Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Kabanata 13

1.8K 82 13
By iamsayaallego

KABANATA 13



Just as I expected, the brothers were really bent on making my life difficult.

Two hours after the whole family left to start their daily activities, Kyo would rape the doorbell just so he could get me out of bed even if he's got a spare key. Tuwang-tuwa pa ang mokong habang pinapanood akong nahihirapang kumain ng lugaw dahil sa mga nakabendahe kong mga daliri. Sa tuwing bumabalik ako sa aking silid ay nag-iingay naman siya sa sala by playing heavy metal.

Kapag oras na sa pag-inom ko ng gamot ay kakalampugin niya ang pinto ng aking silid para lang gisingin ako. Napapahinto lang siya sa tuwing bubuksan ko na ang pinto at makikita niya ang loob nito. Wala itong imik na ibibigay ang gamot at tubig bago mabilis na umaalis.

Tuwing hapon nama'y pumupunta si Kira. Wala siyang ginawa kung hindi ang manood ng palabas buong maghapon. He wouldn't wake me up kapag oras ng kumain o uminom ng gamot. He was there but it's like he wasn't there at all! Hindi naman problema sa akin iyon dahil alam ko naman kung papaano alagaan ang sarili ko. I know they're just there to annoy me and laugh at my misfortune.

Hans was a gentle one. Hindi siya palasalita pero tinutulungan niya ako whenever I need help. He'd setup alarms for me para gisingin ako kapag oras ng kumain at uminom ng gamot. He'd play comforting classics which helped me relax and rest well.

It was Friday night when Gene told me that they need to fly to Japan. Mimi's father got sick and he asked for her to visit. Ayaw sanang umalis ni Gene nang hindi ako kasama but I convinced him that I'll be fine. Hindi na rin naman ganoon kasama ang pakiramdam ko para ipag-alala nila. That same night, their entire family went as planned.

It was Sunday afternoon nang maramdaman kong bumubuti na ang aking lagay. I've even managed to submit my final reports to my professors in Harvard and Yale.

Since that fateful day, I've decided to use whatever I can to prepare myself in the fight for my right to be acknowledged in this family. I've taken examinations to determine how far my intelligence could go. International academe bodies have acknowledged that my brain was somewhat above the average. That same year, I was given a piece of paper signifying my qualification for tertiary education. Also, it was on that same year I've received my letters of acceptance from those two universities. I took Law in Harvard and then Business in Yale.

Today, I've completed one of them.

"This settles it then, Miss Cross. We'll just send you your diploma as soon as it becomes available," said my professor as she smiled on the screen.

"Thank you, Professor."

"It's such a shame you won't be able to receive your honorary medal on our graduation exercises considering you're the valedictorian of this year's class. Would you like us to send that as well?"

Napakamot ako sa aking batok as I considered her words.

"Uh, I think that won't be necessary Amelia. I'm fine with just the diploma."

Tumango-tango naman ito sa kabilang linya.

"Very well, Arianne. Now that everything's done, you go and enjoy your summer like normal twelve year olds do."

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi nito.

"I'll try, Amelia, although I'm not so sure about the normal part. I don't think graduating Harvard Law at twelve qualifies as normal."

"True that..." Natatawa nitong tugon habang tumatango.

"Well normal or not, still you should enjoy summer. Youth is a limited gift that shouldn't be wasted on books alone. Go out, have fun! Soak those feet under the sands! Put some color on that pale skin of yours!" Anito habang pino-point out sa sarili ang kanyang pinaparating.

"I guess I should," nakangisi kong sagot.

"Atta girl!" Masigla nitong sabi habang naka-two thumbs up pa, "Well then, I'll call you again as soon as the final schedule for the bar exams will be posted, okay?"

"Alright, Amelia. I appreciate your help."

Matapos noon ay kaagad ko ng pinatay ang aking laptop. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Gene stating that they're about to take the flight back here. Gagabihin na raw ang dating nila lalo na't mga ilang oras pa ang babyahiin nila from the city.

I stretched my arms for a little bit habang sinusulyap ang labas. It wouldn't hurt if I take Emilia's suggestion and go for a stroll, right? Maayos naman na ang pakiramdam ko. Babalik na lang ako kaagad bago magtakip-silim.

