Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 240

741K 26.6K 36.6K
By eatmore2behappy

A/N: Magkakaroon ng time laps yung kwento ni Aries. Same with Keifer. Kaya expect a huge spacing.

Thank you Mhaynelva Rosel.


Kuya's Pain

Aries's POV

Namumula ang noo nya. Mukang napalakas ang pagkakahampas ko. Pero kahit ganon, mahimbing ang tulog nya.

Namamaga ang mga mata nya sa kakaiyak. Siguro kung meron mang hindi nagbago sa kanya—bukod sa katigasan ng ulo nya—yun yong pagiging iyakin nya.

Hindi ko maiwasan na hindi ngumiti. Kahit sa murang edad, naalala ko pa rin non lung paano ko sya alagaan.

*Flashback...*

"Ari!"

"Aris." Pagtatama ko.

"Asan Mama?" Tanung nya habang nakatingin sakin ang bilugan nyang mga mata.

"Nasa tarbaho pa."

Yumuko sya at pinulot ang mga bato sa lupa. "Ay, tagal."

Kinuha ko ang kamay nya at pinagpag yon para bitawan ang mga batong nakuha nya. Sabi ni Mama madumi daw ang lupa at pwedeng makakuha ng bulate kaya dapat hindi pinapahawak si Jay-jay non.

"Madumi! Bitaw!" Sigaw ko sa kanya.

"Nititignan ko lang."

Napatingin ako sa lumang gate namin ng may humintong tricycle sa tapat non. Dahan-dahang bumababa si Mama. Binitiwan ko ang kamay ni Jay-jay at nakangiting sinalubong sya. Ako na rin ang nagbukas ng gate.

"Mama!" Bati ko.

Pero hindi nya ko sinagot, nilagpasan nya ko na parang hindi nya ko nakita. Mabilis syang lumapit kay Jay-jay at niyakap.

"Mama!" Buong galak na sigaw ni Jay. "Bakit ikaw tagal?"

"Na-miss mo ba si Mama? Kasi nag-work ako."

Tumango-tango si Jay sa kanya. Tinignan ako ni Mama.

"Isara mo yung gate at pumasok ka na dito." Sabi nya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.

Ginawa ko ang inutos nya at mabilis na tumakbo papasok sa loob. Nakita ko na meron syang binubuklat na plastic bag. Puro pagkain ang laman non.

"Ang dami pagkain! Tignan mo Ari!"

"Kuya Aries." Pagtatama ni Mama. "...mas matanda sya sayo."

Tuwing uuwi galing tarbaho si Mama. Lagi syang may uwing pagkain. Bigay daw yon ng Boss nya. Minsan meron din syang uwi'ng laruan para samin ni Jay-jay.

Pero mas gusto ko kung andito lang si Mama sa bahay. Mas gusto ko yung nakakasama namin sya.




















Biglang dumating si Mama galing tarbaho. Meron mapulang bagay sa muka nya. Parang marka na nakalagay sa tabi ng labi nya. Galit na galit sya at parang merong kaaway.

Dumating si Ate Jamela Mae. Yung nakatira sa katabi naming bahay. Nagsisigawan sila sa loob ng bahay at hindi ko alam ang dahilan.

"Aaway sila?" Tanung ni Jay.

Napansin kong nagsisimula na syang umiyak. Agad ko syang nilapitan at hinimas sa ulo.

"Hindi. Magkaibigan sila. Hindi sila aaway." Paninigurado ko.

"Talaga?"

"Oo. Tignan ko pa para sayo." Sabi ko at naglakad papasok ng bahay.

Sa tingin ko ay hindi naman talaga sila nag-aaway. Nakaupo lang si Mama sa bangko sa harap ng lamesa at ganun din si Ate Jamela. Malalakas lang talaga ang boses nila.

"Bwisit yon! Kaya pala ang bait-bait ng hayop! May balak pala sakin!" Galit na sabi ni Mama. "...may pabigay-bigay pa ng grocery! Anu akala nya sakin por que magkaiba ama ng mga anak ko magpapa-ganun nalang ako sa kanya basta?!"

