WWG: What happened after 1 ye...

By WWG_FAMILY

1.8K 349 101

A Watty Writer's Guild Special for its first year Anniversary. Come and join us as we look back to every memo... More

INTRODUCTION
PART 1: All about WWG
Watty Writer's Guild History
Message from the Founder
Message from the Head Admin
Message from the Admin & Graphic Artist
Message from the Members
galawangbabae
Lovely_Eljey
mystshade
daneigha
GEMderless
Anna_Marie_Marata
Simon_John
Striver_Amber
Miss251
gutinstinct
lineart21
QueenDollybird
cutterpillow19
Fantasy_King08
PART 2: RECOGNITION OF WORKS
STORY PROMOTION
El Gobernador General De Mi Corazon
Escaping from Reality
Erupa
One step at at time
He's my Boss (The Mafia Boss)
BeLIEve
THE REALMS(Trilogy)
Megalomania
The Queens
Souls & Corpses (SOON)
Lilien High (SOON)
WINNERS OF ACTIVITIES
First Activity
Second Activity
Second Special Activity
Third Special Activity: Happiness
Third Activity: "Writing Duo Reloaded"
Fourth Activity: "The Ender"
Fourth Special Activity: Allegory
PART 3: Messages from Former Members
GabCo_
fabG07
Jennyoniichan
BabyChinRy
FloweringMind/Cranean
PaperoniPencilvania
CLOSING REMARKS

Message from the Guild Master

68 9 30
By WWG_FAMILY

Ako si Mela Dyosa o Apol Ganda. Iyan ang palagi kong pakilala sa mga members na dumarating sa Guild mula pa noong Admin palang ako. Pero sa essay na ito, hindi ako ang inyong Guild Master (GuMaMELA) o ang dati niyong Admin A/Admin Mela. Ako lamang ito, si Apol Ganda at si Mela Dyosa. 

Sino nga ba si Apol Ganda? Bakit lagi niyang sinasabi na maganda siya at minsan Dyosa pa? Dahil 'yon ang totoo. Haha! Ewan ko, natutuwa lang ako sa mga reaction ng iba kapag 'yan ang sinasabi ko. Tumatak na rin naman 'yan sa mga nauna pang members kaya alam na alam na nila na ako lang ang nag-iisang Dyosa ng Guild. Hahahaha!

Seriously, bilang yung totoong ako. Simple lang naman ako. Maganda. Maganda at maganda. Pero matatapos ko ba 'tong essay na 'to eh puro kalokohan sinasabi ko. HAHAHAHA.

Focus!

Organized akong tao sa totoo lang. Lalo na sa mga files. Merong isang folder ang laptop ko nandito ang mga entries niyo. Pero hindi lahat, kasi hindi naman tayo docs form nung simula. Saka yung iba nasa phone ko lalo na kapag sa messenger nagpasa pero kapag sa gmail, matic nandito 'yon. 

Ako rin 'yong tipo ng tao na mabilis mainis dahil sa totoo lang napaka-ikli ng pasensya ko. Alam 'yan ng mga members noong Admin palang ako. Mas masungit at mas mahigpit pa ako sa Guild Master kapag pasahan ng entries. Pero sa pagiging Admin ko, marami akong natutunan. Lumawak ang pang-unawa ko at nagagawa kong intindihin ang iba't ibang dahilan ng mga members kapag hindi sila nakakapagpasa. Sa totoo lang, nakakamiss maging Admin. Sobrang nami-miss ko. 

To be honest, pakeelamera ako. Palaging gusto ko, nagbibigay ako ng sarili kong say sa problema niya. Palagi gusto ko nakakapagbigay ako ng advice sa problema niya. Kasi gusto kong makatulong. Kasi gusto kong maintindihan siya. Kasi ganon ako. 

Ako yung dakilang single pero takbuhan ng love advice's noong highschool ako. Sobrang kontento lang yung puso ko kapag nakakapagbigay ako ng advice. Kaya kahit sa mga confessions sa facebook page, may comment ako. Kasi nga pakeelamera at opinionated talaga akong tao.

Kahit ganito ako, madaldal at sobrang dami laging sinasabi. Yung tipong one word palang nasabi mo, isang paragraph na ang sagot ko jan. Bakit? Dalawa lang yan. Una, naiinis ako o nasasaktan. Pangalawa, natutuwa ako. Pansin niyo naman siguro sa mga announcements ko, ang hahaba palagi, sobrang daldal. Pero yang kadaldalan ko, palaging may puso 'yan. May kasamang emosyon. 