Minutes after, I was already locking the front doors before proceeding to walk towards the gates. Pagkalabas ko pa lang ay mayroon na agad na dumaang tricycle. Kaagad naman akong pumara.

"Kuya, pwede po bang sa may dalampasigan? Doon lamang po sa may boundary ng lungsod?" Tanong ko sa drive.r na napakamot sa kanyang ulo.

"Naku, dong, bawal ang kulay ko roon. Hanggang sa merkado lang ako, eh," sagot nito na ang tinutukoy ay ang color code ng kanyang tricycle.

I didn't bother correcting him. Hindi ko naman ikamamatay kung mapagkamalan nila akong lalaki.

"Ganoon po ba? Wala po bang dumaraan dito na pwedeng tumungo roon?"


"Wala, dong. Kulay berde lang ang dumaraan dito. Kung gusto mo, sumakay ka na lang hanggang palengke. Tapos pagkarating doon, ituturo ko sa iyo kung aling kulay ang sasakyan mo patungo sa wharf."

"Sige po, Kuya."

Mabilis akong pumasok sa loob ng tricycle at kaagad din namang tumulak si manong driver. Hindi nagtagal ay narating namin iyong sinasabi nitong palengke. Kahit magdadapit-hapon na'y puna ko pa rin ang dami ng mga taong namamalengke.

"Doon sa bandang iyon, dong, may dumadaang tricycle papunta sa wharf. Iyong kulay asul ang parahin mo."

"Salamat po," sabi ko sabay abot ng bayad dito.

"Naku! Wala ka bang barya, dodong? Masyadong malaki ang pera mo," kamot-batok nitong tugon habang nakatanaw sa hawak kong isang libo.

Muli kong sinilip ang pitaka ko in the hopes na may maliit na bill akong makikita. Napailing na lang ako matapos makita ang tig-iisang libong nakahilira roon.

"Wala po, Kuya, eh—"

"Ito pong bayad niya," biglang may nag-abot ng bayad mula sa aking likuran.

"Kulas!" Bulalas ko nang makilala iyon.

"Anong ginagawa mo rito at nagdala ka pa ng ganoon kalaking halaga? Hindi mo ba alam na maraming mandurukot dito?" Nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

"A-ah... gusto ko lang sanang makapunta doon sa dalampasigan," nahihiya kong tugon dito.

"Tss... ano namang gagawin mo roon?"

"Wala naman. Gusto ko lang sanang maglakad-lakad. Apat na araw din akong nasa loob lang ng bahay. Para maiba naman iyong nakikita kong tanawin," kamot-ulo kong sagot.

"Ganoon ba? O siya sige... sumakay ka na lang sa akin at doon din naman ang punta ko. Mabuti na lang pala at naisipan ko munang mamalengke kung hindi kanina ka pa pinipyestahan ng mga kawatan dito," anito bago lumapit sa nakaparada nitong motorsiklo.

Nagdadalawang isip pa akong sumama rito. Ayokong makaabala ng tao lalo na't dahil lang sa aking pangpersonal na kadahilanan.

"O-okay lang ba talaga? Baka kasi hinahanap ka na sa inyo. Ang dami pa naman ng mga pinamili mo," puna ko roon sa isang malaking supot na inilalagay na nito sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Si King ang nagpabili nito. Pang isang linggong kainan namin doon sa headquarters. At saka dadaanan ko rin siya doon. Tumutulong kasi iyon sa pangingisda. Siguradong pabalik na rin iyon sa dalampasigan," sagot nito bago binuhay ang kanyang motorsiklo.

Medyo naiwan pa sa ere ang utak ko nang malamang nandoon ang hari nila. Bigla kong naalala iyong unang pagkakataong nakita ko siya. Tumutulong din siya noon sa pagbubuhat ng bangka. Galing din kaya sila noon sa panghuhuli ng mga isda?

"O, halika na!"

Tumango ako rito bago sumakay sa kanyang likuran. Ilang minuto lang ay narating na namin ang dalampasigan. Hindi tulad noong nauna, dumaan kami kung saan may maraming nakahilirang mga bahay. Sa tantiya ko, ito ang mga tahanan ng mga mangingisda ng Asteria. Gawa sa pinagsamang kahoy, semento at mga yero ang mga dikit-dikit na kabahayan dito.

