That Nerd Is A Gangster

By itsmia_c

66 3 0

Please support me for my new story. Thank you love you! More

That Nerd Is A Gangster
Kabanata 2

Kabanata 1

22 1 0
By itsmia_c

Simula

"Welcome back Young lady!" Bati ni Petina.

"Petina!" Tumakbo ako at niyakap siya. "I miss you!" Sabi ko.

"Ako rin! Mabuti naman at umuwi kana!" Aniya. Nag lakad kami patungong sasakyan binati ko rin ang aming driver.

"Alam mo bang simula nung umalis ka napaka lungkot na ng mansion." Sabi ni Petina. I know.

"Hm, sandali lang naman ako dito Petina, alam mo namang nag-aaral ako." Actually dinala ko lahat ng mga papers ko para sa pag lipat ng school pero hindi pa ako sure na mag stay dito.

Nang dumating kami sa mansion ay biglang bumuhos saakin ang lahat ng ala-ala aking utak.

"Young lady tawag ka ng mommy mo." Ani Petina. Tumakbo ako para yakapin siya hinalikan niya ako sa pisngi.

"How's flight?" Maligaya niyang sabi.

"Super fine my! Finally nakauwi na ako." Sabi ko.

"Halika puntahan natin daddy mo." Aniya. Kaya sumama ako sa kanya pumasok kami sa office ni daddy saaming bahay.

"Dad!" Sabi ko at tumakbo patungonsa kanya. Hinalikan niya lang ako sa pisngi at bumaling muli sa kanyang laptop. Ngumiti lang si mommy ganon din ang ginawa ko bilang pag tugon na okay lang...

"Young Lady, handa na ang haponan." Ani ni manang. Tamad akong bumaba sa hapag. Pinasadahan ko ang mga pagkain sa mesa. Maging sa America o dito mag isa parin ako sa malaki o maliit na mesa.

It's been 3 years mula ng mamatay si mommy at daddy I remember how they killed my parents!

Nakarinig ako ng ingay mula sa baba kaya binuksan ko ang aking kwarto nakita kong lumuhod si daddy sa harapan ng isang lalaking may dalang baril na nakatutok sa ulo niya, si mommy naman ay umiiyak lang nang mag tama ang tingin namin ay nanlaki ang mata niya. Mas lalo siyang umiyak, sininyasan niya akong umalis o magtago.

"Please kunin niyo na lang ang anak namin wag ang asawa ko!" Sabi ni dad. Oh, my heart I know kaya kong gawin yun para kay mommy pero ang marinig mismo kay daddy na ako na lang ang patayin ay sobrang napakasakit.

Pinagmasdan ko ang mga lalaking nakasuot ng itim na mask, yung lalaking nakatutok ng baril kay daddy ay may tattong dragon sa kanyang balikat. Yun na ang huli kong nakita tumakbo ako at nag tungo sa library namin kung saan may nakatagong secret room. Nakarinig ako ng putok at tinakpan ang aking bibig para walang makarinig ng aking hikbi.

"Okay ka lang ba Young lady? Hindi mo ba gusto ang hinain namin?" Sabi ni Manang Pasing siya ang nanay ni Petina.

"Okay lang po ako manang pagod lang." Sabi ko at nag patuloy sa pagkain.

Lumipas ang ilang araw simula nung umuwi ako sa pilipinas. Wala paring lead sa kaso ng mga magulang ko hanggang ngayon.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. "Sunny!" Sigaw ni ate Tamara sa likod niya naman ay si kuya Marco.

"H-how did you know?" Gulat kong tanong. Hinalikan ako ni ate Mara sa pisngi at niyakap. "Of course alam naman ni dad!" Lumapit narin si kuya Marco saakin at hinalikan din ako sa pinsgi.

"Oh my god! Namiss ka namin!" Ani ni ate.

"Me too." Tipid kong sagot. "Finally umuwi ka na. And sana hindi ka na bumalik." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hm, dependi pa ate..." Naramdaman ko ang titig ni kuya Marco sa aking gilid. I know him magagalit na naman siya, last year they visit me in New york, panay ang pilit niya saaking umuwi nang hindi ko siya napagbigyan ay hindi na niya ako masyadong tinatawagan.

"Sun! Nandito naman kami hindi mo kailangang mag-isa sa ibang bansa." Mahina ngunit mariing sabi ni kuya Marco hindi ako umimik.

"Sabi ko nga dependi kuya..." Hindi siya nag salita.

"Well... Can we go out tonight? Mag celebrate tayo!" Sabi ni ate Tamara.

