A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 43

2.4K 24 0
By Ae_december


IRIS

"At ang natatanging bata nang taon!" wika ko. Araw nang pagtatapos nang aking mga estudyante. "San Francisco Elementary school batch 98 school valedictorian, Melvin Ibanez,"

Nagpalakpakan ang mga manunuod.

Malaki na ang aking tiyan at dalawang buwan nalang, ay malapit na akong manganak. Ayaw pa nga ni Albert na mag-emcee ako sa graduation ceremony ngunit naki-usap ako sa kanya. Kaya ko pa naman at isa pa, ako ang nagprisinta nito kay ma'am Batongbakal.

Nakakalungkot lang dahil isang batch na naman ang mawawala sa akin. Tuwing graduation ganun ako, kasi napapamahal na ako sa aking mga nagiging estudyante. Ma-mimiss ko itong batch na ito lalong-lalo na si Melvin.

Umakyat siya sa entablado, kasama pa niya ang kanyang tatay na nagpapahid pa nang kanyang basang mata. May naka-sabit na teleskopyo sa kanyang leeg na halatang nanggaling pa sa kanyang trabaho. Sa Philvocs kasi ito nagtratrabaho. At sila yung team na nagmo-monitor sa Mt. Pinatubo.

Napa-iling ako ngunit masaya naman para sa kanilang mag aama. Pinalaki kasi siyang mag-isa nang kanyang tatay. Naapektuhan nang paghihiwalay na iyon ang naging social life nang batang ito. Pero mukha naman siyang hindi pina-bayaan nang kanyang ama, kasi nakikita ko ito palaging hinahatid at minsan sinusundo pa.

Inabot nang kanyang tatay ang medalya kay bestfriend Miranda na katulong ko sa ceremony. Sinabit niya ito sa leeg ni Melvin na kinamayan nila ma'am Batongbakal at mayora.

Lumapit si Melvin sa akin at maluha-luha ko siyang niyakap. "Congratulation Melvin,"

"Salamat po ma'am!"

Kinamayan ko na rin ang kanyang tatay. Naglakad siya palayo sa akin nang bigla nalang siyang tumigil. Napansin ko ang gulat sa kanyang mukha. Kinapa pa niya ang suot niyang toga. Parang naging balisa pa siya nang kapain ito.

"May problema ba Melvin?" tanong ko. Biglang nagbago ang kanyang kilos.

"Ah...eh wala naman po ma'am,"

Ngumiti siya sa akin ngunit halatang pilit at may napansin pa akong butil nang pawis sa kanyang mukha. Saka siya naglakad nang mabilis habang hatak ang kanyang ama. Inaya niya itong bumaba nang stage. 

Huminga ako nang malalim at napa-iling. Sumagi kasi sa aking isipan yung panahong sinagip ko siya mula sa isang halimaw. Na nakilala niya ako kahit naka-suot ako nang costume. Na-aalala kaya niya ito? Pero binalewala ko nalang iyon. Binura na nang alien convention ang ala-ala nang mga taong bayan matapos ang sagupaan kaya naniniwala akong wala na siyang alam tungkol dito.

Minsan pabugso-bugso ang mga ala-alang iyan sa isip ko. Pati yung tungkol kay Hector. Pinag-aaralan ko na nga siyang makalimutan kasi buntis ako ngayon. Baka makunan pa ako kaka-isip nang mga bagay na yan. Hanggang ngayon nananatili itong lihim, pati na kay Albert.

***

Matapos kong isilang ang panganay kong lalake na pinangalanan ko pang Hector, saka naman muling nag-abroad si Albert. At yan yung kauna-unahang pagtatalo namin kasi nga parang alanganin naman. Ilang buwan palang ang anak namin tsaka naman niya naisipang iwanan ako sa ere.

Naglayas ako sa inuupahang bahay namin dahil sa inis ko sa kanya. Sa bahay ako namin tumira pansamantala. Ilang araw niya akong inamo-amo. At dahil sa mahal ko siya talaga sumuko ako at pumayag na mag-abroad na siya ng tuluyan. Alam ko namang may maganda siyang plano para sa future namin. Pero ang totoo kasi niyan, natatakot talaga ako. Yung takot na nararamdaman ko dati sa isang pangyayari nang aking buhay na namatay siya, nagbalik na namang muli. Di ba nga halos mabaliw ako nang mga panahong iyon. At nung magbagong muli ang aking kapalaran ayoko na siyang bitawan. Ayoko nang mawala pa siyang muli sa akin. Pero hindi ko talaga siya napigilan sa gusto niya. Hinayaan ko nalang siyang gawin ang desisyong iyon, kaysa naman iwan niya ako dahil inaway ko siya.

