My Tag Boyfriend (Season 4)

By OppaAnja

1.8M 53.7K 13.6K

Sabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinit... More

My Tag Boyfriend (Season 4)
t r a i l er
Prologue
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
ANNOUNCEMENT
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19 (Special Chapter)
My Tag 19.5 (Special Chapter)
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
Author's Note
My Tag 39 (Special Chapter #1)
My Tag 40 (Special Chapter #2)
SPECIAL CHAPTER: Diary ni Mobi Entry #1
Hello and Goodbye, MTB and TAGGERS...

My Tag 38

30.9K 840 223
By OppaAnja

My Tag 38

Sitti's POV

"MATAGAL PA ba?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang tinanong ang bagay na 'yon at wala na rin akong ideya kung nasaan na kami dahil na rin sa piring na nasa mata ko.

"Sasabihin ko naman sa'yo kapag nando'n na tayo."

"Hindi naman siguro literal 'yong sinabi mo na pupunta tayong universe, 'di ba? Hindi naman tayo papuntang NASA, 'di ba? Pilipinas pa rin ang pupuntahan natin, 'di ba?!" hindi ko na napigilan na tumaas nang tumaas ang tono ng boses ko.

Bigla akong kinabahan no'ng maisip ko na baka totohanin niya nga 'yong sinabi niya na dadalhin niya ako sa universe. Kahit alam kong imposible 'yon, hindi pa rin ako makakasiguro dahil si Kaizer Buenavista ang pinag-uusapan natin dito.

"Huwag kang mag-alala dahil wala naman akong gagawing masama sa'yo."

"Dapat na ba akong mas kabahan dahil d'yan sa sinabi mo? Parang mas lalo akong natakot para sa sarili ko e!"

"Baliw! Kailan ba kita pinahamak?"

"Gusto mong isa-isahin ko talaga?"

Sasabihin ko na sana 'yong mga pagkakataon na napahamak ako dahil sa kanya—pero mas dahil talaga 'yon sa mga fan girls niya noon na obsess na obsess sa kanya noon—pero hindi ko na natuloy ang mga sasabihin ko nang bigla kong maunahan na niya akong magsalita.

"Nandito na tayo."

Dahil may piring nga ang mga mata ko, wala akong ibang ginawa kundi manatiling tahimik doon sa kinauupuan namin habang pinapakinggan 'yong pag-uusap ni Yabang at no'ng driver ng sinakyan namin.

"Halika na!"

Kahit kinakabahan sa mga susunod na mangyayari ay wala na akong ibang nagawa kundi sumunod na lang sa kanya habang inaalalayan niya ako sa kung saan.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbibilang sa hakbang na ginagawa ko at para pakalmahin at alisin na rin ang kaba na nararamdaman ko.

Alam ko naman na hindi ako ipapahamak ni Yabang gaya nga nang nasabi na niya.

Pero buong araw na kasi naging kakaiba ang kinikilos niya at wala rin akong ideya kung ano bang mayro'n sa gagawin namin ngayon at bakit kailangan pa niyang takpan ang mata ko.

"Huwag mo munang aalisin 'yan ah? Sandali lang!"

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Basta! Sandali lang ako!"

Kanina pa ko kating-kating tanggaling 'yong nakatakip na panyo sa mga mata ko. Gusto ko na rin kasi malaman kung nasaan kami at ano ba talagang mayro'n sa universe na 'to na sobrang nagpapakaba lang sa akin.

Pero gaya nga nang sinabi niya, sandali lang siya nawala at muli ko siyang naramdaman sa tabi ko saka niya ako ulit inalalayan na maglakad ng kung saan.

Hindi gaya kanina, mas kaunti lang ang hakbang na ginawa ko sa pagkakataon na 'to at huminto na rin kami sa paglalakad namin saka ko naramdaman na inalis na niya 'yong piring sa mata ko.

Medyo nasilaw pa ang mga mata ko nang alisin na niya ang tela na 'yon saka bumungad sa paningin ko ang isang pinto at isang pamilyar na lugar.

"Teka! Bahay n'yo 'to ah!"

"Oo. Alam ko."

