.

" Anak, anong nangyari?" humahangos na dumating ang Mommy niya. " Paanong nalunod ang apo ko? Diba magkakasama kayo?"

" Bakit hindi mo sagutin si Mommy? At ihanda mo din ang isasagot mo kay Chloe." binigay nito si Kylie sa Yaya nito na naroon din at binilinan na iuwi na sa bahay.

" Nagpabaya ako Ma." sagot niya sa Mommy niya.

" Saglit lang kami umalis ni Kylie para magbanyo Ma. Pagbalik ko naabutan ko na may pinagkakaguluhan sa pool. Hinanap ko agad si Zaide, nakita ko na naroon siya sa Bar at nakikipagtawanan sa kung sinong babae. Nakita ko nalang na inaahon si Maui ng staff ng resort galing sa pool at wala ng malay." umiiyak na paliwanag ni Olivia. Niyakap ito ng Mommy niya.

Nabaling ang atensiyon nila sa umiiyak na bagong dating, si Chloe.

" Anong nangyari sa anak ko? Nasan na si Maui?" nakaramdam siya ng galit sa sarili sa nakikita dito.

" Zaide, anong nangyari? Paanong nalunod ang anak ko?" pinagsusuntok nito ang dibdib niya. Lumapit naman sa kanila si Olivia at niyakap ito.

" I'm sorry Chloe. I'm sorry." si Olivia na pinapakalma ito.

Saka naman lumabas ang Doktor. Agad silang lumapit dito. " Dok kamusta ang anak ko?" siya ang unang nagtanong dito.

" Nailabas na namin sa katawan ng bata ang tubig na nainom niya.  The patients should receive 100% oxygen and should be monitored closely via pulse oximetry, blood gas analysis, or both. But we need to know kung ano ang cause ng allergy niya,  she has allergic symptoms, red spots all over her body, swelling of the mouth and throat that leaves her with difficulty of breathing." nakita niya rin ang ang mga malalaking pantal nito kanina.

" Dok, may allergy ho ang anak ko sa Shellfish." sagot ni Chloe.

" That explains her allergic symptoms, maaring may nakain siya. Shellfish allergies can cause a severe reaction called anaphylaxis. Anaphylaxis can begin with some of the same symptoms as a less severe reaction, but then can quickly worsen, leading someone to have trouble breathing or to pass out. If it is not treated, anaphylaxis can be life-threatening. Mabuti nalang at nagdala n'yo agad siya dito, you could have lost her. " bumalik na ang Doktor sa loob ng ER.

" Zaide naman, sinabi ko sayo ang tungkol sa allergies niya. Paanong may nakain siyang shellfish?" lumuluhang tanong sa kanya ni Chloe.

" It's the seafood pasta. Yon ang kinain nila ni Kylie. Naabutan ko sila na kumakain non." sagot naman ni Olivia.

" It's my fault, hinayaan ko sila kanina na omorder ng pagkain dahil tumawag si Tito Tristan. It's my fucking fault kaya nandyan sa loob ang anak ko." muli niyang sinuntok ang pader. Wala siyang pakialam kung dumudugo ang kamay niya, he almost killed her daughter.

Pinigilan siya ng Mommy niya. " Anak huwag mong sisihin ang sarili mo. Aksidente ang nangyari."

" No Ma! It's my fault, nagpabaya ako."   nanghihina na naupo siya sa sahig.

Lumabas na muli ang Doktor at sinabihan silang ililipat na ang anak ng kwarto. Under observation parin ito dahil sa allergies at kailangan palitan ang oxygen na nawala sa katawan nito.

Umalis siya ng Hospital, pinipigilan siya ni Olivia at ng Mommy niya para magamot ang kamay niyang dumudugo pero hindi niya alam kung kaya niyang makita ang anak pagkatapos ng kapabayaan niya.




Itutuloy...



Salamat sa reads guys. Please be patient. Malalaman n'yo rin ang tungkol kay Zaide at Olivia pati narin kay Kylie..😉

Salamat sa mga nakabili at bibili ng Instant Mommy Ako..mwuaahhh..😘

Instant Mommy Ako?  (Taglish, P195) Available in stores nationwide and online via Buqo.
#IMA #PopFiction

SKYCHARM24

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

Playboy's Girl بواسطة #007FFF

قصص المراهقين

3.4M 39.4K 45
(Informally written and not yet edited.) Book Zero/Prequel of Playboy's Baby. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟯 - 𝟮𝟬𝟭𝟰 •
2.1K 97 13
Zhaniah Del Franco was suffering on a serious disease. She has only one-year or shorter span of living. She met the band Which Option including the b...
100K 1.6K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
5.9M 171K 110
"I'll break you, Spring. I'll fucking break you. Mark my words." *** Spring Cruz is your typical A plus student. There's nothing special about her. S...