Salitang Tayo

Von Roex_Dava

55 2 0

Please vote and read this one, para sa mga taong nalilito sa katayuan ng salitang tayo. Mehr

Salitang Tayo

55 2 0
Von Roex_Dava

Tayo, Isang salitang may apat na letra,
Isang salitang madaming kahulugan sa iba,
Kaya hayaan mong ikwento ko,
Ang ibat-ibang kinatatayuan ng tao sa tayo,
Una, Isa ba ako sa mga biktima,
Na umasa sa tayo,
Yung tipo na lahat ng ginagawa natin,
Akala mo ay totoo,
Sa bawat hakbang na hawak mo ang mga kamay ko,
Sa bawat yakap at mga labi mo sa pisngi ko,
Bigla na lang mapapaisip ako,
Ano nga bang meron tayo?
Ito yung pagkakataon na hindi ko alam kung saan lulugar,
Yung tipo na oo ako sayo,
At sabi mo sa akin ka pero ayaw mo namang ibulgar,
Nandito sa pwesto,
Na yung tipong tatanungin ako ng mga kaibigan ko,
"Uy, kayo ba ni ano? "
At hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Ikalawa,
Ito yung tayo na medyo klaro,
Medyo,
Masayang masaya dahil pwede ko ng gamitin ang salitang "tayo",
Yung pakiramdam ko,
Na kahit isa kang tao meron kang titulo,
Yung alam kong akin ka at sayo ako,
Kahit hindi siguradong akin na lang ba at walang nang iba kahit paano,
May pinanghahawakan na akong Tayo,
Pero hanggang kailan ko nga ba magagamit ang tayo?
Hanggang kailan ba tayo ganito?
Hanggang kailan....
Tayo?
Hindi ko alam,
At hindi ko masisiguro sayo,
Ang sigurado ko lang ako habang nandyan ka,
Nandito lang ako.

Ikatlo,
Ang pinakamasakit na Tayo,
Ang Tayo na nagtapos sa ikaw at ako,
Na kung paanong ang dating mga kamay na halos hindi na mapaghiwalay,
Unti-unting ang mga daliri sa pagkapit ay bigla na lang bumibigay,
Yung tayo na naiwan na lang ay ako na umaasa,
Umaasa,
At aasa pa,
Na ang dating tayo ay maibabalik pa,
Na may pag-asa pang maayos gaya ni Popoy at Basha,
Kaso,
Kaso hindi tayo sila,
Ito yung parte na tayo, na wala na,
Sa kung saan ang dating tayo na pinangarap ko,
Ay pwede nang makuha ng iba,
Pwede ba akong magtanong sayo?
Para lang sigurado,
At hindi ako mukang nagagago,
Minahal mo ba talaga ako?
Kung ganoon bakit natin kailangang humantong sa ganto?
Tayo?
Nagkaroon nga ba ng tayo para sayo,
Dahil sa lahat ng sakit na naramdaman ko,
Kailangan ko nang kalimutan ang tayo,
At patuloy na mabuhay bilang ako,
Tayo?
Mukang wala na nga atang magiging tayo,
Dahil matapos ang lahat ng pinagsamahan natin,
Handa kana ulit humanap ng bago,
At ako,
Nandito,
Naghihintay parin ako sayo.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

164K 12.6K 160
Holaa~ Bienvenidos todos a estas pequeñas historias, empezando de nuevo :D Muchas gracias por pasarte por aquí, supongo que pronto voy a abrir los pe...
83.6K 3.8K 32
Y/n- please don't beat me I will never try to run away i promise please Jimin- no no no why are you crying don't cry.this is your punishment take it...
8.7K 701 53
"I know I'm sunk deep to this point To the point where I'm drowned Into this bowl of honey I feel I feel like there's no other way out" A collectio...
19.4K 383 15
ريتال طالبة جامعية محبة للخيل حين تذهب ريتال الى الاسطبل سوف تلتقي ب صاحب الاسطبل اور الذي عاد له بعد هجره اكثر من خمس سنوات انجذبوا لبعضهم البعض...