My Stalker, My Slave [COMPLET...

By NoToWinter

32.8K 732 28

Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte... More

My Stalker, My Slave
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
EPILOGUE

Chapter 3

1K 28 1
By NoToWinter

Chapter 3

Para akong zombie na naglalakad sa kahabaan ng hallway. Kakaunti pa lang naman ang estudyante dahil napaka aga pa. Sa katunayan wala pa sa limang oras ang naging tulog ko kaya naisipan ko na lang na mag prepare na sa school at dumiretso na rito.

Para pasan ko ang mundo dahil sa mukha ko ngayon. Para kasing sirang plaka 'yong mga sinabi sa'kin ni Drew kagabi na patuloy na nag rereplay sa utak ko.

Dinaig ko pa ang broken hearted nito kahit wala namang kami. I think he doesn't remember me. Hindi man lang niya kinilala ang mukhang 'to!

Hindi rin naman nagtagal at dumating si Bella na mukhang good mood ngayon dahil malaki ang ngiti niya pero biglang napasimangot ang mukha nito ng makita ang itsura ko. Hindi ko siya masisisi kong bigyan niya ako ng ganya'ng tingin. Hayst.

"What the—an'yare sa face mo? Para kang living zombie! Nagsuklay ka na ba? Bakit ganito yung buhok mo?" Puna nya ng makalapit siya sakin at talagang may pahawak hawak pa siya sa buhok ko na parang hinangin ng eroplano sa sobrang gulo.

"Hindi ka na nasanay! Ganito naman talaga ang buhok ko." Nakasimangot na sabi ko at nangalumbaba sa arm chair.

"Oh? Anong nangyari sa pag stalk mo sa lalaking 'yon kahapon?" Mas lalo akong napasimangot. Naalala ko na naman ang hindi maganda sa pandinig ko na sinabi nito sa'kin. Inayos ko muna ang glasses ko dahil malapit nang mahulog sa ilong ko.

Dahil maaga pa naman at wala pang masyadong tao kinuwento ko kay Bella ang nangyari mula sa simula hanggang dulo.

"What? Tinawag ka talaga niya ng Creepy Ugly Stalker? Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'yon para sabihin niya sa'yo yun! Akala mo kung sinong gwapo! Ang sama naman ng ugali! Ang sarap ibabad sa harina at gawing bola bola! Dalhin mo ko sa kanya now na! Nang matikman nya ang bagsik ng kamao ko," dito talaga ako natatakot kay Bella. Sa ratatat ng ratatat na panenermon niya! Dinaig pa si Mommy but still Im so lucky have her in my life.

Endangered na kasi ang mga tunay na kaibigan. 'Yung sasabihin ka kung may dumi ba sa mukha mo with matching tawa, yung pagsasabihan ka kapag mali yung ginagawa mo, papayuhan ka sa problema at ang mahalaga yung hindi plastic. Nangaganib na ang bilang ng mga loyal at true friends kaya I'm so lucky na kasama ko ngayon ang isa sa mga endangered human friend, si Bella.

"Hayaan mo na lang Bella, ayoko ng atensyon at gulo. Promise, titigil na ako sa ginagawa ko," I gave her an assuring smile but she just rolled her eyes.

"Naku, Aaliyah. Kabisado ko na 'yang nga linyaha mo. Matagal mo nang sinabi sa'kin na titigil ka na, pero ginawa mo ba?" sermon ulit nito. Ngumiti ako ng mapait.

"Hindi madaling itigil ang dating nakagawian na, Bella. Pero promise talaga, ngayon hihinto na ako. Na realize ko kasi na masyado akong naging agresibo sa kanya. Dapat dalagang pilipina lang ang galawan ko saka kung kami talaga ang nakatadhana, kahit maraming dumating na pagsubok, babalik at babalik pa rin kami sa piling ng isa't isa," nanlalaki ang mata ni Bella habang mahinang pumapalakpak.

"Wow! Coming from you! Gosh, sinaniban ka ba ng kung anumang espiritu? Waaah ibalik niyo ang totoong Aaliyah—" napatigil ito sa sinasabi ng mahina ko itong binatukan sa ulo. Nakasimangot ito habang hinahaplos ang ulo niya.

"Ang sama na nga ng mukha mo, ang sama pa ng ugali mo," natawa ako sa sinabi nito.

"Anong sabi mo?!" kunyari ay nagagalit kong tanong. Tumakbo agad siya papalayo sa'kin na agad kong hinabol. Para kaming mga bata habang naghahabulan, natigil lang ng hingalin na kaming pareho.

"Maiba nga ako, ano itong buhok na 'to nagsuklay ka ba?" Magkasalubong ang kilay niya habang sinusuklay ng kamay nya ang buhok ko.

Tumango ako bilang sagot.

"Nagsuklay ka pa talaga sa lagay na 'to huh! Ilang suklay na ba ang nabali nitong buhok mo?" Napasimangot ako sa panunuya niya! Kailangan pa ba talagang tanungin 'yon?

Hindi ko siya sinagot.