Itinigil ni Kulas ang kanyang motorsiklo sa tapat ng isang bahay na may kalapitan sa dalampasigan. Kaagad na dumungaw ang isang nakangiting babae na hindi lalayo sa edad ng kasama ko at may bitbit na sandok na gawa sa kahoy.

"O, Kulas, nandiyan ka na pala. Tamang-tama at pabalik na rin sina tatay galing laot," anito bago natigilan nang namataan akong nakatayo sa likod ng kausap niya.

Napansin iyon ng nasa harap ko dahil bigla itong lumingon sa aking gawi bago ibinalik ang paningin sa kaharap.

"Cel, si Ian nga pala. Ian, si Cecilia, kababata namin ni King," pagpapakilala sa amin nito.

Kababata?

Muli kong sinulyapan iyong babae. Nakakunot ang noo nito ngayon habang nakatitig sa akin at pagkatapos ay bigla na lang akong inirapan. Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa kanyang reaksyon.

Anong problema nito?

"O, ayan na pala sila Ren!"

Lumiwanag ang mukha nito sabay baba ng hawak nitong sandok. At pagkatapos ay tumaripas na ng takbo patungong dagat. Wala kaming nagawa kung hindi ang sundan ito ng tingin.

True enough, nakita namin ang mga bangkang nagsisidatingan na mula pa yata sa malalayong parte ng karagatan. Isa sa mga ito ay pinagtutulungan na ng mga taong iahon sa tubig at dalhin sa mga buhangin.

Nandoon na kaagad iyong babaeng nagngangalang Cecilia at pinupunasan na ang katawan ng isang lalaking naroon. Ang laki pa ng ngisi noong lalaki habang ginagawa niya iyon. Kung hindi ako nagkakamali, si Reign iyon. Or, from what I've heard a while ago, si Ren niya iyon.

Naiangat ko nang wala sa oras ang aking kilay sa natatanaw. Panibago niyang girlfriend? Hiniwalayan na yata siya noong ka-momol niya sa ilalim ng punong mangga.

"Pasensiya na kay Cel, Yan. Ganoon lang talaga ang reaksyon niya kapag nakakakita ng mayayaman."

Napapitlag ako nang biglang magsalita ang aking katabi. Mayaman? Was he referring to me?

"Hindi naman ako mayaman, a!"

He snorted at my response.

"Yeah... at hindi rin ako mahirap," mabilis nitong dugtong. His sarcasm wasn't lost on me.

"Hindi nga!"

"Nike cap, Armani t-shirt, CK shorts, and a pair of crocs..." Pag-iisa-isa nito sa aking suot, "Kailangan ko pa bang isali iyong pambayad mo sana sa tricycle na isang libo?"

I groaned at his keen observations. I'll remind myself to buy some ordinary clothes for this kind of occasion.

"Si Ian ba iyan, Kulas?"

Muli kaming napalingon sa direksyon ng dagat nang marinig iyon.

Nakayapos sa braso ni Reign iyong Cecilia habang naglalakad papalapit sa kinatatayuan namin. Nasa likuran ng mga ito, pansin ko ang dalawa pang mangingisda na may dala-dalang malaking batya. Muli kong ibinalik ang tanaw ko sa dalawang nasa harapan. May bitbit din si Reign ng dalawang malalaking balde at tila wala lang sa kanya ang pagkapit ng babae sa kanyang braso.

"Natagpuan ko sa palengke. Palaboy-laboy lang."

"Hoy, hindi ah!" Agad ko siyang tinapunan ng isang matalim na tingin.

"Ang hilig mong magliw-aliw, Ian. Ano na lang sasabihin ng mga magulang mo?" Biglang sabi ng hari nitong katabi kong naka-ngising aso at nagpapakita ng peace sign sa akin.

"Hindi naman—"

Natigilan ako nang matagpuang nasa harapan na pala namin ito at kitang-kita ko na ang kanyang ayos ng malapitan. He's half-naked tulad noong unang araw na nagkita kami. Punung-puno ng pawis ang kanyang kulay bronseng pangangatawan. Tila tinatahak ng bawat butil ng kanyang pawis ang mga malalalim na biak ng kanyang mga muscles na tila masterpiece ng isang iskultor. It makes me wonder kung ilang oras ang nilalaan niya sa gym para magkaroon ng ganyang resulta.