"Paano naging universe 'to e ordinaryong bahay lang naman 'to?" takang tanong ko saka humarap sa kanya. "Alam mo, ang sama talaga ng ugali mo! Alam mo bang muntik na akong magkasakit sa puso dahil sa kaba tapos sa bahay n'yo lang pala ang punta natin?"

"Bakit? Saan ba sa inaakala mo ang pupuntahan natin?"

"Sa universe! 'Di ba sabi mo doon mo ko dadalhin?"

"At sa tingin mo talaga, makakaya ng taxi na pumunta sa outer space at sa wala pang isang oras na byahe natin?"

"Aba! Malay ko! Tinakpan mo kaya ang mata ko! Baka nakakalimutan mo?"

"Alam mo, nakakasira ka ng mood," bagot na sagot sa akin ni Yabang. "Mayro'n bang s-in-urprise na dilat ang mata at alam na kung ano ang surprise sa kanya?"

"E, ano ba kasing gagawin natin dito saka ano ba 'yang surprise-surprise na sinasabi mo?" nasabi ko na lang. "Hindi nga tayo nakapagpaalam nang maayos kanila Mama at Papa na aalis tayo do'n sa party tapos—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko na buksan ni Yabang ang pinto ng kwarto niya saka bumungad sa harapan ko ang buong universe—I mean 'yong mga stars, planet at iba-iba pang celestial body sa outer space na naka-paint at kumikinang-kinang sa loob ng kwarto niya.

"A-anong... Paanong... Bakit..." utal-utal na sabi ko dahil hindi ko alam kung ano nga ba dapat ang sasabihin ko.

Kahit naramdaman ko na hinila niya ako papasok do'n sa loob ng kwarto niya na naging mala-planetarium sa ganda ay hindi pa rin ako nakaimik. Nakanganga lang ako at natutuwang pinapanood ang mga makikinang na bagay na 'yon sa loob ng kwarto niya. May maliit pang bagay na nasa gilid na parang naging projector na siyang nagpapakita ng pagbagsak ng meteor shower sa buong paligid ng kwarto pati na rin ng mga comet at iba pang paggalaw ng mga planeta doon sa loob ng kwarto.

Kahit 'yong sahig ng kwarto niya ay may naka-pinta rin na itsura ng buong solar system. Kaya hindi ko na maiwasan na mapalundag habang tinatapakan ang mga planeta mula sa araw na nasa gitna hanggang do'n sa pinakahuling planeta.

"Nagustuhan mo ba?"

"Nagustuhan?!" hindi makapaniwalang sabi ko saka bumalik ang tingin ko sa kanya na nakikisabay rin sa pagningning ng mga bagay sa paligid namin. "Sobrang mahal ko ang lahat nang nandito! Ang ganda-ganda nito, Kaizer! Ikaw ba ang gumawa ng lahat ng 'to?"

"Karamihan, oo. Pero tumulong din sa akin sila Kris, Mobi at Zync na maayos 'to."

"Si MM?" ulit ko saka napapatango. "Kaya pala. Ang galing n'yo naman! Pero mas magaling ka kasi pati si Silver Sungit—este si Zync e napilit mo na tumulong sa'yo sa paggawa nito."

"Huwag mo nang ipaalala," sagot ni Yabang na tila ba bigla siyang napagod do'n sa huling nabanggit ko saka siya napabuntong-hininga.

Hindi na lang ako nagsalita pa do'n sa naging reaksyon niya saka ko binalik ang tingin ko sa mga bagay na nasa paligid ko.

"Sobra-sobra naman itong ginawa mo para sa isang regalo..." nasabi ko na lang habang pinapanood ang mini presentation ng Hayley's Comet. "Pero sobrang ganda talaga nito. Ito na yata 'yong pinaka the best na regalo na nakuha ko sa araw na 'to."

"Talaga?"

"Oo naman!" sabi ko saka humarap ulit sa kanya. "Sobrang ganda kaya ng ginawa mo! Kaya salamat dito, Kaizer."

"Akala ko talaga hindi mo magugustuhan," sabi niya saka dahan-dahang napaupo sa sahig na tila ba nauupos siyang kandila.

Dahil sa ginawa niya, bigla tuloy akong napatakbo sa tabi niya saka naupo na rin para makita ko 'yong mukha niya na nakatapong do'n sa pagitan ng mga tuhod niya at tinatakpan niya ng dalawa niyang braso.

