Project RYJO 1: The Newlywed

By LenaBuncaras

334K 4.8K 449

Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalaw... More

The Newlywed
CHAPTER 1 : The Wedding
CHAPTER 2: The Reception
CHAPTER 3: Husband and Wife
CHAPTER 4: Best Men
CHAPTER 5: The Other Woman
CHAPTER 6: The Date
CHAPTER 7: For/Shadow
CHAPTER 8: The Mission
CHAPTER 9: The Visitor
CHAPTER 10: Curiosity
CHAPTER 11: Ring
CHAPTER 12: The Attack
CHAPTER 13: The Other Persona
Chapter 14: Doubts
Chapter 15: Number One Rule
Chapter 16: Leaving Comfort Zone
Chapter 17: Supremacy
Chapter 18: Plan B, Rule #1
Chapter 21: Faith
End of the Beginning
Next Book

Chapter 20: Shadow of the Past

3.2K 121 2
By LenaBuncaras

Nagkalat na sa buong hotel ang mga taong dumalo sa auction na iyon. Nagkakagulo na ang lahat sa labas dahil sa sunod-sunod na putok ng baril na makailang beses ding narinig mula sa loob. Hindi inaasahan ng mga bisita na magkakagulo nang ganoon sa isang engrandeng pagtitipon na dinaluhan.

Patuloy na hinahanap ni Ring ang auction house kahit sinabihan na siyang tapos na ang misyon nila. Nakapagtataka lang dahil wala ang mga bidder maging ang mga guard nito sa lugar na madaling makita. Ibig sabihin lang ng nangyayari ngayon ay natuloy nga ang auction, sa ibang lugar nga lang.

Ito ang unang beses na sasalang si Ring sa Annual Elimination. Alam niya ang kailangang gawin—mabuhay at makatagal sa laban. Ngunit hindi niya inaasahang ganito kalala ang Annual Elimination na maaabutan.

Alam niyang purong kabrutalan ang elimination ngunit maraming inosente sa paligid, at mukhang hindi iyon inisip ng iba. Maraming nadamay na taong hindi naman dapat madamay. Pati si Ligee, nakita ang hindi dapat makita. Ngayon, punong-puno na ang isipan niya.

"Tigil!"

Napahinto si Ring at nakita ang isang lalaki sa dulo ng hallway na may hawak na baril at nakatutok sa kanya. Mabilisan niyang kinuha ang dalawang patalim sa loob ng suit at pinatama sa dibdib at leeg ng kalaban. Walang lugar ang pagdadalawang-isip dahil kamatayan ang katumbas ng bawat segundong masasayang.

Marami-rami na rin ang napapabagsak niya para lang mahanap ang auction house. Iisa lang naman ang target nila at iisa lang ang guard na sana'y poproblemahin, ngunit ngayon, halos lahat na yata ng makasalubong niya ay kailangan nang patayin.

"Ring! Nasaan ka na?"

Sumagot siya sa kabilang linya. "Nasa 4th floor ako, Tank."

"Ano'ng ginagawa mo diyan?"

"Hinahanap ko ang auction house!" Lumapit na siya sa lalaki sa dulo ng pasilyo upang kunin ang mga patalim na ibinato.

"Tapos na ang trabaho! Ano pa ba'ng hahanapin mo?"

"Natuloy ang auction! Alam kong natuloy 'yon!"

"Natuloy man o hindi, hindi na 'yon mahalaga! Wala talagang mission! Umalis ka na diyan, bumaba ka na rito at—"

Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ng kabilang linya. Hinubad niya agad ang earphone at itinapon sa kung saan.

Wala siyang pakialam kung nasa Annual Elimination siya, ang mahalaga'y magawa niya ang inatas sa kanilang misyon. Iyon ang trabaho, at kailangang gawin ang trabaho. Alam niyang kailangang sundin ang utos ng commander nila ngunit may prinsipyo siya. Kung ano ang paniniwala niya, iyon ang susundin niya. May gusto siyang patunayan—sa lahat at sa sarili. Kung ngayon pa lang ay susuko na siya, hindi na niya makukuha ang sagot na matagal na niyang hinahanap.

Sumakay siya sa elevator kahit alam niyang delikado pa ring gamitin iyon.

Hindi lang niya inaasahang pagbukas niyon ay bumungad sa kanya si Josef. Bumakas ang gulat at kaba sa mukha niya at hindi sigurado kung papasok ba sa loob ng elevator o hindi.

Humugot muna siya ng maayos na hininga at pinilit ayusin ang sarili. Ayaw niyang ipahalatang may masamang nangyayari sa lugar, lalo pa't kalmado rin kasi ito nang obserbahan niya.

Pumasok si Ring at pumuwesto sa tabi ni Josef. Deretso ang tingin niya habang pinanonood na sumara ang pinto ng elevator.