"Andun na nga ako! May punto ka naman! Ang sakin lang, bakit mo inuntog ang ulo sa pader?!" Inis na sabi ni Ate Jamela.

Tinuro ni Mama ang tabi ng labi nya. "Sinampal ako ng Gago! Akala ata nya matatakot ako sa pananakit nya!"

Marahas na kinamot ni Ate ang ulo nya. "Panu ka na nyan?! Ang mga anak mo?!"

"Bahala na! Hahanap nalang ako ng ibang trabaho na pwede kong isama yung anak ko. Ipapasok ko na ng school si Aries."

"Eh pera?! Pang-bayad sa school. Pambili ng gamit at uniporme!"

"May pera pa ko dyan."

"Talaga? Hanggang kelan ang itatagal ng pera mong yan?"

"Ewan ko!"

"Umuwi ka na kasi sa inyo! Ipakilala mo na yang mga anak mo sa Nanay mo!"

"Hindi ko Nanay yon! Kaylangan ko bang ulit-ulitin na anak ako sa labas ng Tatay kong hudas?! Mabait lang talaga ang asawa nya para kupkupin ako."

"Bakit ka nga ba umalis?!"

"Edi nung nabuntis ako kay Aries. Inaway ako ng mga kapatid ko. Nilayasan ko nalang, nakakasawa eh!"

"Tawagan mo nalang yung Tatay ni Jay-jay. Mayaman yon diba? Sya nga nagbigay sayo ng lupa at bahay na to diba?"

Hindi sumagot si Mama. Bigla nalang syang lumingon sa gawi ko at galit akong tinignan.

"Diba sabi ko bantayan mo si Jay-jay? Bakit andito ka sa loob? LABAS!"

Napatakbo na ko sa labas. Nakita ko si Jay-jay na binubungkal ang lupa. Lumapit ako sa kanya at kinuha ulit ang mga kamay nya.

"Aaway sila?" Tanung nya ulit.

Umiling ako. "Hindi. Uusap lang."

Hindi ko nga lang naintindihan ang pinag-uusapan nila. Tsaka ano yung anak sa labas? Kami ba yon? Kasi nasa labas kami.

Hindi ko nalang pinansin at nakipaglaro nalang kay Jay-jay. Sinabi ko na din sa kanya na ipapasok na ko ni Mama sa school. Nakikita ko yung anak ni Ate Jamela na laging umaalis ng bahay, sa school daw ang punta nya.

Siguro dun din ako papasok. Sana pwede ko isama kapatid ko.
























"Aries! Aries! Gumising ka!" Sigaw ni Mama.

Minulat ko ang mata ko kasabay ng pagkusot. Nakita ko si Mama na binabalot ng kumot si Jay-jay.

"Pupunta tayong ospital! Dalin mo yung bag ko!" Utos nya sakin.

Kahit hindi ko alam ang nangyayari, ginawa ko pa rin. Kinuha ko ang bag nya at lumapit sa kanya. Binuhat nya si Jay at naglakad palapit ng pinto. Binuksan nya yon at hinintay ako.

"Bilisan mo!" Sigaw nya sakin.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Halos malapit na ko sa gate ng huminto ako at tignan sya. Sinara nya ang pinto at halos patakbo ding lumapit sa gate. Madilim sa labas at walang tao sa daan.

"Jay! Sandali lang! Pupunta tayong ospital!" Sabi ni Mama habang pilit tumatanaw ng masasakyan.

Hindi ko alam kung ganu na kami katagal don ng may dumaang tricycle. Ayaw pa sana kaming isakay kundi lang naki-usap si Mama.

Pagdating sa Ospital yung babaeng nakaputi ang nakipag-usap kay Mama. Wala talaga akong maintindihan sa nangyayari. Pero ang napansin ko, hindi nagsasalita si Jay-jay. Wala syang malay at parang hindi na gumagalaw.











