Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLI...

By DyslexicParanoia

3.7M 64.4K 5.7K

Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo... More

Ang Pag-ibig ng Aswang [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
Ang Pag-ibig ng Aswang Part 2
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 33

71.1K 1.3K 110
By DyslexicParanoia

Jason's P.O.V.

Natulala kaming lahat nang ipakilala na sa amin ni Helga ang kanyang inang si Mama Marietta. Bagama't iba na nga ang kanyang itsura ay hindi maipagkakailang kamukhang-kamukha nga talaga niya si Helga. Para silang kambal at tila magka-edad lang.

"Kamusta ang biyahe ninyo?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Ahh...ehh..." pagsingit ni Mitch. "Medyo nahihilo pa po kami kasi first time po naming makasakay sa helicopter," dagdag niya habang kakamot-kamot.

'Yun kasi ang sinakyan namin,para makarating sa mala-palasyong tirahan ng misteryosang biyenan ko.

"Ah..." sabat naman ni Benj. "Saan po ba ito? Nasaan po ba kami?"

Ang totoo ay hindi talaga namin alam kung saan na kami napadpad mula sa Ilocos. Isa lang ang nasisiguro ko. Nasa isang malaparaisong isla kami na napapalibutan ng malawak na karagatan.

"Mas makabubuting hindi na ninyo malaman," sagot ni Mama Marietta kay Benj. "Huwag kayong mag-aala, makakauwi kayo at makakapunta kung saan man ninyo gustong tumungo." Tumingin ulit siya sa akin. "Sa ngayon ay gusto kong ipagdiwang natin ang pag-iisang dibdib ng aking anak at ng mapalad na lalaking ito."

"Mapalad nga ba siya, Mama?" malungkot na tanong ni Helga. "Eh samantalang simula nang maging kami, puro problema at ka-aswangan na ang napala niya."

"Helga, ano ka ba?" bulong ko kay Helga habang hawak ko nang mahigpit ang kanyang kaliwang kamay. Nakaupo kasi siya sa kanan ko habang nasa salas kami ng grandiyosong bahay ng biyenan ko.

"Eh totoo naman eh," malakas na sambit niya sabay sulyap at irap sa akin. "Simula nang dumating ako sa buhay mo, puro kamalasan na ang inabot mo at ng pamilya mo."

"Helga...ganun na ang kalagayan ng aming pamilya bago ka pa man dumating sa buhay ko," bulong ko. "Ikaw pa nga ang nagsasalba sa amin, 'di ba? Kaya tama ang Mama mo, mapalad ako. Wala nang mas susuwerte pa sa akin dahil ako ang pinili mo." Napasulyap ako kay Mama Marietta at natanaw kong napangiti siya.

"Dito na kayo magpulot-gata," sabi ni Mama Marietta kay Helga. "Ipinahanda ko na ang silid ninyo at ng inyong mga kaibigan. Tamasahin niyo itong buong isla. Huwag kayong mag-alala, ibinilin ko na kayo sa mga tauhan at katiwala ko. Kung may kailangan kayo, sabihan niyo na lamang sila." Tiningnan niya kaming lahat at... "Ariin ninyong inyo itong lugar. Magkita na lamang tayong muli bukas." Mukhang aalis na siya.

"Pero Mama, saan po kayo pupunta?"

"May mahalaga lamang akong aasikasuhin, anak." Sumulyap ulit siya sa akin. "Pagbutihin ninyong mabigyan agad ako ng apo." Ngumiti siya nang bahagya. "Siya lang ang pag-asa natin laban sa ating mga kaaway." Kapansin-pansin na siguradong-sigurado siya sa kanyang sinasabi. Kami naman ni Helga ay nagkatinginan na lamang.