"Saan ka pupunta?" kalmadong tanong ni Josef.

"May kukunin lang sa kuwarto namin ni Ligee. Ikaw?" kinakabahang sagot ni Ring.

"Hahanapin ko lang si Jocas. Hindi pa kasi bumabalik."

Tumango si Ring sa isinagot ni Josef.

"Saang floor ka pupunta?" Itinuro ni Josef ang floor button.

"Ah, sorry." Pinindot na lang ni Ring ang 17th floor at saka inalis ang tingin doon. Hindi man lang pinansing hindi iyon umilaw.

Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng elevator nang mga oras na iyon. Lalo lang tumataas ang tensiyon sa kanilang dalawa habang umaandar ang bawat segundo. Alam nila ang nangyayari pero nakikiramdam kung hanggang saan lang ba ang alam ng bawat isa sa kanila.

Nawala ang tensiyon dahil biglang bumukas ang elevator sa 8th floor. Pumasok ang isang member ng herd ng Assassin's Asylum at Special Security Force (SSF).

Sumara ang elevator.

Pinindot ng member ng herd ang button 35. Nagulat ito dahil hindi gumagana ang floor button na iyon.

"May sira ba 'to?" tanong ng herd member.

Ilang beses pa niyang pinindot ang button na 35 pero hindi talaga gumagana.

"Tabi diyan." Pinaalis siya ng member ng SSF. Pinindot nito ang 17 na kaninang sinubukan ni Ring. Noon lang nila napansing hindi iyon gumana. Ilang beses pa niyang pinindot pero hindi pa rin umilaw.

"Hindi puwedeng sira 'to," sabi ng SSF member. "May importanteng okasyon ngayon kaya malamang na ayos ang lahat ng facilities nila rito."

Mukhang may idea na si Ring sa nangyayari kaya pinindot niya ang lahat ng mga floor button.

"Ano'ng ginagawa mo?!" Pinigilan ng herd member ang ginagawa ni Ring.

Tinabig lang ng binata ang kamay ng member at ipinagpatuloy ang pagpindot sa mga floor button.

Nagulat silang lahat sa resulta ng ginawa ni Ring.

Labintatlong floor button ang hindi gumana.

"Hindi puwede 'to. Dapat gumagana ang lahat ng floor buttons," sabi ng herd member.

"Hindi lang naman gumagana ang mga button unless naka-lock," dugtong ng SSF member.

"Mayroon talagang restricted floors," bulong ni Josef.

Nagpakiramdaman silang apat at hinintay kung ano ang susunod na gagawin ng bawat isa. Lalo lang lumala ang tensiyon sa loob ng elevator nang mga oras na iyon. Kung nakatutunaw lang ang tensiyon, malamang ay tunaw na ang elevator dahil sa kanilang apat.

Nakahanda na ang herd member at SSF member na ilabas ang kani-kanilang mga baril para tapusin ang dalawang kasama sa elevator. Si Ring naman ay hinahanda na ang kamay para kunin ang pentagon knife na nakatago sa suit niya. Si Josef naman ay naghihintay lang ng pagkakataon para maglabas ang tatlo ng mga armas nito at saka niya kukunin ang kung ano man ang mayroon sila hangga't hindi iyon granadang wala nang pin.

Biglang bumukas ang elevator sa 7th floor.

Nagpakiramdaman pa ang apat.

Nauna nang lumabas si Ring, sumunod ang herd at SSF member, at huli si Josef.

Pagkasara na pagkasara ng elevator ay biglang naglabas ng baril ang herd member at tinutukan si Ring mula sa sentido. Ganoon din ang SSF member kay Josef.

Nagkatinginan pa sina Josef at Ring.

Ipuputok na sana ng herd member ang hawak nitong glock nang saksakin ni Ring ang braso ng kalaban gamit ang patalim na hawak, dahilan para mabitiwan nito ang baril.

Samantala, kakalabitin na ng SSF member ang gatilyo ng Berreta nito nang hawakan ni Josef ang kamay ng kalaban niya at sinuntok ito sa mukha. Kinuha agad ni Josef ang baril at napakabilis iyong tinanggalan ng magasin at mga bala.

Nahagip ng tingin ni Ring ang ginagawa ni Josef kaya nawala siya sa focus. Sinipa siya sa tiyan ng herd member na ikinatumba niya. Sinubukan pa nitong kunin ang baril pero hindi na nito nagawa dahil isang army knife ang pinakawalan niya na bumaon sa batok nito bago pa ito makayuko.