"Bakit? Anong nangyari sa'yo? Masama ba pakiramdam mo?" hindi ko maiwasan na magtunog nag-aalala sa kanya.

"Ilang linggo na rin kasi akong nag-iisip na baka hindi mo magustuhan ang regalo ko sa'yo. Na baka isipin mo na masyado akong korni o cheap ang ginawa ko," sabi niya saka sandaling sumilip sa mukha ko bago niya muling tinago ang mukha niya sa akin.

"Ano ka ba?!" sagot ko saka marahas na inalis ang mga braso niya sa mukha niya saka inangat ang mukha niya paharap sa akin gamit 'yong isa kong kamay habang 'yong isa ay nanatilli pa ring nakahawak do'n sa isa niyang braso. "Hindi 'to korni at mas lalong hindi 'to cheap! At kahit hindi mo sabihin, alam kong sobrang nahirapan ka na gawin 'to kaya huwag mong sabihin 'yan!"

Matagal siyang napatingin sa mukha ko na para bang inaalam niya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

Pero maya-maya lang ay ngumiti na rin siya sa akin.

"Kahit mahirap, basta para sa'yo, lahat gagawin ko, TG."

Kung kanina naging mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot sa bagay na hindi ko pa nakikita, ngayon mas lumalakas ang kabog sa dibdib ko habang nakatitig nang derecho sa mga mata ni Kaizer.

"Na-try mo bang sumulat ng kwento sa Wattpad?" Bago ko pa maisipan ang sasabihin ko ay bigla na lang lumabas ang mga salita na 'to sa bibig ko.

"Ha? Wattpad? Bakit? Ano ba 'yon?"

"Ah! Hindi! Wala-wala!" natatawang sabi ko na lang saka binitawan siya saka tumayo at humarap ulit do'n sa mga stars na nasa paligid saka pinaypayan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko para kahit papaano ay lumamig 'yong umiinit na pisngi ko.

Pero hindi pa ako nakaka-recover sa mala-Wattpad writer na naman na linyahan ni Kaizer ay nagulat na lang ako nang bigla kong maramdaman ang yakap niya mula sa likuran ko saka niya pinatong 'yong baba niya sa isang balikat ko.

"A-anong ginagawa mo?!"

"Niyayakap ka. Baka kasi mahulog ka na naman..." sagot niya saka sinalubong ang tingin niya sa akin. "'Buti sana kung sa akin ka lang napo-fall, 'di ba?"

Papa God, alam ko po na sobra-sobra na 'yong hiling ko sa birthday ko kanina. Pero birthday ko pa rin naman ngayon, 'di ba? P'wede po bang humiling pa ng isa? P'wede bang makauwi ako sa bahay namin nang buo at hindi 'yong natutunaw sa pinagsasabi ng Kaizer-the-Wattpad-Writer-Buenavista na 'to? Sige na po, Papa God! Please po! Ayoko pong matunaw sa kilig ngayong araw! Marami pa po akong pangarap sa buhay. Gusto ko pa pong makapagtapos ng pag-aaral at mapanood ang final episode ng One Piece! Gusto ko pa pong makita na maging pirate king si Luffy! Sige na po! piping dasal ko habang pinipilit na huwag mahimatay habang nakayakap sa akin si Yabang Buenavista.

"P-paano mo nga pala naisipan na gawin 'to?" nauutal pa rin na sabi ko habang piping humihiling na sana ay bitawan na niya ako bago pa ako dahil sa ICU dahil sa abnormal na tibok ng puso ko ngayon. "Binago mo pa 'yong itsura ng kwarto mo para sa akin. Washable naman siguro 'tong mga pintura na 'to, 'di ba?"

"Una, permanent paint 'to. Saka dahil nagustuhan mo naman ang regalo ko kaya bakit ko pa aalis, 'di ba?" sagot niya saka nagpatuloy... pero hindi pa rin niya ako binibitawan! Pakiramdam ko nga mas humihigpit lang ang yakap niya sa akin e! "Pangalawa, ginawa ko 'to para makabawi do'n sa nagawa ko."

"Ginawa mo?"