"Hindi ka muna papasok sa school." Sabi ni Mama sakin.

"Bakit?"

"Kasi wala na tayong pera. Pinambayad ko sa Ospital para mauwi natin si Jay-jay."

"Gusto ko na mag-school!" Pagpipilit ko.

Yung mga kalaro ko mag-school na. Gusto kong sumabay sa kanila. Gusto ko na ding pumasok.

"Hindi nga pwede! Wala nga tayong pera!" Sigaw nya sakin.

Napasigaw na rin ako kagaya nya. "Pero gusto ko!"

Bakit hindi pwede? Gusto ko na mag-aral. Gusto ko makasama mga kalaro ko don. Sabi nila tuturuan daw kami magbasa at magsulat don.

Bigla nalang akong pinalo ni Mama. Napaiyak ako sa sobrang sakit. Sinundan nya pa yon ng dalawang sunod na palo.

"Wag ka nga makulit! Hindi nga sinabi pwede!" Sigaw nya at pinalo ulit ako.

Kung saan-saan na tumatama ang kamay nya pero hindi pa rin sya tumitigil.

"Tama na! Hindi na! Hindi na! Mama!"

"Magtanda kang bwisit ka! Hindi ka maka-intindi!" Sigaw nya sakin. "...hirap na hirap na ko! Wag ka na makisabay!"

Hahampasin pa sana nya ko ulit ng biglang may pumasok na matanda'ng babae sa pinto ng bahay. Natigilan si Mama mabilis na hinarap yung babae.

"Bakit mo sinasaktan yung bata?" Tanung nya kay Mama.

Sinubukan nya kong lapitan pero mabilis na humarang si Mama.

"Dinidisiplina ko lang ang anak ko." Sagot ni Mama sa kanya.

Nagtinginan sila ng matagal. Hindi ko sya kilala at ngayon ko lang din sya nakita. Meron syang dalang bag at plastic na maraming laman.
























Sya pala ang Lola namin ni Jay-jay. Ilang beses syang pumupunta dito sa bahay para iwanan kami ng laruan at pagkain. Sya rin ang nagbabantay samin minsan. Meron na kasing bagon tarbaho si Mama.

Kayalang buong araw syang wala, hindi kagaya dati na kalahating araw lang. Kapag nakatapat sa 12 yung mahabang kamay ng relo aalis sya tapos babalik bago magdilim.

Pero ngayon, tulog pa kami ni Jay-jay umaalis na sya tapos babalik ng sobrang dilim na. Minsan nakakatulog na kami sa paghihintay sa kanya.

Ngayong araw, hindi dumating si Lola. Siguro marami syang ginagawa o baka napagod na. Matagal daw kasi byahe papunta dito.

"Ari!" Sigaw ni Jay-jay mula sa loob ng bahay.

Tumakbo ako papasok at hinanap sya. Naka-upo sya sa sahig habang katabi ang manika nyang wala na nama'ng ulo. Lagi nalang kasi nyang tinatanggal.

"Sakit tyan!" Sabi nya habang hawak ang tyan at bigla nalang umiyak.

Lumapit ako sa kanya at pilit syang binuhat. Pina-upo ko sya sa mahabang bangko. Hinanap ko yung bote na ginagamit ni Mama samin kapag masakit tyan namin. Kulay green ang laman non at may kakaibang amoy.

Nakita ko yon sa lalagyanan ng gamot. Binuksan ko at ginaya ang ginagawa ni Mama kayalang may tumapon at nagkalat sa sahig. Hinayaan ko muna yon at pinuntahan nalang si Jay-jay na umiiyak pa rin.

Tinaas ko ang damit nya at nilagay yon sa tyan nya pero umiiyak pa rin sya. Pilit ko syang pinapatahan pero ayaw pa rin nyang tumigil.

"Gusto ko Mama!" Umiiyak na sabi nya.

"Nasa tarbaho pa si Mama."

