My Secret Relationship with M...

By schyme

2.8K 8 8

Ito ang istorya ni Ayanna isang simpleng babae na ang boyfriend lang naman e yung pinakasikat na lalaki sa ca... More

Prologue
Chapter One - The Second One
Chapter Two - I love you
Chapter Three - Happy to be In love
Chapter Four - It's so nice to meet you
Chapter Five - I miss you
Chapter Six - Lost and Tired
Chapter Seven - Single and ready to Mingle
Chapter Eight - The Destiny of Love.
Chapter Ten - Maybe
Chapter Eleven - Our First Kiss
Chapter Twelve - The Past part 1 (How we met?)
Chapter Thirteen - The Past part 2 (The Band and the Creampuffs)
Chapter Fourteen - The Past part 3 (Our Cheap First Date)

Chapter Nine - I'm not Okay

126 0 0
By schyme

“Okay ka lang ba?” tanong ni Kaylin saakin.

Naglalakad na kami pauwi nun pareho din naman kasi yung sasakyan naming jeep kaya nagsabay na kami. Magkasabay din naman yung oras ng uwi namin kanina.

“Oo naman.” Nginitian ko siya.

“Alam mo bang nung umalis ka kanina ng Caf hahabulin ka sana ni Travis...” hindi ko na siya pinatapos nun.

“Okay lang ako. Naiintindihan ko naman yung ginawa niya eh.”

“Sa aura mo parang hindi e.”

“Bakit ramdam mo?”

“Oo ate. Ramdam na ramdam kong hindi ka okay.”

“Hay, yang word na ‘OKAY’ na yan kanina ko pa naririnig. Sawang-sawa na ako.” Natatawang sabi ko. Totoo naman e, kanina ko pa naririnig yung Okay na yan. Okay ka lang ba? Etc. Etc.

“Fine. Iwasan ko yung Okay kung nagsasawa ka na. Are you Fine?” natawa naman ako nun.

“I’m fiiiinnneeee. Very fiiiinnneeee” Sagot ko naman. Hinabaan ko pa yung pagkakasabi ko ng fine.

“FINE!” nagtawanan na lang kami ni Kaylin. Sa totoo lang namiss ko ‘tong ganitong moments namin ni Kaylin.

“At dahil FINE tayong dalawa. Saamin ka mag-dinner ngayong gabi.”

“Sure. Fine girl!” and there we off to go.

**

“Tita hindi parin talaga kumukupas yung sarap mo sa pagluluto!” sabi ni Kaylin at dahil nga niyaya ko siyang kumain ng Dinner saamin kaya nandito siya at kasabay namin kumain sa hapag-kainan.

“Ikaw namang bata ka nambola ka pa.” Kinikilig na sabi ni Mama. “Hala, kumain ka lang ng kumain!”

“Totoo naman tita e.” At sinubo niya na yung pang-huling kutsara nung pagkain niya. Nakatatlong sandok pa ata siya ng kanin nun, habang ako e, hinihintay ko na lang siya matapos.

“Hindi ka parin nagbabago Ate Kay. Ang takaw mo padin.” Sabi ni Maya yung kapatid ko na kakauwi lang halos kasabayan ng tatay namin pero nakahabol saaming kumain ng hapunan.

“Dapat nga ginagaya mo Ate Kay mo e. Hindi yung parang daga ka kumain sa unti.” Sabat naman nung tatay ko.

“Oo nga! Kaya lagi ka nagkakasakit e. Kakarampot ka kung kumain.” Pang-aasar din ni Kaylin.

“At least ako tumatangkad. Eh ikaw ate?” pagtataray ni Maya. Minsan nagseselos ako sa dalawang ‘to e. Mukhang sila pa yung mag-Ate kesa saamin ni Maya. At home na At home lagi si Kaylin dito paano ba naman kasi parang anak na ang turing nila mama sakanya dahil nung High School kami kulang na lang dun siya tumira.

“Hoy, tumangkad kaya ako!”

“Feel mo lang yun naka-heels ka e.” Sabat ko.

Nagtawanan na lang kami lahat nun. Dumating na din yung Dessert na Graham na syempre si mama ulit ang gumawa  na kay dami namang kinain ni Kaylin. Kaya tuwang-tuwa sila Mama dun e. Taga-ubos daw ng pagkain namin. Si papa lang naman kasi matakaw saamin e.

**

“Hay, grabe na-full tank ako dun ah!” Sabi ni Kaylin habang nakahiga siya sa kama ko.

Nasa kwarto ko na kami ni Kaylin. Madalas din nag-oover night siya dito kaya naman may sarili na siyang drawer  dito pati kumot, unan, sabon, shampoo at toothbrush. Nakakatuwang isipin na parang kapatid ko na siya na nagbabakasyon at minsan lang kung umuwi.

