Last Waltz LEGACY # 7

By HopelessPen

166K 3.9K 908

Ang buhay ay isang malaking entablado na may libo libong mananayaw. Some dance in a fast, upbeat tone while s... More

Prologue
SIMULA
Punished
Last

AEGGIS

29.7K 715 241
By HopelessPen

3


Napaungol ako ng makaramdam ako ng kiliti sa aking pisngi at paglalaro sa aking buhok. I just groaned at mas sumiksik pa sa aking kinahihigaan. A strong arm pulled me closer to his chest and I sighed.


"Alex, you have to wake up," bulong sa akin. Umiling lang ako at mas sumiksik sa init niya. This dream is too good to be true. Parang ayaw ko na yatang magising. Masyadong masarap na sa panaginip ko ay malambing at mahal ulit ako ni Matthew.


I felt him caressing my head, "Come on wife, you need to get up now," he said. Idinilat ko ang isang mata ko at naaninag iyong hubad na dibdib ni Matthew. Napalunok ako at agad na nagising ang diwa noong mapansin ko iyong katawan niyang nakabalandra sa akin.


Agad akong napaupo at umusog para hindi madikit sa kanya.


"Anong oras na?" tanong ko. God! Bakit wala siyang shirt?


Kinuha niya ang cellphone niya sa bedside table at binuksan.


"8:43 na. You should really get up. Sa bahay raw tayo maglulunch, sabi ni Mama," aniya. Nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Tumayo na si Matthew at nagsuot ng tshirt. I swallowed once again as his muscles flexed to worship his gloriousness.


Hindi nakawala sa akin iyong ngisi niya noong makita ang paninitig ko. Nanuyo ang lalamunan ko at agad na tumayo mula sa kama.


"We're going to meet your parents?"


Nilingon niya ako bago inabot sa akin ang tsinelas ko. He kneeled infront of me and helped me in wearing the slippers.


"Oo, tumawag si Mama kagabi para sabihing doon tayo kumain. Tulog ka na kaya hindi na kita ginising," he said. His fingers danced on my leg and I gasped. Nakita ko iyong pagtingala niya sa akin. His eyes turned a shade darker because of passion. I bit my lip when Matthew's hand lingered in my inner leg.


Parang labag pa sa loob niya noong tumuwid siya at tumayo. He grinned at me before going to the kitchen to prepare for our breakfast.


"Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang kinakalkal ang laman ng kaniyang ref. Umupo ako sa barstool at pinanuod siya sa pagluluto.


"Would I really meet your parents?" tanong kong muli. Napatigil siya sa pagbubukas ng mayonnaise.


"Why?"


Nagkibit balikat ako. "It would just make..things more real. You know, me meeting your parents—"


"What do you mean more real?" aniya, inihinto na talaga ang ginagawang pagluluto. His eyes narrowed at me and I shivered. My back stiffened as Matthew's anger radiated to me.


"More real, huh? Why? Is this all fake to you?"


Matapang ko siyang tiningnan. "Yes Matt. This is fake, right? You married me for your money—"


"Fuck it!" sigaw niya, binagsak iyong mug ng kape na hawak niya. Naihilamos niya iyong palad niya sa kanyang mukha bago ako tiningnan.


"This is fake. Our marriage has a deadline Matthew. Huwag kang magalit sa akin dahil sinasabi ko lang ang totoo. We have an expiration," anas ko. His eyes threw daggers at me before he shook his head. Nakita ko iyong pagngisi niya bago ako nilingon.


"You just can't wait to go back to your boys, huh?" he said. Every word has an acid in it and I flinched.


"Anong—"


Tumalikod siya sa akin bago napailing. His eyes were ablaze with fire while looking at me. Mabilis siyang umikot sa kitchen island at lumapit sa akin. Pilit kong pinatapang ang aking mukha at tiningnan siya.


"Matthew, hindi kasama sa usapan natin ito. You're going to help me find Ashton and I'm going to help you with your inheritance. That's our deal. Bakit kailangang makilala ako ng magulang mo?" katwiran ko. Nangalit ang panga niya bago ako pinakatitigan.


"Paano maniniwala si Papa na kasal na ako kung hindi ka niya makikilala?"


