Territorio de los Hombres 1:...

By Vanessa_Manunulat

260K 6.6K 143

"I feel tingly just holding your hand like this. Kitten, you make me melt." Jared Burt, supermodel extraordin... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 11

10.8K 303 1
By Vanessa_Manunulat

OFF NI Fate. Nasa bahay lang siya at nagbabasa ng libro. It was a lovely day but she decided to spend it indoors. Ayaw niyang makita si Burt na malamang makita pa niya kung lalabas siya.

Mula noong halikan siya ng lalaki ay palagi na siyang tinutukso nito. Panay ang tanggi niya kaya dalawang ulit pang pinatunayan uli ni Burt na tama ito. Ang buwisit na mga labi niya, tugon naman nang tugon. Parang naglalaho ang utak niya tuwing hahalikan siya ni Burt.

Alas-dos na ng hapon. Masyadong peaceful sa Territorio at kahit hindi niya linya ang trabaho, natuklasan niyang masaya siya sa ginagawa. Nakilala na rin niya ang lahat ng may-ari ng Territorio at mababait ang mga ito. And all of them were handsome. Ang karamihan din sa mga ito ay sa Maynila naglalagi.

At hindi makapaniwala si Fate sa mga lalaki. Most of them were only in their thirties. Iisa lang ang nasa late twenties, ang bunsong kapatid ni Antonio, si Julian. Si Antonio ang pinakakasundo niya. Ito kasi ang pinakanakakausap niya, bukod kay Burt. Palabiro din ito. And she had a suspicion that he told his friends what she did to Burt. Kakaiba kasi ang tingin ng lahat sa kanya. Si Cholo nga ay nagbiro pa na ipupuslit kay Burt ang picture nitong naka-thong at gagawing palamuti sa bawat kuwarto ng hotel.

Doon man nagtatrabaho si Fate, wala siyang gaanong alam tungkol sa mga may-ari ng lugar. Ang alam lang niya ay magkakaibigan ang mga ito. Hindi nga niya alam kung paano napasali si Burt sa grupo na sa pagkakaalam niya, teenager pa lang ay nasa Amerika na.

Mayamaya ay nakarinig siya ng pagkatok sa pinto. Nang buksan niya iyon ay isang matandang babae ang tumambad sa kanya. May dala itong basket na naglalaman ng mga prutas.

"Magandang hapon sa iyo, ineng."

"Magandang hapon naman po, Lola."

"Para sa iyo ito." Iniabot ng matanda ang basket. "Ako nga pala si Lola Pasyang. Apo ko si Burt."

"Oh! Maraming salamat po dito. Tuloy po kayo." Ngayon lang nakita ni Fate ang matanda pero alam niyang kasama ito ni Burt sa bahay. Nabanggit na iyon sa kanya ni Antonio.

Hindi inaasahan ni Fate na matandang-matanda na pala ito. Lola Pasyang looked about seventy-five to eighty years old. Maliit na babae lang ito, parang kasabay ng panahon ang mga pileges sa mukha. Pero mukha namang malakas pa rin. May hawak itong tungkod na hindi naman masyadong ginagamit. Itinayo nito iyon sa isang tabi nang makapasok na sa maliit na bahay niya.

"Ako nga po pala si Fate."

Ngumiti ito. "Alam ko ang pangalan mo, apo."

Pinaupo niya ito. "Gusto po ba ninyo ng tsa? Kape?"

"Huwag na, apo. Ako naman ay nadalaw lang sa iyo. Nabanggit sa akin ni Antonio na ikaw ang bagong nagtatrabaho dito. Nagkita kayo ni Burt noong..." Sinabi nito ang date.

Ilang sandali pa niyang inisip kung noon nga sila nagkita uli ni Burt. "Oho. Iyon nga ho yata ang date."

Ngumiti ito at tumango. "Ikaw ba'y naistorbo ko, ineng?"

"Hindi naman po. Wala naman po akong ginagawa."

"Napakaganda sa labas. Maganda ang panahon. Si Burt nga'y isinama nina Wulfredo, Cholo, at Urbino. Maglalaro daw ng kung ano. Alam mo, ang apat na iyon ang orihinal na magkakabarkada noon pa mang elementarya at high school."

Noon nasagot ang tanong ni Fate kung paano nasali sa barkada si Burt.

Mukhang mabait naman si Lola Pasyang. Mukhang napaka-gentle na babae nito, kabaligtaran ni Burt.

"Bakit ika'y naririto lamang, apo?"

Nagkibit-balikat siya. "Nagpapahinga lang po, Lola."

"Maaari ba kitang mayaya sa bahay?"

"Ako po?"

Natawa ito, bahagya pang tinampal ang kamay niya. "Aba'y sino pa? Halika, samahan mo ako sa bahay. Malapit lamang naman. Nilakad ko nga lamang ang hanggang dito."

Gusto sanang tumanggi ni Fate pero masyadong mabait ang matanda. Isa pa, naku-curious din siya kung bakit siya nito pinuntahan at kung bakit alam na alam nito kung kailan sila nagkita ni Burt sa Territorio.

