A Beautiful DISASTER (Publish...

Od skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... Více

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

41. My Daddy

23.9K 583 86
Od skycharm24

Chloe Alexandria

Halos tumigil ang mundo niya ng tawagan siya ni Elle at sabihing nawawala ang anak niya. Mawala na lahat sa kanya pero hindi ang anak niya. Maui is her life. Ito ang dahilan kung bakit gusto niyang mabuhay sa kabila ng mga nangyari.

Hindi niya maipaliwanag ang tuwa ng makita itong karga ni Zaide at ligtas ito, agad niyang niyakap ang anak, hindi niya alintana kung pati ang lalaking may hawak dito ay halos yakap narin niya. Ang mahalaga sa kanya ay ligtas at kasama na niya ang anak.

Kanina niya pa ito yakap at mahimbing na itong natutulog sa bisig niya.

" Anak, tulog na si Maui, magpahinga kana rin." ang Mommy Trisha niya. " Sobra kaming nag alala ng Daddy mo ng tumawag ka kanina. Lalo na ang Daddy mo, naalala niya noong nawala ka nong bata kapa." now she knows kung anong takot ang naramdaman ng Daddy niya ng mga panahong iyon.

Mabuti nalang at ang Mommy Trisha niya ang nakapulot sa kanya.

" Ang sabi mo anak si Z ang nagligtas kay Maui? Tignan mo nga naman ang pagkakataon, hindi niya alam sariling anak niya ang iniligtas niya. Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang totoo?" iniayos niya ang anak sa kama at naglakad patungong balcony ng kwarto nila. Sumunod naman ang Mommy niya.

" Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang totoo Mommy, pero paano ko gagawin yon? May sarili na siyang pamilya, may anak na sila ni Olivia at ayokong makagulo sa kanila."

" Anak, wala ka namang guguluhin, ipapakilala mo lang ang anak mo sa tunay niyang ama, karapatan niyang makilala ang anak niya, lalo na si Maui, she needs her father. Kung kanina nagabala si Zaide na hanapin siya kahit hindi pa niya alam ang totoo, ano pa kaya kung malaman niyang anak niya si Maui."

" Natatakot ako Mom, natatakot ako sa mangyayari kapag nalaman niya ang totoo, paano kung hindi niya tanggapin si Maui? Paano kung hindi siya maniwala? Ayokong masaktan ang anak ko."

" Chloe Anak, wag mong pangunahan ang mangyayari. Maniwala man siya o hindi mas mabuti ng nasabi mo ang totoo. Huwag kang matakot lalo na at alam mong nagsasabi ka ng totoo. Andito lang ako, kami ng Daddy mo kung sakaling hindi niya matanggap si Maui, nandito kami para sa inyo?" niyakap niya ang ina.

Nagulat siya na naroon ang Daddy niya at nakatingin sa kanila. May hawak itong envelope.

" Gusto kang makausap ng Daddy mo. Maiwan ko na muna kayo at maghahanda ako ng dinner natin." lumapit naman sa kanya ang ama.

" I'm glad to know na ligtas ang apo ko. Kumuha na tayo ng Yaya na magbabantay sa kanya anak mas mabuti na yong may nakatutok sa kanya para narin sa ikakapanatag nating lahat."

" Naisip ko narin po yan Dad pagkatapos ng nangyari kanina. Akala ko mawawala na sakin ang anak ko."

" I know how it feels dahil minsan ka naring nawala nong bata ka, halos mabaliw ako nong mga oras na wala akong ediya kung nasan ka. " tama ang ama niya. She felt scared losing Maui.

" Alam ko na si Zaide ang nakahanap ng anak mo, nasabi sakin ng Mommy mo, panahon na siguro anak para unahin mo naman ang kaligayan ninyong mag ina bago ang ibang tao." iniabot sa kanya ng ama ang hawak na envelope.

Binuksan niya iyon at nagulat siya ng makita ang laman nito.

" Your marriage to Ethan is not valid. Hindi nakarehistro ang kasal ninyo sinadya namin iyon ng Tito Nathaniel mo." hindi makapaniwalang tinignan niya ang mga papeles.

" Kahit si Ethan ay alam ang tungkol dito, gusto niya lang talaga ay makasama ka anak. Mahal na mahal ka niya. Kahit labag sa loob ko ang saktan ka ginawa ko iyon para sa Tito Nathaniel at Tita Angela mo, magulang din ako Chloe at gaya nila masakit panoorin na mamatay nalang ang anak nila ng wala silang ginawa. Isa pa parang anak ko narin si Ethan. Kaya patawarin mo ako anak kung masaktan kita." sinabi din ng Daddy niya ang tungkol sa kasunduan nila ni Ethan.