"Anong dapat i-celebrate hm?" I asked.

"Dahil one year na kami ni Butch!" Sigaw niya napangiwi na lang si kuya Marco. Dapat nga talaga itong i-celebrate dahil for the first time siyang naka isang taon sa kanyang boyfriend.

"Yuh! We're gonna celebrate tonight!" Sabi ko. "Sama ka kuya ah?" Sabi ko at nginitian siya. Napakamot na lang siya sa ulo.

"Susunduin ka namin mamayang 7 pm! Bye!" Paalam ni ate kumaway ako sa kanila. Mabuti na lang at may nagmamahal pa saakin si ate Tamara at kuya Marco, si Tita Beatrice kapatid ni mommy at ang kanyang asawa na si tito Dennis. Sa side naman ni daddy hindi ko close ang mga kapatid niya hindi rin naman nila ako kinakausap masyado kaya hindi kami close.

I wear plain v-neck shirt and shorts at naka sneakers.

"Seriously Sun? Susuotin mo yan sa Bar!" Sigaw ni ate Mara ng makita niya ang suot ko. And why are you wearing wig again?" Tanong niya na binuksan ang back seat. Tamad akong tumango at pumasok sa loob ng sasakyan.

"Maganda naman ang buhok mo Sun bakit kailangan mo pang mag wig?" Ani ni ate Mara. Hindi ako kumibo. "Hindi ka naman ganyan sa New york ah? Bakit kailangan mong mag disguise kami naman ang kasama mo?" Dagdag niya. Hindi ako sumagot tumunog ang cellphone niya, Sinagot niya ito kaya natahimik na lang ako.

"We're here!" Sabi niya nang matapos mag park si kuya sa labas ng isang bar. Sa labas palang ay rinig mo na ang ingay galing sa loob.

"Halika dito ipapakilala kita sa mga kaibigan ko at sa boyfriend ko!" Ani ni ate Mara hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa loob. Sa isang mahabang sofa nakaupo ang iilang kaibigan ni ate Mara. Isa-isa silang lumapit kay ate at hinalikan ito sa pisngi.

"Congratulations to the both of you." Sabi ng babaing kaibigan ni ate Mara. Binalingan ko ang boyfriend ni ate Mara nakatitig siya sakin nginitian ko lang siya.

"Oh by the way guys this is Sun my one and only cousin!" Isa-isang bumati ang kanyang mga kaibigan saakin pati ang kanyang boyfriend. Tumango lang ako sa kanila.

"Pinsan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng babaing kaibigan ni ate Mara. "Of course pretty like me!" 

"Nice hair ah?" Sabi nung isang babae. Nagkatinginan kami ni ate Mara she knew it na ayaw kong malaman ng mga tao na wig lang tong pula kong buhok.

"Thanks." Sabi ko at umupo na tumabi sakin yung lalaki. Nakita kong papalapit na si kuya Marco at may kasama na itong babae must probably his new girl?

"By the way I'm Seve." Sabi nang lalaki at nag lahad ng kamay, tamad ko iyong tinanggapa at agad kong kinuha.

"I'm Sun." Tipid kong sabi. I hate chatting. Lalo na dito sa bar gusto ko walang lalapit o makikipag usap saakin. Kumuha ako isang basong Red label at agad iyong nilagok.

"Oh!" Sabi ni Seve namangha sa tuloy-tuloy kong pag lagok ng Red label. Hindi ko siya nilingon.

Pinasadahan ko ang buong bar, maraming sumasayaw, nagyoyosi, umiinum, nakikipag usap, naghahalikan. God! So boring!

Binalingan ko si ate Mara na nakikipaghalikan din sa kanyang boyfriend sa kanilang upuan! Mabuti nalang at wala si kuya Marco. Lasing na siguro si ate. Tumayo ako at umambang umalis ng pigilan ko nung Seve.

"Saan ka?" Kumunot ang noo ko.

"CR..." Sabi ko at umalis na. Ang totoo ay lalabas na ako ng bar. Ang tahimik I like here.

Sumadal ako sa sasakyan ni kuya Marco. Naalala ko pa nung mamatay si daddy at mommy, pagkalibing pa lang nila ay naging magulo na naman ang buhay ko.

Lahat ng board members ay naguguluhan kong sinong papalit bilang CEO sa konpanya ngayong wala si daddy.

"Ibibigay ko muna ang kompanya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko, my kuya Marco." I don't know saan nanggagaling ang lakas ng loob kong magsalita sa lahat ng board members sa harapan ko. I'm just 14 years old for god sakes!

