WWG: What happened after 1 ye...

By WWG_FAMILY

1.8K 349 101

A Watty Writer's Guild Special for its first year Anniversary. Come and join us as we look back to every memo... More

INTRODUCTION
PART 1: All about WWG
Watty Writer's Guild History
Message from the Founder
Message from the Guild Master
Message from the Head Admin
Message from the Admin & Graphic Artist
Message from the Members
galawangbabae
Lovely_Eljey
mystshade
daneigha
GEMderless
Anna_Marie_Marata
Simon_John
Striver_Amber
Miss251
gutinstinct
lineart21
cutterpillow19
Fantasy_King08
PART 2: RECOGNITION OF WORKS
STORY PROMOTION
El Gobernador General De Mi Corazon
Escaping from Reality
Erupa
One step at at time
He's my Boss (The Mafia Boss)
BeLIEve
THE REALMS(Trilogy)
Megalomania
The Queens
Souls & Corpses (SOON)
Lilien High (SOON)
WINNERS OF ACTIVITIES
First Activity
Second Activity
Second Special Activity
Third Special Activity: Happiness
Third Activity: "Writing Duo Reloaded"
Fourth Activity: "The Ender"
Fourth Special Activity: Allegory
PART 3: Messages from Former Members
GabCo_
fabG07
Jennyoniichan
BabyChinRy
FloweringMind/Cranean
PaperoniPencilvania
CLOSING REMARKS

QueenDollybird

21 7 1
By WWG_FAMILY

1. Tell me something about yourself. Ipakilala mo ang sarili mo sa akin. (Bilang writer at bilang ikaw mismo)

Ako bilang kabuuan ay isang alien, de vampire at wolf pala, char lang. Isa akong taong mabait, pero hindi naman lahat ng tao BAIT LANG ang mayroon sa atin, masama rin ako, mostly yun yung lagi kong sinasabi or pinanghaharangan kapag may gustong makipagkaibigan or may gusto sa akin. Childish ako kase ayaw kong laging seryoso kahit sa loob-loob ko ang seryoso at ang lungkot. Syempre ayaw kong laging seryoso, gusto ko nakikita ako ng ibang tao na masayahin at parang bata lang. Kahit yung iba tingin sa akin inosente, bahala sila, pero minsan naririndi na rin ako sa mga taong kala nila bata talaga ang isip ko, nakakainis yung mga ganun. Parang ano ba? Alam ko yung mundong ginagalawan ko no, alam kong yung iba gagamitin ka lang, pero may totoong tao pa rin sa paligid, alam ko din na hindi naman mali ang pag-ibig sadyang yung mga desisyon ng tao ang nagkakamali dahil umiibig, alam ko din na kung wala kang pera wala kang kapangyarihan, pero dito lang yan sa mundo, hindi yan mahalaga kapag kaluluwa mo na ang sinentensyahan kung sa langit o impyerno ka ba. Ang sinasabi ko lang ay, realistic ako, kaso minsan sa sobrang pagiging realistic nagiging negative minded ako, napaka pessimist madalas, hanggang sa nawawalan na ako ng pake sa ibang bagay lalo na sa sarili ko, hanggang sa nagiging manhid na tipong saksaktan mo yung ibang tao kahit alam mong mahalaga sila sayo dahil ang iniisip mo mas masasaktan sila kung nasa side mo sila. Kailangan mo minsan maging matatag kung hindi kaya ng iba, kailangan mong saktan yung iba para matuto naman silang hindi lahat nakukuha, naging karma ako sa iba sabi nila dahil daw natuto sila ng mga aral at nagbago dahil nakilala nila ako, kaya iniisip ko hindi sila lahat magi-stay sa akin, kailangan lang namin matuto sa isa't isa pagkatapos tapos na. Dati optimistic ako kaso unti-unti yun nawawala, masayahin talaga ako, kaso minsan pinepeke ko na lang, ayaw ko ng ganun, kaya kung anu yung nararamdaman ko ipapakita ko na lang kaso nga lang hindi mo maiiwasan na pekein yung tawa o ngiti mo kapag nasa maraming tao, mas mahirap kase mag-explain kaya ang gagawin mo,ipapakita mo na lang sa kanila yung nakasanayan nilang "ikaw". Dumating ako sa point na nadepressed ako hanggang ngayon naman ata, pero nalalabanan ko naman, nung mga nakaraang buwan iniisip ko na lang na mamatay, tipong napaglalaruan lang naman ako e, masaya ka tapos bigla ka pang palulungkutin? Para saan pa ang maging masaya kung kukunin lang din naman agad?! Kaya nagalit ako, nainis, ang hira mabuhay ang daling mamatay, tipong kapag nabubuhay ka kailangan mo mag-aral, maghanapbuhay, kumita, kumain lahat, pero kung magpakamatay kahit yung shampoo o bareta lang sa Cr kainin o lunukin mo patay ka na e, or magbigti ka lang ganun, pero kahit na gusto ko ng hindi mabuhay, may humihila sa akin –konsensya. Sobrang laki ng konsensya ko, pero ngayon ata lumiliit na rin, dahil nga sa nawawalan ako ng pake, mas ok kase yun kung minsan para hindi ka na mag-isip o magalala sa iba. Nagbabago talaga ang tao, nakakalungkot kung iisipin pero Malaki rin minsan ang naitutulong ng pagbabago. Pero ang hindi naman nawala sa akin yung palakaibigan, mapagmahal ako sa kainigan ko kahit hindi ako showy, kahit mukhang wala akong pake sa kanila pero naiintindihan naman nila na mahal ko sila bilang mga kapatid. Hindi rin nagbago yung pagkagusto ko sa mga stories bata pa lang ako gumagawa na ako ng kwento kahit hindi ko pa alam yung spelling ng "nang at ng" hahah oo dahil don naiinis ako kinder ata ako nun hindi ako makapagsulat ng maayos dahil may mga spelling na hindi ko alam hahaha, tapos natigil yun, pero naging journalist ako tapos g8 ako bumalik sa pagsusulat ng istorya, kaso mahirap kase ang dami kong ideas, yung personality hindi tugma sa isang magandang istorya, gusto ko laging sad ending, parang gusto ko ako yung character, pero hindi ko magawa kase hindi ako magaling, hindi ako marunong magpalawak ng mga salita o kahit ipaintindi sa mambabasa yung gusto kong ipahiwatig. Ang lawak ng gusto kong marating sa pagsusulat pero minsan iniisip ko na hobby lang naman to, ano bang matutulong nito? di naman ako magkaka- career dito, kapag naiisip ko yun nalulungkot ako, nawawalan ako ng gana. Ginagawa ko yung makakaya ko pero hindi nga siguro ang best ko dahil may iba pang kailangan iprayoridad. Pero dahil sa pagsusulat naeexpress ko yung gusto ko, mahirap nga lang ipaintindi sa iba, pero gagaling din ako, someday yung story ko mararamdaman rin ng mga mambabasa.

