He Doesn't Share

By JFstories

21.6M 703K 179K

Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. Howev... More

Prologue
Alamid Wolfgang
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
THE LAST CHAPTER
EPILOGUE
AKI

Chapter 4

565K 18.9K 6.3K
By JFstories


Chapter 4

"SINO KA?"

Parang tinatambol ang dibdib ko sa kaba habang nakatingala ako sa mukha niya. Kailangan ko talagang tumingala dahil hanggang dibdib niya lang yata ako. He was tall, probably over six feet.

He was familiar. Even his mere presence was familiar.

"I'm cousin of Helena David." He said with a deep voice.

Pinsan siya ni Ate Helen? Iyong kapit-bahay ko sa kabilang apartment? Sukat ay napatingin ako sa bitbit niyang maliit na tupperware. 

"Pinapadala ni Ate Helen, nagluto kasi siya ng adobong manok."

Nagta-Tagalog! Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi foreigner na kamag-anak ni Ate Helen.

"Adobong chicken?!" sumulpot mula sa likuran ko si Aki.

"Hi." Bumaba ang tingin ng lalaki mula sa mukha ko papunta kay Aki na nakakapit sa bewang ko.

"Hello!" Si Aki na ang tumanggap ng tupperware.

"Salamat. Nasan ba si Ate Helen at ikaw pa ang inutusan niya?" hindi pa rin maalis-alis ang paningin ko sa mukha ng matangkad na lalaki. Napakaguwapo niya.

And the man smelled sooo freakingly good. Parang natural lang na manly scent at hindi kung anong mamahaling men's cologne.

"Ano bang ginagawa niya?" Nakaka-engganyo na makipag-usap sa kanya. Hay, OA ko. Hindi na kasi ako gaanong nakakakita ng ibang tao dahil nga sa home based ang work ko.

"Pupunta siya rito mamaya."

"Ano bang ginagawa niya?" Nakaka-engganyo na makipag-usap sa kanya.

"Tinutulungan niya pa sa assignment si Meryl."

Si Meryl ang panganay na anak ni Ate Helen. Katorse ang dalagita at nasa Grade 8 na. Ang sumunod ay si Totoy na ka-edad at kalaro ni Aki. Dalawa lang ang anak ni Ate Helen dahil nasa Saudi ang asawa nito, tatlong taon parati bago nakakauwi ng Pilipinas.

At hindi ko alam na may pinsan pala si Ate Helen.

"Kuya, pasok ka!" Sigaw ni Aki mula sa kusina na katapat lang ng sala.

Nahiya naman ako dahil nakatanghod lang ang lalaki sa pinto. Niyaya ko na rin siyang pumasok, since parating naman daw si Ate Helen.

Ngiting-ngiti si Aki habang nilalantakan ang adobong manok. Paborito kasi iyon ni Aki at bihira ko lang iyong lutuin. Kapag kasi hindi pa sahod ay nagtitipid ako, puro de latas o kaya ay gulay lang ang hinahain ko.

Himala na hindi nagpakita ng kasalbahian ang bata sa bisita namin. Siguro dahil alam niyang kamag-anak ito ng kapit-bahay namin.

"Upo ka muna." Itinuro ko ang sofa.

"Thanks."

Titingin-tingin siya sa paligid. Naliliitan siya siguro sa apartment ko. Kumpara kasi sa apartment ni Ate Helen, mas maliit itong inuupahan ko. Pero iisa lang naman ang mga metro dahil magkatabi at iisa lang ang may ari.

"Ahm, may gusto ka ba?"

"Huh?"

Shit. Paano ba? Ano bang sasabihin ko sa kanya? Bakit bigla akong naa-out of words sa kanya? Hindi naman ako ganito, ah.

"I mean, do you need anything? Water kaya? O juice—"

"Wala tayong juice, Ate!" Sigaw ni Aki. "Di ba di ka nago-grocery sa Waltermart kasi nahihiya kang makita iyong manliligaw mong pangit! Si Junjun pangit!"

"Aki!" Saway ko.