"Are you sure hija?" Ani tita Beatrice. Ngumiti ako at tumango.

"I know kuya Marco well, he can handle my parents company mana siya kay tita which is kapatid ni mommy." Tumango ang mga board members pumayag sila sa gusto kong mangyari pagkalipas ng isang buwan ay agad akong lumipad patungong America.

Medyo nilamig na ako kaya pumasok na ako sa loob ganon parin ang nangyayari maingay parin dahil sa musics at ingay ng mga tao.

"Where have you been!" Matigas na tanong ni kuya Marco.

"Sa labas naiingayan kasi ako dito." Sabi ko at umupo, sumulyap saakin ang kasama niya at ngumiti.

"Sa loob ng isang oras? Seriously?" Nakita kong hinaplos ng babae ang braso ni kuya Marco na nag pakalma sa kanya, binalingan ko ang babae at tinaasan ng kilay nawala ang ngiti sa kanyang mukha pagkatapos ay bumaling ako kay kuya.

"Yup sumandal lang ako sa sasakyan mo." Hindi ko na siya hinintay na sumagot umalis na ako sa tabi niya at tinutoo ang pag CR.

Pag pasok ko sa loob ay nanlaki ang mata ko ng may makitang lalaki sa loob, nagtama ang tingin namin pero hindi ko siya tiningnan pa pumasok na ako sa cubicle.

Maya-maya pay nakarinig na ako ng ungol. "Uh! I love you." Sabi ng babae hindi siya sinagot ng lalaki. Agad akong lumabas ng cubicle at nasilayan ang paghahalikan ng dalawa ang babae ay nakaupo sa may salamin at ang lalaki ay nakatayo. Nanlaki ang mata ng babae nang makita ako.

Hindi ko sila pinansin kahit nag salamin ako natahimik ang dalawa. Pagkatapos ay lumabas na ako.

Habang papalapit ako sa kinaruroonan nila ay may narinig akong ingay at mas lalo pa akong kinabahan ng makita ko si Butch na nakahandusay sa sahig, si ate Mara naman ay walang kamalay-malay sa nangyayari tulog na siya! Nakita ko si kuya marco na may dugo sa kabilang labi, inaawat siya ng kasama niyang babae.

"What happen kuya!" Nakita kong umaabang susuntok si Butch kaya pinigilan ko ang kamay niya nanlaki ang mata niya.

"Enough." malamig kong sabi. Pero pinipilit niya paring ituloy ang suntok niya ngunit napipigilan ko ito gamit ang aking kamay. Nang umamba siyang igalaw ang kanyang isang kamay ay agad kong inikot ang kanyang kamay na siyang dahilan ng pagka tumba niya.

"H-how did you do thay?!" Gulat na sabi ng isa sa babaing kaibigan ni ate Mara. Bumaling ulit ako kay kuya Marco na nakakunot ang noo.

"Let's go kuya..." Sabi ko at nilagpasan siya para punatahan si ate Mara na walang kamalay-malay.

Pinatayo ko siya at umakbay siya saakin, nakapaglakad pa siya ngumit kailangan ng kakapitan.

"I don't want to go home, it's so early!" Aniya.

"Ate stop! Madaling araw na!"

Naramdaman kong nakasunod si kuya Marco kasama yung babaing kasama niya. Agad niyang pinatunog ang kanyang sasakyan, binuksan ko ang back seat para paupuin si ate Tamara. Umupo ako sa tabi niya at hinintay si kuya Marco at girlfriend niya ata?

Pero nagulat ako ng pasakayin niya ito sa taxi kumaway ito kay kuya at tuluyan ng umalis ang taxi. Tahimik na pumasok si kuya Marco. Hindi ako nagsalita.

"Bakit nag aral ka ng martial arts?" I knew it napansin niya.

"Wala alam mo namang mag isa na lang ako sa buhay." Sabi ko at bumaling sa daan.

"I told you, sa amin ka na tumira ang laki ng bahay namin Sun maraming kwarto pwede kang mamili ng kwarto mo dun!" Hindi ko na siya sinagot here we go again...

Nang makarating kami sa bahay aya agad akong lumabas sa kanyang sasakyan hinintay ko siyang makaalis nang makalayo na siya ay may narinig akong ingay sa likuran ko.

"Yang babaing yan, kunin niyo." Narinig kong sigaw ng lalaki. Bago pa ako makagalaw ay agad na akong nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 54.2K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.8M 75.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...