Territorio de los Hombres 1:...

Autorstwa Vanessa_Manunulat

260K 6.6K 143

"I feel tingly just holding your hand like this. Kitten, you make me melt." Jared Burt, supermodel extraordin... Więcej

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 13

10.7K 289 2
Autorstwa Vanessa_Manunulat

NAHINTO si Fate sa paglalakad nang makitang makakasalubong niya si Burt. Kasama nito ang aerobics instructress na si Rosanne. Nitong mga nakaraang huling araw ay hindi sila gaanong nakakapag-usap ni Burt. Mukhang masyado itong abala. And it was no wonder, too. Nandoon na si Rosanne, the slutty bitch. Hindi pa niya ito nakita nang hindi nababalutan ng Lycra, as if she wanted to show the world how perfect her curves were.

Nabawasan tuloy ang paghangang nararamdaman niya kay Burt nang magkausap sila ni Antonio. Hayun na naman kasi si Burt, proving what a slimy bastard he was. Pagkatapos siyang halik-halikan ay tumigil bigla nang makilala ang buwisit na si Rosanne!

Tatalikod sana si Fate pero naisip niyang mahahalata naman ni Burt ang pag-iwas niya. Besides, hindi siya nai-insecure sa katawan ng babae. She had a nice figure, too. At produkto iyon ng mga ehersisyong sa tingin niya ay hindi pa nagagawa ni Rosanne sa tanang buhay nito. Roseanne was probably born slim. While she had to lose pound after pound of fat.

"Fate," bati ni Burt. "I believe you've met Rosanne."

"Yes. Antonio introduced her to me. Hi," plastic na baling niya sa babae. Wala man itong ginagawang masama sa kanya pero naiirita siya rito.

"Hello." bineso pa siya ng babae. Gusto niya itong sipain.

"Can I talk to you, Fate?"

"S-sure."

"I'll see you around, Rosanne."

"Not if I see you first!"

Not if I see you first. sa loob-loob ni Fate ay nag-mimic at nag-make a face siya, ginagaya ang babae. Nang tumalikod si Rosanne ay inakbayan siya ni Burt.

"Get your filthy hands off of me!" sikmat niya, pilit inilayo ang braso nito. How dare him!

"Whoa! Honey, I've missed you."

"Shut your trap!" Pinandilatan niya ito.

Kumunot ang noo ni Burt at humalukipkip. He was just looking at her with that perfect pose as if he was ready for the camera. And she hated him! Ngayon ay siya na naman ang pinagtitripan nito. Bukas ay si Rosanne na naman. Kapag may dumating na bagong magandang babae ay iyon naman. Buwisit!

"Alam ko na. Nagseselos ka, 'no?" tukso nito mayamaya.

"At bakit? Kaano-ano ba kita? And I will never like you, FYI."

"Yeah, right."

"Yeah, right your face!"

Tinalikuran na niya si Burt. Wala naman yata itong sasabihin sa kanya. Ang buong akala niya, tungkol sa trabaho ang sasabihin nito, iyon pala ay lalandiin lang siya! Pagkatapos nitong makasama si Rosanne na hindi naman nito dapat kasama. Nasa opisina dapat si Burt at ang babae naman ay dapat na nasa gym!

Dere-deretso si Fate sa main kitchen ng hotel. Kailangan niyang inspeksiyunin ang ginagawa sa banquet. Nagngingitngit ang kanyang loob. Ang akala niya ay hindi na siya sinundan pa ni Burt kaya napapitlag siya nang hawakan nito ang kanyang braso.

"Kitten, what are you so angry about?"

Fate didn't want to argue anymore. Ayaw rin naman niyang sabihin ang mga rason niya. Nagkibit-balikat na lang siya. "Nothing, I'm just tired. Now, if you have nothing else to say."

"Busy week, huh? Why don't you take the rest of the day off?"

"And what? Give you the satisfaction of not getting my report on time?"

Natawa si Burt. "Honey, it's not a competition. We're on the same team. Come on. Besides, those reports really could wait. Hindi naman kita minamadali, 'di ba?"

"You adjusted my deadline," paalala niya, nakasimangot.

"That was a one-time thing. So that's why your reports always came early."

"I hate you." Nagkatinginan sila at sabay na natawa. "You mean that was just a one-time thing? I always do overtime for those reports, damn you."

"Oh, now, now, honey..." Inakbayan siya ni Burt. "How about I make it up to you? I'm taking you home. You should rest."

"No. I'm all right."

"But I insist. I'm taking the afternoon off, too. Maybe we can talk, catch up on things. What do you say?"

Naglaho bigla ang lahat ng inis ni Fate nang tingnan siya ni Burt. Natagpuan na lang niya ang sarili na tumatango.


ALAM ni Fate na kapag may meeting ang board ay madalas na ginaganap iyon sa Casa de los Hombres. Standout ang lugar sa kabuuan ng Territorio dahil iyon lang ang mukhang luma, kahit maayos namang nai-maintain.