"Ah...eh...Tita..." sambit ni Benj. Nilingon naman siya ni Mama Marietta. "Paano po kung kakailanganin na naming umuwi?!" Tinapik siya ni Mitch sa braso na parang ayaw nito sa pinagsasasabi ng binata. "Nagtatanong lang naman ako just in case of emergency," pabulong na sagot ni Benje kay Mitch.

"Like what?!" pabulong na singhal sa kanya ni Mitch. "Ang ganda-ganda dito tapos pauwi agad ang iniisip mo!? Kung pwede nga lang dito na lang ako tumira..." sabay sulyap nito sa bintana kung saan natatanaw ang karagatan. "Eh, Tita Marietta..." sabay ngisi nito kay Mama Marietta. "Gusto niyo po ba akong ampunin?" Nginitian lang naman ni Mama Marietta si Mitch bago siya tumingin kay Benj.

"Sabihan na lamang ninyo si Matilde, ang aking mayordoma. Alam na niya ang gagawin kung sakaling naisin ninyong lumisan bago ako dumating," sagot ni Mama Marietta sa tanong ni Benj. "At ikaw naman hijo..." habang nakatingin ito kay Luke. "Nabanggit sa akin ni Helga na ikaw ang tumulong sa kanya na makuha ang mga mensahe ko. Nabanggit rin niya sa akin na mahilig kang magbasa. Gusto kong malaman mo na bukas ang silid-aklatan ko para sa iyo. Ipatawag mo na lang si Matilde para madala ka niya roon."

"Talaga po?" Kung titingnan ang itsura ni Luke ay tila ba tumama siya sa lotto. Nakangiting tumango lang naman sa kanya si Mama Marietta. "Maraming salamat po."

"Maiwan ko na muna kayo." At tuluyan na nga siyang umalis.

"Hanep ka, Bestie!" si Mitch sabay lapit kay Helga at hampas sa braso nito. "Ang bongga mo naman! Biruin mo, prinsesa ka pala ng mga Anghel dito sa lupa?! Ang astig mo, day! Bongga!" sabay halakhak. "Ako kaya? Hindi kaya may itinatago rin ang aking parents sa akin? Wish ko rin na malaman ko one of these days na...diwata pala ako!" At naghagikhikan sila ni Helga.

"Huwag kang mag-aalala, darling," si Benj sabay ipod sa tabi ni Mitch. "Kahit hindi ka pa maging tunay na Diwata, ikaw pa rin ang diwata ng buhay ko."

"Talaga?" tila kinikilig namang sagot ni Mitch.

"Oo naman."

At doon na naglampungan at naghalikan ang dalawa sa harapan namin.

"Ang sarap sigurong mag-sex dito," pagpaparinig ni Mitch sa gitna ng pag-hahalikan nila ni Benj. "Sigurado akong may mabubuo ang bagong kasal dito."

"Gusto mo tayo rin bumuo na," sagot ni Benj sa kanya habang abala siya sa paghalik sa leeg ni Mitch.

"Pakasalan mo muna ako, tanga!" sabay tampal ni Mitch kay Benj.

"Aray ko!" daing ni Benj. "Ikaw honey ha? Maliwanag pa, pinag-iinit mo na agad ako." Bumaliktad siya at tumuwad sa direksyon ni Mitch. "Sige, Honey bee...spank me, baby!" Kagat labing pinalo naman ni Mitch ang pwet ni Benj. "Ooohhh yes! I like it! Sige pa, spank me pa!" Pinalo ulit siya ni Mitch na abot tenga na ang ngiti. "Ooohhh yes!" daing ni Benj na tila enjoy na enjoy sa ginagawa ni Mitch.

Ano ba 'yan? Nakakaalibadbad! Napalingon tuloy ako kay Luke at Helga na parehong nakangiwing pinapanood ang dalawang 'exhibitionist'.

"Gusto ko nang pumunta sa library ng Mama mo," bulong ni Luke kay Helga. Iyon ang naiisip niyang excuse para makaiwas sa hindi kaaya-ayang tanawin.