Naalala ko pa noon, nag-post ako sa fb group ng WWG dala ng emosyon ko. Ako kasi yung gusto ko ma-realize ng iba ang mga bagay bagay. Gusto ko makita ninyo kung anong nakikita ko sa paligid. Tanda ko pa 'yong sabi ko doon, "Sulitin ninyo yung ganitong pagkakataon na bata pa kayo at may panahon pa magsulat." Nasabi ko 'yon kasi yung mga highschool members ng Guild hindi nagpasa sa Activity. Hahahaha! Eh ako College na, nakapagpasa ako kasi gusto ko matuto magsulat. Kasi noong highschool ako, hindi ako nabigyan ng ganitong pagkakataon, wala pang Guild noon. Kaya gusto kong makita ng iba at ma-realize nila ang halaga ng Guild na ito. 

Ganoon talaga ako eh, opinionated na tao. Sobrang daming sinasabi. Gusto ko kasing makatulong. Gusto ko, ma-inspire kayo. Siguro, maraming naiinis sa kadaldalan ko at sa mahahabang posts ko. Pero hindi ko naman mapipigilan 'yon. Kasi sa lahat ng sinasabi at ginagawa ko, palaging may puso. Pansin niyo rin siguro sa stories ko, punong puno ng emotions/kadramahan. Strength ko daw 'yon. Pero minsan, weakness kapag nasobrahan.

 Ako din 'yong kapag pressured at frustrated. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Alam niyo naman siguro 'yan noong kakaupo ko palang bilang Guild Master. Pucha. Nasanay ako na nagaantay ng instructions tapos biglang ako na yung magbibigay ng instructions! So kailangan ko ring umisip ng activity? Pucha talaga. Nananahimik ako bilang Admin at masayang sumasali sa mga activity ng Guild tapos biglang ako na 'yung magbibigay non! Lintik na 'yan! Paano ko naman gagawin 'yon?

Pero, ito ako, Guild Master niyo. Sa hindi ko malamang dahilan, oo, ako nga ang GM niyo. -_- 

Paglipas naman ng mga buwan, nakita kong kaya ko pala. Pero may isang bagay lang talaga ang nawala sa akin. Hindi ko na magawang makausap ang mga members through pm's. Paano ko pa ba magagawa 'yon? Ako ang nag-aasikaso ng lahat kapag may Activity. Ito ngang Round 2 ng Writing Battle eh, bigla bigla akong naging Graphic Artist ng wala sa oras! Oo ako may gawa ng mga panget na covers na 'yan! Hahahahaha. 

Nalulungkot akong isipin na para bang hindi ko na magawang ma-touch sa puso ang mga members kasi parang lumayo ako sa kanila. Hindi na ako makapagbigay ng oras para makipagusap ni tanungin kung kamusta ang mga araw nila. Kaya nami-miss ko ang pagiging Admin. Kasi noon, hindi pa masyadong loaded gawain ko. 

Pero kahit ganoon, ang mindset ko naman bilang GM ay matulungan kayo sa skills niyo. 

Sabi ko naman sainyo, madaldal ako. Tingnan niyo naman, about myself palang 'yan. Wala pa bilang writer. Kapag nakaisip pa ako about myself madadagdagan pa 'yan panigurado. HAHAHAHA. 

Ito may naisip ako. HAHAHAH. Alam niyo ba? Ako yung tipo na talagang whenever I feel unappreciated, umiiyak ako. Feeling ko kasi wala akong kwenta at pakinabang. Pakiramdam ko nonsense akong tao at ang mga ginagawa ko. Mabilis ako ma-down kaya prone to depression ako. 

Tulugan nga lang ako ng boyfriend ko, umiiyak na ako eh. Pakiramdam ko kasi, di niya na ako mahal. HAHAHAHA!

Me being a Writer:

Oh hindi na ito si Apol Ganda ha, si Mela Dyosa na ito. Hahahaha.

Si PrincessMela ay si ALONElygirl24 noong August 2012.

Simple lang. Dahil pakiramdam ko nag-iisa ako at sobrang lungkot ko noon dahil hirap na hirap ako maka-move on sa bwisit kong ex. (Read my story Pag ako nagka-boyfriend, doon makikita niyo hirap ko. Hahahaha! Soon to be published pa nga lang kasi nire-revise ko. Mehehe) 

Noong maka-move on ako at magkaroon ng bagong love life kaso di naging kami, (Read my story My Forever Wish, doon malalaman niyo bakit hindi naging kami. On drafts palang at prologue palang din ang nakasulat. Hahahaha!) naging PrincessMela ang username ko until now.

