Can't Get Over You

By janekhuletz007

132K 5.4K 739

My 5th story for JaThea. ? Hope you enjoy it since some of you requested for this. Mabuhay kayong lahat!! ❤❤❤ More

Here I am
Feelings for you
Love me like you do
First date with her
Can't Help It
New Day
Jelly Ace
More Than Words
Torete
Sweet Revelation
The Naughtiness
The First Time
We belong
Lovely Day
Beautiful You
One More Day
Between Love & Trust
Fear of Losing Someone
Devastated
Jealousy
Caught Off Guard
Bela & Kim
Agustin Siblings
Sorrow & Loneliness
The Little Man
Dreams Never End

See You Again

12.6K 314 29
By janekhuletz007

Jade's POV

Isinama ako ni Kuya Dennis sa isang fine dining restaurant. Hindi ko alam kung anong okasyon. Ayaw rin naman niyang sabihin. Malalaman ko na lang raw pagdating namin doon.

"Kuya Den-den ano ba talagang meron? Bakit dinala mo ako dito?" Pangungulit ko sa kanya.

Well, maganda ang place at ambiance. Ngunit ang presyo ng mga pagkain sa menu ay sobrang mamahal. Hindi naman kami masyadong mayaman pero afford naming kumain sa mga ganitong klase ng restaurant. Marahil sobrang espesyal kay Kuya ng taong hinihintay namin. Kaya dito pa talaga niya kami papakainin.

"Wait ka lang diyan mahal kong kapatid. Natraffic lang siguro yon."

Nagtatrabaho ang Dada namin bilang Executive Secretary ng Chairman ng G-Holding Corporation na nagmamay-ari sa buong ka-Maynilaan ng 5 malls, 3 five star Hotels, 1 Hospital and 1 School University.

Dati rati ay ang mga malls at isang School University lang ang pag-aari ng G-Holding. Ngunit nang ipakasal ang panganay na anak ng Chairman na si Gabriel Galves sa nag-iisang anak na babae ng mga Floresca ay naging sakop na ng kompanya ang La Floresca General Hospital. One of the biggest and prestigious hospital in the country.

Ang pangalawa naman nilang anak na si Marco Galves ay ipinakasal nila sa nag-iisang anak na babae ng mga Ricaford na nagmamay-ari naman ng tatlong branches ng five star Hotel.

Samantalang ang bunsong Galves.. Bigla akong nalungkot nang maalala ko siya. Kamusta na kaya siya?



**Flashback**

"Pards! Anong nagustuhan mo dito sa kapatid ko? Eh ang chubby-chubby oh! Iba na lang kasi ang ligawan mo."

Napangiti ako sa pagiging protective ng kuya ko sa akin. Ang buong akala ko ay hahayaan niya na lang akong kulitin ng kulitin ng matalik niyang kaibigan. Totoong chubby ako kaya wala akong dapat na ikapikon. Well hindi naman din ako masyadong mataba. Sakto lang ang pangangatawan ko. Normal lang sa mga babaeng mahilig kumain.

"Pards naman! Si Jade ang gusto ko at sorry pero sobrang ganda niya sa paningin ko kahit medyo may pagka-chubby pa siya." Anitong tumingin at ngumisi pa sa akin.

Hays! Bwisit na babaeng ito. Inirapan ko nga siya. Nakakainis eh! Kung hindi lang talaga nagtatrabaho si Dada sa kompanya ng pamilya niya ay natarayan ko na siya. Maging si Mama ay empleyado rin nila dahil sa pagiging professor at Department Head in College of Arts & Designs sa school na kanilang pag-aari. Kaya kailangan kong magbait-baitan sa kanya.

Kung pumorma ay daig pa ang isang tunay na lalaki. Palagi siyang nakasumbrero ng pabaligtad at kung minsan ay may tangay-tangay na lollipop sa bibig.

Nagmumukha lang siyang babae kapag nasa school at nakasuot ng school uniform. Bagaman sila ang may ari ng eskwelahan ay kinakailangan pa rin niyang sumunod sa mga alituntunin ng paaralan. Kaya kahit ayaw niyang magsuot ng palda ay napipilitan siyang magsuot nito.

"Jade okay lang naman sayo na ligawan kita di ba?"

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ngunit nang makabawi ay napatawa ako. As if naman papatol ako sa mga katulad niya. Yuck! Straight kayo ako at puro mga lalaki lang ang nagiging crush ko. "Excuse me?! Hindi pa po ako nagpapaligaw kahit kanino Ms. Althea."

"Sus! Ang pormal naman ng Ms. Althea. Babe na lang or love para sweet." Sabay ngisi niya ulit sa akin.

