Prolugue
Ang mga illusions natin, malay natin, maging totoo. Just like me!
Nakakita ka na ba ng angel even in your dreams? Ako, oo. Since 5 yrs. old ako. Sabi ni mamita, ang mga angel daw nagiging tao rin. I found out na totoo nga ang sinabi ni mamita sa akin. May lalaki akong nakita na gwapo at super bait. Pinatuloy ko muna sya sa bahay ko but..
past few weeks, nafa-fall na ako sa kanya, tanong ko lang, hindi kaya, sya na ang destiny ko?
Chapter 1:Amethyst
When I was 5 yrs. old, kinukwentuhan ako ni mamita tungkol sa angels. Sabi nya, paminsan ang mga Guardian angels ng mga tao, napupusuan ang kanilang mga inaalagaan. Kaya daw paminsan nagrerequest daw sila kay God na kung pwede daw silang maging tao. Sabi rin ni mamita, ang ibang angels, naging tao daw kaso, within 100 days, kailangan na daw nilang umalis. Kaya, paminsan daw, ang mga buntis na babae, pinaglilihi nila sa anghel.
"Mamita, may kamukha po ba akong angel?"
"Sure little Amy. Ang mommy mo, since 4 yrs. old, mahilig na sya sa angels kaya, pinaglihi ka sa kanila." Sometimes, naisip ko, ba't ako naging bad girl kung pinaglihi ako sa angel?
"Eh, mamita, bakit po wala akong wings?" tinanong ko, syempre bata pa ako eh. 5 yrs. old ako.
"Ang importante, your attitude is an angel. And your face is like an angel. Okay, tulog ka na, papasok ka pa bukas. Good night little Amy."
"Good night, mamita!" Natulog na ako that time.
10 hrs ago, in my dreams, nakakita ako ng isang little boy na may wings, maliwanag! Namumukhaan ko sya, para syang isang angel. May hàlo. Angel nga! Nakatayo lang sya tapos nakasmile. Aw, tapos bigla na akong nagising. Ang cute nya! Ang gwapo ^_^. Dali-dali akong pumunta sa kwarto nina mamita. Ginising ko sila, sabi ko "Mamita, I've seen an angel... in my dreams po!" Tuwang tuwa ako noong sinabi ko yon. "Really? Aw, it means, he's right beside you.","It means po ba mamita, he's guiding me?" nang sinabi ni mamita na "Oo", natuwa ako. Aww, may care rin pala ang guardian angel ko.
Pagkauwi ko rin galing sa school, sa kwarto ko, may nakita akong bata. Kamukha ni guardian angel. "Kamusta!" sinabi nya sa akin, "Hello, sino ka? Ako nga pala si Amy." Hindi sya nagsalita, sabi lang nya "Galing ako sa langit. Natutuwa akong makilala ka, sige, aalis na ako. Paalam!","Ba-bye!" ang cute nya talaga, "Little Amy, sinong kausap mo?" paano ko sasabihin? "Aa-um, mamita, ito pong barbie ko." sinabi ko na lang.
Fast forward to present, after 16 years, hindi ko talaga malilimutan ang Angel ko. "Amy, samahan mo ako sa library!" Si Leighne. Bestfriend ko since grade 1. This year, 3rd year HS na ako. "Wait lang, Leighne, tatapusin ko lang 'tong icING!!" SHIT! Natapon yung Icing sa damit ni Therizza. Haha! Buti nga sa kanya! "Arggghh! How dare you! Bulag ka ba? Skater ka nga, ulaga naman!" biruin mo! Sinabihan ako nang ganun?! Palibhasa mid na sikat, eh ako? kasama sa top 5 na sikat sa Laurel National Academy
Chapter 2: Amethyst
"Sarrey? hmm? Sarrey! Palibhasa Middle lang!" Binulong ka sabay irap
"Wow! How dare you to say that STUPID thing to me?!","Wow! Big word!! Alam mo kasi, inggit ka lang! Ako, top 2 sa mga sikat, eh ikaw? mid lang! Har har!" sabay tawa ko, by the way, I'm Amethyst Galore Houston. Ang totoo, Half american at half Filipino ako. Ang Amethyst, hango sa favorite color ni mommy at Galore, sa sikat na pusa sa cats and dogs. Kamag-anak namin si whitney houston. Si daddy, namatay dahil may heart disease sya, si mommy, namatay dahil may holdapan sa bank when I was 13 yrs. old. Mag-isa lang ako sa bahay na nilipatan ko, lumipat ako noong pagkatapos ng libing ni mommy para malapit na rin kina mamita. naging bad girl ako dahil sa pagkawala nina mommy at daddy. Sad life. Back to popular war. "Atleast, heartrob naman. Balita ko, ulila ka na. Walang magulang for short." nairita ako sa kanya
"Wag mo silang idamay. May parents ka nga, hindi ka naman tinuruan ng magandang asal! But all I know is, relative ko si Whitney Houston and professional skater ako, talented, cute, 5.4 footer, Singer and had a title "pop biritera", top 2 popular here in L.N.A., popular in facebook who has 900+ likers and with 4,386 friends and 2,638 followers in FB, 5,000+ followers in instagram, soundcloud and twitter, kilala at sikat sa ibang school and most of all, beauty with brains! Boom panes!" sinabi ko yun nang mabilis. Nahimatay si Therizza. That's me! Lahat nang yun ay totoo. "um.. kayo? Linisin nyo yung damit ng kaibigan nyo. Kailangan nya rin ng facial. Puro pimples na sya! Haha!","Ehh ikaw, kailangan mo ng Lips surgery" sinigaw sa akin ni meg. "kayo, kailangan nyo ng soul surgery."