Mela means Apple sa Italian language. Tinanong ko 'yan sa bestfriend ko na doon nakatira. At yes, mansanas real name ko. Pakiusap sa Guild members, wag niyo na i-comment pati apelyido ko kasi sa totoo lang, hidden dapat ang identity ni PrincessMela. Hahahaha. Kaya nga hindi naka-connect ang fb ko sa watty eh. Kaso makulit ang GM dati kaya ayan hindi ko na naitago ang pagkatao ko sa Guild. Hahahahah. 

Noong 2013 ata or 2014 ako naging PrincessMela. Dapat Mela lang kasi yon na ang tawag ko sa sarili ko. Kaso, sabi ko, para namang walang kadating dating. Hahaha. Kaya nung nag-iisip ako, yung lola ko biglang sabi na prinsesa daw ako sa bahay kasi di nagawa sa gawaing bahay. Kaya boom! Naging PrincessMela ako. Hahahahaha. At sinabi ko sa sarili ko na never ko papalitan 'yan bilang tanda ng pagmamahal ko sa sarili ko. Dahil ang unang username ko ay dahil sa ex kong walanghiya. 

Pucha. Ang dami ko na namang nasabi, username palang 'yan. Hahaha. 

Napunta ako dito sa Wattpad noong August 2012 hindi para magsulat. Kundi para basahin yung ending ng Three Words Eight Letters. Kasi ganon dati, may ilang authors na hindi nilalagay ang ending sa ebook para sa Wattpad basahin. Isa ako sa E-book babies at fan na fan noong mga sikat na author noon. HaveYouSeenThisGirl na sobrang fangirl ako, idol na idol ko siya kasi ang galing niya talaga magsulat. Kakaiba ang mga konsepto at ang astig sa plot twists. Isa siyang legend dito sa Wattpad para sa akin. Si Girlinlove, Alyloony na hanggang ngayon reader niya ako at si Arildaine nga ba 'yon? Hahahaha. Sobrang fan ako ng stories nila noong taong 'yan! Fan pa nga ang uso dito sa Wattpad, hindi pa followers. Ang badtrip ko nga nung naging Follow na eh dati kasi Be a fan! Tapos may nalabas na star kapag naging fan ka na. HAHAHAHA. 

Tapos mga ilang linggo ko lang sa Wattpad, gusto ko na ring magsulat ng story. Kaya ayon don nagsimulang magpalutang lutang ang utak ko kakaisip ng title. Nung nakaisip na ako, tuwang tuwa ako pero narealize ko ngayon na nakakabwisit pala kasi dahil sa ex ko na naman yung story na yon. Hahahaha. 

My first ever story is Pag ako nagka-boyfriend! Sobrang galing na galing na ako sa sarili ko nong nasulat ko yung prologue tapos laging excited ako makauwi para magsulat ng bagong chapter. Sipag sipag ko mag-update non, naka-abot ata ako ng 10-15 chapters. Natigil lang nong naging 4th year highschool ako (2013) Tapos 1st year college, feel na feel ko ang pagiging busy na writer, hanggang sa wala na iniwan ko na si Watty noong 2014. :( 

Pero noong active pa ako, kung sino sino fina-follow ko tapos exchange reads kami ng stories namin. Di pa uso noon ang vomments eh, reads palang ang mahalaga noon. Tapos ayon may mga naka-kwetuhan ako kasi kahit sino kinakausap ko noon basta i-follow niya ako. Hahahaha. Lagi ring follow back tapos promote ng stories sa kahit kaninong message board. Pino-promote ko rin story ko noon sa Facebook at Twitter. Pati barkada ko binabasa ang gawa ko kasi kami kami ang characters non. Hahahaha. Pini-pm ko na rin yung mga lower year na wattpaders, para lang i-promote ang story ko. Akala ko ang galing galing ko na puta ang panget pala nung story ko! Hahahaha.

December 2016. After 2 years. bumalik ako sa Wattpad dahil sobrang nas-stress ako sa school. Sa acads, lalo na sa thesis. Kaya naghanap ako ng mababasang stories. Syempre stories ni HYSTG at Alyloony ang una kong hinanap. Balik ako sa napupuyat kakabasa. Nung natapos ko na stories nila, wala na akong mabasa. Naghanap ako ng mystery kasi parang gusto ko astig na story eh. Kaso yung unang mystery na nabasa ko parang horror kaya badtrip na badtrip ako. Nilayasan ko. Pero tinapos ko yon. Sayang oras. Hahahaha. Tapos hanggang sa nahanap ko yung dalwang sumisikat na mystery writer, si ShinichiLaaabs at CrisIbarra. Habang binabasa ko ang stories nila, bumalik yong excitement sa puso ko na magsulat. Kaya pinagsumikapan kong i-revise yong story ko kasi nawala na ako sa track. Di ko na alam yung takbo ng story kasi free flow lang naman talaga yon. Hahahaha. 

