Nagising si Karylle Ng may Maramdaman na Hamahaplos sakanyang buhok . Nakatulog pala sya sa Sofa . Dahan dahan nyang iminulat ang mata nya pero Napakunot noo sya ng makita nya sa Labas ng bintana na madilim padin ang kalangitan . Inikot nya ang paningin at doon nakita nya si Vice na Nakatitig sakanya kaya napabalikwas sya ng bangon mula sa pagkakahiga sa sofa .
"Vice kanina ka pa ba ?" Tanong nya saka tinignan ang oras sa Wrist watch nya . quarter to four palang ng madaling araw . Ng ibalik nya ang tingin nya kay Vice ay nakatitig padin ito sakanya , kaya bahagya nyang nilapit ang muka nya at doon ay malakas na amoy ng alak ang naamoy nya .
"Teka naglasing ka ?" Tanong nya pero nagulat nalang sya ng higitin sya ni Vice papalapit dito upang yakapin .
"Vice may problema ba ?"
"Wag ka na ulit lalapit sakanya" Paos na bulong ni Vice na ipinagtaka ni Karylle kaya tiningala nya ito . Nakita nyang mariin lang itong nakapikit na parang may bagay na ayaw nyang makita sa harap nya .
"What do you mean ?" Tanong Ni Karylle at Hinaplos pa ang Muka ni Vice na bahagya ng tinutubuan ng Balbas at bigote .
"Wag ka ng lalapit sakanya" Pag uulit nya saka tinignan si Karylle sa mata . "Wag ka na din magpapahatid sakanya"
"Y-you mean Dingdong ? Hinatid nya lang naman ako kase hina ---"
"Im Jealous !" Sigaw ni Vice na bahagya pang napayuko . Gulat namang napatingin si Karylle kay Vice .
"S-seryoso ka talaga ?" Gulat pading tanong nya . Hindi nya maintindihan ang nararamdaman may parte ng puso nya ang masaya pero may isang parte sa Utak nya na nag aalala dahil baka nabibigla lamang si Vice at magbago ang isip nito .
"I don't know kung ano tong nararamdaman ko ayoko ng may ibang lalaki or bakla na umaaligid sayo . Gusto ko akin ka lang . Hayaan mong ayusin ko ang lahat then let's try to work on our marriage" Hindi naman alam ni Karylle ang isasagot kaya niyakap nalang nya si Vice .
"Alam kong kamunuhian mo ako pag nalaman mo ang totoo at hindi ko alam kung sapat na na dahilan yung nararamdaman mo sakin at pagmahal ko sayo para mapatawad mo ako" Bulong ng isip ni Karylle kaya mariin nalang syang napapikit kasabay ng pagbuntong hininga . Ilang sandali pa ay naramdaman nya ang pag bigat ng hininga ni Vice . Nakatulog na pala ito sa balikat nya . Dahan-dahan nyang inihiga si Vice sa sofa at saka ito tinabihan . Sapat lamang ang espasyo nito para sakanilang dalawa .
--
"Karylle naman eh kasasabi ko lang kagabi eh" Parang batang ingit ni Vice . Nagpaalam kasi sya dito na makikipag kita kay Dingdong . hindi para bumalik sa pagtatrabaho dito kundi para ipakilala ang kaibigan nya kay Dingdong na nakasabay nya sa Pagtetraining at pag aaral ng Bar tending .
"Vice I'll be quick lang naman eh and after ko naman sila ipakilala sa isat isa aalis din ako agad"
"Ehh ayokonga dito ka lang" Parang batang sabi ni Vice saka hinatak sa braso si karylle para paupuin ito sa tabi nya . Natawa naman si Karylle sa inasta ni Vice .
"Sige na Vice aalis na ako" Pagpapa alam ni Karylle Saka Hinalikan si Vice sa Pisngi
"Kareel Kareeel hoyy kareel" Tawag ni Vice pero tinawanan lang sya ni Karylle saka nag diretso sa Pinto .
Pagkarating sa reataurant ay agad na hinanap ni Karylle Ang Kaibigan . Saglit nyang inilibot ang paningin sa Paligid at Nahinto ito sa bandang bintana ng makita nya ang kaibigan na naka upo roon . Pagka kita nito sakanya ay agad na napatayo ito at kinawayan sya . Agad naman syang Lumapit sa kinaroroonan nito .