"Gumawa ka ng kwento! Sabihin mo nasa malayo ako o kaya ay busy ako. Kahit ano, wag mo lang akong ipakilala sa kanila," anas ko. Napatayo ako mula sa stool at lumayo sa kanya. His presence makes me insane. His arrogance and rudeness just makes it hard for me focus. Idagdag pang sa bawat pagtalim ng mata niya ay nanginginig na ako.


Niyakap ko ang sarili ko habang siya ay masama lamang ang tingin sa akin.


"Ayoko lang madamay ang magulang mo sa kasinungalingan na ito Matthew. I don't want them to be attached. Masasaktan sila kapag kailangan ko ng umalis," I said. Matthew sighed before shaking his head. He raked his hair with his fingers before closing his eyes tightly.


"Alex please. Just this moment, just this once, stop thinking that this is not real," halos paos na niyang sabi. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. The mere touch of his hand immediately sent shivers on my body. I was instantly reminded of those moments we shared, stark naked and sweaty—ah shit! Alex! Focus!


Binitiwan niya ako at inayos ang sarili.


"We're going to meet my parents Alex, sa ayaw at sa gusto mo," pinal niyang sabi bago pumasok sa aming kwarto. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig sa banyo at ang pagligo ni Matthew.


I went to our closet and took his blue and white striped v-neck shirt at itim na biker jeans. Inilagay ko iyon sa kama at ako naman ang kumuha ng maisusuot. I opted for a baby blue dress and a white cardigan. Pinagtabi ko ang mga damit namin ni Matthew at napangiti na lamang.


This is real. Alexia Marie, totoo ito. Kahit ngayon lang ay pagbibigyan ko ang sarili ko. Isa pa, sinabi ni Matthew na isipin kong hindi kami nagsisinungaling.


I just hope that this would all be real but I know that is never going to happen. Our marriage was doomed to end from the start. Kailangan niya ako para sa pera at kailangan ko siya para mahanap si Ashton. Hindi na ako mahal ni Matthew. Alam kong wala na siyang nararamdaman sa akin. I'm just here because he needed a wife.


Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siya roon. Sa beywang niya ay nakatali ang puting tuwalya. Pinupunasan rin niya ang buhok niyang basa habang iyong tubig ay tumutulo sa bawat hibla noon.


I swallowed hard when a drop from his hair travelled from his face down to his neck and all the way to the very crack of his abs. Hindi ko napigilan ang pagkagat sa labi habang nakatitig doon.


"You're eye raping me wife," aniya. Bumalik ako sa huwisyo at gulat na napatingin sa kanya.


"H-ha?"


Ngumisi siya at halos lumundag ang puso ko. Imagine a half naked chinito guy, with wet abs flaunted infront of you, grinning sexily. Hindi ka pa papangapusan ng hangin kung ikaw ang nasa pwesto ko?


Kinuha niya ang damit na inihanda ko. Dumikit iyong basa niyang braso sa aking braso at nagulat pa ako roon. Matthew's grin was still pastered on his face before taking his clothes.


"Papaliguan ba kita? Hindi muna ako magbibihis?" aniya. Parang nasunog ang mukha ko sa sinabi niya at agad akong umiling. Hindi na ako makapagsalita at kinuha ko na lamang iyong damit ko para makapanligo na.


Pagkasara ko ng pintuan ng banyo ay halos hingalin ako. Napahawak ako sa dibdib kong nagwawala na sa sobrang bilis ng tibok.


God Matthew Shaw...


Mabilis akong naligo at nagbihis. Noong lumabas ako ay nagtatali na ng kanyang sapatos si Matthew. He gave me an approving look before taking his car's keys. Kinuha ko naman ang aking sling bag at naglakad sa kanyang likuran.


Dirediretsyo lamang ako sa paghakbang noong bigla siyang pumihit paharap. Bumangga ang aking ulo sa kanyang dibdib at napaungol pa ako. Ang tigas kasi eh.


"Oh shit, sorry. Ayos ka lang?" aniya sabay haplos sa aking noo. Tumango lamang ako. He sighed a breathe of relief before taking my hand. He laced his fingers on mine at sabay kaming naglakad papunta sa kanyang sasakyan.


Tahimik lamang ang byahe papunta sa kanilang bahay. Halos tatlumpong minuto ang papunta sa bahay nila Iñigo Shaw.