Nakahinga na ako nang maluwag nang sa wakas ay bumitaw na siya sa akin saka niya ako pinaharap sa kanya at hinawakan ang dalawa kong kamay at tumingin doon bago siya muling nagsalita.

"Naalala mo ba 'yong date dapat natin sa planetarium? Hindi ba hindi kita nasamahan doon dahil may tinulungan akong babae sa daan? Ito 'yong pambawi ko para do'n sa ginawa ko. Hindi kita nadala sa planetarium noon kaya gumawa na lang ako ng sarili kong planetarium para ibigay sa'yo," paliwanag niya saka mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Sorry ulit para sa araw na 'yon, Sitti."

Ako naman ngayon ang napatingin sa mukha niya nang matagal ngayon.

Pero maya-maya lang ay napangiti rin ako saka ko marahang ginulo ang buhok niya gaya nang madalas niyang ginagawa sa akin. Nakita ko pa ang panlalaki ng mata niya dahil sa hindi niya inaasahan na ginawa ko.

"Hindi mo naman kailangan gawin ang lahat ng 'to para lang do'n sa isang bagay na 'yon. Naiintindihan ko naman dahil pinaliwanag mo naman agad sa akin kaya hindi mo na kailangan mag-sorry. Mas magagalit siguro ako kung hindi mo natulungan 'yong babae at pinagpalit siya para lang sa date natin," sagot ko. "Pero salamat pa rin sa ginawa mo. Ito talaga ang pinaka magandang planetarium sa buong mundo!"

Narinig ko ang pagpigil ng tawa niya bago siya nagsalita. "OA mo ah? Pinaka maganda ka d'yan!"

"Oo nga! Hindi mo ba nakikita 'to?" sagot ko saka itinaas ang mga kamay ko sa ere at sa mga bagay na nasa paligid namin. "Pang-Guiness kaya 'to! P'wede mo nga 'tong gawing public attraction e! Kikita ka pa dito sa ginawa mo!"

"So, ibig mong sabihin, ibibigay mo lang sa iba 'yong pinaghirapan kong gawin para sa'yo?"

Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses ni Yabang kaya mabilis ko ring binawa ang nauna kong sinabi.

"Hindi ah! Sige! Kung ayaw mo 'tong ipakita sa iba, e 'di akin na lang talaga 'to! Wala nang bawian, ah? Akin na 'to! Susulatan ko 'to ng pangalan ko sige ka!" pinilit ko pang maging nakakatawa sa kanya para maalis 'yong pagtatampo niya sa akin.

"Lahat naman talaga ng nasa loob ng kwarto na 'to ay sa'yo," sagot niya saka lumapit sa akin.

Dahil hindi ko alam ang sunod niyang gagawin, bigla tuloy ako napahakbang paatras.

Pero hindi pa ako gano'n nakakalayo nang bigla niyang kunin ang isang kamay ko at ilagay 'yon sa tapat ng dibdib niya.

"Pati sarili ko at itong puso ko, sa'yong-sayo rin ang mga 'to, Sitti."

"Okay! Ayoko na! Tigilan na natin 'to!" malakas na sabi ko sabay muling itinaas ang kamay ko sa ere.

"TG...?"

"Hoy, Kaizer Buenavista!" sabi ko sabay duro ng isang daliri ko sa kanya. "Kanina ka pa ah! Sumusobra ka na! Sabi mo sa universe mo lang ako dadalhin! Bakit pati sa ICU dadalhin mo rin ako, ha?"

"ICU? Anong pinagsasabi mo?"

"Ah!" napasigaw na lang ako sa sobrang inis na nararamdaman ko. "Alam mo! Ang manhid mo talaga kahit kailan!"

"Ako pa talaga, ha?" sagot niya saka ako tinaasan ng kilay.

"Oo! Manhid ka! Kasi hindi mo alam kung gaano mo pinapabilis ang tibok ng puso ko dahil d'yan sa mga nakakakilig na sinasabi mo!" bulyaw ko pa sa kanya saka napahawak ang dalawa kong kamay sa tapat ng dibdib ko. "Naririnig mo ba 'to? Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko? Paano kung mamatay ako bigla, ha?!"

"Sitti, wala pang namamatay sa kilig kaya huwag kang OA."