Napahikab ako, ngayon lang yata ako dinalaw ng antok, "gisingin mo ko pag may teacher na sa harap, Bella," unti unti nang bumigat ang talukap ng mata ko kaya hindi ko na narinig ang sagot nito. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*****

"Wahahahaha! Tulog mantika si nerdy!"
"Oh my gosh! Tulo laway!"
"Hahahaha eww."

Nagising ako sa mga tawanan, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon dahil nakatulog ako kahit papaano.

Nag inat ako at humikab habang pikit pa rin ang mata, saka lang ako tuluyang napadilat ng maramdaman 'kong may tinamaan ang kamao ko nang iunat ko ito.

Nanlalaki ang mata ko ng makita ang Teacher namin sa English na nakaupo sa sahig habang nakahawak sa kanyang panga! Kaya Mas lalong lumakas ang tawanan sa silid. Natutop ko naman ang bibig ko at dali dali kong tinulungan makabangon si Sir Almire. Ang panot at terror naming Teacher, lagot!

Nang humupa na ang tawanan saka lang nagsalita si Sir Almire "Ms. Perez?" Nagtaka ako ng marining ang mahinahon nyang boses at mukang... nagtitimpi?

"GO TO THE DETENTION OFFICE, NOW!" Napaatras pa ako ng marinig ang galit na galit na boses nito. Patay!

Dahil sa kasalanan ko'ng iyon heto ako ngayon! Maglilinis ng Cr sa gymnasium at ito pa ang maganda! Maglilinis ako for the whole tiring week!

Marunong naman ako maglinis hindi ko na pinoproblema yun, the biggest problem here is... Male Comfort room at Female comfort room ang lilinisan ko! For pete sake hindi sa nag iinarte ako, pwede naman kasing magbunot ng lang ako ng damo sa gilid gilid.

Baka kung anong pa ang makita ko sa cr ng mga boys 'no! Syempre babae ako, dapat lalaki ang naglilinis sa Cr ng mga iyon, hindi ako!

Kahit kinakabahan ay pumayag pa rin ako sa gusto nilang parusa at dahil isa ako sa butihing estudyante sa University na ito ay gagawin ko ang punishment na naka atang sa akin nang walang pag pag-aalinlangan. Jusmiyo marimar!

Unang araw ko sa paglilinis kaya pinagbutihan ko ang ginagawa ko. Tapos na akong linisin ang sa Female Cr kaya ngayon ay sa Male Cr naman ako.

Naglilinis na ako ngayon ng lababo, huling trabaho na ito at makakuwi na ako sa wakas!

Itinaas ko ang buhok ko saka ito itinali. Sa sobrang init ay ramdam ko na ang tagaktak ng pawis sa noo ko. Buti na lang at nakadala ako ng ipit, hindi na sagabal sa pagtutuos namin ng lababo.

Tinanggal ko rin muna ang suot kong glasses at nag punas ng mukha. Wala namang tao maliban sa 'kin kaya ayos lang na mag tanggal ng salamin.

Ang totoo niyan, malabo na talaga ang mata ko. Hindi naman malabo na hindi na ako nakakakita, blured lang ng kaunti kaya gumagamit ako ng glasses para luminaw.

Kinuha ko ulit ang glasses ko pero kinabahan ako ng wala akong nakapa sa sink kung saan ko ito pinatong. Nilakihan ko ang mata ko para makita ng maayos pero waoa talaga roon ang hinahanap ko. Kinabahan tuloy ako.

Kinapa ko ang ilalim ng sink baka nahulog ko lang. Pero wala akong nakapa ni isa.

Tinignan ko sa bag, baka nakalimutan ko lang pero imposible naman iyon. Hindi pa naman ako matanda para makalimot. Nahalungkat ko na ang bag ko pero wala parin akong nakapa.

"Are you looking for this?" Napaigtad ako ng may narinig ako'ng nagsalita sa likuran. It's a familiar baritone voice and If I'm not mistaken...

"A-andrew?" babe

Hindi ko mapigilang mautal ng makita ko sya ngayon sa harapan ko. Habang pinapaikot sa kanyang daliri ang eyeglass ko! Paano niya nakuha 'yon? Bakit hindi ko man lang siya napansing lumapit sa'kin kanina?

"G-give it b-back Andrew!" Nauutal na sabi ko. Natatakot ako na baka hindi nya ibalik ang eyeglass ko! Hindi ko maaninag ang itsura niya dahil malayo layo sya sa kinatatayuan ko.
Nakasandig siya sa pintuan.

"Why would I?" I realized one thing... he's playing with me.

"D-dahil sa akin yan!" Matatag na sabi ko. Kahit napakalakas ng kalampag ng puso ko para akong nagkakarera sa lagay ngayon. This is the third time na kinausap niya ako! Kaya kahit na medyo kinakabahan ako ngayon ay may kaunti pa ring saya ang lumukob sa'kin.

"Oh, really?" nakaismid na tanong niya.

Nilagay nya ang kamay sa ilalim ng baba na parang nag-iisip, hindi pa rin nawawala ang nakaismid niyang labi.