Nag-init ang pisngi ko. Hiyang-hiya tuloy ako sa pinsan ni Ate Helen.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko..."

Hindi sumagot ang lalaki, sa halip ay nakatingin lang siya sa akin. Naiilang na tumalikod ako.

"Aki, hindi maganda iyang ugali mo na sumasabat ka sa usapan ng matatanda!" si Aki na lang ang pinagbuhusan ko ng tensyon.

"Pangit naman talaga iyong Jun na iyon, e!"

"Aki, masama ang nanglalait ng kapwa!"

"Hindi ko siya kapwa kasi ampangit niya!"

"Aki! Isa!"

"Gusto mo ba 'yon?! Pangit naman talaga 'yon!"

"Ewan ko sa 'yo!" sumusukong tinalikuran ko ang limang taong gulang na batang lalaki. Ayaw kong maubusan ng pasensiya sa kanya at baka rito pa kamimagkapaluan sa harap ng bisita.

Napaharap tuloy ulit ako sa bisita. Nakatingin pa rin siya sa akin.

Pero bakit ganito siya makatingin? Galit ba siya?

"Ahmn, nasaan na ba si Ate Helen?"

"She'll come here later." Mababa ang tono na sagot niya.

"Ah, ganun ba..." hindi ako mapakali. "Ah, pano mo nga pala nalaman ang pangalan ko—ah, siguro nasabi sa 'yo ni Ate Helen. Ah, hindi ko alam na may pinsan pala siya, ngayon lang kita nakita, e." Wala na akong masabi dahil ilang na ilang talaga ako sa gawi ng pagtitig niya sa akin.

Hindi pa naman ako naliligo. Nanlilimahid pa ako at naglalangis na ang mukha ko. Hindi naman kasi ako nag-aayos kapag nasa bahay lang ako. T-shirt at shorts lang ang palaging get up ko rito. Tapos iyong buhok ko, basta na lang nakalugay. Bihira kasi ako mag-pony.

Ni hindi man lang ako nakapag-pulbo. Malay ko ba naman kasi na magkakaroon ako ng bisita na ganito kaguwapo?

At kelan pa ba ako nahilig sa guwapo?

Hay, ano ba itong nangyayari sa akin? Walanga akong pakialam sa mga lalaki e.

"Ahm, bakit?" Hindi na ako nakatiis na tanungin siya. Ayaw niya kasi talagang tumigil sa pagtitig sa akin.

Mabuti sana kung sa legs ko siya nakatingin, at least don may mapapala siya. Makikinis at mapuputi ang mga legs ko, hindi katulad ng mukha ko na oily na, may tatlong pirasong pimples pa. Isa sa noo tapos dalawa sa kaliwang pisngi.

Tila natauhan ang guwapong bisita. Nagbawi na siya ng tingin sa wakas.

Nang may kumatok ay agad ko iyong pinagbuksan. "Ate Helen, mabuti nandito ka na!"

Matangkad rin si Ate Helen, may itsura naman, hindi nga lang kasing lakas ng dating ng nagpakilala niyang pinsan.

"Ate, andito ang pinsan mo raw."

Alanganin ang ngiti na sumagot siya. "Pasensiya ka na, Ingrid, nautusan ko pa ang pinsan ko rito."

"Okay lang, 'Te. Pasok ka." Hinila ko agad ang thirty-seven years old na babae papasok sa sala.

Dumeretso si Ate Helen sa kusina. Parang mas gusto pang kulitin si Aki kaysa kausapin ang sariling pinsan. "Ano, Aki? Masarap ba? Si Ate Meryl mo ang nagluto niyan."

"Masarap talaga!" kay-lawak ng ngiti ng bubwit. Palibhasa ay crush ni Aki ang dalagita ni Ate Helen.

"'Ku, ikaw talaga!" pinisil ni Ate Helen ang pisngi ni Aki. "Porket si Meryl ang nagluto, masarap talaga sa 'yo."

"Crush ko siya, e."

"Naku, wag na iyon. Kadaming boyfriend non!"

"Ako ang boyfriend niya!"