Ang sabi ni Burt, off-limits iyon sa mga bisita, pero puwede namang puntahan ng mga miyembro. It was her first time there. Bawal kasing magpunta roon ang mga empleyado.

Dalawang palapag lang ang bahay at yari sa bato. Mukhang mahigit isang siglo na ang tanda niyon. Pinatanda na ng panahon ang kulay ng ilang batong hagdan, ganoon din ang mga dingding at bintana. Pero malinis na malinis doon.

Ordinaryong bahay lang ang Casa de los Hombres. May picture ng isang matandang babae sa sala. Sa magkabilang tabi niyon ay picture ng mga may-ari ng Territorio noong mga bata pa at isang recent shot. Parehong kuha ang mga iyon sa loob ng bahay.

"And you insulted me when you were fat, too, as a kid," sabi ni Fate habang nakatingin sa picture ni Burt noong mataba pa ito kasama ang mga kaibigan.

"I never insulted you. I mean, I never intended to. And I'm sorry if I did. I apologized before."

"No, you didn't."

"Yeah, not to you."

"Neither to anybody."

"I talked to your mother and I apologized to her."

Napatingin siya sa mukha ni Burt. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo, pero duda pa rin siya. "You did?"

"Yes."

"Cross your heart?"

"Yes!" Natawa ito, saka siya inakbayan. Hindi na siya nagprotesta. "After you left, I called up your mother. I explained what happened. And I'm sorry if I wasn't able to meet you at dinner that night. I completely forgot.

"Una, naisip kong huwag na lang iparating sa kanya. Pero naisip kong makakarating at makakarating din sa kanya so I called her up and explained everything. She was furious, but she understood. She asked me not to call you up. Siya na lang daw ang magpapaliwanag. Hindi ko na alam ang nangyari afterwards. And I'm so sorry."

Noon lang naintindihan ni Fate ang nangyari, ang panig ni Burt. Naisip siguro ng kanyang mommy na mas maganda pang huwag na lang iyong sabihin sa kanya dahil alam nitong patay na patay siya kay Burt. Naisip siguro nitong mas madali niyang makakalimutan ang binata kung galit siya. Hindi na ito nagbanggit ng kahit anong tungkol kay Burt ever since that incident happened.

Hindi alam ng kanyang mommy na isa si Burt sa mga may-ari ng Territorio, pero alam nitong doon siya nagtatrabaho.

"You really hurt me then," sabi niya mayamaya. "Kulang na lang masuka ka sa akin."

"Nagalit lang ako noong una. Hindi ka naman kasi nagsalita ng kahit na ano. Sa mundong 'yon, hindi ko alam kadalasan ang intensiyon ng bawat tao sa akin. Kung eeskandaluhin ba ako o ano. 'Tapos, sinabi mong anak ka nga ng PA person ko. Siyempre, naisip ko agad ang mommy mo. Kilala niya ako. Alam niyang hindi ako ang tipo ng lalaking iuuwi sa magulang, if you know what I'm talking about. Well, at least 'yon ang tingin kong tingin niya sa akin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. At kung nalaman ko ang nangyari sa 'yo, hindi ako aalis nang ganoon na lang o baka bumalik ako para ayusin 'yong mga balita."

Fate suddenly realized that Burt was more than the man she used to adore so much. Higit pa sa hitsura ang dapat hangaan dito. He was so much more than a supermodel. He was not just a perfect face. And she also realized that her feelings for him never really changed. Lalo pa ngang lumalalim.

"Do you forgive me now?"

"Y-yes."

"Good." Ngumiti si Burt at hinalikan siya. It was an abrupt kiss. Pagkatapos ay inalalayan siya nito palapit sa mga picture.

"Sino siya?"

"'Dalisay Linero' ang pangalan niya. Hindi namin siya kilala. She used to own this house." At ikinuwento nito ang istorya ng Territorio de los Hombres na nagsimula noong labindalawang taong gulang pa lang ito.

It was an amazing story. And Fate just looked at him while he was telling it. Burt's face was nostalgic. His hand movements were smooth. Oh, he was a work of art.

"So, did you like the story?" nakangiting tanong nito pagkatapos.

"I loved it."

"Good. 'Want to cook dinner for us, kitten?"

"Sure."

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

5.6K 295 18
"Hintayin mo ako! Paglaki ko! Hahanapin kita tapos liligawan kita! Ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi kita paiiyakin! Papakasalan kita! Promise!" JB wa...
4.5K 195 10
Halos mabaliw si Lyn Siega ng nalaman niyang tinangay ng kaibigan niyang si Marlou ang milyong-milyong pera na na-invest niya sa company nito. Kaya n...
3.8K 119 15
Imee - The Cake Expert Gusto niya sanang mag-isip pero sa halip na makapag-isip siya ay ang halik ni Janus ang pumupuno sa balintataw niya. At hindi...
104K 2.9K 10
Extended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in...