Ang siraulo kong kapatid ay patawa-tawa lang habang pinapanood kami. Ayaw man lang sawayin ang kaibigan niya.

"Babe or love mong mukha mo! Pwede ba, huwag mong gamitin ang pagiging Galves mo para makuha mo ang gusto mo? Kailanman ay hindi ako magkakagusto sayo. Tandaan mo yan!" Hindi ko na napigil ang sarili ko na magtaray. Naiinis na rin kasi ako sa kakulitan niya. Bumubuntot-buntot na nga siya kung minsan sa school. Pati ba naman dito sa bahay namin? Kaya wala ring magtangkang manligaw sa akin sa school dahil sa kanya. Grabe siyang makabakod. Takot sila sa maaaring gawin ng bunsong Galves sa kanila.

Alam rin ng parents ko ang ginagawa nitong pangungulit sa akin. Ngunit dala ng hiya sa pamilya ng mga Galves ay hinahayaan lang nila ito maging ang paglabas-pasok nito sa pamamahay namin. Bukod pa roon ay matalik na kaibigan siya ng Kuya Den-den ko. Magkaklase sila simula elementary hanggang college. They are both taking Business Administration and graduating na sila this year. Samantalang ako ay nasa 2nd year college pa lamang at dahil nagmana ako kay Mama na magaling gumuhit ay napunta ako sa Fashion Design.

"Sakit naman ng sinabi mo Jade. Wala ba talaga akong pag-asa sayo? Maraming umaakit sa akin na babae pero hindi ko sila pinapansin kasi ikaw lang ang gusto ko."

"Jusko! Pareho tayong babae Ms. Althea. Kung ako sayo magpapakababae na lang ako. Sinasayang mo kasi ang kagandahan mo."

Waring tuluyan na siyang napikon sa mga sinabi ko kaya napasimangot na siya. "Huwag kang mag-alala Jade. Mula ngayon ay titigilan ko na ang pangungulit sayo. Masyado akong patay na patay sa isang tulad mo na hindi naman pala kayang ibalik ang pagmamahal na iniuukol ko."

"Pards! Totoo na ba yan? Titigilan mo na talaga ang baby sister ko?" Natatawang sabat ni Kuya. Tumigil lang siya ng tapunan siya nito ng masamang tingin.

"Narinig mo naman ang sinabi ng kapatid mo di ba? Kailanman ay hindi niya raw ako magugustuhan." Humugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago ulit tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang bigla na lang akong naapektuhan sa mga titig niya. Pati heartbeat ko bumibilis ang pagtibok. Shit! Bakit ganito? Matagal na siyang umaaligid sa akin at nagpapalipad hangin pero ngayon ko lang nadama sa kanya ang ganito.

"Oo nga pala straight ka at imposibleng pumatol sa akin. Kaya ngayon pa lang ay titigilan na kita." Sabay alis na niya. Sinundan siya ni Kuya palabas ng bahay. Habang ako naman ay naiwang natutulala.

Iyon na ang huling beses na nakausap ko siya. Ang halos araw-araw na pangungulit niya sa akin sa school ay biglang natigil. Aaminin ko na medyo namimiss ko ang pangungulit niya. Nakikita ko siya minsan na kasama nina Kuya at mga barkada nila pero never na niya akong tinapunan man lang pansin or ng tingin.

Hindi na rin siya nagagawi sa bahay namin na siyang lubos na ipinagtataka ng parents namin. Sinabi ni Kuya Den-den na binasted ko raw ito. So natigil na rin sila sa kakatanong sa amin.

Hanggang sa nabalitaan na lang namin na lumipad na siya patungong America upang mag-aral muli. Ang araw ng graduation nila ni Kuya ay siya ring araw ng kanyang pag-alis ng bansa. Balak ko pa naman sana siyang batiin sa araw na iyon. Ngunit wala na pala siya.

I feel so stupid sa pangbabalewala ko sa kanya noon. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat kung kelan nawala na siya ng tuluyan.

***End of Flashback***



"Hi guys! Kamusta?"

Sabay kaming napatingin sa magandang babaeng nakatayo sa harap namin. Maiksi ang buhok at napakasexy sa suot na black dress. Light lang ang make-up niya pero sobrang ganda niya. Teka si...

"Oh, God! Pards?!!" Gulat na gulat na bulalas ng Kuya ko.

Bigla itong ngumiti na halos hindi na makita ang bilugang mga mata. OMG!!! Siya nga..

"Relax lang Pards! Oo ako lang ito."

Pinasadahan siya ni Kuya mula ulo hanggang paa. "Wow! Fantastic baby! I miss you so much my bestfriend!!" Anito sabay yakap sa kaibigan niya. "Pards! Babaeng-babae ka na at ang ganda-ganda mo pa."