"Madami nga! Di lang ikaw!" natatawang sabi ni Ate Helen.

"Bubugbugin ko siya!"

"Aki, bad iyan!" Saway ko. Pero mukhang wala namang pakialam si Ate Helen, palibhasa ay bata pa si Aki. Alangang-alangan ito para sa anak niyang si Meryl.

Natatawa lang si Ate Helen kay Aki. "Mas marami pa boyfriend non kesa sa subject na naipapasa sa school."

Lumabi si Aki. Dinutdot-dutdot ang manok.

Nilapitan ko sila. "Aki, wag mo namang kamayin. Gumamit ka ng tinidor. Gusto mo ng mag girlfriend pero ang salaula mo pa rin."

Sumimangot si Aki na tila napahiya. Maniwala man kayo o sa hindi, may hiya si Aki. Lalo na sa nanay ng crush niya.

Hinila ko ang tupperware palayo sa kanya. "Hindi ito pinapapak. Kumuha ka ng kanin kung gusto mo itong kainin."

Namula ang mukha ng batang lalaki at tumalim ang kulay abong mga mata.

"Aki, 'wag mo akong tingnan ng ganyan!"

"Bad ka!" Hinampas niya ako sa mukha.

"Aki!" Tili ko.

Dumila ang bata at saka binitbit ang tupperware papasok sa kuwarto. Pabagsak niyang isinara ang pinto.

"Lintek na bata talaga iyon!" gigil na nahampas ko ang mesa.

"Disiplinahin mo nang mabuti iyang kapatid mo. Ingrid. Nalaking maldito, sayang at ang pogi pa namang bata."

Bumuntong-hininga ako. "Ewan ko ba, 'Te. Kahit anong pangaral ko, hindi siya talaga nakikinig. Ayoko namang paluin nang paulin iyan, ako rin kasi ang naaawa kapag umiiyak na, e."

"Wala kasing tatay, e."

"Hindi katwiran iyon, 'Te."

Napatingin sa sofa si Ate Helen. "Ay, oo nga pala! Si Cousin ko, narine pala!"

"Ha?" Saka ko lang naalala na nandito pa pala ang pinsan niyang guwapo.

"Sorry, I forgot about you, deary handsome cousin!"

Nakaupo pa rin sa sofa ang matangkad na lalaki na may kulay abong mga mata. Nakamasid siya sa amin ni Ate Helen at prente lang na nakikinig sa pinag-uusapan namin.

Malamang nakita at narinig niya kung paano ako bastusin ng lintek na Aki na iyon. Nakakahiya.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko." Ani ko sa kanya.

Tumango lang ang lalaki.

"Hindi talaga siya palasalita." Bulong ni Ate Helen sa akin.

"Hindi mo nabanggit na may pinsan ka, 'Te." Bulong ko rin sa kanya.

At di mo rin nabanggit na pogi siya at kulay gray ang mata niya. Takot ako sa gray eyes, e. Feeling ko kasi Aki version 2.0 kapag abo ang kulay ng mata. 

Napangiwi si Ate Helen. "E hindi ko alam na dadayo siya rito. Galing States siya, dumalaw lang."

Galing States? Ibig sabihin mapera?  Ang humble naman at dumalaw siyarito. Sana ay matulungan niya ang pinsan niyang si Ate Helen dahil ang alam koay namomroblema ngayon ang babae sa pagbabayad ng mga utang. Nagkasakit kasi saSaudi ang OFW na asawa ni Ate Helen kaya ilang buwan na hindi nakapagpadala.

"De kotse iyan! Jaguar. Iyong kulay itim na nasa ibaba, kanya raw iyon."

Jaguar? Magkano na ba ang Jaguar ngayon?

Mapera nga. Sabagay, nasa itsura at pananamit naman.

Pasimple kong sinulyapan ang lalaki. Tahimik lang siya sa pagkakaupo sa sofa. Pero kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw pa rin sa commanding presence. And somehow he's familiar.