Akala ko talaga pagatapos nang mga naranasan kong adventure kasama ang mga aliens ay magiging maayos na ulit ang aking buhay. Pero sa buhay pala nating mga tao ang pagsubok tuloy-tuloy din lang. Una nagkasakit si nanay nang kidney failure. Nagkaroon kami nang problemang pam-pinansyal dahil sa pagpapagamot niya. At isa pa, lumuluwas kami nang Maynila para sa kanyang dialysis na hindi naging ganoon kadali para sa akin. Iniwan ko si baby Hector sa pangangalaga ni Becky ang aking biyenan at mabuti nalang mabait siya. Dumating din sa puntong madalas akong mag-leave sa trabaho. Nauunawaan naman ni ma'am Batongbakal ang aking sitwasyon kaso yung sahod ko kulang-kulang na.

Gusto kong maglabas nang sama nang loob sa nangyayari sa aking buhay kaso ang mga kaibigan ko naman, nagsipag-alisan din. Si Miranda umalis na sa pagtuturo at mas pinili nalang magtrabaho bilang domestic helper sa Singapore. Sina May at Florencio sa Maynila naman lumipat nang pagtuturo. Yung tipong sa bandang huli ikaw nalang ang mag-isang natira at wala kanang mapagsabihan nang mga problema mo.

"Akala ko talaga, matapang na ako," bulalas ko. Pinapahid ko ang luha sa aking mga mata. Naka-upo ako sa may batuhan na ang binti ko naka lub-lob sa tubig dagat. Katabi ko si Marinagua. "Pero bakit umiiyak pa rin ako dahil sa mga nangyayari sa akin, ngayon,"

Madalas akong makipagkita sa kanya dahil siya nalang talaga ang maaring makinig sa akin. At kapag gusto kong takasan pansamantala ang aking buhay. Minsan kasama rin namin si Chamie. Sa kanila ko sinasabi ang lahat nang mga drama ko sa buhay at ang nakakatuwa nito, nakikinig sila sa akin na para ko na ring mga tunay na kaibigan.

"Girl okay lang ang umiyak," sagot ni Marinagua. Pinipisil niya ang aking kanang kamay. "Hindi kahinaan ang pag-iyak ano ka ba,"

Sumulpot si Cupid sa harap namin at lumapit sa akin. Tumigil ako sa pag-iyak at hinawakan siya sa ulo. Lumingon ako sa may kalangitan. Hapon na at unti unti nang lumulubog ang haring araw. Napaka-payapa nang tunog nang dalampasigan. Kahit mabigat ang nararamdaman ko, kalmado naman ako dahil sa aking paligid.

Sabi ni Marinagua sa akin kaya raw siya madalas naroroon kasi iniintay niya yung lalakeng kinuwento niya sa akin. Yung taong napa-ibig siya. Na-udlot daw kasi iyon dahil sa isang malagim na insidente. Hindi na niya kinuwento yung buong detalye, basta parang bula nalang daw na nawala yung lalake sa lugar na iyon. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanya kung kaya't kaya ang ending tuloy, laging siyang umaasa na babalik ito. Pansin ko pa nga kapag nadadatnan ko siya roon laging malungkot ang kanyang mukha. Na para bang nararamdaman kong naghihintay siya sa wala. Kahit patuloy siyang umaasa.

"Ang hirap talaga kapag nagmahal tayo nang sobra no," sambit ko. "Kulang nalang itali natin siya sa katawan natin pero hindi pwede eh, kasi may pangarap din siya sa buhay,"

"Kaya nga girl huwag tayong maging selfish na ang feelings lang natin ang masusunod. Dibale nang ikaw ang ma-hurt huwag lang mawala ang minamahal natin,"

May point siya, siguro nga makasarili ako. Na ang pagmamahal ko kay Albert ay isa nang obsesyon. Ngayon naniniwala na akong may maganda siyang pangarap para sa amin bago lumaki ang aming anak.

May araw na dinadala ko si baby Hector sa dalampasigan at pinapakita kay Marinagua. Bininyagan siya ngunit hindi ko magawang gawin siyang ninang pati na si Chamie kasi nga batas nang mga aliens na huwag makipag-kita sa mga tao. 

Na-miss ko tuloy si Hector, kamusta na kaya siya ngayon sa kanilang planeta?