Ang hirap pala bumalik kapag ang tagal mo nawala no? Nawala na yung mga friends mo, readers mo. Mag-isa na naman ako. Ulit ulit sa umpisa. Ang lungkot. Pero nilalabanan ko yung lungkot para maipagpatuloy ko ang naiwan kong kwento. Kahit paano, alam ko sa sarili ko na nag-improve ang writing style ko.

Pero noong makilala ko si Aki, na finollow ko lang kasi nakita ko nag-comment siya sa kung saan mang story yon. Kasi I follow random people sa Wattpad kasi nga kakabalik ko lang. Nag-message siya non sa akin and we became close friends. Hanggang sa naipakilala ko sakanya ang tunay na pagkatao ni PrincessMela. 

Unti unti lumalawak yung nalalaman ko sa pagsusulat. Kasi habang binabasa ko yong story niya, naiinggit ako, sabi ko ang galing, sana ako rin. Kaya nagbibigay siya ng mga tips or advices sa writing. Then January 12, 2017. Bigla akong na-add sa isang gc. Sabi ko sakanya, ano 'to hoy? Marami daw ako matutunan don kasi puro writers ang nasa gc na 'yon. Sabi ko, leche di nga ako nagpapakilala eh. Nagtatago nga si PrincessMela. Kaso ewan ko ba anong meron sa taong 'yan at napapayag ako. 

Noong makapasok ako sa Guild, ang dami kong nare-realize at natututunan. Matapos ma-okray nung first ever entry ko, doon lumakas yung apoy sa dibdib ko. Yung kagustuhan kong matuto pa at maging isang tunay na Writer. Araw araw ata kung anu anong tinatanong ko kay Aki tungkol sa pagsusulat. Hanggang sa mabuo ko ang The Queens at nagustuhan niya ang concept. Siya pa nga ang nag-isip ng title kasi ang corny ng mga naiisip ko. Hahaha. Dito sa kwentong ito, bagong PrincessMela ang matutunghayan ninyo. Kasi hindi tulad sa panbf ko na, freeflow ako at walang plot. Hindi pinagiisipan ang bawat detalye at basta lang sulat. Dito, may character build up, may notes ako at buo ang plot, pati ang twists bawat characters naka-notes. At kapag nagsusulat ako, sobrang focus ako at pinagiisipan lahat. Hindi na ako chill lang. Nakakailang basa rin ako bago mag-publish kasi hindi pwedeng magkamali, maapektuhan ang next chapters. 

Hindi ko sinasabing magaling na akong writer ngayon, I'm still learning. Pero ako kasi yung tipo ng writer na may puso sa pagsulat. Gaya ng lagi kong sinasabi, I'm a writer by experience not by knowledge. Meaning, dahil sa mga masasakit na nangyari sa buhay ko kaya ako naging Writer. Kasi gusto kong mailabas yung nasa loob ko. Pero wala akong formal knowledge about writing. Anong malay ko sa technicalities na sinasabi nila, ni hindi ko alam ano ang blurb at yung format para maging effective 'yan. As in wala. Wala akong alam talaga. 

Sa WWG ko lang nalalaman ang mga 'yan pero kahit ganito ako, na hindi mo ako matatawag na totoong writer dahil sa kajejehan nagsimula. May puso ito. May pagmamahal sa ginagawa at sa bawat istorya na sinusulat niya. Lahat ng istoryang sinusulat ko ay may dahilan at may nais na maiparating na mensahe at aral, hindi gaya dati na eme eme lang. 

Isa rin ako sa mga jeje writers na gustong sumikat at humakot ng reads and vomments noon. Pero hindi na ngayon. Wala akong pake sa number of reads, ang gusto ko lang magamit ang mga likha ko para may maiparating na mensahe sa mga mambabasa.

Naniniwala ako na balang araw makikilala ako dahil sa mga istoryang isinulat ko. Balang araw, makikita ng lahat na itong walang alam sa tamang formula ng pagsulat ay nagsusulat para sa pag-asang may mababago sa mundo. 

Message for myself: Bilang ikaw ang Guild Master, palagi mong ipapaalala sa sarili mo na ikaw ang dapat mas makakaunawa sa lahat. Huwag mong iisipin na nonsense ang mga ginagawa mo para sa members dahil ikaw mismo ang nakakakita kung paano silang unti unting nagi-improve sa larangan ng pagsulat. Hindi mo man kayang lampasan ni pantayan ang nagawa ng unang Guild Master, alam mo sa sarili mo na may magagawa ka kasi mahal mo sila. Hindi mo sila kayang pabayaan at basta iwanan nalang. 