Natauhan lang ako nang may biglang tumikhim sa tabi nito. Nalipat doon ang aking paningin at nakita ko agad ang nakasimangot na pagmumukha ng kababata nila. Tinaasan ko lang siya ng kilay bago ko ibinalik sa kanyang katabi ang aking atensiyon.

"Sasakay sana ako ng tricycle mula sa palengke papunta rito nang matagpuan ako ni Kulas. Sumabay na lang ako sa kanya tutal iisa rin lang naman ang aming destinasyon."

Panandaliang sinulyapan ng aking kaharap ang aking katabi bago ibinalik sa akin ang kanyang mga paningin.

"Ano naman ang balak mong gawin rito?"

"Wala lang naman. Gusto ko lang maglakad-lakad..."

"See? Tama nga ako. Mahilig kang magliw-aliw," maingat niyang ibinaba ang mga dala-dalang balde at marahas na binawi ang braso mula sa babaeng kaagad na lumungkot ang mukha bago naghalukipkip sa aking harapan.

"Bakit hindi ka mag-aral na lang muna? Hindi ganitong kung saan-saan ka na lang pumupunta. Alam ba ito ng mga magulang mo?"

Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay sa sinabi nito. Should I tell him I just graduated from Harvard Law a while ago?

"Actually—"

"Tara na sa loob, Ren, nang malinisan na kaagad natin itong mga huli mo," biglang sabi noong katabi nito sabay hila sa kanyang braso papunta sa loob ng bakuran.

"Sandali, Cel. Nag-uusap pa kami—"

"Mag-aalas sais na, Ren. Anong oras ba ang balak niyong kumain?" Halos tumaas na ang boses noong babae nang sabihin iyon.

Bakas sa mukha ng hari ang pagkairita sa ginawang pagsabat ng kababata habang nagsasalita pa siya. Mariin muna siyang pumikit na para bang nagpipigil. Nang muli itong nagmulat ay kalmado na ang kanyang mga mata. Kaagad niyang ibinaling ang mga ito sa akin.

"Sandali lang Ian, lilinisin lang namin itong mga isda. Aalis din kami pagkatapos," pagpapaalam nito bago binalingan ang aking katabi, "Tumulong ka rin Kulas para mapadali at baka ginugutom na iyong mga ungas sa headquarters," utos nito bago muling binuhat ang mga balde.

Kaagad namang lumapit sa kanyang hari ang aking katabi at kinuha iyong isang baldeng dala nito. Ipupulupot na uli sana noong babae ang kanyang mga kamay sa braso ni Reign nang sitahin niya ito.

"Nagmamadali ako, Cel. Mag-aalas sais na, hindi ba?" Malamig na usal nito bago tumulak papasok sa loob. Nakasunod naman sa likod niya si Kulas. Muli akong tinapunan ng matatalim na tingin noong babae bago nagmamaktol na sumunod sa kanila.

Hindi naman kalayuan sa aking kinatatayuan ang kanilang pinuntahan para malinisan ang mga isda. Tila ba sanay na sanay na silang gawin iyon dahil pansin ko ang bilis ng mga kilos nila habang ginagawa ang paglilinis.

Tutal at abala pa naman sila sa kanilang ginagawa, napagpasyahan kong ipagpatuloy na lang muna iyong nauna kong layunin sa pagpunta rito. Tinungo ko iyong isang bangka na inaakay ng mga tao papunta sa buhangin. Maraming nakaabang na mga taong may kanya-kanyang bitbit na kabo, balde o kaya naman ay maliit na planggana sa paligid nito.

Nang tuluyan na itong nakadaong at naibaba sa buhangin ang mga malalaking batyang lalagyan ng mga huli nila ay saka naman nagsilapitan ang mga tao. Lumapit din ako nang kaonti para makita iyong laman ng mga batya.

Pansin ko agad na malalaki ang huli nila. Mayroon din akong nakitang mga isdang gumagalaw pa! May batya ring may lamang mga pugita. Isa-isa iyong pinagkukuha ng mga tao at inilalagay sa kanilang mga bitbit na lalagyan.