Kaya pala ni minsan ay hindi ito nagtangka kahit ang halikan siya sa labi. Hanggang yakap at halik sa noo at pisngi lang ito.

" Ipaayos nalang natin ang kay Maui. Madali lang naman ang sa apo ko dahil wala pa siyang masyadong records. Malaya ka ng mahalin at piliin ang taong gusto mong pakasalan Chloe." niyakap niya ang ama. Napaiyak siya dahil mali ang mga iniisip niya sa Daddy niya noon. Her Dad protected her kahit na ipinagkasundo siya nito kay Ethan.

" Alam nila Mama Angela na hindi anak ni Ethan si Maui?" tanong niya sa ama.

" Oo anak, si Ethan mismo ang nagsabi sa kanila maging sa'kin noon." pero mahal na mahal ng mga inakala niyang inlaws ang anak niya kahit alam ng mga ito ang totoo.

" Mommy.." gising na ang anak niya. Kakaalis lang ng Daddy niya at hindi parin siya makapaniwala sa mga sinabi nito.

" Yes Baby? " agad siyang lumapit sa anak.

" I dream of Papa, he said I'm going to meet my Daddy soon, is that true Mommy?" napamaang siya sa sinabi ng anak.

" Papa said I have my Daddy, kaya hindi dapat ako malungkot. Mommy when will I meet my Daddy? " niyakap niya nalang ang anak.

" That's why I'm Zhoe because my Daddy's name starts with Z." dagdag pa nito.

" Anak kanino mo nalaman ang mga yan?" nagtataka siya sa mga sinasabi nito.

" Papa always said my name Zhoe came from my Daddy and you. Kailan darating ang Daddy ko Mommy? " biglang sumakit ang ulo niya sa mga tanong ng anak.

Hindi niya malaman ang isasagot dito.

" Baby! You're awake. Come Maui let's play?" biglang sulpot ng kapatid niyang si Xhan. Maliksi namang bumaba ng kama ang anak niya at sumama dito.

Sinundan na lamang niya ito ng tingin. Xhan just saved her. Pero alam niyang hindi habang buhay na pwedeng niyang iwasan ang tanong nito.





Zaide Travis

Nagtataka siya sa sarili kung bakit ganon nalang ang pagaalala niya sa anak ni Chloe at ang tuwang naramdaman ng siya mismo ang nagligtas dito.

" What's wrong? " tanong ni Olivia napansin marahil nito ang pananahimik niya.

Naikwento na niya dito ang nangyari at maging ito ay masaya na ligtas si Maui. " Iniisip ko parin ang sinabi ni Nicole kanina." sinabi niya rin dito ang tungkol doon.

" Hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin ang mukha nong bata sa event nila sa school kahapon kaya hindi kita masasagot kung tama siya o hindi. Pero ilang beses mo ng nakita at nakausap yong bata hindi ba?, ano bang nararamdaman mo sa tuwing nagkikita kayo?"

" Ano bang sinasabi mo?" takang tanong niya dito.

" Yong tinatawag nilang luksong tinik." sinamaan niya ito ng tingin..
" Nakakainis kasi iyang pagka slow mo. Yong lukso ng dugo, ewan ko sayo Zaide Travis parang kahapon ka lang pinanganak!" sermon nito sa kanya.

" Hindi ko alam, isa pa kung anak ko yong bata' bakit walang sinasabi si Chloe? Ayokong mangako ng anak ng iba lalo na ni Valdez! Hindi ko anak ang batang yon." pero iba ang sinasabi ng puso niya.

" Hayaan mo ng manahimik yong patay' ito naman. Pero wala namang nangyari sa inyo ni Chloe hindi ba? Kaya wala talagang chance na anak mo yong bata?" tinignan siya ni Olivia na tila ba nanunuri. " Ngayon kung alam mo naman palang may posibilidad na anak mo yon huwag ka munang magsalita ng tapos." iniwan na siya nito.

Hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa mga sinabi ni Olivia. Pumasok siya ng opisina na lutang ng araw na yon. Isa lang ang naiisip niyang solusyon pero hindi niya alam kung handa na ba siyang makipagusap kay Chloe.

Kakatapos lang ng meeting niya ng itawag sa kanya ni Aileen na may bisita siya at nagtatanong ito kung paghihintayin niya dahil wala itong appointment. Si Mrs. Angela Valdez ang ina ng taong pinagpalit sa kanya ni Chloe.