Pumasok kami sa isang eksklusibong village. Dirediretsyo ang pulang Audi R8 niya sa tahimik na daan. Lumiko kami pakanan sa isang kanto at napansin ko ang kumpol ng mga tao sa ikaapat na bahay.


Somebody waved at us kaya nilingon ko si Matthew na abala sa pagmamaneho.


"Who was that?" tanong ko. Medyo may kalayuan pa at hindi ko pa masino ang kumaway.


"Igoy ko! They're here!" malakas na sigaw ni Mrs. Shaw. Huminto ang sasakyan at halos kaladkarin ako palabas ng mga asawa ng AEGGIS.


"Hi! I'm Avvi! Ex-wife ni Ethan," nakangiting sabi ng isang babaeng mukhang Amerikana. Napanganga lamang ako habang may ungol mula sa grupo ng mga AEGGIS.


"Avvi baby, stop that," pag alma ni Vincent Falcon. Agad siyang yumakap sa beywang ng asawa niyang nangungulit.


Isa isang nagpakilala sa akin ang mga asawa ng AEGGIS. Sa braso ko ay agad na kumapit si Mrs. Shaw na parang ayaw ng bumitiw.


"Igoy! Halika, pakilala ka sa anak natin," aniya. Humarap sa akin si Mr. Shaw. Iyong titig niya at chinitong mata ay kuhang kuha ni Matthew.


"Magkamukha silang dalawa, ano?" bulong sa akin ni Mrs. Shaw. Napatango lamang ako at alanganing ngumiti. Nilingon ko si Matthew na tahimik na nakasunod sa amin. He smiled at me before walking to Caius Falcon.


"Damn, nagpakasal ka talaga sa anak ko?" hindi makapaniwalang sabi ni Mr. Shaw. Napalingon ako kay Matthew na sumama ang tingin sa kanyang ama.


"Papa naman! Mama oh! Si Papa inaaway ako!" parang batang sabi ni Matthew. Natawa ako ng malakas at lumapit si Matt sa akin. Hinila niya ako palayo sa Mama niya at niyakap ang aking beywang.


"Pinagtatawanan mo ako?" kunwari ay galit niyang sabi. Kinagat ko ang aking labi sabay iling.


"Hindi po," natatawa kong sabi. Nagkangitian lamang kaming dalawa noong tumikhim si Mr. Montreal.


"She's a good catch," anas niya. Mas humigpit ang hawak ni Matthew sa beywang ko.


"Syempre, magaling pumili ang anak ko. Shaw yan eh," mayabang na sabi ng Papa ni Matthew. Naramdaman ko iyong paghalik ni Matthew sa aking ulo.


"So, buntis ka na ba?" bigla ay tanong ni Mrs. Shaw. Nanlaki ang mata ko at agad na umiling.


"H-hindi pa po—"


"Ayy, hala. Bilisan nyo. Tatandang bakla si Igoy!" parang batang sigaw ni Augustine Yturralde, nakaupo sa lamesa at nakaturo kay Mr. Shaw.


"Tangina mo po. Mamatay ka na," iritadong sagot nito. Tumawa lamang si Vincent Falcon at umakbay kay Mr. Shaw.


"Huwag ka ngang magmura. Andyan yung manugang mo," pamamawal niya. Umirap lamang si Mr. Shaw.


"Pakaplastic ka muna," dagdag ni Greg Festines, iyong malalim at magandang timbre ng boses niya ay di pa rin nagbabago.


"Oo nga, bakla," pambubusit din ni Athan Falcon. Napahagikgik ako habang si Inigo Shaw ay namumula na sa galit.


"Aba't!" aniya sabay alis ng kanyang tsinelas at bato noon. Umiwas roon si Mr. Yturralde at agad na natamaan sa mukha si Greg Festines na nakatayo sa likod niya.


"Aray! Inigo naman!" atungal nito. Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Nag away away ang mga AEGGIS habang ako ay natatawa lang. Maya maya ay naramdaman ko ang labi ni Matthew sa aking tenga.


"Are you happy, wife?" bulong niya. Nilingon ko siya bago tumango.


"Yes," sagot ko. Pumikit siya ng mariin bago hila sa akin para mas mayakap.


"Good.." aniya, bahagyang nanginig pa. "Very good."

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...