"Amy, it's almost 4:30. Tayo na!" hinigit ako ni Leighne papuntang library. "Okay? So, Amy, who's the best singer here. Lea Salonga or Bruno Mars. Wait, nakapagpasa ka na?","Sure, dati pa. Dati pa yan sinabi noh? Lea Salonga na lang." sabi ko. "Ikaw, sino ang iyo, Hula ko, tita Whitney mo?" paano nya nalaman? "Yes. Haha! Punta tayo mamaya sa Café de soledad. Magmemerienda lang ako. " biglang tumunog ang tyan ko. Tumingin sa akin si Leighne "I'm hungry na talaga. Tapos na ba yan?" tanong ko. Nakakahiya kaya. Sila kasi ang may ari ng café de soledad. Si ate QT ang maganda nyang ate. 3rd year college lang ang natapos nya pagkatapos noon, nagpatayo sya ng sarili nyang business. Yaman noh? Alam ko pa ang story nila! "Tapos na. Tayo na! Magpapaiwan na rin ako doon."
it's 5:00 p.m. "Ate QT paorder ng banana cupcake, one slice of black forest and Capuccino at padagdag na rin ng red velvet cupcake. Keep the change na lang." dahil sa gutom, andame kong inorder. "Amy, hindi kaya.. masobrahan ka na nyan?" tinanong ako ni Leighne, "Bad girls eats a lot! Talagang nagugutom na ako eh! Isang hello at isang C2 lang ang binili ko." Umupo kami kung saan lagi kami nakatambay. "Amy, para kang rapper kanina ah!" Hangang-hangang sinabi ni Leighne sa akin. "Ganyan ang side effect ng nanonood ng Fliptop. Pati na rin sa pakikinig ng rap song. Idol ko ata si abra at loonie noh! Pati na rin ang american rapper" nahilig ako sa rap songs gawa nina tito Steve. Siya ang tito ko sa father's side.
Chapter 3: Mikael(Guardian angel of Amy)
"Dahil sa pagiging masama nya, maraming naaapektuhan." Sinabi ko sa panginoong hesus. Ako ang tagabantay ni Amy. Si Mikael. Nagkita na kami simula bata pa kami. Nakausap ko na rin sya. Hindi sya masama noong bata pa sya. Buhat siguro yon simula noong mapasama sya at simula noong mamatay ang magulang nya. "Bumaba ka at bantayan sya. Isang linggo mo syang bantayan. Pero, paalala ko lang, wag mo syang papakealaman. Bantayan mo lang sya. Maliwanag ba yon?" Nang sumangayon ako, "Ngayong, gawin mo na ang misyon mo." agad nya akong pinadala sa mundong ibaba. "Haha! Leighne, busog na ako! Tada!! Ahh!" narinig ko ang boses ni Amy, isa sa 7 deadly sin ang ginawa nya. Katakawan. Pumasok ako at binantayan sya "Ano na naman kaya ang gagawin nya.","Alis na ako, teka lang. Aircon ba kayo ngayon?" sabi ng kaibigan nya, hindi daw, siguro ako yung dahilan kung bakit nilalamigan sya. Buti na lang wala sya pasok bukas. Noong lumabas sya, agad ko syang sinundan. Siguro, uuwi na sya kaso ang problema, agad syang sumakay. "Di bale na, gagamitin ko na lang ang pakpak ko." sinabi ko.