Mas lalong lumakas ang pagiyak nya. Hindi ko alam kung panu sya papatigilin hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng gate. Patakbo ko syang sinalubong pero galit na naman syang tumingin sakin.

"Anung ginawa mo? Bakit umiiyak si Jay-jay?" Nilagpasan nya ko at nilapitan si Jay na mabilis na sumama sa kanya.

Dadalhin na sana nya sa higaan ng matapakan nya yung tumapon na kulay green.

"Ano to?!" Tanung nya.

Bahagya syang umupo at inamoy yon. Hinanap kagad nya ang bote non na nasa likod lang nya.

"Sino'ng gumalaw nito?"

"Nilagyan ko si Jay—."

"Lintik ka! Bwisit na buhay to! Wala ka bang utak?! Bakit hinayaan mong tumapon?"

Binaba muna nya si Jay at kumuha ng basahan. Pinunasan nya yung sahig. Meron syang binubulong na sabi ni Lola Bad words daw at dapat hindi gayahin ng bata.

Panay ang tingin nya sakin at alam kong papaluin na naman nya ko. Minsan pakiramdam ko puro mali lang nagagawa ko at minsan naiisip ko na si Jay-jay lang ang mahal nya.



























"Papasok na ko. Yung binilin ko! Wag mo iiwan si Jay-jay." Sabi ni Mama bago lumabas ng pinto.

Tulog pa si Jay at hindi pa bumabangon kaya hindi na nakapag-paalam sa kanya si Mama. Lumapit ako sa kanya at inayos ang kumot nya. Naiinggit talaga ako sa kanya.

Mahal na mahal kasi sya ni Mama samantalang ako parang gusto na nya'ng mawala.

Pero okay lang, mas bata sya sakin kaya naiintindihan ko. Mas kailangan ng Baby ang pagmamahal ng magulang, sabi sakin yun ni Lola.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Mukang hindi pupunta si Lola ngayon. Kinuha ko muna ang laruan ko na bigay nya. Naglaro muna ako sa labas sa tapat ng pinto.

"Aries!" Sigaw ng kung sino.

Hinanap ko yun at nakita ko ang mga kalaro ko sa labas ng gate. Kumakaway sila sakin.

"Sama ka samin!" Aya nila sakin.

Tumayo ako at sandaling sumilip sa bahay. Tulog pa naman si Jay at mamaya pa sya magigising. Babalik nalang siguro ako bago sya magising.

Sinara ko yung pinto at tumakbo palabas ng gate namin.

"Tara dun tayo sa court!" Sabi nila at sumunod naman ako.

Pagdating don, merong naglalaro ng basketball. Naisip naming manuod muna dahil mukang masaya. Marami silang naglalaro at pinagpapasa-pasahan yung bola. Paglaki ko, maglalaro din ako non.

Hindi ko alam kung ganu na kami katagal don pero napansin kong umaalis na yung mga tao. Tsaka ko lang naalala si Jay-jay. Hindi ko pa pala sya napapakain.

Nagpaalam ako sa mga kalaro ko at tumakbo pauwi sa bahay. Nakabukas ang gate at pinto pagdating. Natakot ako bigla dahil baka lumabas ng bahay si Jay.

"Jay-jay!" Tawag ko.

Pagpasok ko sa loob bigla nalang may humampas na bagay sakin. Napaluhod ako at napaiyak sa sakit. Nang tignan ko kung sino yon, si Mama pala. Meron syang hawak na hanger at galit na galit sakin.

Hinampas nya ko ulit at napasigaw na ko sa sakit.

"Mama! Masakit!" Sigaw ko sa kanya.

"Sabi ko wag mo iiwan si Jay-jay! Ang tigas ng ulo mo!" Sabi nya habang patuloy sa pagpalo sakin.

"Ma! Tama na!"

"Hindi ka marunong sumunod!"

Hindi pa rin tumitigil sa paghampas sakin. Tinatamaan ako sa kung saan at pati sa muka.