"Kukuha ka rin ba, dong? Ilang kilo?"

Bigla akong napapitlag nang may magsalita sa aking likuran. Nang aking lingunin, isang may katandaang lalaki ang nakatayo rito at may hawak na supot. Nakasuot ito ng long-sleeves polo-shirt na pinaglumaan na ng panahon. Nakatupi ang mga manggas nito hanggang siko. Basa hanggang hita ang kanyang suot na maong.

"Ah... magkano naman po ang kilo ng isda niyo?" Naitanong ko rito habang muli kong sinusulyapan iyong mga gumagalaw pa ring isda.

"Isang daan isang kilo. Ilan sa iyo?" Mabilis itong dumukot sa batya at kumuha ng mga isdang agad niyang inilagay sa supot.

"Uh..." Pinagmasdan kong maigi ang hawak nito.

Sapat na kaya ang sampung kilo? Baka pagalitan ako ni Gene kapag nalaman nitong bumili ako nito?

"Dong, ilang kilo?" Pag-uulit noong matanda.

"L-lima po, Manong."

Mabilis naman itong kumilos at pinagkuha agad ako ng limang kilong isda. Agad ko namang ibinigay sa lalaking tantya ko ay anak nito ang aking isang libo. Sinuklian niya rin naman ako ng mga luma at mamasa-masang limang isang daan. Hindi ko na lang iyon pinansin at kaagad na ibinulsa.

"May lalagyan ka bang dala?"

"Po?"

Nang makita ko na kung gaano kadami ang limang kilong isda, doon ko lang napagtantong wala nga pala akong mapaglalagyan ng mga ito. Dalawang sakayan ng tricycle pa ang gagawin ko bago ako makauwi!

"Eh... w-wala po, Manong." Kamot-batok kong sagot.

"Naku! Wala ka bang kasama para tulungan ka sa pagbitbit?"

"W-wala po," nahihiya kong tugon.

Hindi ko naman inaasahang bibili ako ng mga huli nila nang nagpasya akong pumunta rito.

"Aba'y mahihirapan ka nito, dong. Lalo pa't ang dami nitong limang kilo mo," pati si Manong ay napakamot na rin ng kanyang ulo.

"Kardo, matagal pa ba kayo?" Biglang may nagsalita sa gitna ng aming pag-iisip ng paraan.

Nang aming lingunin, isang buntis na babae ang papalapit sa amin. This must be his wife.

"O, Fe, malapit na. Wala kasing dalang lalagyan itong batang ito. Limang kilo pa naman ang kanyang binili," pagpapaliwanag nito sa babae.

Panandalian akong nilingon noong babae. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.

"Ganoon ba? Teka at mayroon kaming extrang lalagyan sa bahay. Ipapahiram ko sa iyo."

"Ho? Ay, huwag na po. Nakakahiya naman sa abala," mabilis kong sabi nang akma na itong pabalik sa direksyon ng mga kabahayan.

"Huwag ka ng mahiya, dong. Ibalik mo na lang kapag tapos mo ng gamitin," sabi nito bago binalingan ang asawa, "Nakapagluto na ako ng hapunan, Kardo. Huwag ka iyong magtatagal. Ipapadala ko na lang kay Ferdi iyong lalagyan para makauwi na itong bata. Kawawa naman at anong oras na rin," anito bago umalis.

"Pasensiya po talaga, Manong. Naabala ko pa kayo ng misis niyo," sabi ko sa matanda nang makalayo na ang kanyang asawa.

"Hindi naman. Malaking tulong na rin kasi sa amin ang pagbili mo ng limang kilong isda," sabi nito habang inaayos ang mga lambat na nakakalat sa sahig ng kanilang maliit na bangka.

Kahit na papadilim na ang kalangitan, hindi nakawala sa akin iyong mga namumulang bahagi sa kanilang mukha at mga kamay. Ebidensiya ng buong araw na nakabilad sa init kakahanap ng mahuhuli.

"Mahirap po bang mangisda?" I suddenly asked before I could even stop myself.

Bahagyang napapitlag iyong matanda bago sumulyap sa akin. Kumurap-kurap pa ito at napatingin sa kanyang kasama bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Wala namang hanapbuhay na madali, dong," simpleng sagot lang nito.