"Mars what took you so long ?" Maarteng tanong nito na bahagyang inayos ang kulot nitong buhok .
"Mshabang kwento" Sagot ni Karylle upang makaiwas sa pag uusisa ang kasama . Alam nya kaseng pag nagkwento sya ay di na sya titigilan nito kakatanong .
"Teka yung ipapakilala mo sakin magugustuhan kaya ako nun ? My God kelangan ko talaga ng raket ngayon eh"
"Oo naman basta ba pagbutihan mo ang trabaho mo at galingan mo and wag kang Mag alala mabait naman si Mr. Dantes eh" Nakangiting sagot ni K
"Omoo pogi ba yan mars ?"
"Hmm oo naman" Nangingiting sagot ni Karylle at inalala ang muka ni Dingdong
"OMG kelangan ko palang mag retouch para di naman nakakahiya" Malanding tugon nito saka nagsimulang mag ayos ng sarili . Napailing nalamang si Karylle sa inasta ng kaibigan . Nung mga panahong nag te-training palamang sila nito ay ganito na ito kaarte sa sarili kaya madaming nagsasabi na malandi ito . Pero kahit na ganun paman ay naging kasundo nya ito . Mabait naman ito kaya madali nya din itong napakisamahan .
"Hi Girls im sorry Im Late" Nabalik sa ulirat si Karylle ng marinig ang tinig ni Dingdong . Nasa tabi na pala nya ito bahagya pa syang natulala sa Itsura nito . Naka Puting t-shirt lamang ito at pantalon na kupas atay Leather jacket na naka sukbit sa balikat nito . Malamang ay naka motor lamang ito .
"Owemgee ang pogi ni Sir" Napalingon na lamang sya ng impit na tumili si Marian sa Tabi nya . Nakatulala lamang itong nakatingin kay Dingdong . Bahagya syang natawa sa naging itsura ng kaibigan nya . Di naman kase maipagkakaila amg amgking kaguwapuhan ng dati nyang amo .
"Ahm Mr. Dantes this is Marian My Friend" Pagpapakilala nya at bahagya pang tumikhim at ng makita na nabalik na sa ulirat amg kaibigan ay nagpatuloy sya sa sinasabi . "Sya yung ni refer ko sayo . She's my friend and i can assure you na magaling sya . Parehas lang naman ang school na pinag aralan namin" Litanya nya . Napatango tango naman si Dingdong sa sinabi nya saka sinuri ng tingin si Marian . Naka maiksing short lamang ito at naka Floral off shoulder na kulay carnation pink ito na bumagay sa maputi nitong balat . May kolorete din ito sa mula . Kung titignan ay pasok ito sa eequirements nya pero kailangan makumbinsi sya sa Talento nito .
"Yan this is Mr. Dantes hes the owner of CSV"
"Ah eh hellew pe . Merien pe pele" Pabebeng pagpapakilala nito at hinawi pa paipit sa tenga ang buhok nito . Natawa naman si Karylle dito dahil alam nya agad na gusto ito ng dalaga .
Ilang paalamanan pa ay magpasya na si Karylle na Iwan ang dalawa upang magkasarilinan at mapag usapan ng maayos kung ano man ang magpagkasunduan ng dalawa .
Palinga linga si Vice sa Restaurant kung saan pumunta si Karylle . Ilang ikot lang ng mata ay nakita nya ito malapit sa Bintana . Lumapit sya sa pinaka malapit na poste saka sumandal rito upang mas makita si Karylle ng mas malapitan mula sa kinaroroonan nyang kabilang bahagi ng kalsada . Abala sya sa pagtanaw kay Karylle ng may kumalabit sakanya .
"Kyah Kyah pembarya" Sabi ng isang batang maliit . Bahagyang madumi ang kasootan nito at may dala dalang Rosas na sa tingin nya ay paninda nito . Nakalahad ang kamay nito sa harap nya .