"Gusto mo sa labas?! Sige sa labas ka!" Hinatak nya ko palabas at halos ibato nya ko. "...dyan ka!"

"Hindi na po Mama!" Pagpupumilit ko.

"Uulit ka pa?! Hindi ka marunong sumunod!"

"Hindi ko na iiwan si Jay-jay!" Sabi ko habang patuloy sa pag-iyak.

Hindi na sya nagsalita at binato ang hawak na hanger sa loob. Kinuha nya ang bag nya at umalis ulit. Tumayo ako at pumasok ng bahay.

Nakita ko si Jay-jay na nakaupo sa sahig at kumakain ng tinapay. Buti sya hindi sinasaktan ni Mama. Siguro mas  mahal nya sya talaga.

























Maagang umalis ngayon si Mama. Naiwan na naman kami ni Jay-jay. Ayoko pa sana syang paalisin dahil may sakit na naman si Jay.

Mainit sya at parang nanghihina. Sinubukan ko syang gisingin para kumain pero umiyak lang sya ng umiyak. Bumalik din sya sa pagtulog pagkatapos.

Nag-aalala ako sa kanya. Natatakot ako na baka dalhin ulit sya sa Ospital. Ang dami nilang sinasaksak na gamot sa kanya don.

"Aries!" Tawag ng kung sino mula sa labas.

Nakitang kong binuksan nya yun gate at kusang pumasok. Meron syang dalang mangkok. Nang makalapit dun ko lang nakita kung sino sya. Si Ate Jamela.

"Bakit po?" Tanong ko.

"May dala akong pagkain. Tara kumain na kayo ni Jay." Sabi nya at tuloy-tuloy na pumasok palapit sa lamesa.

"Tara na... Gisingin mo si Jay."

"May sakit sya. Mainit tsaka ayaw kumain."

Agad nyang nilapitan si Jay at hinipo sa noo. "Mainit nga. Asan ang Mama mo?"

"Sa tarbaho na."

"Iniwan kayo ng ganito? Aba naman." Tumayo sya at lumapit sa drawer namin ng mga damit.

Nanguha sya ng bimpo at binasa yon ng tubig sa may lababo. Piniga nya at tinupi-tupi. Lumapit ulit sya kay Jay at nilagay yun sa noo nya.

"Titignan ko kung may gamot samin. Kumain ka na." Sabi nya at lumabas.

Ginawa ko ang sinabi nya. Kumain muna ko ng dala nyang pagkain. Pero hindi ko maiwasan na hindi tignan si Jay. Gusto ko din sana syang paka-inin.

Bumalik si Ate Jamela dala ang gamot na sinasabi nya. Ginising nya si Jay-jay at pilit pina-inom ng gamot. Lagi nalang bumabalik ang sakit nya.























Kanina pa madilim pero wala pa rin si Mama. Sinubukan ng puntahan ni Ate Jamela sa tarbaho pero wala daw don. Hindi pa din gumagaling si Jay-jay.

Nilapitan ko sya para ibalik ang bimpo sa noo nya. Dumilat sya at tinignan ako.

"A-asan Mama?" Tanung nya sakin.

"Wala pa." Sagot ko at nagsimula na naman syang umiyak. "Tahan na."

"Gusto ko Mama."

Ako din gusto ko si Mama pero wala naman sya dito. Hindi ko alam kung nasan sya.

"Dadating na yon. Hintay lang tayo."

Unti-unti din syang tumigil sa pag-iyak. "G-gutom ako."

Wala pa kaming pagkain. Naubos ko na yung kaninang tanghali. Ganitong oras kasi andito na si Mama para pakainin kami. Dahil wala pa sya kaya wala pa rin kaming pagkain.

"Gusto ko main." Sabi nya.

Tinignan ko kung may natitira pang pagkain kahit tinapay pero wala. Isa lang ang naiisip ko at yun ang bumili sa labas.

Kinuha ko ang baryang nakapatong sa lamesa. Iniwan yon ni Ate Jamela para sakin.

