Paper Stars (Self-Published)

By iamsayaallego

126K 4.1K 536

WATTYS 2018 WINNER The Heroes Category Synopsis: For a lot of people, a name holds the very meaning of a pers... More

Paper Stars
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Self-publishing Cover Reveal
Teaser
Self-Published
Books Giveaway
Books Giveaway Winners

Wakas

3.6K 116 46
By iamsayaallego

A/N: Dito na po nagtatapos ang Paper Stars. Marami pong salamat sa masugid niyong pagsubaybay sa kwentong ito. Sana po subaybayan niyo pa rin ang journey ni Aya sa pangalawang aklat ng kwento ng buhay niya, ang Paper Planes. Yoroshiku onegaishimasu. :)



WAKAS




Gutom. Pagod. Hapdi. Tatlong salitang alam na alam ko simula pagkabata. Tatlong salitang halos araw-araw ko nararanasan. Tatlong salitang umiikot sa isipan ko habang nakadapa na naman ako sa malamig na sahig at binababoy ng taong kinilala kong ama sa aking harapan ang kanyang kabiyak sa isang hindi makataong paraan.

Hindi ako makagalaw galing sa natanggap kong sipa at suntok mula sa taong iyon. Umiikot ang aking paningin at halos hindi na maramdaman ang aking mga braso at hita. Kanina pa lumilipad sa kawalan ang utak ko dahil sa pinasinghot nitong droga sa akin kanina.

Droga. Isang mapangahas ngunit nakakatuwang bagay. Alam kong masama ang bagay na iyon, alam kong ipinagbabawal at maaari kong ikamatay ngunit tinuring ko itong isang agimat, isang pananggalang laban sa lahat ng pananakit sa akin ng hayop na iyon. Isang panandaliang pagtakas sa mapait na katotohanan ng aking buhay. Dahil kung mamamatay man rin lang ako, mas pipiliin kong mamatay na hindi bitbit ang sakit.

Isa raw akong patapong bata. Napulot lang nina Nanay sa isang kumpol na basurahan noong minsang pauwi sila ng kanyang asawa galing sa kapistahan ng Ninyo. Tantiya niya ay apat na taong gulang pa lang ako noon nang matagpuan nila, umiiyak at yakap-yakap ang sarili sa loob ng isang malaking kahong may nakadikit na sticker ng Jesus Reigns. Para kay Nanay, isa akong biyaya ng Ninyo sa ilang taon nilang pagdarasal na magkaanak. Para naman sa kanyang asawa, isang pabigat at dagdag na palamunin sa kanyang pamamahay.

Sa naaalala ko, si Nanay lang ang naging mabait sa akin. Dahil sa kakaibang kulay ng aking buhok at mga mata, ilang pintas ang natanggap ko sa ibang mga tao. Anak ng pokpok. Anak ng engkanto. Anak ng pusa! Hindi rin ginawang madali ng aking ama-amahan ang aking buhay. Konting pagkakamali, ilang balatay na ng sinturon ang matatamo ko mula rito. Kapag nagtama ang aming paningin, katumbas ay isang malakas na sampal.

Lumala pa ito noong ako'y nagsimula ng magbinata. Bugbog ang aabutin ko kapag hindi ako nakadelihinsiya sa kalye. Laging kinukulang ang nakukuha ko sa paglilimos dahil na rin sa aking hindi kapani-paniwalang banyagang hitsura. Nagsimula kami sa simpleng pagnanakaw na humantong sa pagsna-snatch at sa huli ay pangho-hold-up. Pagkatapos noon ay didiretso kami ng mga katulad kong batang kalye sa likod ng isang sirang gusali. Ilalabas namin sa pinagtaguan ang isang bote na may nangangalahating pandikit at saka paghahatiin sa mga dala naming supot. Kanya-kanya kami ng upo sa mga sulok para singhutin ang napakasarap na pandikit na iyon.

Iyon ang naging buhay ko bago ko nakilala si Merideth. Ah, Merideth! Siya ang pinakamagandang babaeng nasilayan ng aking mga mata noong minsang napadako kami ng mga kasama ko sa isang kalyeng punung-puno ng mga sumasayaw na ilaw at mga dalagang halos walang saplot sa katawan. Napatigil ako nang makita ko siyang pinipilit ng isang nakakalbong lalaki na may malaking tiyan at nagkakapalang mga ginto sa katawan na sumakay sa kanyang maalikabok na sasakyan.

"Hoy! Ano iyan?!" Sigaw ko rito.

"Wala kang pakialam, bata! Umalis ka riyan!" Tinadyakan niya ako sa hita at agad akong napaupo sa maputik na gutter ng kalsada.

Galit ko itong tinitigan at nang makita ko ang mangiyak-iyak na mukha ng babae, sumigaw ako nang napalakas, tinakbo ang distansya namin noong malababoy na lalaki at saka kinagat ang kanyang braso nang napakalakas. Nabitawan nito ang kanyang hawak na braso at agad akong sinapak. Muli akong bumagsak sa kalsada at nalasahan ang dugo sa gilid ng aking bunganga. Hindi ko iyon inalintana at mabilis na bumangon para itakbo ang dalaga palayo roon. Sa ganoong paraan ko nakilala si Merideth, ang unang babaeng nagpatibok ng bata kong puso.

Mula noon, palagi ko na siyang pinapasyalan sa likod ng kanyang pinagtatrabahoan. Palagi ko na rin siyang dinadalhan ng mainit na burger at malamig na softdrinks galing sa tindahan ni Nang Rowena. Siya ang nagturo sa akin kung paano humalik. Kung paano hawakan ang isang babae. Kung gaano kasarap ang pagdaan ng haplos nito sa aking katawan. Siya ang nagpalasap sa akin ng una kong langit. Ang pinakamatamis na nalasahan ko sa mapait kong buhay. Mas masarap pa sa kahit anong tama ng alak, sigarilyo at droga. Si Merideth, aking Merideth.