***

ERIER

Sama-sama kaming nakatayo sa gitna isang sinag. Madilim ang paligid ngunit may makikita kang transparent barrier na naka-palibot. Sa madilim na bahagi naroroon ang libo-libong chieftain na nag-aabang nang hatol ngayon sa amin.

Naka-yuko ako habang naka-tayo. Magkayakap naman sina Avara at Alta malapit sa akin. Sina Mamir at Sok nasa magkabilang gilid na nakatayo rin at kapwa malalim ang iniisip. Si kapitan Okron ang bukod tanging naka-indian sit habang naka-halukipkip.

Na-kondisyon na namin ang aming mga isipan na tanggapin ang kaparusahan maaaring i-atang sa amin. At ayon sa mga narinig namin mula sa mga bumibisitang chieftain, kung may posibilidad na maparusahan daw kami, tutulungan nila kaming gawing mababa lamang ito. Yung mga chieftain nang aming tinitirahang lungsod ang gumagawa nang petisyon na pababain ang kaparusahang iyon.

May death sentence kasi sa aming planeta. Naniniwala kasi kami na ang gumagawa nang masama ay hindi na dapat hinahayaang mabuhay pa upang hindi kumalat ang kasamaan nito. Ngunit hindi maituturing na masama ang pag-palpak nang misyon at pa-ulit ulit kong sinasabi iyon.

"Ang hatol mula sa pinaka-mataas na paglilitis!" sulpot nang boses. Hindi namin nakikita kung sino ang nagsasalitang iyon.

Huminga ako nang malalim. Napalingon pa ako sa direksyon nang dalawang babae kasi hindi matigil ang pag-iyak ni Alta.

"Ang mga bumoto na huwag parusahan ang mga nasasakdal," this is it. Pinipilit kong pakalmahin ang aking sarili pero yung puso ko may sarili nang buhay, ayaw tumigil ang pag-kabog. "Dalawampung porsiyento!"

Lumuwa ang malaki kong Xyle-ver eyes sa gulat, napalingon ako sa aking paligid.

"Yes!" bulalas ni Mamir. Niyakap niya si Sok.

Si Alta mas lalong umiyak. Si kapitan Okron nanatili sa kanyang pwesto na kahit hindi umiimik alam niyang ganoon ang magiging resulta nang paglilitis. Mula sa kaba parang may malaking tinik na humatak paalis sa aking dibdib. Maluha-luha na ako at the same time abot langit ang aking mga ngiti.

"Ang bumoto na huwag parusahan ang mga nasasakdal – walumpung porsiyento," wikang muli nang boses.

Nagbalik diwa ako mula sa kaligayahan nang umakbay sa akin sina Mamir at Sok. Tumayo si kapitan Okron. Nagkapit-kamay sila kasama nang dalawang babae. Sinaluhan namin silang lahat.

Bigla nalang nagliwanag ang buong paligid namin at lumitaw ang libo-libong chieftain na naka-suot nang dilaw na robe. Sari-sari ang kanilang facial expression. May tuwang-tuwa gaya nang mga chieftain namin na nakatayo sa kanilang upuan. Si chieftain Arim nag-bow pa sa direksyon ko. May iba naman na tumayo at nag walk-out palabas nang chamber. Pinagmamasdan kami ni elder Muri mula sa itaas at yung wrinkled niyang mukha naka-ngiti sa amin.

"Napagpasyahan na iterminate at gawing illegal ang progeny experiment. Ang sino mang magsagawang muli nito ay sisintensyahan nang kamatayan, and it all applies sa kahit sinong citizen nang ating planeta,"

Pagkatapos ng paglilitis, bigla nalang akong nagtaka dahil may nag-escort sa aming police force habang palabas kami ng trial chamber. Napapalingon ako kaynila kapitan at Avara ngunit tahimik lang sila. Wala tuloy akong naging choice kundi ang sumama.

Sinakay kami sa kanilang malaking mecha robot at dinala sa isang gusali. Dinala kami sa chieftain's chamber, gusto ko sanang magtanong ngunit si kapitan Okron sinenyasan niya ako na huwag magsalita. Sa mga mata niya parang may binabalak siya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari basta may nararamdaman akong may magaganap na eksena.

Sa isang kwarto kami dinala at na-sorpresa ako dahil sinalubong kami nang aming mga chieftain. Nagkakatinginan kami nila Mamir at Sok. Mabuti nalamang sa pagkakataong ito binigyan na kami nang kalayaang magsalita.

"Chieftain Arim ano pong ibig sabihin nito?" tanong ko sa aking chieftain.