Kung may mga oras na iniisip mong bumitaw at sumuko dahil nasasaktan ka, isantabi mo nalang, mas mahalaga ang kapakanan ng mga future professional writers ng WWG. Kung pakiramdam mo, sayang ang efforts mo at walang nakaka-appreciate sa mga ginagawa mo, hayaan mo na, alam mong everything will paid off oras na makita mo silang tumayo sa sarili nilang mga paa at makagawa ng isang istoryang naglalaman ng lahat ng natutunan nila mula sa'yo, sa WWG at sa ibang members. 

Kung nahihirapan ka dahil nag-iisa ka, gawin mo nalang oportunidad para may bago kang matutunan. Kung nalilito ka sa pagde-desisyon, magtiwala ka lang sa sarili mo. Huwag na huwag mong kakalimutan ang sinabi sa'yo ng dating Guild Master: "Kaya mo. Pero hindi mo magagawa kung nandito ako. Kaya mo. Basta magtiwala ka lang sa sarili mo." 

Kahit ilang beses mo man pagdudahan ang sarili mong kakayahan,  palagi mong iisipin na ikaw ang magulang nila at kailangan nila ang gabay mo. 

Kahit ilang beses mong maliitin ang sarili mo dahil tingin mo hindi ka karapat-dapat sa pwesto na 'yan gaya ng pagda-dalawang isip mo sa sarili mo noong itinalaga kang Admin, palagi mong iisipin na hindi ka mapupunta jan kung hindi mo deserve. Palagi mong tatandaan na merong nakita sa'yong katangian ang dating Guild Master na naging dahilan para ikaw ang piliin. 

Maging proud ka sa sarili mo dahil nalampasan mo ang mga pagsubok na pinagdaanan mo na hindi nakita ng iba at hindi na nila dapat pang malaman ang mga paghihirap mo bilang magulang nila. Dapat kang matuwa dahil nalampasan mo ang sarili mong takot, pagdududa at kawalan ng tiwala sa lahat. 

Alisin mo ang galit, sama ng loob, tampo, pagdududa at takot. Tandaan mo, lahat kaya mo at kakayanin mo dahil alam mo sa sarili mo na mahal mo ang lahat ng ginagawa mo at hindi mo kayang iwanan. 

Message for members: Hi mga anak! (Para sa mga batang members) Hi mga ate/kuya! (Para sa mas matanda sa akin.) Hahahahaha! Alam ko hindi ako gaya ng Tatay Aki niyo, hindi rin naman ako ang nanay niyo, Ate niyo lang ako. Pero sana, sana talaga, kung sakaling mawala man ako, may maiiwan akong bakas sa puso ninyo. Hindi galit o sama ng loob, kundi 'yong bakas ng mga nagawa ko para sainyo. Hindi naman ako nagbibilang ng mga nagawa ko. Gusto ko lang talaga na paglipas ng panahon, maaalala ninyo ako bilang isang mabuting Guild Master. Iyon bang: "Ahh si Ate Apol yung mabait na GM." Hindi 'yong: "Ah nako si Ate Apol, yung pinaka nakakabwisit na GM! Akala mo kung sinong magaling!" 

 Pasensya na nga pala sa mga members na nakakasagutan ko mula noong Admin palang ako at ngayong ako na ang Guild Master. Sana magawa niyo akong intindihin gaya ng pagintindi ko sainyo. May panahon lang talaga na mawawala tayo sa sarili minsan. Noong Admin ako, nag-adjust ako, naging malawak ang pang-unawa ko at pilit na pinahaba ang pasensya kasi 'yon ang dapat. Kasi dapat maintindihan ko ang members sa mga pinagdadaanan nila. Ang sipag sipag ko nga mag-pm noon sa members para kamustahin ang bawat isa kapag may Activity at para unawain ang mga personal problema nila. Lagi kong sinasabi na kaya niyo 'yan, sobrang na-attached at close ako sa former members dahil don.  

Ginagawa ko lang naman yung trabaho ko bilang GuMaMELA ninyo. Alam niyo namang ayaw ko sa pwesto na 'to noong una dahil hindi naman ako na-orient! Pero hindi ko kayo magawang iwan dahil lang sa sarili kong takot o para takasan ang responsibilidad ko sainyo. Hindi ko kaya eh. Hindi ko kayang iwan yung pamilya ko sa pangalawang mundo ko. Hindi ko kayang makita yung mga batang writers na hindi mag-grow dahil napabayaan ko yung ibinilin sa akin na Guild. 