“Napakatakaw mo naman kasi!” naka-upo na ako nun sa may sahig nung kwarto ko habang siya eh dumapa sa kama ko at nagpakalumbaba para nakaharap siya saakin.

“Ang sarap kasi magluto ni Tita.” Nakangiting sabi niya. “Sana ganun din si Nanay.” Yung Nanay na tinutukoy niya eh yung Lola niya.

Yung mga magulang kasi ni Kaylin nasa abroad at dun naghahanap buhay, kaya ang kasama niya dun sa bahay ay yung Kuya at Lolo’t Lola niya.

“Bakit masarap naman magluto si Nanay ah!” sabi ko habang pinapanuod ko siyang nagpagulong-gulong sa kama ko. “Para ka talagang bata!”

“Namiss ko lang ‘tong kama mo!” atsaka niya ako binato ng unan.

“Sa sembreak dito ka mag-stay.” Nakangiting sabi ko.

“Yun nga balak ko e.”

“Edi Fine.”

“Talagang Fine.” At nagtawanan na lang kami.

Hanggang sa marinig kong nag-ring yung phone ko.

Nung tignan ko kung sino,

CALLING ...

Travis

“Hindi mo ba sasagutin yan?” tanong ni kaylin saakin. Nakaupo na din siya sa sahig katabi ko.

Medyo nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi dahil nga dun sa nangyari kanina.

Pero sinagot ko din...

“Hello?”

“Aya.”

“Oh? Bakit ka napatawag?” napalunok ako nun.

“I’m sorry dun sa narinig mo kanina.” Napansin kong maingay kung nasaan siya, may music na tumutugtog sa background.

“Ah yun ba? O-okay lang yun no.” Medyo nautal ako, kasi Hindi okay saakin yun.

“Nakauwi ka na ba?”

“Mmm- Oo kanina pa.” Sagot ko. “Ikaw? Nasaan ka?”

“Ah, nasa bahay ako nila Reese kasama ko si Jace.” Ah kaya naman pala ang ingay. 2nd day ng College may party agad. WOW. Ibang klase.

“Ah—“

“Hey, Travis... Sino kausap mo?” narinig kong may nagsalitang babae sa kabilang linya.

“Coco, ah—Kaibigan ko.” Sagot niya dun sa babaeng nagtanong. Coco? Isa ba yun sa minions ni Reese?

“Come on, Let’s go back inside!” yaya nung babae. Ang daming pumapasok sa isip ko kung ano yun. Nangangatog na nga ako dun sa kinauupuan ko at tinanong pa ako ni Kaylin kung okay lang daw ba ako.

Uh, mauna ka na.”

“Ugh, Okay I’ll wait for you na lang.”

“Aya?” narinig ko ulit yung boses ni Travis.

“Aya?”

“Hmm?” alam ko pag nagsalita ako bubuhos lahat.

“Pwede bang magkita tayo bukas?” Ito na ba ‘to? Tapos na ba lahat? Makikipag-break na ba siya saakin?

“No.”

Huh?!”

“No—I mean, Hindi ako pwede bukas.” Hindi ko ata kaya.

“Okay then—Saturday? I’ll come pick you up. Wala ka namang classes nun diba?”

“Oo.” Maikling sagot ko.

I miss you Aya.” Buong paglalambing nyang sabi.

Gusto kong sabihing miss ko na din siya, pero pag ginawa ko yun. Bubuhos yung luhang pinipigil ko kanina pa.

“I love—“ hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya kasi hindi ko kayang pakinggan kaya naman inend ko na yung call.

“Hey, Aya! Anong sinabi niya sa’yo?” winiwave pa ni Kaylin yung kamay niya sa harap ng mukha ko.

“Kay, makikipag-break na ata si Travis saakin.” Tumingin ako kay Kay nun.

“WHAT?!” gulat na sabi ni Kay. “A-anong nangyari?”

“Hi-Hindi ko alam. Makikipag-meet siya saakin sa sabado.”

“Huh?! Hindi ka lang ba nagkakamali. Baka iba lang intindi mo. Hindi ba makikipag-date lang siya sa’yo nun?”

“Habang kausap ko siya, may babae siyang kausap at kasama sa kabilang linya.”

“Eh, G*g* naman pala talaga yung boyfriend mo eh.” Tumayo na siya nun.

“Saan ka pupunta?” tanong ko sakanya.

“Susugurin ko lang naman yung H*y*p na Travis na ‘yon!” Napatayo na din ako nun at pinigilan ko siya.

“Mas kailangan ko yung Bestfriend ko dito.” Atsaka na ako umiyak nun, inalalayan ako ni Kaylin na umupo sa kama ko nun at hinimas-himas niya yung buhok ko habang nakasandal ako sakanyang umiiyak.

“I think I'm not Okay at all.” 

Continue Reading