At bakit ba kahit anong anggulo ko talaga sila tingnan, hindi sila magkamukha ni Ate Helen? O baka naman retokado ang lalaking ito?

Muli kong sinulyapan ang lalaki. Maraming nagagawa ang pera. Posibleng retokado nga siya.

His features was perfect, really. Perfect strong jaw, thick eyebrows, long dark lashes, pointed nose and sexy thin lips. And his luminous gray eyes? They were so achingly beautiful!

"I'm working in Makati." Malagom at malamig ang boses ng lalaki ng magsalita. "But I am planning to stay in Ate Helen's apartment."

"Ha?" chorus pa kami ni Ate Helen.

"Aba'y kakasya ba tayo?" parang maiihi na ang babae sa tabi ko. "Dalawa ang junakis ko, dalawa lang ang kuwarto sa bahay."

"I can sleep anywhere." His answer was delivered matter-of-factly.

Magiging kapit-bahay ko siya?

"Sa sala, perhaps," he added.

"Okay ka lang?" lalong napangiwi si Ate Helen. "Sa laki mong 'yan, di ka kakasya sa sofa ko."

Hindi kumibo ang lalaki. Pero mukhang wala ng makakabali sa pasya niya na mag-stay kina Ate Helen.

Ano nga kaya ang work niya sa Makati?

Sa itsura niya, leather shoes, jeans at kahit simple lang ang shirt niya— malamang mataas ang posisyon niya kung saan man siya nagw-work.

Company supervisor ng BPO kaya? Manager ng bangko? Pwede.

Pero bakit kailangan niyang makitira kay Ate Helen? Ang layo kaya ng Makati sa Taytay Rizal! Dagdag pa ang traffic. Anong trip niya?

Tila nabasa niya ang iniisip ko. Tumikhim siya. "I'm on leave, gusto kong makasama ang mga pamangkin ko."

Ngiting-ngiti na si Ate Helen matapos ang ilang sandali ng malalim na pag-iisip. "Pwede!"

Ngumiti na ang lalaki. And oh boy, nakakabighani ang ngiti niya! He really was beautiful! Lalo ngayon na parang sumaya siya sa pagpayag ni Ate Helen.

"Sige, Cousin, para magkabonding ka naman ng mga junakis ko. Limot ka na nila, e. Tama, tama! Pwede pa naman! hindi pa naman uuwi this year ang hubby ko. Mga hanggang kailan ka nga ba samin?"

"I don't know."

"You don't know?" Humaba ang mukha ni Ate Helen. "Wala ka bang plano?"

"We'll talk about it some other time, Ate Helen."

Unti-unti na akong naco-convince na magpinsan nga sila. Mukha naman silang close kahit pa mukhang cold itong lalaking ito kay Ate Helen. Siguro ay naninibago lang sila sa isat-isa dahil nga sa galing States daw ito.

Teka, galing States pero sa Makati nagw-work? Ah, baka kakapasok lang ng trabaho. Pero bakit naka-leave agad kung kapapasok lang?

"Una na ako sa bahay, aayusin ko pa ang tutulugan nitong pinsan ko." Paalam ni Ate Helen sa akin. "Don ko na lang muna siya papatulugin sa kuwarto ni Meryl, sama-sama muna kaming mag-iina sa kuwarto ko for the mean time."

Nang maiwan kaming dalawa ng lalaking may kulay abong mga mata ay kinunutan ko siya ng noo. He averted his eyes to the floor, but not before I noticed the many emotions in them. Familiar emotions.

"N-nagkita na ba tayo noon?"

Umiling siya at tumalikod para pumunta sa pinto. "Bye for now, Ingrid."

Napatulala ako sa likod niya. Even the way he said my name was very familiar.

Teka, alam ko na ba ang pangalan niya? Maski si Ate Helen ay hindi iyon nabanggit man lang kanina.

"Sandali! Ano nga palang pangalan mo?" habol ko sa kanya.

Huminto siya at bahagya lang na lumingon.

"Wolf."


JAMILLEFUMAH

@JFstories

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
819K 38.6K 28
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.5M 34.1K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...