"Mayro'n! Ako!" mabilis na sagot ko saka unti-unting humina ang boses ko. "Mahina lang kaya puso ko. Na-fall na nga ako sa'yo tapos gusto mo pang mahulog ako ulit? Ang sama ng ugali mo alam mo ba 'yon?"

Dahil wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya binalik ko ang tingin ko direksyon ni Kaizer... na ngayon ay nakatayo na naman ng sobrang lapit sa harapan ko.

Pinanood ko siya nang muli niyang kunin ang isang kamay ko saka iyon binalik doon sa tapat ng dibdib niya.

"Akala mo ba ikaw lang ang mahina? Kung masama ang ugali ko, mas masama ka. Kasi makita lang kita, maging ganito lang ako kalapit sa'yo, hindi ko na alam kung paano pa babalik sa normal 'yong tibok ng puso ko. Alam mo ba na may batas tayo na p'wedeng magpakulong sa'yo dahil sa ginagawa mo sa akin, ha? Sakto eighteen ka na. P'wede ka na talagang makulong."

"Hala! 'Di nga!" sabi ko saka ako na mismo ang naglagay ng dalawang kamay ko doon sa tapat ng dibdib niya at mariin silang nilagay doon. "Ayan! Huminto ka na! Hala! Bakit ayaw?! Yabang, may pinagsamahan naman tayo, 'di ba? Pinakain naman kita sa birthday ko ah! Pag-usapan natin 'to nang maayos!"

Nagulat na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagtawa ni Kaizer saka niya sinundan ng mahinang pagpitik sa noo ko.

"Baliw ka talaga kahit kailan! Nagbibiro lang ako ano ka ba?"

"Anong sinabi mo?!"

Dahil sa inis ko do'n sa 'pagbibiro' niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na paghahampasin siya nang malakas.

Akala ko talaga makukulong na ako e! Bwisit na Kaizer Buenavista na 'to!

"Aray! Tama na!" natatawa pa ring sabi ni Kaizer saka niya sinalo ang mga kamay ko na umaatake sa kanya.

"Dapat lang 'yan sa'yo! Akala mo d'yan!" inis na sabi ko saka umirap pa sa kanya. "Sa susunod na birthday ko, hindi ka na makakain! Banned ka na sa bahay namin!"

Tinawanan lang ako ulit ni Kaizer pero maya-maya lang ay hinawakan niya ulit ako sa magkabilang balikat ko saka pinaharap sa kanya.

"TG, happy birthday ulit. Hindi ko matandaan kung nasabi ko na ba 'to kanina sa'yo nang maayos pero masaya ako na maging parte ng buhay mo."

"Akala mo makakabawi ka na sa ginawa mo sa akin dahil d'yan sa sinabi mo? Ha! Banned ka pa rin sa bahay namin!"

Tinawanan niya lang ulit ako saka siya nagsalita. "Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?"

"Wala!" mabilis na sagot ko. "Akala mo d'yan! Who you ka sa akin kapag na-memorized ko 'yong mga Saligang Batas sa Pilipinas! Who you ka talaga!"

"Kaya kong kumanta. Kaya ko rin sumayaw, umarte, maggitara," pilit pa niya sa akin. "Dali na! Ano bang gusto ng TG ko para makabawi ako sa kanya?"

"Dramatic intepretative dance ng Ako ay may Lobo! Ano? Kaya mo ba?" panghahamon ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya kayang gawin 'yon.

I mean, hindi naman kayang ipahiya ni Kaizer ang sarili niya sa harapan ko, 'di ba?

"Iyon lang pala e! Walang problema!"

Nanlaki ang mata ko sa naging sagot ni Kaizer at maya-maya pa ay nagsimula na siya sa kanyang pagsayaw sa Ako ay may Lobo.

Pero hindi pa siya natatapos do'n sa ginagawa niya ay napabagsak na ako sa sahig at napahiga sa panghihina sa kakatawa.

Ilang beses pa niyang inulit-ulit 'yong nakakatawa niyang pagsayaw sa harapan ko hanggang sa wala nang lumalabas na boses sa bibig ko sa kakatawa.

Nang parehas na kaming makabawi sa ginawa niya ay nakahiga na kami ngayon dito sa may sahig habang magkahawak kamay at tahimik na pinapanood ang mga umiikot at kumikinang na bituin sa kisame sa taas namin.