Nakita ni Josef ang ginawa ni Ring kaya kinuha na niya ang rolyo ng fiber wire na napulot habang nagaganap ang gulo sa function hall. Ipinulupot niya iyon sa leeg ng SSF member at buong lakas na hinigpitan ang pagsakal sa kalaban. Sa loob lang ng ilang segundo ay umaagos na ang dugo sa leeg ng lalaking pinaslang.

Tumayo na si Ring at lumapit sa katawan ng herd member para kunin ang kutsilyo niya. Kinuha niya ang patalim sa batok nito at pinunasan iyon gamit ang panyo.

Tinanggal na rin ni Josef ang fiber wire sa leeg ng SSF member at pinunasan ang mga residue ng dugo rito maging sa kamay niya gamit ang suit ng nakalaban.

Sabay lang silang natapos sa kani-kanilang mga problema.

Tumayo silang dalawa nang deretso at matalim na tingin ang ibinigay sa isa't isa.

Nagpakiramdaman pa ang dalawa.

Walang ano-ano'y dinampot ni Ring ang Berreta at magasin na may natira pang isang bala sa paanan niya at in-assemble iyon. Pinilit namang abutin ni Josef ang Glock na nahulog ng herd member dahilan para isubsob niya ang sarili sa sahig.

Sabay pa nilang itinutok ang mga baril sa isa't isa.

"Sino ka bang talaga?" tanong ni Ring, masama na ang titig kay Josef.

"Ikaw? Sino ka bang talaga?" pagbabalik ni Josef sa tanong.

"Ako ang naunang nagtanong."

"Kailangan kong puntahan ang asawa ko ngayon. Bidder siya sa auction. Tingin mo, mahalaga pang malaman kung sino ako?"

Tinantiya ni Ring ng tingin si Josef. Hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig mula sa lalaki.

"Kailangan ko nang makita ang asawa ko," kalmadong sabi ni Josef. Ibinaba na rin niya ang baril na hawak para ipakita kay Ring na hindi rin siya lalaban at makikipagpatayan.

Bumuga ng hininga si Ring at saka umiling. Tiningnan niya ang dalawang bangkay sa likuran niyang naliligo sa dugo.

"Hindi normal na ginagawa ng simpleng tao ang ginawa mo sa Ranker na 'yon," sabi ni Ring para tukuyin ang Special Security Force member.

"Ranker ka pala," tugon na lang ni Josef.

"Hindi ka pamilyar sa 'kin. Leveler ka ba?" tanong ni Ring. Ibinaba na lang niya ang baril at tinulungan si Josef na makatayo.

"Wala akong pakialam sa issue ng mga Ranker at Leveler. I have to see Jocas ASAP. Baka nasa delikadong sitwasyon na ang asawa ko."

"Kung bidder si Jin, malamang na nasa auction siya ngayon."

"'Yon ay kung nasa auction nga siya." Itinago ni Josef sa baywang ang baril na hawak at pinagpag ang suit na nagusot.

"What do you mean?" tanong ni Ring.

"Iniwan niya ang gamit niya sa table namin. Ang sabi niya, pupunta lang siya sa restroom bago pa magkagulo. Hinanap ko na siya roon pero hindi ko siya nakita. Hindi siya makakapasok sa auction house kung wala ang pass niya," sagot agad ni Josef.

"Kung ganoon, puwede niyang ituro kung nasaan ang auction house kapag nakita natin siya."

Tinignan nang masama ni Josef si Ring. "Nagkakagulo na nga ngayon. Sa tingin mo, gugustuhin ko pang gamitin mo ang asawa ko para lang sa gusto mo?"

"Mas ligtas sa auction house dahil nandoon ang mga bidder."

Saglit na natigilan si Josef dahil iyon din ang iniisip niya kanina pa. Baka lang din nasa auction house na mismo ang asawa niya. Ang kaso, hindi niya alam kung tama ba ang iniisip niya dahil unang-una, walang guard ang asawa niya para dumeretso doon—liban na lang kung isasama siya. Masyadong delikadong pumunta roon nang mag-isa.

Sobrang delikado.

"This is ridiculous." Napailing na lang si Josef dahil wala naman silang ibang pagpipilian. "Sisilipin ko muna siya sa kuwarto namin. Kapag wala siya roon, hanapin na natin ang auction house."

Dumeretso na silang dalawa sa isa pang elevator at tumungo sa floor kung nasaan ang room nina Josef.


♦♦♦

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 47.5K 61
Audriana Celine have this perfect, at the same time, not-so-perfect boyfriend named, Xavier Chase. They have this perfect, at the same time, not-so-p...
463 86 43
Heyza Garcia hates all men because of what happened in the past. He despised and feared them at the same time. But one thing led to another, he met a...
90.3K 3.4K 44
An artist will always collect and collect necessary, valuable yet temporary materials for his masterpiece. He will always pick the finest, the purest...
1M 10.9K 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show...