2. Message for yourself, for your co-members, for the Admins and for all the aspiring writers out there.

Message sa saril ko, kaya mo yan Nyx, kahit hindi talaga, pero wala kang magagawa kung hindi kayanin, hindi naman titigil ang mundo sa pag-iyak mo. Magtiwala ka lang kay God, wag mong ilalayo yung sarili mo sa mga nagpapasaya sayo. Para sa mga co-members ko, hindi ko kayo lahat kilala, hindi ko rin kayo kaclose pasensya na, hindi ko kayo kilala, pero bilang co-member nyo masasabi ko lang na masaya ako dahil nandito kayo sa guild, wag kayong aalis, kung aalis man kayo bumalik kayo, nalulungkot kase ako na yung mga taong nakaencountered ko nung napunta ako dito ay unti-unting umaalis. Wag rin lalaki ang ulo nyo, wag mapressure o manginggit sa ibang writers na nakatataas sa inyo, gawin nyo silang inspirasyon, mahal nyo ang pagsusulat diba? Ibigsabihin nun hindi nyo kailangan madaliin o i-stressed ang sarili nyo, kung gusto mo ang isang bagay hindi ito magdudulot ng pressure o stressed sa inyo. Basta gawin nyo lang ito ng masaya at isipin kung bakit nga gusto nyo to? Bakit ka nandito ngayon? Isipin nyo kung bakit kayo nagsimulang magsulat at mawawala ng unti-unti ang doubt nyo sa sarili nyo. Aminin nyong panget ang story mo, aminin nyong may kulang, bilang writer kailangan mo rin maging reader ng sarili mo story, kailangan mong maging totoo sa sarili mo, kaya mo yan! Mahalin mo ang istorya mo bago ang iba, kung kulang dagdagan, kung panget baguhin, matuto ka sa iba at sa karanasan mo, goodluck. Para sa mga malulupet na admins! WHOOO SINU SINU BA KAYO? Hahahah nasa guild ako pero hindi ko kayo kilalang lahat, bumibisita lang ako or sumasali lang sa mga act pagkatapos nun wala na huhuhu, sana katulad ako ng ibang members na OL lagi at maraming time para makipagusap sa inyo at kapwa members, so masasabi ko lang SALAMAT! Kaiyak, kahit di ko kayo kilala, kahit sa pangalan nyo lang, salamat may natututunan kami sa inyo, salamat din kase di nyo kami iniwan, totoo din kayo sa mga sinasabi nyo dahil gusto nyong magimprove kami. Kung nakakaramdam kayo ng stress (lagi naman haha) isiin nyo lang yung mga pangarap na nakasalalay sa inyo. HAHAHA oh mas nakakastress diba? Hahaha de joke lang. Sinasabi ko lang naman na wag kayong mawawalan ng inspirasyon, kung pagod kayo at toxic na sa guild hinga lang kayo, lawakan nyo pa rin yung isip o pangunawa nyo. Kaya nyo yan, pede kayong humingi ng tulong sa amin, di naman kayo nag-iisa Fam tayo kahit hindi ko kayo kilala HAHAHA (paulit-ulit). Salamat din kase humble kayo, handa rin kayong mag-share ng mga alam nyo, hindi kayo madamot, salamat din sa pasensya, sa pagintindi ng mga tanong, mga excuses at kung ano-ano pa. Huwag kayong mawawala, huwag kayong susuko. God is with us, aja! Ginawa niya tayong lahat na may mga pangarap, dapat di tayo sumuko. Para sa mga aspirin dyan char hahah sa mga aspiring diyan, sumali kayo dito tapos palitan nyo yung mga admins HAHAH char. Keep on believing gaya ng sulat ko kanina, mahalin niyo yung gawa nyo, maraming hadlang, pero dapat mas matatag ka, walang magagawa ang paglalugmok mo kung magse-self-pity ka lang. Lumaban ka, hayaan mo ring matuto ka sa iba, wag lalaki ang ulo, wala ka pang nasisimulan panget na ugali mo, wag ganun, maging pormal din sa pagsusulat wag jeje jusko 2018 na. Hayaan mo ang ibang manghusga, hindi mawawala yun, hayaan mo rin ang sarili mong madapa o mawalan ng tinta ang panulat mo (malalim na meaning) wag kang madadamdam kung may magpapayo sayo kahit anu mang sakit at kaoffend yan, isipin mo para yan sa improvement mo. Good luck sayo humayo ka at magpakarami hahha. PARA SA MGA UMALIS! BABALIK BALIK DIN, NASAN NA YUNG IBA! Kung masaya ka hindi ka aalis diba? Kung aalis man sandali lang diba?! Kung pagod magpahinga lang, alam kong may mga aalis, pero hindi pa tapos ang misyon nyo sa mundo char hahah g bye.