"Oo sandali," sagot ni Helga bago kinuha ang maliit na bell. Pinatunog niya ito at narinig naman agad iyon ni Matilde na mapagkumbabang lumapit sa amin.

"Ano po 'yon, senyorita?" aniya habang nakayuko.

"Gusto na po naming magpahinga," magalang na sambit ni Helga. "Kung maari po ay maihatid na ninyo kami sa aming mga silid." Sumulyap siya kay Luke. "At saka, gusto raw po sanang pumunta nitong aking kaibigan sa silid-aklatan ng Mama. Kung maari po ay maihatid niyo rin siya doon."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

"Opo, Senyorita." At tinawag nito ang dalawa pang katulong para isagawa ang lahat ng iniutos ni Helga.

Ibang klase ang buong lugar. Daig pa namin ang nasa kaharian sa gitna ng paraiso. Tahimik ang buong lugar at sariwang-sariwa ang hangin. Maaliwalas kahit saan ka tumingin.

"Shower na tayo, Love," sabi ni Helga pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin sa aming silid. Hindi pa ako nakakasagot ay naghubad na siya sa harapan ko at saka ako hinila. "Nadinig mo naman ang sabi ng Mama, kailangang makabuo na agad tayo." Humahalakhak siyang tinulungan akong maghubad habang papunta kami sa napakaengrandeng banyo.

Grabe, ang laki ng banyo. Ang laki nito ay dobleng ng laki ng buong kwarto ko sa Ilocos.

"Helgaaaa...grabe ka."

Nasa kalagitnaan na kasi kami ng paliligo nang bigla na lamang niyang mineryenda ang aking 'ibaba'. Hindi ko tuloy mapigilang hindi hawakan ang likod ng kanyang ulo. Grabe ang sarap. Ang init ng pakiramdam ko 'doon' na humahalo naman sa malamig na pagbagsak sa aking balat ng tubig na nagmumula sa shower.

"Ummmmhhhhhh!" dinig kong ungot niya.

This is it! Hindi ko na kaya kaya naman hinila ko na siya patayo at saka ko siya binuhat at ipinatong nang paupo sa marmol na pasimano ng lababo.

"I love you, Helga..." bulong ko sa kanya habang pinaghihiwalay ko ang kanyang mga hita.

"I love you too, Jason..." At siya na mismo ang kumapa sa aking prinsipe para itutok sa kanyang prinsesa. "Uuuhhhhhh!" daing niya nang pagkatutok pa lang niya ay agad ko na itong pinasuong sa gera.

Nakatalikod siya sa malaking salamin ng lababo habang nakaharap naman ako roon kaya naman mas lalo akong nag-init dahil kitang-kita ko ang aking sarili habang niroromansa ang mahal ko.

"Ahhhhhh...ahhhhh...ahhhh..." Mas nakaka-excite pala kapag malaya kaming nakapag-iingay nang walang inaalalang makakarinig.

"Jasooonnn..." ungot ni Helga sa tenga ko. Nakakakiliti ang kanyang hininga. "Ang sarrrappp..." kasabay ng pagtingala niya habang tumitirik-tirik pa ang kanyang mga mata. Mas lalo ko pa tuloy binilisan at pinagbuti ang pagpapaligaya sa kanya. "Ooohhhhhhhhh sh—t!" hiyaw niya dahil sa aking ginawa. "Ang galing mo, Love! Sige pa, pleassssee!"

Lalong tumindi ang kanyang pag-ungol nang pasadahan ko ng halik ang kanyang leeg at magkabilang dibdib. Hindi magkamayaw ang galaw ng kanyang mga kamay na bumabakas sa sinasandalan niyang salamin dahil mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kanyang balakang habang isinasagad ko ang aking lakas sa panghihimasok sa kanya.

Paulit-ulit ang aking hiyaw dahil sa tindi ng sensasyon ng walang kasing sarap na pakikipagtalik ko sa aking pinakamamahal na...asawa.