Habang naglalakad, panay ang kuwento ni Lola Pasyang. At taliwas sa sinabi nito, hindi malapit ang bahay ng mga ito. Hindi pa siya nakakapunta sa parteng bahayan dahil hindi na iyon sakop ng kanyang trabaho. May ibang gate iyon. Ang lalaki ng mga bahay roon at yari sa itim na bato ang daan.

Mukhang hindi naman napapagod ang matanda. Panay ang pagtatanong dito ni Fate dahil kung sakaling napapagod na ito, puwede siyang tumawag ng masasakyan nila. Mukhang nag-e-enjoy pa nga si Lola Pasyang sa paglalakad. Nasa dulo ng lugar ang bahay ng mga ito. Sa opinyon niya, masyadong malaki ang bahay.

"Kayo lang po ang nakatira dito?"

"Ako at ang aking apo, oo. Kaya nga gusto ko nang mag-asawa ang isang iyon." Tumingin ito sa mga mata niya. Kinabahan naman si Fate. Ano ang kinalaman niya sa pag-aasawa ng apo nito?

Pilit siyang tumawa at pumasok na sa bahay. Punong-puno iyon ng gamit. May moderno, may luma. Inanyayahan siya ng matandang maupo sa sala. Ikinuha pa siya nito ng maiinom.

"Wala kayong kasama dito sa umaga, Lola? Paano kapag wala si Burt?"

"Mayroon akong kasama dito. Off niya ngayon. Ikaw ba'y kumain na?"

"Opo."

"Ikaw ba'y naniniwala sa hula, apo?"

"Uhm... Hindi po, Lola, eh."

Tumango-tango ito. "Pero pagbibigyan mo ba ako kung gusto kong makita ang kapalaran mo?" Inilabas nito mula sa bulsa ang isang deck ng cards. Hindi naman niya nagawang tumanggi. There was something about old people that made her heart glow. Inilatag na nga ng matanda ang baraha.

Noon naman bumukas ang front door. Iniluwa niyon si Burt na mukhang nabigla nang makita siya.

"Lola..." Nagmano ito sa matanda, saka siya binalingan. "Fate."

"H-hello."

"Inanyayahan ko dito si Fate at nag-iisa lang siya sa kanyang bahay."

"Ah..." nasabi lang ni Burt.

"Bakit ang aga mo? Nasaan ba sina Wulfredo?"

"Nandoon pa sa golf course, 'La. Naisip ko kasing wala kayong kasama dito."

"Hala, ika'y kumain na. Nagluto ako ng merienda. Dalhan mo na rin kami dito ni Fate. Kumakain ka ba ng minatamis na sago, apo?" baling ng matanda sa kanya. Nang tumango siya ay itinaboy na nito si Burt papunta sa kusina.

Hindi napigilang mapahagikgik ni Fate. Sa liit ni Lola Pasyang ay nagagawa nitong utusan nang ganoon ang apong dalawang ulit na mas malaki rito. It was good to know Burt was a good grandchild. Hindi niya iyon inaasahan.

Nagsimula nang basahin ng matanda ang baraha. "Ikaw ay malungkot, apo. Ang puso mo ay may inaasam."

Wala siyang naisagot. Hula ba iyon? Kahit sino naman puwedeng sabihin iyon. Everybody was looking for something or someone. Nagpatuloy si Lola Pasyang.

"Nakilala mo na ang lalaking para sa iyo."

"Po?"

Ngumiti ito. "Nakilala mo na ang lalaking para sa iyo. Ang lalaking magmamahal sa iyo nang totoo."

"Imposible po 'yon, 'La."

Bumalik na sa sala si Burt, may bitbit na tray. Isinerve nito sa kanila ang minatamis na sago. Ang akala ni Fate ay aalis uli si Burt pero naupo ito sa sofa, pinagmasdan sila ng lola nito.

"'Wag kang makinig," sabi niya.

Nagkibit-balikat lang si Burt at nagsimulang kumain ng sago.

Nagsalita uli si Lola Pasyang. "Ang lalaking ito ay matangkad, mestizo, guwapo, mayaman, at ubod ng bait."

"Sino, 'La?" tanong naman ni Burt, mukhang interesado.

"Aba'y ang lalaking para kay Fate. Natagpuan na niya ang lalaking iyon, apo."

Nag-init ang mga pisngi ni Fate. Nang tingnan niya si Burt ay nakakunot lang ang noo nito. Patuloy na naglatag ng baraha ang matanda.

"Naku, sinasabi ko na nga ba. Sinasabi ko na nga ba!" mayamaya ay bulalas nito.

"Ano po 'yon, 'La?" anxious na tanong niya.

"Ano ang nakita n'yo, Lola?" tanong ni Burt, parang ito ang nagpapahula.

"Aba'y kayong dalawa ang magkakatuluyan!"

Natulala si Fate. Nagkandasamid-samid naman si Burt. Inirapan niya ang lalaki. Nainis siya. Ano naman ang masama roon? Nakakasuka pa rin ba siya at mukhang tutol na tutol ito sa sinabi ni Lola Pasyang? Aba, hula lang naman iyon.