"Lage bang ganito karami ang huli niyo?"

"Minsan matumal. Minsan mas marami. At mayroon din namang pagkakataong wala kami talagang mahuhuli."

"Paano iyon kung wala kayong huli?"

"E, wala kaming magagawa. Pagkakasyahin na lang namin sa kaning sinabawan ng asin at mantika ang gutom namin," pabirong sagot nito at nagsitawanan naman ang kanyang mga kasamahan.

Hearing them laugh at probably one of the many problems they need to face everyday reminds me that there are others who have bigger concerns than mine.

"Ang mahalaga naman ay kompleto pa rin kayong mag-anak. Walang may sakit. At nag-aaral nang mabuti ang iyong mga anak."

Tumango-tango ako sa sinabi noong matanda. Tama nga naman ang sinabi niya. Aanhin mo ang maraming salapi kung wala namang tunay na nagmamahal sa iyo? Walang tunay na nag-aalala para sa iyo? Kapag nawalan ka ng pera, makakahanap pa rin ng paraan para magkapera uli. Pero kapag pamilya na ang nawala sa iyo, kahit gaano pa karami ang pera sa kaban mo, hinding-hindi na nito maibabalik pa.

"Kapag ganoon, kahit gaano pa kapagod ang nararamdaman ng katawan ko galing sa maghapon na pangingisda, kahit na minsan ay minamalas at walang huli, makita ko lang na nandoon lahat ang mga anak ko pagkauwi ko at hinihintay ako, balewala na ang lahat ng iyon. Para rin naman sa kanila ang pagsisikap ko sa dagat."

Napasinghap ako nang biglang pumasok sa aking isipan iyong alaala noong bata pa ako nang sabihin niya iyon.

May lagnat ako noon. Tinawagan kaagad ni Louise si Papa para ipaalam ang kalagayan ko. Laking tuwa ko pa noon nang sabihin nitong uuwi siya para alagaan ako. I waited for him by the door kahit na beyond bed time ko na dahil gusto ko siyang salubungin. Pero sa huli, nakatulog ako nang hindi siya nakikita.

Pagkagising ko, mayroon ng nakaabang na malaking stuff toy sa tabi ko na may hawak na isang card na may 'Get well soon. Papa loves you.' na nakasulat. Hinanap ko si Papa sa buong mansyon pero hindi ko siya makita. Nalaman ko na lang kay Louise na nakabalik na pala ito sa Japan dahil may kailangang pang asikasuhin. Hindi naman ako umiyak sa aking nalaman pero simula noon, hindi ko na inaabangan ang pagdating niya sa may pintuan.

Tapos na ang paglalagay noong matanda sa aking mga pinamili doon sa lalagyang pinahiram sa akin ng kanyang asawa nang dumating sina Reign sa tabi ko. Bakas ang inis sa mukha nito habang pinagsasabihan ako dahil sa bigla-bigla kong pag-alis. Ilang beses din siyang umiling nang mapansin ang bitbit kong pinamili. Anito'y dapat nanghingi na lang daw ako sa mga huli niya nang hindi na ako nagsayang pa ng pera. Tumahimik na lang ako't pinatulis ang aking nguso habang pinakikinggan ang kanyang mga litanya. Ngising-aso naman si Kulas sa tabi nito.

Tinulungan pa rin nila ako sa pagbubuhat ng aking lalagyan patungo sa may kalsada. Gusto pa sana niya akong ihatid sa amin when I reminded him of the hungry men waiting for his return. Grumbling, pumara na lang agad ito ng dumadaang tricycle at saka kinontrata sa isang pakyaw na byahe. Matapos noon ay nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa para makauwi.

Mag-aalas siyete na nang makauwi ako sa amin. Maayos kong inilagay sa loob ng double door naming refrigerator ang aking mga dala. Matapos kong hugasan iyong lalagyan, napagdesisyunan kong ipagluto ang mag-anak ni Gene ng hapunan.

Hindi ako sigurado kung sa labas na lang sila kakain o dito sa bahay pero naghanda pa rin ako. Hindi ko matukoy kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam ko mula noong nakausap ko iyong matandang mangingisda.