"Bibili lang akong pagkain. Dito ka lang." Sabi ko at tumango naman sya.

Tumakbo ako palabas ng bahay. Merong tindahan ng pagkain malapit samin. Nagtitinda sya ng mga ulam minsan may pang-miryenda.

"Pabili Ate." Sabi ko sa tindera.

"Anu sayo?"

"Yung pang may sakit." Sagot ko at tumawa naman sya.

"Lugaw?" Tanung nya.

Hindi ko alam kung anu yon pero tumango nalang ako. Agad syang nanguha ng plastic at nagsalin don. Inabot ko ang bayad sa kanya bago nya ibigay sakin yung binibili ko.

Patakbo ulit akong bumalik samin pero nasa gate pa lang ako nakita ko na si Mama sa loob ng bahay. Napahinto ako malapit sa pinto. Meron kasi syang hawak na tsinelas.

Papaluin na naman nya ko.

"Saan ka galing?! Bakit mo na naman iniwan si Jay-jay?! Ang tigas talaga ng ulo mo!" Sigaw nya sakin at akmang hahampasin ako.

Mabilis akong lumayo at mukang lalong nagalit si Mama.

"Gusto mo talaga dyan sa labas?! Sige! Dyan  ka matulog!" Sigaw nya at sinara ang pinto.

"Mama!" Sigaw ko at paulit-ulit na kinatok ang pinto.

"Dyan ka! Wag kang papasok!" Sigaw nya mula sa loob.

Kailangan kong ibigay ang pagkain ni jay-jay. Naririnig ko ang pag-iyak nya at pagtawag sa pangalan ko.

"Mama! May ibibigay ako kay Jay-jay."

"Manahimik ka!"

Hininto ko ang pagkatok at naupo sa sahig sa harap ng pinto. Yakap-yakap ko ang binili ko para kay Jay.

Ayokong matulog sa labas pero natatakot akong mapalo ni Mama. Nung huling pinalo nya ko pati muka ko tinamaan. Ang hapdi sa balat.

Sinandal ko ang ulo ko sa gilid ng pinto. Pinatay na ni Mama ang ilaw sa loob at labas ng bahay kaya naman sobrang dilim. Hindi ko namalayan ang oras hanggang pati mga katabing bahay namin nagpatay na rin ng ilaw.

Siguro nga, hindi ako mahal ni Mama.





























Dinala na naman si Jay-jay sa ospital. Iniwan ako ni Mama kay Ate Jamela dahil hindi naman daw nya ko maasikaso don.

Tanghalian na nung dumating si Mama para sunduin ako. Pagdating namin sa bahay, naghanap agad sya ng bag at naglagay ng damit don. Pero damit ko ang nilalagay nya.

"Saan tayo punta Mama?" Tanong ko sa kanya.

"Kay Lola mo. Dun ka muna sa kanya." Sagot nya ng hindi tumitingin sakin.

Hindi na ko sumagot. Pagkatapos kumuha ng damit hinatak nya ko palabas ng bahay. Muntik pa nyang hindi maisara ang pinto ng bahay dahil sa pagmamadali.

Pumara sya ng Tricycle at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Hindi pamilyar sakin ang dinadaanan namin. Gusto ko sana magtanong kay Mama pero baka magalit sya.

Habang umaandar ang jeep panay ang tingin ko sa bintana. Sobrang layo na naman sa bahay. Hindi ko na alam kung nasan kami.

"Para!" Sigaw ni Mama at huminto ang jeep.

Bumaba sya at sumunod nama ako. Naglakad kami papunta sa kung saan at huminto kami sa tapat ng isang malaking gate. Mataas yon hindi kagay ng samin na mababa lang.

Nakita ko agad si Lola na nagdidilig ng halaman.

"Lola!" Sigaw ko at lumingon naman sya samin.

Nakangiti nya kaming sinalubong. Kinuha nya yung bag na dala ni Mama. Meron silang pinag-uusapan na hindi ko maintindihan.