Nang makarating ako sa tinutuluyan nya, agad ko syang sinundan. "Ito ba ang tinutuluyan nya? Ang liit naman. Wala syang tutulugan. Tapos... nakakahilo pa." Nang magbukas ang pintuan. May pinuntahan pa sya. "Mamita, I'm home na po.","Edi, nasa permanenteng bahay nya sya." sabi ko. Dahil sa pagkamangha ko sa bahay nya, may nagalaw akong gamit nya "Sino ka?" tanong ni Amy. Tapos may kumalampag na gamit. Agad syang kumuha ng pamatpat. Natakot ako. Baka may gawin syang masama. "Kung tao lang sana ako, makikita nya kung sino ang dahilan.","Wala naman pala. Hangin lang. Since, March lang ngayon, natural lang na malakas ang hangin. Hay! Malapit na naman ang summer" narinig ko. Matutulog na sya, babantayan ko na lang sya. Ang ganda pala nya. Talentado pa. Hula ko, maraming nagkakagusto sa kanya. Sana tao na lang ako. Para maaalagaan ko sya.
Chapter 4:Amethyst
Nang matulog ako, ang lamig. Pinatay ko naman ang aircon. Siguro, galing sa labas yung hangin. Nagkumot na lang ako. But, past few hours, Nanaginip ako. Isang angel. Hindi ko pa sya nakikita dati pero.. ang alam ko, nakakita na ako ng angel since bata pa ako. Siguro, sya na 'tong nasa panaginip ko. Sh*t! I did'nt expect it. Nandito sya sa tabi ko. "Kailan kaya kita mahahawakan?" Narinig ko ang sinabi nya. It means, I can feel him but he can't touch me?
It's our Farewell party noong Kinuwento ko kay Leighne ang napanaginipan ko sa L.N.A. "Grabe! Nakita ko sya sa panaginip ko. I see his cute smile, aww. Cutiepatootie!","Ano? Sino 'yon ha!? Gusto mo, upakan natin yan!" hay nako! Dumali si Fred. Basag ulo talaga 'to. "FYI, walang nangholdap, nangsnatch, nangbully, nangrape sa akin, okay? Hmm... medyo O. A.! Shoo shoo away!","Hay. Pabayaan mo na si Fred. Alam mo na."sabi ni Leighne. Si Fred kasi, matagal ng may gusto sa akin. Nililigawan nya ako pero, never ko syang sinasagot. "Ang nakakainis lang sa kanya, nagpe-pretend sya na boyfriend ko sya. So Grrr!" inis na inis kong sinabi kay Leighne. "Feeler for short! Haha!" Sabi ni Leighne. Biglang dumating ang grupo nina Therizza. Nag-wave sya ng hair "Wow! Rebonded hah! Eh, yung mga kuto ba, namatay na? Baka may itlog pang left over? Hahaha!" sinabi ko sa kanya. "Huh? Excuse me, wala akong kuto.","Wews! Really, eh ano yung nakuha namin ni Leighne sa'yo malapit sa mukha mo na parang langgam. Tapos, tinago mo pa yung kamay ko at bigla mong tiniris yung iwinesky Louse. Tanda mo pa? Since Grade 7. Hmm!?" sinabi ko. "Pwede ba--","Pwede bang itago ko yung secret mo at baka mawala ang kasikatan mo? Ha? Kailangan mo ng Soul surgery at hair surgery. Haha!" Lumayo kami ni Leighne sa kanya. "Atleast, Lice free ako. And never akong nagkakaroon ng sort of thing na 'yon." bigla kaming umalis at winave ang hair ko kay Therizza. "hmmp, natural hair 'yan teh!" narinig ko sa kanya "Arggggh!!!"
Pagkapunta namin sa room para maglinis, may nakita akong gift na nakalagay "to: Amethyst". Binuksan ko at nakita ko, isang malaking spider. Kinausap ko pa ha? "Hello, cutiepatootie spider de Higante! How are you today? I'm fine! Okay, let's go to your mudra luka! Haha! Leighne, dito ka lang, end of convey!" Pinuntahan ko si Therizza sa canteen. Aba! Hinihingutuhan sya ng kaibigan nya! "Therizza, surprise!!" sabay hagis ng box. Haha! Naglulundag sya sa takot! "Ano ba!? That's your gift diba? From me! By the way, do you love my gift?","Ahmm, sure but your baby miss you! Gusto daw nya sa mudra luka nya. Haha! Ba-bye, Theriz!","Wait, di pa tayo tapos!! Argh!" narinig ko sa kanya.
Chapter 5: Amethyst
Habang naorder kami kay Ate QT...
"Oh, ano na naman ang ginawa mo kay Therizza?"