The door bell rang fifteen minutes after the hour of eight. Nakaayos na ang mga pagkain sa lamesa at sila na lang ang kulang. Dali-dali akong tumungo sa sala nang makita silang kapapasok lang at karga-karga ang mga natutulog na kambal.

"We're sorry we're late, Ayana. Tatlong beses na-delay iyong flight namin," pagpapaliwanag ni Mimi.

Umiling naman ako at nginitian na lamang siya. Nauna na siyang pumanhik sa loob para siguro ay mailagay na sa kanyang kama ang kargang si Gun.

"Ayos ka na ba, my beautiful daughter?"

Mabilis akong nilapitan ni Gene. Kahit na nahihirapan dahil sa karga pa niya si Rei, pilit pa rin niyang dinama ang aking noo kung mainit pa rin ba ito. Nakahinga naman siya nang maluwag after confirming that my temperature's back to normal.

"Aya?"

Sabay kaming napalingon ni Gene sa gawi ni Mimi. Hindi pa rin pala ito umaakyat sa pangalawang palapag dahil nasa bisig pa rin nito ang kanyang anak.

"Ikaw ba ang may gawa nito?"Tanong nitong may pagkamangha sa kanyang tono.

"Bakit Mi? Ano bang meron?" Pagtatakang tanong ni Gene bago nilapitan ang asawa para makita ang ibig nitong sabihin.

Kabado akong naghintay ng kanilang magiging reaksyon. They would probably say they've already eaten outside. Tatlong beses silang na-delay. Imposibleng hindi sila kakain gayong kasama pa naman nila ang kanilang mga anak.

When he finally saw what the fuss was about, agad niya akong binalingan. Gulat ang unang namutawi sa buong mukha nito. Mabilis naman itong napalitan ng isang naiiyak na ekspresyon. Muli niya sana akong lalapitan nang maunahan siya ng kanyang asawa. She hugged me so tight I thought my bones would break.

"Thank you so much, Ayana. Nakakawala ng pagod ang mga hinanda mo," parang hinaplos ang puso ko sa kanyang mga sinabi matapos akong pakawalan. Agad naman nitong nilapitan ang kanyang asawa at pilit na tinatahan.

Isang matamis na ngiti ang kumawala sa aking mga labi. I didn't think I could give them this much joy just by preparing some hot meals. Na sa pagbibigay ko ng saya sa kanila ay ikakatuwa ko rin. Naalala ko iyong mga sinabi noong matanda and I couldn't help but agree to his every word.

Nagpaalam silang ilalagay muna nila ang mga kambal sa kani-kanilang mga kama bago bumaba para kumain. Nauna nang umakyat si Mimi dahil nabibigatan na raw siya kay Gun at gusto na niyang makababa agad dahil takam na takam na raw siya sa aking mga hinanda. Nahihiya kong ipinaalala sa kanilang hindi ako sigurado kung anong magiging lasa ng mga ito pero sinigurado nila sa aking magugustuhan pa rin nila iyon.

Papaakyat na rin sana si Gene nang hinawakan ko ang dulo ng kanyang manggas para patigilin.

Napatigil naman ito at nagtatakang dumungaw sa akin. Hindi ko alam kung itutuloy ko bang sabihin o hindi. Medyo bumabara na naman kasi ang lalamunan ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at huminga nang malalim.

"Papa's coming home tonight... I wanna greet him..." Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan.

"Is there a problem, my beautiful daughter?"

Napapitlag ako nang marinig ang boses nito. Nang muli akong nagmulat ay agad ko siyang tiningala at saka nginitian.

"Okaerinasai, Gene."

Bahagya pa siyang nabigla sa aking sinabi. Di kalaunan ay lumambot ang mga titig nito at saka ngumiti.

"Tadaima."

Continue Reading

You'll Also Like

160K 9.2K 41
Phantom Academy was a prestigious school for the elites. Everything was in order not until a mysterious game emerged, which lies beyond their phones...
1.1M 53K 50
COMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang...
463K 17.4K 43
Kingdom of Tereshle Story #3 [COMPLETED] Shanaya. Queen of the fairies. She doesn't want the crown nor the throne. Para sa kanya, mas nanaisin pa niy...
28.8K 2.2K 32
Five years after knowing the secret about the game, another game emerged; it was a fun-thrilling game which brought happiness to the players. But as...