"Aries." Tawag sakin ni Mama at naupo para pantayan ako. "Dito ka muna kay Lola mo. Kailangan ko lang alagaan si Jay-jay."

Tumango ako sa kanya. "Babalikan mo naman ako kapag magaling na si Jay-jay diba?"

Tumango din sya. "Syempre! Babalikan kita."

Tumayo na sya at hinarap ulit si Lola. Meron pa syang mga sinabi bago tumalikod samin at umalis.

Babalikan naman nya ko kaya hindi ako natatakot.















Ang tagal ni Mama. Sobrang tagal ko na dito pero hindi pa rin ako binabalikan ni Mama. Hindi ko alam kung okay na ba si Jay-jay.

"Bakit ang tagal ni Mama?" Tanung ko sa katabi kong nagbabasa ng kung ano.

Tita ko daw sya sabi ni Lola pero lagi nya kong inaaway.

"Ewan ko. Hindi kami close ng Nanay mo para malaman ko." Sagot nya sakin.

Lagi nalang ganyan sagot nya sakin. Naiinis na ko sa kanya. Bigla nalang humangin ng malakas at dahil tabi kami ng bintana naka-pwesto nilipad lahat ng buhok nya papunta sakin.

Ang baho ng buhok nya.

"Yung buhok mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Lasapin mo."

Naiinis na talaga ako kaya naman hinatak ko ng malakas ang buhok nya. Kita ko ang pagkabigla nya at unti-unti'ng nagdilim ang muka nya.

Mabilis na dumapo ang dalawang daliri nya sa balat ko at buong lakas na kinurot ako. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Lola!" Sigaw ko at kasunod ng pag-iyak.

"Lara! Pina-iyak mo na naman yan!" Galit na tawag ni Lola sa Tita ko.

"Salbahe yung apo nyo!" Sagot nya at lumayo sakin.

Magsusumbong pa sana ako ng makarinig kami ng pagbusina ng sasakyan. Sumilip ako sa bintana at isang magandang kotse ang nasa tapat ng gate.

Kita ko yung ibang Tita at Tito ko na natataranta sa pagbukas ng gate. Lahat sila nakangiti para merong inaabangan sa loob ng sasakyan.

Ng huminto ang kotse, bumukas ang pinto non at isang babae ang bumaba. Maganda sya at parang pamilyar sakin.

"Tita! Sino yon?" Tanong ko sa Tita kong parang laging may kagalit.

"Bakit hindi mo sya tanungin?"

Wala talaga akong makukuhang sagot sa kanya. Lagi nalang syang ganyan magsalita. Akala ko nung una magkakasundo kami pero salbahe sya sa bata.

Hindi nagtagal pumasok na sya sa bahay at meron syang kasunod na bata.

"Eto pang isang peste." Dinig kong bulong ni Tita.

"Lara! Kamusta? Dalaga ka na! Kamusta ang pag-aaral?" Nakangiting tanung nya kay Tita.

"Tanong mo sa principal namin." Sagot nya sabay talikod at naglakad papasok ng kwarto.

Susunod sana ako sa kanya pero natigilan ako ng tignan ako batang bagong dating at nung babae. Halatang hindi nya ko kilala pero kahit ganun ngumiti pa rin sya sakin.

"Hello..." Sabi nya at lumapit sakin. "...kamusta? Anong pangalan mo?"

"A-aries po."

"Anak yan ni Jeana." Sabi nung isang Tita ko na nasa likod nila.

Agad na nag-iba ang itsura nung babae pero bumalik din yon sa pag-ngiti.

"Why are you so thin?" Sabi nung Batang bagong dating. "...I can easily break your bones."

Wala akong naintindihan sa sinabi nya.

"Angelo. Don't talk to him like that." Sabi nung babaeng kaharap ko.

Tumingin ulit sya sakin at ngumiti. "Ako ang Tita Gema mo. Kapatid ko ang Mama mo."




++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
708K 24.8K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...
405K 1.1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...