Ngumiti siya sa akin. "Malalaman niyo ang sagot kung bakit?"

Naguluhan ako, kung bakit ano? Basta sinabihan niya ako na tumahimik nalang muna. Ilang saglit lang, umalis sila at naiwan kaming anim kasama ang apat na pulis.

Muli kaming pinatawag na may pulis pa ring escort. Patungo naman kami ngayon sa gathering hall nang mga chieftain. Pagpasok namin sa loob, naroroon ang lahat na nabaling ang mga atensyon sa amin.

"Anong karapatan ninyong mag-tungo rito!" galit na bulalas nang isang chieftain nang makita kami. Nagkaroon nang bulungan, malamang eto yung isa sa mga bumoto na makulong kami.

Sa gitna nang gathering hall, umilaw ang isang 3d hologram at lumitaw si elder Muri. Ngayon ko lang nakita ang kanyang buong katawan, nakatayo siya at kubado na. Mas na-sorpresa ako nang lumitaw ang maraming pulis na nagmartsa at pumalibot sa mezzanine floor nang pabilog na gathering hall. Nagkaroon tuloy nang kaguluhan at pagkalito. Nagkanya-kanya nang usapan ang mga chieftain habang nagkakatinginan naman kami nang aming grupo.

"Arestuhin si chieftain Basar!" sambit ni elder Muri.

Mas lalong nagkagulo, lumipad ang mga pulis at nagtungo sa kanya. Nahawi ang pulutong nang mga chieftain. Pinalibutan si chieftain Basar na gulat ang mukha, nilapitan siya nang pinaka pinuno nang police force.

"Anong ibig sabihin nito!" protesta niya.

"Chieftain Basar panuorin mo ito," sambit ni elder Muri.

Napalingon ako kay chieftain Arim at tumango siya sa akin.

May lumitaw muling 3d hologram nang tatlong lalakeng Xyle-ver, naka-tayo sila, naka-yuko at may bumabalot na electric band. Nagsasalita sila habang nanghihina.

"Si chieftain Basar ay isang hybrid gaya namin. Mukhang Xyle-ver ngunit nanalaytay pa rin ang dugong Alpha-Draconian," wika nang isang lalake.

Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako makapaniwala. Ngayon, it makes sense kung bakit kami nagkapareho nang ideya nang misyon nang mga kalaban.

Tumabi sa akin si Avara. "After the war, may mga Draconian na nahuli at naging prisoners of war. Ikinulong sila pero lingid sa ating buong planeta, they made a strategic plan to escape and invade our planet once again. Then the progeny experiment was born. They raped those female Xyle-ver prisoners and produced a hybrid. Pinalaki nila ang mga hybrid at sama-samang inilunsad ang mabilisang copulation. Thru progeny experiment ay magagawa nilang tanggalin ang DNA nating mga Xyle-ver nang tuluyan sa mga isisilang nila upang mas mapadali ang world invasion nila sa atin. Pero hindi sila nagtagumpay, marami ang nagtraydor sa pangkat nila at nalaman ito nang ating government,"

Hindi ako makapagsalita. Nakikinig ako sa kanya habang pokus ang mga mata ko sa pagkakadakip kay chieftain Basar.

"Nilipol ang lahat nang mga Alpha Draconian prisoners kasama na ang mga hybrid at anak nila. Isinagawa ang heroic holocaust. Pero marami pa rin ang nakatakas. Yung sinasabi nilang hermit cities na isang myth. Totoo siya Erier at karamihan nang mga nakatira roon ay may dugong Alpha-Draconian na nananalaytay, kagaya ni chieftain Basar. Siya ang brainchild nang misyon. Nalaman nang central base na may contact siya sa mga Draconian,"

"Magkakaroon nang malawakang manhunt," singit ni kapitan Okron. "Pero good luck nalang kung mahanap nila ang mga hermit cities,"

Kunot noo akong pinagmamasdan si chieftain Basar. Lumingon siya sa akin na masama ang tingin. Nagulat nalang ako nang mag-anyong butiki ang kanyang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 51 41
Paano kung Sa kabila ng Masaya at Masaganang buhay ng Mga Immortal ay magiging Masirable at Babagsak ang Mundo ang mga immortal dahil lang sa lihim n...
7.3K 391 41
Run! They are coming... they died... they revived just to EAT you! RUN!
6K 343 55
Maya Martha just wanted to have a quite life in her new school but how can she do that if some girls with bad luck and attitude came into her life. S...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...