"Wag ka magulo may Sinisilip ako" Saka muling tinanaw si Karylle
"Kyah bili ka nalang nitong bulaklak para dun sa nabaeng sinisilip mo" Sagot ng makulit na bata
"Sa kapal ng make up ko Kyah tawag mo sakin . Saka pag may sinilip yung babae agad di pwedeng yung lalaki muna ?" Sita ni Vice kunot noo naman syang tinignan ng makulit na bata . "Cheret" Agad na bawi nya ng makitang nagpabalik balik ang tingin nito mula sakanya papunta sa Sulok ng restaurant .
"Kyah jowa mo ba yung babaeng diretso yung buhok at paramg nasubsob sa pulbo sa kaputian" Tanong ulit nito pero di sya sinagot ni Vice . Kinalabit naman ulit nya si Vice upang ipaalam muli ang presensya nya . "Uy kyah bingi ka ba ?"
"Ano ba hindi ko jowa yan . Yung isa yung Asawa ko" Inis na sagot ni Vice saka muling tinanaw si Karylle .
"Asawa ? Wow sa ikli ng short mong yan . Baklang to"
"Aba bastos to ah . Nahiya naman ako sa Itsura mong naka Jersey na parang tibo sa--" Naputol ang sasabihin ni Vice ng makita nyang tumayo na si Karylle mula sa Kinauupuan nito
"Shit ayan na sya" Akma na syang aalis ng bigla syang hatakin ng makulit na bata sa laylayan ng shirt nya.
"Kyah bilhin mo na tong rose ko" At dahil nga sa Nagmamadali si Vice ay binigyan na lamang ng buong isang libo ang bata at dali dali itong tinalikuran . Pero di paman sya nakakalayo ay may humatak nanaman sa damit nya . Masama nyang tinignan ang bata pero Itinapat nito sa muka nya ang isang libong piso .
"Kyah sobra po to . Kunin nyo na din tong rose"
"Jusq wala akong gagawin jan sa bulaklak" Nakukunsuming sabi nya saka tumalikod muli pero sadyang makulit ang bata kaya sa Huli ay kinuha nalamang nya ang bulaklak saka hinanap ng mata si Karylle . Nakatigil ito sa Tapat ng store . Nilapitan nya ito at nakita nyang nakatitig ito sa mga alahas . Jewelry store pala ang hinintuan nito .
"You like it ?" Tanong nya dahil nakita nyang titig na titig si Karylle sa Couple necklace na naka display na may disenyong susi . Napaiktad naman si Karylle sa pagka gulat sakanya .
"V-vice ikaw pala"
"Gusto mo ba yang necklace ?" Tanong ili ni Vice saka ngumiti .
"H-hindi napahinto lang ako dito . T-tara na uwi na tayo ." Pagyayaya ni karylle saka tumalikod pero hinatak sya ni Vice at paghrap nya dito ay Isang bungkos ng rosas ang bumungad sa muka nya . Nagtataka man ay kinuha nya ito .
"Lets go my wife" Sabi ni Vice kasabay ng Paghatak sakanya .
Nagtataka man ay di na nakapag salita si Karylle dahil nagugulat padin talaga sya pag sobrang sweet ni Vice sakanya . Aaminin nyang kinikilig sya sa sweetness nila ni Vice noong magkaibigan palang sila pero mas iba ang pakiramdam ngayon na gigawa ito ni Vice with extra sweetness . At ipinaparamdam pa nitong asawa na ang turing nito sakanya . Pakiramdam nya ay any munite sasabog ang puso nya pag tinatawag sya nitong "Wife". Nagugulat padin sya sa Kilig na nagiging dulot nito .
Ilang sandaling pagbyahe pa ay nakarating sila sa isang lugar na hindi pamilyar kay Karylle . Inilibot nya ang paningin . Nasa tapat sila ngayon ng isang malaking Gate at sa Kabila nito ay may malaking bahay na floor to ceiling glass wall na natatakpan ng Kurtina . Sa gilid naman nito ay May garden na puno ng magagandang Bulaklak .
"OMG it looks like my dream House" Manghang inilibot ni Karylle ang paningin sa buong bahay .
"You like it ?" Nakangiting tanong ni Vice
"Yeah its beautiful pero kanino yan ?"
"It's yours" Nakangiting sagit ni Vice saka sumandal sa Pinto ng kotse nya .