Tumawa ito at bahagyang hinampas si Kuya sa braso. "Sira! Enough na at baka may magselos." Sabay tulak nitong palayo sa kapatid ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng bumaling siya ng tingin sa akin. Ako kaya ang tinutukoy niya sa sinabi niyang may magseselos? Ngunit imposible yata iyon.

"Ehem!" Tikhim nito upang agawin ang aking pansin. Nag-init ang magkabilang pisnge ko nang pasimple niyang pasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Hi Jade! Kamusta?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Shit! Hindi ko alam kung paano ako magrereact ngayon sa harap niya. Matagal na panahon din ang nakalipas magmula nang umalis siya. Almost 4 years I guess.

"U-uhm.. Okay naman. M-mabuti.. ikaw kamusta ka na?" Nauutal kong tugon sa kanya.

"Well, heto tinupad ko na ang sinabi mo noon na magpakababae na ako." Cool na cool niyang sagot na nakangiti pa. "Okay ba?" Nagbaba ako ng tingin at bahagyang napalunok. Feeling ko kasi ay matutuyuan ako ng laway sa the way ng pagkakatitig niya sa mukha ko.

"Honey!!" Boses ng isang lalaki galing sa may entrance ng restaurant.

"Yes I'm here honey!" Kaway niya rito kaya agad sila nitong nakita at malapad ang ngiting lumapit sa table na kinaroroonan namin. "By the way, siya nga pala si Jackson Roberto. Boyfriend ko!"

Para akong nabingi sa narinig ko. Waring magkahalong saya at lungkot ang aking nadama. Hindi na siya ang dating Althea na nakilala naming makulit at spoiled brat. Ang laki na ng kanyang ipinagbago niya.

Nagkatinginan kaming magkapatid dahil pareho kaming hindi makapaniwala sa bagong transformation ng matalik niyang kaibigan. "Another wow for you Pards! I'm so happy for you."

"Thanks Pards!"

"I'm sorry Hon.. Nahirapan kasi ako makahanap ng pagpaparkingan ng sasakyan ko eh." Hingeng paumanhin nito sa nobya nang makalapit.

"Okay lang hon." He gave her a peck in the lips.

Mabilis na nag-iwas ako ng tingin. Damn! Kung alam ko lang na ganito ang matutunghayan ko. Eh di sana hindi na lang ako sumama kay Kuya.

Ipinakilala niya ang kanyang nobyo ng pormal sa amin. Sa US sila nagkakakilala nito. She was taking her MBA there while this guy was taking his medical practitioner. Kasi Doctor daw ito.

Mataman lang akong nakikinig sa usapan nila. Si Kuya kasi napakarami ring kwento tungkol sa buhay niya. Hanggang sa dumating na ang aming mga orders na pagkain.

"Uhm ikaw Jade, wala ka man lang bang ikukwento tungkol sayo?" Biglang tanong sa akin ni Althea. Hindi ko iyon inaasahan kaya sandaling natigilan ako.

"Ay! Ito bang si bunso?" Pagsasalo ni Kuya sa akin. "Naku! Sikat na iyan. Puro mga celebrity ba naman ang mga hinahawakan bilang stylist."

"Talaga? Hindi kasi ako mahilig manood ng tv at wala rin akong hilig sa mga social media. Kaya hindi ko alam." Si Althea ulit na sa akin nakatutok ang tingin.

"Ako Hon kilala ko siya. Katulad nang sinabi ko sayo. Remember Sanya na kapatid ko? Isa siyang actress. Minsan na akong naisama niya sa mga event nila noon at doon kita unang nakita ng personal Ms. Jade."

Nginitian ko lang ito at muli ko nang ibinalik ang tingin sa kinakain ko. Wala akong ganang ikwento sa kanila ang buhay ko. For what? Hindi naman importante.

"Okay ka lang bunso? Tahimik ka." Tanong sa akin ni Kuya. Lahat pala sila ay nakatutok na ang tingin sa akin. Kaya napaangat ako ng tingin sa kanila.

"Oh, sorry guys. I just can't find any word to speak. Mas interesting kasi ang mga buhay ninyo kaysa sa akin. Kaya nakikinig na lang ako."

"Sus! Mas interesting pa nga ang sayo bunso eh. Ma-showbiz ang career mo." Sabay pa silang nagkatawanan nung Jackson. Habang si Althea naman ay tihimik lang na nakatitig sa akin. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga tingin kaya binabalewala ko na lamang na para bang hindi ko siya napapansin. "Astig yang si bunso. Si PJ Pascual ang manliligaw niyan na until now ay hindi pa rin niya sinasagot." Dagdag pa ni Kuya. Inis na binalingan ko ito ng tingin.

"Napakatsismoso mo Kuya!"