"Well, hinagis yung box sa damit nya. If you only saw it, naglulundag sya sa takot! Haha!" Nakakatawa eh! Di ko mapigilang tumawa. "Hay nako! Amy, good thing na lang wala ng pasok bukas. It's our summer vacation. Hay! Magbabakasyon kami sa Chicago. Now, makikita ko na ulit si Mom and dad. Ate, sasama ka?" tinanong nya kay ate QT. "Hindi eh. Sinong mag-aalaga sa shop ko?","Ay! Oo nga pala. Eh ikaw, maga-out of country ka?" tinanong sa akin ni Leighne. San ako pupunta? Kina tito? "umm, hindi, pupunta lang ako sa pagudpod beach. Goodluck ha?" mamimiss ko talaga si Leighne. Haay! Dumating ang mga luka! "Well, well, well. Look whose here! Ano? Hindi ka na ba nakuntento sa ginawa mo kanina?" Galit na sinabi ni Therizza sa akin "I'm content. Don't 'ya worry. Ehh, ikaw? Ilang kuto ang nakuha sa'yo? Lima? Pito? O, sampu?","Apat lang. Sana hindi kita makaklase next year.","Ako rin. Baka kasi yung mga kuto mo, lumipat sa akin! Yuck!" biniro ko sya. Ang malas ko kung sya ang magiging classmate ko.
"By the way, Leighne, Alis na tayo. Baka may lumipad na kuto. Haha!" Lumabas kami at naupo sa labas. "Leighne, alis na ako. Bye!"
"Ingat ha!?" sinabi nya sa akin habang natawid ako sa Pedestrial Lane. "Sure! Ako pa!","AMY!!!!!!" nang lumingon ako, O my god! Masasagasaan ako! "Aaaaaaaaaaah!" nang biglang... "Ayos ka lang?" nang lumingat ako, nakita kong nakayapos sya sa akin. At.. At.. ang gwapo nya! Napatulala ako sa kanya. "A--a--ayos lang. My Hero!" bigla ko syang niyakap. Nang makita ko si Leighne, nanlalaki ang mata nya at bigla syang pumasok sa shop. "Sino ka? By the way, thanks ha? Ay! Samahan mo ako. My treat. Sa bahay ko na tayo kumain." Hinigit ko sya papunta sa shop nina Leighne "Ate QT, paorder ng 2 slices of blackforest cake and 2 capuccino. Take out. Hey Leighne!","Parang walang nangyari sa'yo ah! Ano nga palang pangalan nya?" tinanong ni Leighne kay hero. "Ako nga pala si Mikael." Wow! Nice name! Bagay sa kanya. "Leighne, goodluck sa trip to Chicago! Bye!" Umalis na kami.
Pagkapunta namin sa bahay ko, Pinakain ko muna si Mikael But, something is wrong. Hindi sya marunong gumamit ng fork? "Ay! Kailangan pa pala kitang turuan. Ganto kasi..." tinuruan ko sya. Nang marunong na sya,"Ang sarap!","Magpakabusog ka ha? Maliligo lang ako." Sabi ko. Pagkapasok ko sa kwarto,"Yiiiee! Ang gwapo nya! Sumabog nga talaga ang magagandang bituin sa Universe! Mamatay na ang mga panget sa mundong ibabaw!! Isama na rin si Therizza! Hahahahaha!" yung tawa ko, parang naghahasik ng lagim.
Chapter 6: Mikael
Narinig kong sumisigaw si Amy. Bakit kaya? "Hindi nya alam na anghel ako. Salamat panginoon dahil tinupad nyo ang hiling ko." Binulong ko. Bigla namang sumagot ang panginoong hesus,"Walang anuman ngunit, gagawin mo ang misyon mo na babantayan mo sya.","Pangako po."
Ang sarap ng kinain ko. Ano kaya ang tawag sa pagkain na 'yon? "Ang ganda ng tahanan nya. Teka. Ano ba 'tong ipinapainom nya sa akin?" Wala man akong kaalam-alam sa gamit nya dito sa tahanan nya, ang alam ko, mababantayan ko sya. Ininom ko ang inumin na binigay nya sa akin. Masarap din. Ngayon lang kasi ako nakatikim at nakakain ng pagkain na ganito. Naggala-gala muna ako sa bahay nya. "Ang ganda naman ng mga gamit nya. Saan nya kaya 'to nakukuha?" tinanong ko sa sarili ko. Nang makita ko ang mga larawan ng mga pamilya nya, "Parang pamilyar sya sa akin. Nakita ko na sya sa langit! Tama ako. Sya ang nanay ni Amy."