"Please, give that back to me." Mahinang sabi ko at napayuko nilalaro ko ang daliri sa kamay dahil sa niyerbos. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mata dahil sa nahihiya pa rin ako. Hindi man lang ako nakapag-ayos ngayon.

Hindi ako makapaniwala na ang dating pinagmamasdan ko lang sa malayo ngayon ay nasa harapan ko na, kahit nang iinis siya ay ayos lang at least napansin niya na ako at kinakakausap.

"Hm okay. Ibibigay ko 'to sa'yo... in one condition." Nakangisi niyang tugon at mukhang nasisiyahan pa sa iniisip niya ngayon. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Madali lang naman." Naghintay siya sa sasabihin ko pero hindi pa rin ako nagsasalita.

"Fine. Hindi ka naman siguro interesado e, I'm going. Regalo mo na sa'kin to ah!" Natatawang sabi nya habang pinaiikot ang glasses ko sa daliri nya, hahakbang pa sana sya patalikod pero agad ko syang pinigilan.

"A-ano yun?" Nauutal kong tanong. Habang nanginginig na ang kamay at tuhod ko sa niyerbos. Sana madali lang ang ipagawa niya.

Nawindang agad ako sa sunod na lumabas sa bibig niya.
"Be my slave," Mariin na pagkakasabi nya at talagang taas noo pa siyang nagsasalita. Nakangisi ito ngayon at kompyansa na mapapapayag ako.

"What did you say? Slave? As in mutchacha? Yaya? Katulong?" namamalikmata lang ba ako ng makita ko ang pagkamagha sa itsura niya?

Napakurapkurap ako. Hindi pa rin nag si-sink in sa'kin ang sinabi niya.

Iyon ba ang kondisyon niya sa'kin? Bakit? Wala na ba silang katulong at nangangailangan na siya? Bumagsak ba ang kompanya nila kaya wala na silang pang sweldo? Bakit be my slave? Instead of be my girlfriend?

"Bakit ako?" naguguluhan kong tanong.

"It will be convenient to you, right? Ayaw mo bang makapunta sa condo ng kinahuhumalingan mo?" tila nang-aasar pa nitong saad.

Napaisip ako. Maganda ngang ideya 'yon, pero siguradong dead ako sa dalawang kuya ko at kay Daddy!

Napasandal ako sa sink nang mapansin kong papalapit na ng papalapit sakin si Andrew. Anong ginagawa niya? Napangisi siya lalo at mukhang tuwang tuwa habang pinapanood ang reaction ko.

Halos hindi na ko humihinga ng lumapit ang labi niya sa tenga ko. "Magkita tayo sa parking lot." Nakangising sabi niya.

Saka lang ako nakahinga ng ilayo na niya ang labi niya sa tenga ko pero hindi pa rin niya nilalayo ang mukha nya sa mukha ko kaya ilang inches lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa.

"Be ready." Dugtong pa nya sabay kagat sa kanyang labi na para bang nang-aakit. Uminit agad ang pisngi ko sa ginawa niyang 'yon hindi ko itatangi na sobrang hot niya nang ginawa niya 'yon. Pati tuloy ako ay wala sa sariling napakagat labi rin.

Hirap na hirap akong napalunok sa laway ng tuluyan ng nakaalis si Andrew, ilang minuto pa akong nakatulala at gulat na gulat sa nangyari. Panaginip ba 'yon? O nahihibang na ako?

Bigla kong naalala ang eyeglass ko, hindi ko iyon suot kaya siguradong totoo nga ang nangyari iyon. Lalabas na sana ako para sundan si Andrew nang mapansin ko na nakasabit na pala ito sa kuwelyo ng uniform ko. .

Pa-paanong nasabit 'to dito? Hindi kaya nung lumapit s'ya kanina? Bakit hindi ko man lang napansin?

*****

hindi naman ako nagtagal sa male Cr dahil talagang binilisan ko ang paglilinis. Ayoko kasing paghintayin sa Andrew babe ko kaya nagmadali talaga ako.

Half-running na talaga ang ginawa ko para lang maka punta agad sa parking lot. Nag-text sakin kanina si Bella at ang sabi nya hindi daw kami makakasabay ng uwi dahil may family dinner sila.

Nang makarating ako sa parking lot. natanaw ko agad si Andrew na may kahalikan... KAHALIKAN?! What the–

Continue Reading

You'll Also Like

468K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
155K 3.5K 35
Tyra Yuri Velasco, isang simpleng babae na nangangarap na makapasok sa Wilstone Academy. Isang paaralan kung saan lahat ng nag aaral ay mayayaman at...
7.7K 1.3K 48
Dazen Grace Vela a famous student of Vela Royale University that currently Grade 12 Studying the ABM strand. She live her life to the fullest and eve...
16.4K 175 46
Isang babaeng nag hangad ng pagibig mula sa pamilya Nita ngunit hangang saan Niya kakayanin Ang NG yayari sa buhay Nita Subay bayan Ang story NG kany...