Nagtataka din siya kung anong kailangan nito sa kanya pero hinarap niya parin ito.

" Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? " tanong niya dito. Masakit ang ulo niya dahil sa mga isipin at hindi maganda ang pakiramdam niya.

" Pasensiya kana Mr. Mondejo kung naabala kita, nandito ako para humingi ng tawad sa nagawang kasalanan ng anak ko sayo at para personal na ibigay sayo ito. " may iniabot itong puting sobre. " Hindi ko alam kung ano ang laman n'yan pero bilin ng anak ko na ibigay yan sayo." hindi niya iyon tinanggap kaya nilapag na lamang ito ng bisita sa mesa niya.

Hindi siya interesado sa kung ano man ang laman ng sobreng iyon at lalong hindi siya interesado sa kung ano man ang gustong ipaabot ni Ethan. Nagpaalam narin ang ina nito.

Inis na itinapon niya sa basurahan ang sulat nito. Wala na nga ito pero nagagawa parin nitong guluhin siya.

Buong araw na mainit ang ulo niya at alam niyang dahil iyon sa pagpunta ng ina ni Valdez sa opisina niya. Tinawagan siya ni Olivia na siya na lamang ang sumundo kay Kylie dahil may pupuntahan pa ito kasama ng wedding planner.

Inabangan niya ang paglabas ng mga bata, sakto lang ang dating niya. Agad naman niyang nakita si Kylie at kasama nito ang anak ni Chloe.

" Papa! " tumakbo si Kylie para salubungin niya.

" Hello Princess.." hinalikan niya ito sa pisngi at kinuha ang bag nito.

" Bye Kylie! Babye Zhoe!" paalam ng batang dumaan sa harap nila.

" Bye Bryan!" Halos sabay na sagot naman ng dalawang batang nasa harapan niya.

" Kylie, sinong Zhoe ang tinutukoy ng kaklase mo? " nagtataka siya dahil si Kylie at Maui lang ang naroon.

" Papa its Maui, her name is Zhoe Maureen. Right Maui?" napangiti nitong baling sa katabi.

" Yes po. My name is Zhoe Maureen R. Valdez." magiliw na sagot nito.

Lalo siyang naguluhan sa narinig. Sa lahat naman ng pangalan bakit Zhoe pa? Nanadya ba ang ina nito? Letrang Z talaga? Sa dinami rami ng letra sa alphabet.

" MommyLa!" tili ni Maui or Zhoe ng makita ang Lola nito.

" Maui apo..," sinalubong naman ito ni Tita Trisha. " Zaide, nandito ka din pala. Salamat sa pagliligtas sa apo ko." baling nito sa kanya.

" Walang ano man po. Tita, pwede ko po bang malaman kung bakit Zhoe ang first name ng apo n'yo? I know it's not my business pero curious lang po talaga ako." ngumiti naman ito sa kanya.

" Z, itanong mo nalang yan kay Chloe kapag handa ka ng marinig ang sagot at sana kapag dumating ang araw na yon lawakan mo ang pang unawa mo." nagtanong siya para maliwanagan pero bakit parang mas naguluhan lang siya.

" Maui, magpaalam kana sa kanila apo, uuwi na tayo." patakbo namang yumakap sa mga hita niya si Maui. Naramdaman na naman niya ang kung anong damdamin ng tumingala ito sa kanya.

" Ba-bye po Tito Zaide." Nakangiting ginulo niya ang buhok nito. " Bye Kylie.." kumaway naman si Kylie sa kaklase.

Mukhang kailangan na niyang harapin si Chloe sa dumaraming tanong sa isip niya. Sa lahat pa naman ng ayaw niya ay ang pagmukhain siyang tanga. Feeling niya ay pinaglalaruan siya nito. Wala itong karapatang gawin iyon sa kanya. Malay ba niya kung gusto lang nitong ipaako ang anak lalo na at wala na ang asawa nito.



Itutuloy...


Hi guys. May you and your family have a Fruitful and Prosperous New Year.🎉🎉🎉 Godbless us all. Welcome the 2018 with love not Hate. May kasabihan nga,

" If you can't say anything nice, don't say anything at all."

SKYCHARM24

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
2.1K 97 13
Zhaniah Del Franco was suffering on a serious disease. She has only one-year or shorter span of living. She met the band Which Option including the b...
55.8K 3.7K 73
(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separat...
2.1M 61.3K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...