3. Write an essay about this: "PAANO NABAGO NG WWG ANG WRITER LIFE MO?"

Sa una ganito ako –bumaba siya ng hagdan at kumain na o kaya –galit siya. Eto na siya ngayon oh! HAHAH –nagpupuyos siya ng mata habang bumababa sa hagdan at nag-unat pa bago umupo at sumalo sa hapag o kaya –nanginginig at nakakuyukom ang mga palad nito dahil sa galit. OH DIBA HAHAH may improvement kahit papano, wala akong alam noon, ang alam ko lang ay mag-sulat, wala akong plano kung paano magsulat,kung paano ibi-build up yung mga characters ko, kung paano gumawa ng isang magandang story, kase hindi naman ako bihasa, wala akong experience, kaya ayun napunta ako dito na akala ko dati puchupuchu lang, tipong walang ganap, MERON PALA ANG DAMI HAHHA kaya LAHAT NG HINDI KO ALAM AT LAHAT NG KULANG KO NAPUPUNAN KO NA. salamat! Nabago ako nito at sana magpatuloy pa akong matuto, hindi ko man alam ngayon lahat pero sana matulong pa rin ako ng guild, PEDE BANG MAGPUBLISH KAYO NG MGA NAITURO NYO SA AMIN DATI? HHAHAHA kung paano magbuild ng character, paano magplano, anong gagawin sa ganitong genre ganern and so on, para kung naliligaw ako o kami kahit wala kayo ramdam namin ang turo nyo. MWAH. HAPPY NEW YEARRR!!!

[HI NYX QueenDollybird. ALAM MO BANG YOU NEVER FAIL ME WITH YOUR ENTRIES? SOBRANG HINDI KO LAGI INE-EXPECT ANG MGA ENTRIES MO. SOBRANG UNIQUE NG CONCEPT MO PALAGI. ALMOST PERFECT. BAKIT ALMOST LANG? KASI ANG PROBLEMA MO, TECHNICALITIES. ALAM MO NAMAN NA ANO YON. GUSTO KO PA MAKITA IMPROVEMENTS MO KAYA SANA WAG MONG BIBITAWAN ANG PAGSUSULAT. ALAM KONG MALAYO ANG LILIPARIN MO. AT MASAYA AKO NA MAGIGING BAHAGI ANG WWG ORAS NA UMALIS KA SA GUILD PARA MAGING ISANG TUNAY NA MANUNULAT. ;) SOBRANG WORTH IT LANG TALAGA BASAHIN NG MGA KWENTO MO. NAPAKA UNIQUE. APOL TO. HEHE. ]

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 38.2K 51
One night that changed everything.
473K 15.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
385K 410 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
182K 268 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