"Wala lang naman sa kanila yan mahal kong kapatid. Proud nga ako sayo eh. Isang sikat, gwapo at isa sa pinakamagaling na aktor sa television ang nagkakandarapang mapasagot ka."

"Kuya ayokong magboyfriend ng maraming kaagaw. Mamaya hindi pa ako makalabas ng bahay dahil sa isang katerba niyang mga fans na gustong humanting sa akin." Napatawa ang dalawang boys sa sinabi ko.

"Kung ayaw mo sa kanya, bakit hindi mo na lang bastedin? Kaysa umasa pa yong tao sa wala." Sabat ni Althea na aking ikinagulat.

"Hindi siya tumatanggap ng rejection. Kaya kahit anong gawin kong pagtanggi sa kanya ay nagpupumilit pa rin siya. Kaya hinahayaan ko na lang siya hanggang siya na ang mismong kusa na magsawa." Hindi siya nakaimik kaya tumayo na ako. "Excuse me guys! Punta lang ako sa rest room."

+++++++

Paglabas ko sa cubicle ay naghugas ako ng kamay sa may sink. Napaangat ang tingin ko sa salamin nang magbukas rin ang kabilang cubicle.

"Althea?!" Gulat na bulalas ko. Bumilis na naman kasi ang pagtibok ng puso ko.

"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?" Naka-smirk nitong tanong sa akin. Lumapit rin ito sa may sink at naghugas rin ng kanyang mga kamay habang tinitingnan ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at walang maapuhap na sasabihin. "Jade may gusto ka bang sabihin o itanong sa akin?" Great! Nabasa niya ang facial expression ko.

"Uhm.. wala naman. Bigla kasing nagbago ang preference mo. Akala ko sa mga kapwa babae ka lang nagkakagusto."

Muli siyang napa-smirk at pumihit paharap sa akin. Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. "Hindi ko nga alam kung bakit wala akong magustuhang babae bukod sayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko iyon inaasahan. "Then nakilala ko si Jackson. Masaya siyang kasama at palagi niya akong napapatawa."

"M-mahal mo ba siya?" Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko para tanungin siya ng ganon.

"Mas lalo kang gumanda Jade." Pag-iwas niya sa tanong ko. "Wala na ang chubby cheeks mo. Sobrang slim at ang sexy mo na. Napakaswerte ng lalaking makakatuluyan mo." May pait sa tinig niyang sabi na mababanaag ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

"Swerte rin naman si Jackson sayo. Napakaganda mo rin kaya."

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Alam ko.. ako lang itong hindi swerte."

"Paano mo nasabing hindi ka swerte? Gwapo, makisig at edukadong matalino naman itong boyfriend mo."

"Tss! Paano magiging swerte ang katulad ko kung hindi ko naman maabot ang babaeng pinapangarap ko?"

"Althea.."

"Sshh.. Huwag mo nang itanong Jade. Matagal ko nang tanggap na hindi ka mapapasa-akin." Sabay tulo ng mga luha niya.

Magsasalita pa sana ako nang may mga tao nang pumasok sa loob ng toilet.

"Mauuna na ako sayo." Aniya sabay pahid ng kanyang mga luha.

Sa pangalawang pagkakataon ay naiwan na naman akong natutulala matapos niya akong pagwalk-outan like what happened before.

"Mahal pa rin niya ako.." Wala sa sariling bigkas ko habang nangingiti. "Mahal pa ako ni Althea.." Sa pagkakataong ito ay parang nabuhayan ng loob ang puso ko.

Ilang beses na akong nagkaroon ng boyfriend pero ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganitong katinding excitement sa puso ko.

Bata pa lang ako noon nang nakawan ako ng halik isang bata ring babae. Nandidiri pa ako sa kanya noon kaya pilit ko iyong ibinabaon sa limot. Wala rin akong ibang pinagsabihan. Tanging kami lang dalawa ang nakakaalam.

Siya ang first kiss ko.. ang mga labing una kong natikman. Napangiti ako nang muli ko siyang maalala. Si Althea..









To be continued... 😘😘😘




Hello readers!! 🤗🤗 Akala ko hindi na ako makakagawa pa ng panibagong story. Pero dahil sa support ng iba sa inyo. Hayan! Nakagawa tuloy si awtor. 😂

Votes po kayo kung happy po kayo sa takbo ng story. Para mainspired si awtor na mag-UD ulit. 😉

Continue Reading

You'll Also Like

325K 12.1K 36
An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba...
3.1K 384 24
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
564K 19.7K 56
Terror, Hitler, Miss Sungit, Godzila... at kung ano ano pang pwede mong itawag sa Kontrabida Girl ng Galura Engineering Corporation Meet Ms. Rhian...
110K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.