Nang lumabas si Amy, naupo kami at may sinabi sya "Ang astig ng ginawa mo kanina! Matteo do, ikaw ba 'yan? Joke lemeng! Pero, ang gwapo mo ha? I have clothes for boys. Mga kasing size mo lang yung iba. Maunti lang eh! By the way, I'm Amethyst Galore Houston.","Alam ko." sinabi ko, pero sabi naman nya "huh? Paano mo nalaman ang pangalan ko agad-agad? Ah, baka nakita mo sa cross stitch ko. Ganda noh?" Ang ganda nga. Tunay na talentado talaga sya. "Oo nga. Maganda. Ipagpaumanhin mo ngunit, hindi ako maalam magsalita ng ibang lingwahe na sinasabi mo." sana maintindihan nya. "Huh? Alien ka ba? Di bale na! I will teach you na lang, bukas. Ahm, igagala muna kita dito sa bahay ko." Ginala nya ako sa bahay nya. Nakakabighani talaga. May pinuntahan kami sa itaas. "Dito ka naman matutulog. Don't worry. Sa tagalog, wag kang mag-alala, magkatabi lang ang kwarto natin. Pag iihi ka, dito ka pupunta. Don't tell me, di ka marunong umihi!" Nanlaki ang mata ko noong sinabi nya 'yon."Haha! Joke lang! Pumili ka kung anong gusto mong suotin. Magbihis ka na lang. Tulog na ako. Good night!" Makapili na lang ng damit. Pagkapili ko ng damit, natulog na ako.
Chapter 7: Amethyst
Kinikilig ako! He's super handsome! Hay! Hulog sya ng langit! "Yieee! Ang gwapo nya! Pero, bakit parang wala syang kaalam-alam dito sa earth? Baka alien. Pero bihira ang magkaroon ng alien na kasing gwapo nya. Ah, basta!" It's already 12:00 a.m. Dinali na naman ako ng insomia ko. Wala akong magawa. Pumunta muna ako sa sala. Kumuha ako ng teen fiction book, at nagbasa. Nang lumingon ako, parang may nakita akong lalaking nakatayo. "Hey! Sino ka?" tinanong ko. Hindi sya lumingon. Nang nilapitan ko, lumingon sya! "Aaaaaaaaaaahh!" Laking gulat ko at napasigaw ako nang makita ko ang multo na may hawak na kutsilyo! Tumakbo ako papuntang kwarto nang bigla akong nadapa, "Hala! Nose bleed! Tigilan mo na ako!" Nang makita ako ni Mikael, agad nya akong itinayo at tinanong "Ba't ka nasigaw?" pero, bigla ko lang syang nayakap dahil sa takot. Pero nung lumingon ako, nawala ang multo? "Mikael, may multong gusto pumatay sa akin!" nagpasama ako kay Mikael sa kusina at kumuha ng yelo para ilagay sa ilong ko.
"Amy, ayos ka lang ba? Anong nangyari?","Kasi, hindi ako makatulog kaya nagbasa muna ako ng libro. Lumingon ako hanggang sa…may makita akong multo. Akala ko tao, yun pala, multo." kinuwento ko ang lahat. Tinanong nya ako kung ano ang itsura nung multo. Sabi ko "Maitim sya tapos ang damit nya, butas-butas.","Mag-ingat ka. Sya ang multo na nagkakagusto sa'yo. Sya si Damus. Ilang beses na nyang sinusubukang samantalahin ka pero sa tulong ng anting-anting na suot mo, hindi ka nya malapitan kaya, araw-araw mong isuot ang iyong anting-anting"
"Wow! Pati multo nagkakagusto sa akin? Pero bakit nung niyakap kita, bigla syang nawala? Ikaw ba ang lakaking nakatadhana sa akin? Joke!"
"Ang panginoon ang makakapagsabi kung nakatadhana tayo" Shit overload! Kinilig at nanlaki ang mata ko! Pagkapasok ko sa kwarto, Kinilig ako! Naglulundag ako at sabi "O my Geez! O my Goodieness!! Mamatay na talaga ang mga panget! Tulog na ako! Haay! Goodnight, Mikael!" binulong ko. Kanina lang, takot na takot ako pero nawala noong sinabi nya 'yon!
Pagkagising ko, agad akong bumaba at nagluto ng almusal at sabay pagkababa ni Mikael, agad kongh sinabi "GOOD MORNING!" Handa na ang almusal namin. Pagkaupo nya tinanong ko kung saan sya nagmula. Sabi nya "Nagmula ako sa langit. Isa akong arkanghel ni hesus. Mahirap paniwalaan pero totoo","huh? pero, alam mo, baduy ang name na Mikael. Ang bagay, Michael!"