Wag niyo sanang ikagalit kung pinapahirapan namin kayo sa mga elements at theme ng Activities. Para sainyo naman ang lahat ng iyan. Sana ma-appreciate niyo 'yong mga ginagawa namin para sainyo. Kasi alam niyo sa totoo lang, maarte ako, sensitive at madaling masaktan. May mga times na umiiyak ako kapag hindi nagiging successful ang isang Activity. Sumasama ang loob ko at dinadamdam ko 'yong maliit na bagay na 'yon. Kasi pakiramdam ko, hindi niyo na-appreciate. Hindi kayo nag-effort gaya ng effort na binibigay namin para sainyo. Hindi naman ako nage-expect na pasalamatan niyo kami, 'yon lang bang makita niyo kahit papaano kung para saan nga ba talaga ang mga ginagawa namin. 

Kasi alam niyo, hindi ko nakikita si PrincessMela na mag-isa ulit sa mundo ng Wattpad. Mas nanaisin kong mahirapan at sumakit ang ulo bilang Guild Master kesa makita ang mga writers na may potential pero hindi umuunlad ang kakayahan dahil walang nagtatama sa mga maling gawa niya. Alam niyo kung anong ibig ko sabihin dahil alam niyo paano tayo sa WWG. 

Tayo ay isang pamilya. Huwag na huwag niyo sanang aalisin 'yan sa isip ninyo. Alam na alam ninyo na hindi lang sa pagsulat handang tumulong si Ate Mela, kahit love life pa yan o family problems, pwedeng pwede niyo siyang i-pm o i-text. Wag lang kayong mangugutang kasi wala pa akong trabaho. Hahaha! 

Ayokong lumayo ang loob ninyo sa akin kaya binuksan ko ang puso ko noong naging Guild Master ako. Salamat sa mga nakakaunawa sa pagiging demanding ko. Pasensya sa mga nab-bwisit sa akin. Gaya mo, wala rin akong magagawa dahil Guild Master ako eh. Di ko pwedeng layasan ang pwesto na 'to dahil mahalaga sa akin ang WWG. Kabahagi na ito ng buhay ni PrincessMela. Sama sama tayo sa pag-angat, sama sama tayo sa pagtupad ng mga pangarap natin, sama sama nating baguhin ang mundo ng Wattpad at ang literaturang Filipino! Mabuhay Watty Writer's Guild!

Message for Admins: Ehem! Special mention kayo ha! Hahahaha. Una, pasalamatan ko muna yung co-Admins ko nung Admin palang ako at si Aki pa ang GM. Unang una, si GabCo_ at amer0127. Ano na! Bigla ko na-miss ang maging muse niyong tatlo ni Aki sa GC ng Admins ha. Hahahaha. Salamat sa masaya nating pinagsamahan mga tatlong itlog! (na sabi ni Aki, anim daw na itlog. Wahahaha!) 

Sobrang salamat kasi kayo 'yong naging kuya ko. Sa inyong tatlo, si Aki tanungan ko about random things, si Gab na takbuhan ko sa Math at Accounting Problems pati sa love life! Hahahaha. Gab! Alam mo ba, may gift sana ako sa'yo nung birthday mo kasi debut mo ata 'yon, 21 diba? Kasi sabi ko ang laki ng naiitulong mo sa akin pagdating sa Math kaya nahihiya na rin naman ako sa'yo, kaso hindi ko na nagawa kahit batiin ka kasi kinalimutan ko na. Nagtampo ako sa'yo eh. Hehe. Balik ka na sa Wattpad Gab, inaabangan ko pa rin fantasy story mo eh. Sayang din ang talent mo, ang galing galing mo pa naman, as in sobrang bilib ako sa'yo kasi ang talino mo pa. Hahaha. 

At syempre, ang palagi kong kaaway at kaasaran na si Glen! Dre! Ang hard ng mga payo mo sa magulo kong love life noon ah. Ang sakit eh, tagusan palagi. Hahahaha. Nakaka-miss ka ring maging co-Admin. Lagi kasi tayong tambay sa gc noon at nagaasaran. Nakaka-miss ka rin palang bwisit ka. San ka ba kasi nagsususot? Ang busy mo na! Salamat pala dre dahil isa ka sa tumulong sa akin nong naging GM ako, pine-pressure mo ako ng bonggang bongga kainis ka kaya na-push din ako. Sobrang salamat talaga kasi di mo ko iniwan, ginabayan mo ako nong nangangapa pa ako sa trabaho ko. Salamat sa mga paalala na dapat ganito ako, ganyan, kasi GM ako. Hahaha. Oo na. Sorry na minsan inaaway kita. Kuya Glen dapat kita pero ginawa kong dre (parang tropa lang eh hahaha) kasi ang haba i-type ng Kuya Glen hahaha. Yun lang. Salamat sa lahat lahat! 