"Napasaya ba kita sa araw na 'to, Sitti?" tanong niya nang hindi lumilingon sa akin.

"Oo naman. Sobrang saya... lalo na do'n sa pagsayaw mo ng Ako ay may Lobo!" natatawa pang sabi ko nang maalala ko na naman ang ginawa niya kanina.

"Mabuti naman. Sana habang-buhay kitang mapasaya."

Hindi ko alam kung kanina pa nakabaling 'yong ulo niya sa akin dahil nang lumingon na ako sa kanya ay nakatingin na siya sa mga direksyon ko at ngayon ay derecho sa mga mata ko.

Matagal kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa na para bang may binabasa kami na kung ano sa mga iyon.

At maya-maya pa ay nakita ko ang dahan-dahang paglapit ng mukha ni Kaizer sa akin. Alam ko naman ang susunod niyang gagawin kaya mariin ko na lang na ipinikit ang mga mata ko at hinintay ang susunod na mangyayari.

"TG, hindi ka ba magbibilang ng one to one thousand?"

Bigla kong naidilat ang mga mata ko dahil do'n sa sinabi niya.

"Ipikit mo ulit ang mga mata mo at magbilang ka. Kahit bagalan mo pa. Kaya ko namang maghintay."

Hindi ko alam kung ano ba ang mas malakas. 'Yong tibok ng puso ko o 'yong sa kanya.

Pero maya-maya lang ay sinunod ko naman ang gusto niya. Sa pagkakataon na 'to, marahan ko lang na ipinikit ang mga mata ko.

"P'wede bang one to one hundred na lang? Nakakapagod pala ang hanggang one thousand e!" sabi ko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Wala. Ginusto mo 'yan kaya pangatawanan mo na," sagot niya saka ko naramdaman na humigpit 'yong hawak niya sa kamay ko na para bang sinasabi niya na Okay lang 'yan! at Kaya mo 'yan!

Napalunok na lang ako saka nagsimula nang magbilang.

"One... Two..." mahinang sabi ko saka diniinan ang pagkakapikit ng mata ko bago sinabi ang huling numero. "One thousand—"

Saktong pagkakasabi ko ng huling salita na iyon ay naramdaman ko ang pagbagsak ng labi ni Kaizer sa labi ko.

Alam ko na sobrang pulang-pula na ng buong mukha ko. Na baka nararamdaman din ni Kaizer 'yong init na 'yon sa labi ko habang hinahalikan niya.

At sa mangilan-ngilang beses na ginawa namin 'to, ito na yata 'yong naging pinakamatagal na kiss na binigay niya sa akin. Na tipong pakiramdam ko, huminto na ang oras sa paligid namin at mas lalo lang kuminang 'yong mga stars na pumapalibot sa amin.

"Mahal na mahal kita, Felicity Sandoval," sabi niya nang humiwalay na siya sa akin. "Ako puso mo. To infinity and beyond. Salamat sa pagiging sentro ng universe ko."

Muli akong napatingin sa mukha niya. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa nababawi 'yong kaluluwa kong lumipad nang hinalikan niya ako.

Aaminin ko. Na sa lahat ng naging araw na nakasama ko si Kaizer, ito 'yong masasabi kong pinakamasaya. Dahil alam ko na sa pagkakataon na 'to, na sa mga oras na ito, alam kong may nagbago na sa amin at ito na rin ang simula ng marami pang pagbabago sa buhay namin.

"Mahal din kita, Kaizer. Ikaw rin ang kumupleto sa buhay ko. Ikaw ang puso ko, to infinity and beyond."

Bata pa kami at alam ko na hindi pa dito natatapos ang problema at pagsubok na haharapin namin.

Pero alam ko na sa lahat ng magiging paghihirap na pagdadaanan ko, sa lahat ng pagsubok na darating pa sa buhay ko, alam ko nand'yan lang lagi si Kaizer sa tabi ko.

Ako ang puso mo, My Tag Boyfriend.

To infinity and beyond.

My Tag Season 4 END —

Continue Reading

You'll Also Like

367K 24.7K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
7M 82.9K 88
Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatan...
29.8M 609K 64
Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two differ...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...