"A-ano ?" Tanong ni Karylle Pero imbes na sagutin sya ni Vice ay Hinatak lang sya ni Vice sa gate . Pagdating sa gate ay kinuha ni Vice ang hintuturo nya saka itinapat sa Isang aparatong naka kabit sa gate --Fingerprint scanner . Ilang pindot pa ni Vice ay bumukas na yubg gate .
"Ayan naka register ka na" Baklang sabi ni Vice pero di padin maka tugon si Karylle dahil sa pagka gulat . Hinatak naman sya ni Vice at nagpatianod lang sya . Pagdating sa front door ay binuksan ito ni Vice at pagpasok sa loob ay huminto sila sa pinaka Centro ng Bahay . Inilibot ni Karylle ang paningin . Inihakbang nya ang paa at nakita nya na may Grand Piano sa Gawing Kaliwa ng Bahay . Nilapitan nya ito saka Tumipa ng ilang keys na lumikha ng tunog . Sunod na pinasukan nya ay ang pinto na malapit sa Piano . Namangha naman sya ng makita kung ano ang nasa loob nito . May isang malaking stante na punong puno ng ibat-ibang alak at may sariling bar counter ito . Ilang sandali pa syang nagkalikot sa bar ay muli syang lumabas at napahinto sya ng makita ang grand staircase sa gawing kanan ng bahay . Naka Dikit ito sa floor to ceiling na glass wall pati ang haligi nito ay gawa sa Glass . Unti unti syang humakbang para umakyat . Natutuwa sya sa paglibot na tila nakalimtan na nyang kasama nya si Vice . Diretso syang umakyat habang tahimik na nakasunod si Vice sakanya na napapangiti nalang sa mga nagiging reaction nya . Ng makarating sa taas ay nakita nya ang Ay di nya maiwasang mamangha gawa sa kongkretong semento ang sahig nito na napapalibutan ng grey na carpet at ang haligi ng mga pinto ay gawa din sa Smento . Lumapit sya sa pinaka unang pinto pero nakita na may fingerprint scanner ito kaya nilingon nya si Vice upang manghingi ng tulong .
"Go ahead K" Nakangiting sagot ni Vice . Itinaas naman ni K ang daliri upang mabuksan ang pintuan .
Nagpatuloy si Karylle sa pag-ikot ng mga kuwarto ang una ay ang guest room Ang sumunod naman ay masters bedroom at sa kabilamg gawi naman na nag iisang pinto ay movie room . Pagkatapos maglibot ay inaya nsman sya ni Vice na Pumunta sa Gawi ng pool sa backyard . Kita naman ang pagka mangha ni Karylle sa itsura ni Karylle .
"I-is this really M-mine ?" Di padin makapaniwalang tanong ni Karylle . Natawa naman si Vice sakanya saka sya Niyakap .
"Yes . Bebenta ko sana sayo eh" Natatawang sagot ni Vice na nakatanggap ng hampss mula kay karylle .
"Sira"
"The day you told me about your dream house ay nainspired ako so pinagawa ko ito . Balak ko sana iregalo sayo to pag nag asawa ka but since i am now your husband its all yours."
"And it looks exactly what i imagined"
"Ofcourse lahat ng sinabi mo tanda ko" Sagot ni Vice saka hinalikan ang tuktok mg ulo ni Karylle
"Thank you . Thank you for making this dream come true" Naluluhang sagit ni Karylle .
"Ssh nu kaba . I wanted to make you happy . And I want to be part of your dreams gusto ko kasama mo ako in every dreams na Matutupad mo . I want to be there in every step of the way" Nakangiting sagot ni Vice saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Karylle . Napangiti naman si Karylle saka mas Ibinaon pa ang muka sa Leeg ni Vice .
--
"Ang tagal naman nyan gutom na akooo" Parang batang sabi ni Karylle . Napangiti naman si Vice saka hinawakan ang braso ni Karylle na naka pulupot sa Leeg nya .