"L-love...p-parating na akoooo.." Nanggigigil ako at halos hindi ko mabigkas ang mga katagang iyon. Ramdam ko na nakarating na siya sa ikatlong beses. Ikatlong beses na kasing nanigas ang kanyang mga binti na sinusundan pa ng mainit-init na pakiramdam ng pag-agos ng kanyang nag-uumapaw na nektar. "Ahhhhhhhhh! Ang sarap po D—yos kooo!" malakas na sigaw ko nang sumabog na ang aking bulkan. "Salamat po... Salamat po..." nanlulupaypay na bulong ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil sa magandang kapalaran ko.

Napahagikhik si Helga dahil sa mga katagang binitawan ko.

"You're welcome daw sabi ni Lord." Tatawa-tawa siya habang naghihiwalay na ang aming 'ibaba'.

"Pilya!" nakangiting sagot ko habang hawak-hawak ko ang bewang niya para ibaba siya sa lababong pinagsadlakan ko sa kanya. "Nagpi-pills ka pa ba?" sabay pihit ko sa shower para tapusin ang naudlot kong paliligo.

"Inihinto ko na, pitong araw na." Yumakap siya mula sa likuran ko at sinamahan ako sa paliligo.

"Good," sabay harap ko sa kanya at saka ko siya muling hinalikan. "Kaya mo pa ba ang isa pa?" nakangiting panunukso ko sa kanya.

"Oo naman, ako pa."

Ah ganon! Hmmmmm...

"Yes, Jason, yes, yes, yeeeehhhhhssss!"

Halatang hindi siya mapakali sa paulit-ulit na kong pag-atake habang siya'y nakatuwad. Itinuloy namin ang aming aksyon sa pabolosong canopy bed. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming hari at reyna. Ang laki at ang lambot ng kama. Hindi ito umuuga na katulad ng kama namin sa Maynila o sa Ilocos kaya naman mas lalo kaming ginanahang mag-isang laman at katawan doon. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming paulit-ulit na nagtalik. Basta't ang alam ko lang, hindi kami tumigil hangga't hindi kami parehong bumabagsak sa sobrang pagod.

Makaraan ang limang oras...

"Oh, ba't parang latang-lata yata kayo?" pabirong bungad sa amin ni Benj habang papalapit kami ni Helga sa engrandeng dining table na parang piyesta ang itsura sa dami ng prutas at pagkain.

"Eh ano naman sa iyo?" tatawa-tawang sagot ko habang ipinagbubuhat ko ng silya si Helga para siya ay makaupo.

"Maghihintay na lang ba kami ng siyam na buwan?" ngingiti-ngiting biro ni Mitch habang ngumunguya ng ubas na pinapapak niya.

Nginitian lang naman namin ni Helga si Mitch.

"Ibang klase ang silid-aklatan ng Mama mo, Helga." sabat ni Luke habang tila kumikinang-kinang pa ang mga mata. "Nandoon lahat ang mga librong hinahanap ko. Nakakalula sa dami. Parang gusto ko na rin ditong tumira." Natatawa siya.

"Hindi ba lumalabo ang mata mo sa kababasa?" tanong ni Helga kay Luke.

"Sa awa ng Diyos, hindi pa naman," sagot ni Luke habang ngumunguya ng isang maliit na piraso ng steak na nakahain sa mesa.

"May bago ka bang discovery?" tanong ko.

"Oo. Binasa ko rin kasi ang genealogy at history ng pamilya ninyo, Helga. Halatang inihanda 'yon ng iyong mama para sa akin bago siya umalis kanina. Nadatnan ko na kasi iyong bukas."

"Ano ang tungkol doon?" tanong naman ni Helga.

"Alam mo bang ang kahuli-hulihang naging anak ng pinakahuling Tudlaan isang libong taon na ang nakalilipas ay..."

"Ay?" tanong ko.