Nami-miss ko ang AMAG (Aki, Mela, Amer at Gab) pero wala eh, wala akong magagawa kasi yung M at isang A nalang ang natira. Dalangin ko na sana masaya kayo Aki at Gab sa kung anumang ginagawa niyo sa buhay niyo ngayon. Wag niyo sana akong kakalimutan bilang pinakamagandang Admin niyo! Dahil ako lang naman talaga ang nag-iisang babaeng Admin non. Hahahaha. Labyuguys. 

Para naman sa mga co-Admins ko rin, RengRnsy at unsolvedestiny. Una, pasensya na kayo. Kayo kasi yung co-Admin ko nung nawala ako sa sarili ko. Hahahaha. Sorry kayo ang sumalo ng trabaho ko that time. Sorry umalis ako. Pero tapos naman na yon. Hahahah.

Ate Shane! Kahit di ka na Admin ngayon, salamat nong co-Admin kita kasi gumagaan trabaho ko, may katuwang ako. Hahahaha. Salamat sa lahat ng mga payo mo at sa mga tulong mo. Lalo na about sa writing, ang laking tulong ng mga shineshare mo di lang sa'kin kundi sa lahat. Ikaw din yung lagi kong kausap sa mga rants ko eh. Nagkakasundo kasi yung kamalditahan natin. Hahahaha. Anyways, mag-iingat ka. Sana makabalik ka, Ate. Bumalik ka. 

Reng! Ikaw bata ka! Sarap mo kutusan. Hahahaha. Tbh, di palagay ang loob ko sa'yo dati. Ewan ko, pero ayoko sa'yo eh. HAHAHA. Tapos naging moderator ka, okay. Wala ko pake. Madalas nga parang nagkakainitan pa tayo sa mga sagutan natin. Pero naging close tayo nong naging GM ako. Sobrang salamat. Hindi ko inaasahan na isa ka sa mga taong tutulong sa akin nong mga panahong 'yon na hindi ko alam ang gagawin ko. Thank you rin ng sobra kasi ikaw yung karamay ko nong nasasaktan ako. Alam mo na yun. Malaki ang pasasalamat ko sa'yo kasi palagi kang nanjan at ikaw yung Admin na sobrang sipag, hindi ako nagda-dalawang sabi sa'yo unless nakalimutan mo. Hahaha. Kaya hirap din ako kapag wala ka, para ka kasing ako. Hirap si Aki pag wala ako bilang Admin niya. Charing. Ako lang may sabi niyan, hindi siya. Hahahaha. 

Sa totoo lang, marami pa akong hindi nalalaman sa'yo kasi hindi ka pala-kwento. Ako lang naman yung madaldal at palaging naglalabas ng sama ng loob sa'yo. Nakakahiya sa part ko kasi ako yung mas matanda pero sa'yo pa ako natakbo para magdrama. Hahahaha. Chocolate ko kapag umuwi ka dito, samahan mo na rin ng cellphone since mura lang jan at hindi pa ako nakakabili. Charing. Hahaha. Basta salamat ng marami dahil marami kang role, di ka lang Admin, Guard ka pa sa GC at GA ka. Ngayong inactive ka (December), wala lang. Eh di inactive ka. HAHAHAHA. Mag-enjoy ka sa buhay mo, wag kang tamad ha. Hahaha. Pahalagahan mo yung oras mo habang bata ka pa kasi pag malapit ka na mag 20's, kulang na oras mo para sa iba't ibang bagay. Alam mo namang pwede mo ako lapitan sa kahit anong problema anytime. Labyu. Pwe. 