"Wait lang po matatapos na tong side dish . Gutom na ang baby ko" Natatawang sagot ni Vice . Kasalukuyan kase syang Naka upo sa tapat ng kitchen counter at si K naman ay naka back hug sakanya . Napag pasyahan nilang sa Baging bahay muna sila tumuloy para sa araw na iyon . St kasalukuyan nyang inihahanda ang dinner nila ng msglambing si K at bigla nalamang syang Niyakap nito mula sa likod . Naoangiti sya sa Isipin nagiging mas Malapit pa sila ni Karylle kumpara noong magkaibigan pa lamang sila . Nakikita nyang wala na itong pag aalinlangan sa lahat ng gagawin nito hindi katulad noon na may limitasyon dahil sa pagkakaibigan nila .
"K-karylle ene be nekekelete eke" Pabebeng tili ni Vice ng maramdaman nyang sinisinghot singhot ni Karylle ang Leeg nya .
"Ehh ang bango bango" Natatawang sabi Ni K saka sininghot muli ang leeg ni Vice .
"Karylle nemen Ahh-Aray !" Gulat na sigaw ni Vice na napatayo pa . Naniningkit mata na hinarap nya si Karylle . Naka peace sign lamang ito gamit ang dalawang kamay saka ngumiti .
"Sorry nakaka gigil kase eh" pa cute na sabi nito saka hinawakan ang parte ng leeg nya na Kinagat nito .
Nanatili namang naniningkit matang tinignan ni Vice si K . Maya maya ay hinatak nya si K pasandal sa Kitchen counter saka kiniliti . Napuno naman ng tawanan nilwng dalawa ang kusina . Napahinto naman si Vice sa pagtawa saka pinagmasdan lamang ang masayang muka ni Karylle . Napahinto naman si K sa pagtawa ng maramdaman na wala ng imik si Vice . Nilingon nya ito and their eyes met . Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sakanila at nanatili lamang seryosong nakatingin si Vice sakanya . Napakagat labi nalamang sya sa Pag aakalang galit ito sakanya .
"Damn" Rinig nyang mahinang pagmumura ni Vice at ang sumunod ay naramdaman nalamang nya ay lumapat ang lapit nito sa labi nya . Bagamat nagulat ay tinugon nya ang halik nito . Bawat galaw ng kanilang labi ay sinasabayan nito ang musikang tanging sila lamang ang nakakarinig . Unti unti ng napasabunot si Karylle sa Buhok ni Vice dahil sa sensasyon nararamdaman . Hindi manlang nya namalayang naka kawit na pala ang braso nya sa batok ni Vice . Bumaba pa ang halik ni Vice sa leeg nya at hindi nya napigilang magpakawala ng impit na ungol ng maramdaman nya ang biglang pagbuhat sakanya ni Vice para mai-upo sya sa Kitchen counter . Muling bumalik ang labi ni Vice sa Labi nya at mas isiniksik pa ni Vice ang sarili sa pagitan ng mga hita nya . Ikinawit nya naman ang paa nya sa balakang ni Vice . Ilang sandali pa ay kusa itong humiwalay sa halikan nila . Inilapat nito ang noo sa noo nya saka tinitigan nila ang isat-isa . Bagamat parehong hinihingal ay Pareho naman silang napangiti .
"I think that will be our appetizer" Naka ngiting sabi Ni Vice . Nanatili lamang si Karylle na tahimik habang pinoproseso ng utak nya ang nangyari . Napatili lamang sya ng maramdamang binuhat sya ni Vice . At dahil nga nakakswit ang paa nya sa balakang nito ay naging madali lamang para dito ang dalhin sya sa Dining table . Inilapag sya nito sa Isang sila saka naka ngiting lumapit ito sakanya .
"We shoul eat our dinner bago pa Ikaw ang kainin ko K" Paos na bulong ni Vice . Namumulang napa iwas nalamang ng Tingin si Karylle . Ng Ma realize ang sinabi Ni Vice .
A/n : yay na survive ko yung chapter nato without good inspiration lol . Nawalan talaga ako ng gana mag sulat because of some issue lam nyo naman na siguro yun . But i won't left you hanging so stay put lang 😂 .
Naloka ako sa Wholesome wooh kelan ko kaya matutuloy Yung last scene jeske di
keri ng Powers ko ang pagsusulat ng SPG 😂😂 hanggang imagination lang . Cheret 😂