"Siyang hari na ngayon ng mga aswang at maligno?"

"Ha?" Gulat na gulat si Helga.

"Oo. Ayon sa nakasulat doon, ito raw ay ang pinakamakapangyarihang anak ng Tudlaan sa buong kasaysayan ng inyong angkan. Ngunit dahil daw sa kagustuhan nitong maging imortal, na laban naman sa kalooban ng Diyos, nakipagkasundo ito sa Diyablo para nakamit ito."

"Nakamit ba naman niya?" sabat ni Mitch.

"Oo," sagot ni Luke. "Ayon sa isinulat na mensahe sa akin ni Tita Marietta na nakaipit sa pahina kung saan nakasaad ang istoryang gusto niyang mabasa ko... Ang anak ng huling Tudlaan daw na ito ay nagngangalang Lucio. Magpahanggang sa ngayon daw ay nabubuhay pa rin ito at siyang naghahari sa mga impakto, aswang at mga maligno, sa tulong ng diyablo."

Nagkatinginan kami ni Helga.

"Ayon sa isinulat ni Tita Marietta..." pagpapatuloy niya. "Laganap daw ang kasamaan sa mundo nang dahil sa Luciong ito. Siya rin ang nagpapahanap sa'yo upang ipain at maging palahian ng kanyang napiling kampong Aswang. Dahil daw ito sa kagustuhan niyang manatili sa kanya ang kapangyarihan. Alam daw kasi nitong ang anak din lang ng isang Tudlaan na katulad ng magiging anak ninyo ni Jason...ang maaaring pumatay sa kanya at tumapos sa kanyang kasamaan."

"Iyon kaya ang dahilan kung bakit gusto na ni Mama na magkaanak na kami ni Jason?"

"Oo. At..."

"At ano?" si Helga pa rin.

"At ang kapanganakan ng panganay ninyo ni Jason ang nag-iisang paraan din lang para bumalik ang Mama mo sa kanyang tunay na anyong tao. Ayon sa propesiya ng isa sa inyong mga ninuno, mangyayari nga ang nangyari sa inyong mag-ina. Isang Tudlaan ang manganganak ng isa pang Tudlaan. Ang nanganak na Tudlaan ang magdadala ng sumpa sa inyong lahi, na mawawala lamang kung ang ipinanganak niyang Tudlaan ay magsisilang ng isang batang lalaki na magiging mas makapangyarihan pa sa mga mas naunang tulad niya. Alam din ni Lucio ang tungkol sa propesiyang ito kaya..."

Halata ko ang pagkatulala ni Helga.

"Nang dahil dito," dugtong ni Luke. "A lam ni Tita Marietta na hindi magiging madali ang landas na inyong tatahakin. Ayon sa kanya, kapag nagbuntis ka na, mas magiging agresibo na ang mga Aswang sa pagkuha sa iyo, Helga. Una ay para kunin at patayin ang makapangyarihang bata habang ito ay nasa sinapupunan mo. At pangalawa, para maituloy na nila ang kanilang balak na palahian ka. Ito ay para naman maipanganak ang mas makapangyarihang uri ng Aswang...na magiging isa sa mga kampon ni Lucio."

Meron nga pala talaga kaming lehitimong kalaban na hindi titigil hangga't hindi nakakasigurong mawawala kami nang walang kalaban-laban. Hindi nga yata't mas malala pa ang nalaman naming ito kaysa sa aking inasahan.

Mahabaging Diyos! Huwag naman po sana Ninyong maging kalooban na kami ang matapos at magapi ng mga kampon ng kasamaan!

[Itutuloy]

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...
658K 47K 71
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
440K 9.5K 25
Paalala: Marami pa pong itong mali lalo na sa grammar sapagkat hindi pa ito na-e-edit. *** Gusto mo bang maglaro? Kahit sino at kahit anong edad, pwe...
2.2M 74.4K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...