"Nagkakamali po kayo, Lola. Wala po akong gusto sa apo ninyo."

"Oo nga naman, 'La. Isa pa, 'wag po ninyong bigyan ng ideya 'yang si Fate. Baka mamaya, eh, pikutin pa ako niyan."

"'Kapal mo!" angil niya kay Burt. Natutop niya ang bibig nang maalalang nasa harap sila ng lola nito.

"Ikaw, Fate, 'wag mo nang i-deny. May gusto ka naman talaga sa akin."

Nanlaki ang mga mata niya. Gusto sana niyang sumagot pero naalala na naman niya si Lola Pasyang. Binalingan na lang niya ang matanda. "Lola, mauuna na po ako. Salamat po sa hula at merienda."

"Kainin mo muna iyan."

"Iuuwi ko na lang po." Tumayo na si Fate at binitbit ang tasa. Ayaw niyang maging bastos pero mangyayari iyon kung mananatili pa siya roon. Lintyak talaga na Burt 'to. Ang kapal ng mukha!

"Hala, sige. Apo, ihatid mo ang dalaga."

"Hindi na po, Lola," kaagad na tanggi niya.

"Ay, hindi pupuwede. Nakakahiya naman sa iyo, apo."

Napilitan na lang siyang tumango. Sumabay nga si Burt sa paglabas niya. Nauuna siya sa paglalakad pero inagapan naman siya nito sa braso.

"Kinausap ng lola ko lahat ng nakilala ko noong araw na nagkita uli tayo. The old lady's a bit weird but she's nice. At lahat ng sinabi ko sa 'yo, joke lang 'yon, ano ka ba?"

"Puwes, hindi nakakatawa!"

"Baka kasi totoo?"

Itinirik lang ni Fate ang mga mata at naglakad na. Nagsalita si Burt pero hindi na niya pinansin. Mukhang napagod na rin ang lalaki kaya hindi na uli binuksan ang bibig. Mahaba ang lalakarin nila pero mabilis ang mga hakbang niya. Naiirita siya.

Nang makarating na sa log cabin ay saka niya hinarap si Burt. "Maghintay ka diyan, isasalin ko itong sago." Tumalikod na siya at iniwan ito sa sala.

"You look nice in a place like this," sabi nito, nasa kusina na rin.

Hindi na lang niya pinansin si Burt at hinugasan na ang pinaglagyan ng sago. Nang matapos ay iniabot na niya iyon dito. "Pakisabi na lang sa lola mo, salamat."

"Sinamahan kitang maglakad. Don't I get a kiss?"

"Don't you dare."

Tumaas ang mga balikat ni Burt. "What if I dare?"

"Burt, please! Naiirita ako sa 'yo, umalis ka na."

"I won't go unless I get a kiss." Base sa ekspresyon ng mukha ni Burt, alam na agad ni Fate na tototohanin nito ang sinabi. She felt defeated even before the game started. Kaya minabuti niyang halikan na lang ito sa pisngi.

"There's your kiss. Bye-bye!"

"I ain't talking about no baby kiss, and you know it, kitten."

Ipinatong ni Burt ang tasa sa counter, inabot ang kanyang mga kamay at pinisil. Her knees were buckling already.

"Burt, please don't do this."

"Why not, hmm?" Inilagay nito sa likod ng tainga niya ang mga hibla ng buhok na nalaglag sa kanyang mukha. "I like kissing you. You taste so sweet, honey. And to tell you the truth, every time I kiss you, I feel tingly all over. Just like you."

"I don't feel tingly—"

"Liar. You shiver all the time." Iyon lang at hinalikan na siya ni Burt. And just like he said, she felt tingly all over.

It started as a gentle kiss but ended being very hot and demanding. Fate felt Burt's hands on her buttocks. Nagpunta rin ang mga labi nito sa pisngi niya, pagkatapos ay sa kanyang tainga. May kilig siyang naramdaman sa gulugod. At nang dumako ang mga labi ni Burt sa kanyang leeg ay para na siyang kokombulsiyunin.

"B-Burt..." sabi niya. Everything felt so right. Pero noon niya biglang naalala ang gabing naeskandalo siya. Nanigas ang kanyang likod.

"Anything wrong, honey?" tanong nito.

"You better go."

"But—"

"Go now. And I'm not kidding, Burt."

Umawang ang mga labi nito, parang may sasabihin pero itinikom na lang uli. Inabot nito ang tasa at tumalikod na.

Nagmamadaling isinara ni Fate ang pinto, at hinihingal na sumandal sa likod niyon.

Continue Reading

You'll Also Like

241K 5.7K 23
"I wanna marry her and put her up on a pedestal if only she'd let me." Maraming pagkakamali sa buhay si Kristina. Isa na roon ang wala sa panahong pa...
4.4K 82 18
Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa luga...
4.5K 195 10
Halos mabaliw si Lyn Siega ng nalaman niyang tinangay ng kaibigan niyang si Marlou ang milyong-milyong pera na na-invest niya sa company nito. Kaya n...
146K 3.4K 10
"No matter how much you hurt me, I don't think I can settle for any other man because I only want you." Balak pikutin ni Cher ang batikang abogadong...