Message for all the aspiring writers: Basahin niyo yung entry kong Sa Isang Sulok then yung Biktima lang Ako sa Journal. Makikita niyo. Makikita niyo na jeje writer ako at pabebe dati. HAHAHAHA. Ang point ko, maging open lang kayo, buksan niyo ang isipan niyo kapag may pumupuna ng mga mali ninyo kasi doon kayo matututo. Nalait yung Sa Isang Sulok ko kaya pinagbuti ko don sa Biktima lang ako. Makikita mo naman ang kaibahan. Hehe. Ako, laging sarili ko yung ginagawa kong halimbawa. Isa akong jeje at pabebe writer pero ngayon hindi na, kasi tinanggap ko yung mga payo nila, sinunod ko yung mga dapat ginagawa sa story. Kaya wag ka malulungkot kung panget at basura pa story mo, kasi galing din ako jan. Walang kwenta story ko dati pero ngayon nagsusulat ako kasi may pangarap ako at may nais akong maiparating sa mundo. :)

Wag na wag kang susuko kasi wala kang mararating kapag bumitaw ka. Alam ko marami sainyo ang may potential sa pagsulat pero hindi lang nahahasa ang talento kaya ano pang hinihintay mo? Sali na sa WWG. Hahhahaha! Basahin niyo na lamang ang aming Journal para makita niyo kung anong ninanais ng Guild na ito. Iyong mga nandon, iyon na ang mensahe ko para sainyo. ^_^

Paano nabago ng WWG ang Writer Life mo? 

4,390 words na. Pag sinagot ko 'tong tanong na 'to magiging 10,000 na ito. HAHAHA. 

Hindi lang naman writer life o si PrincessMela ang nabago dahil sa WWG, kundi ako mismo. Yung malungkot at nagiisang nangangarap na makabuo ng story noon sa Wattpad, eto na, masaya at hindi nag-iisa sa mundo niya dahil nakatagpo siya ng pamilya, ng karamay at kapareho ng hilig. Eto rin, bumubuo na siya ng sarili niyang storya na hango lamang sa imahinasyon niya. 

Proud ako dahil isa akong member ng WWG. Proud ako dahil bahagi ako nito. Ni minsan hindi ko minamaliit ang Guild na ito, dahil nang umpisang maging Admin ako at mabasa ko lahat ng gawa ng members bago pa man mai-publish, doon ko na-realize na malayo ang mararating ng Guild na ito. Pero mas malayo ang mararating ng mga members nito. Dahil nakikita ko ang potential ng bawat isa at kung paano kayo unti unting gumagaling sa larangan ng pagsulat. 

Dahil sa WWG, nag-simula akong mangarap ng totoo. Nagsimula akong magsulat ng mga kwentong may kwenta, ng mga kwentong may rason at may nais na maiparating at mabago sa mundo. 

Dahil dito sa WWG, lahat tayo may pangarap na gustong matupad at nagnanais na mabago ang mundo ng literaturang Filipino. 

Dahil sa WWG, nangangarap ako na makita ang sarili kong likha sa mga bookstore. Sino ba namang hindi, diba? Pero, bilang Guild Master, mas gusto ko na makita ang mga member nito na umangat at unti unting magsialisan dala dala ang mga natutunan ninyo rito at ang pangalan ng Watty Writer's Guild. 

Dahil sa WWG, hindi na ako ang dating PrincessMela na teenfiction and nonsense self-proclaimed writer. Alam ko sa sarli ko na totoo na akong writer dahil ang mga sinusulat ko ay hindi na basta lang. 

Dahil sa WWG, ako na si PrincessMela na kasalukuyang Hard Romance Writer at magiging divergent writer pagdating ng tamang panahon niya. Hindi lang basta writer, kundi isang manunulat na may puso sa bawat akda at may pangarap hindi lamang para sa sarili niya kundi para sa mundo.

Dahil sa WWG, naging Graphic Artist ako ng wala sa oras at naghahangad na maging professional balang araw. :) Yes, nagustuhan ko ang page-edit ng covers. So, I guess, si PrincessMela ay nakalabas na mula sa dati niyang sarili na nalilimitihan ang kayang gawin. 

Dahil si PrincessMela ay hindi lang basta writer. She aims to learn more! 

Dahil ang mundong ito ay hindi lamang para sa taong may mga pangarap, kundi para sa mga taong nagnanais na matuto pa. 

Para tapusin ang almost 5k words na essay, ito ang nais kong iwan na salita sainyo.

"Writer ka. Hindi mo magagawang magsulat ng isang akda kung naririyan ka lamang at nakaupo. Bilang writer, dapat kang lumabas sa comfort zone mo at huwag na huwag mong lilimitahan ang iyong sarili. Dahil oras na lumabas ka sa mundo at makasalamuha ang iba't ibang klaseng uri ng tao, diyan magsisimula na magkabuhay ang pagsulat mo."

Sending Love to Everyone,

PrincessMela. 

Continue Reading

You'll Also Like

12.3K 519 37
Siya ay isang normal na babae, isang pulis na ang palaging nais ay hustisya at kapayapaan... Ngunit paano kung mapunta siya sa isang lugar na hindi...
7.4K 441 26
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
138K 3K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...