Hindi ko maintindihan kung paano niya natitiis ang hawakan ng mga magagaspang na kamay ng mga kliyente niya. Kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kong ganoon pero wala akong magawa dahil iyon ang trabaho niya. Ano naman ang ibubuhay ko sa kanya kung sakaling patigilan ko man siya? Hirap nga akong itawid sa gutom ang sarili. Kaya pinasya kong makontento na lang sa kung anong ihain sa amin ng Diyos, kung totoong may Diyos man, sa kasalukuyan. Kahit anong inis ko sa mga lalaking humahawak sa kanya, nilulunon ko na lang iyon sa isipang sa akin naman ang puso't isipan ni Meredith. Pinagkasya ko ang sarili sa isipang sa akin pa rin siya sa huli.

Pero nagkamali ako. Akala ko tama lang na makontento ako dahil wala naman akong karapatang humiling ng mas hihigit pa sa kaya niyang ibigay. Akala ko ganoon din siya sa akin, hindi pala. Mas matayog pa pala ang mga pangarap niya sa mga hinahangad ko para sa amin. Siya na ang naging angkla ko sa buhay ngunit isa lamang pala akong pansamantalang libangan para sa kanya. Sumama siya sa unang amerikanong nag-alok sa kanya ng pasaporte sa isang magandang buhay. Isang buhay na hindi ko kailanman maibibigay sa kanya. Isang buhay na pupunit sa hiblang nagkokonekta sa aming dalawa. Isang buhay na malayo at paniguradong bubura sa mga naiwang marka ng dati niyang buhay sa kanyang alaala. Isang buhay na kung saan masaya siya at hindi ako kasama.

Hinilamos ko sa aking mukha ang kinabong tubig mula sa isang timba ng aking banyo. Ilang segundo ko pang pinagmasdan ang sarili sa salamin, kulay-tsokolateng buhok at maladahong kulay ng mga mata, mga katangian na kinamuhian ko mula pagkabata pero sa huli ay ipinagpasalamat ko pa rin dahil ang mga ito ang pinakanagustuhan ni Merideth.

I took a deep breath before rolling the condom off my reliable partner. I idly threw it at a makeshift trash bin nearby. May mga araw na dinadalaw pa rin ako ng mga alaala namin ni Merideth. Ilang taon na ang nakalipas, hindi man lang nawala ang markang iniwan niya sa akin. Parati ko pa ring binabalik-balikan ang dati nitong tahanan bago siya dinala ng asawang kano para manirahan sa ibang bansa.

"King, ano bang ginagawa mo riyan? Ang tagal mo naman. Giniginaw na ako rito," narinig kong daing ng babae sa aking kama.

Ano nga ule ang pangalan nito? Well, does it matter? I smirked at my reflection as I took another foil of condom from the top cabinet.

Pagkatapos kay Merideth, wala ng halaga sa akin ang mga babae. Para sa akin, mga katawan na lang silang naghahangad na mahawakan ko. Mga pansamantalang libangan habang itinatawid ko ang isang papel na magpapalaya sa akin sa kahirapan. Wala na akong hinahangad pa kung hindi ang magkaroon ng buhay na hindi na ule ikakahiya ng sinuman.

Hanggang kailan ka hahalik sa putik?! Hanggang kailan mo pagtiya-tiyagaan ang tira-tira ng ibang tao?! Huwag kang maghintay na may tutulong sa iyo, bata, dahil sa huli walang ibang tutulong sa iyo kung hindi ang sarili mo! Kung hindi mo tuturuan ang sariling tumayo at lumaban, mamamatay kang nakalubog sa sarili mong dumi! Kung hindi mo makita ang kaibahan noon, huwag ka ng magpapakita pa sa akin.

"King!"

Napapitlag ako, isang umaga, nang marinig ang sigaw ni Kulas sa labas ng aking silid. Tamad akong bumangon at pinagbuksan ito.

"Ano? Ang aga-aga..."

"Natangay ng alon iyong isang bangka ni Noy Rolan. Pwede ba raw natin silang tulungang ibalik iyon sa dalampasigan? May sakit daw kasi iyong panganay niya kaya mahihirapan sila kung sila lang dalawa ni Noy Epi," anito.

Tumango ng isang beses habang nag-aalis ng dumi sa mata.

"Sabihin mo kina Jepoy na antayin ako sa may dalampasigan," sabi ko rito na agad namang nagkamot ng batok.

"Hindi pa yata sila tapos sa pagtitinda ng polboron. Sabi ko nga sa kanila na hindi na nila kailangang gawin iyon dahil magpapautang naman si Nang Lita ng perang pambayad sa ospital."

Naospital nga pala si Tinang, nakababatang kapatid ni Kulas, na-dengue kaya medyo tagilid ngayon ang kanilang mag-anak. Nagsabi nga pala sina Jepoy na tutulong sila sa pangangalap ng perang pambayad sa ospital. Hirap na nga sila sa paghahanap ng perang ipambibili ng pagkain, dadagdag pa ang gastusin sa pagpapagamot. Parang pinagdidiniinan ng sanlibutan na kung wala kang pera, wala kang karapatang mabuhay.

Sandali kong pinasadahan ng mga daliri ang aking magulong buhok bago muling tumango rito.

"Sinu-sino ang nariyan na pwedeng tumulong?" Tanong ko sa aking kanang kamay matapos lumabas at isarado ang pintuan ng aking kwarto.

"Tayu-tayo lang nina Noy Rolan at iyong isang anak ni Noy Karding, iyong si Badi?" Sagot nito habang tinutungo namin ang dalampasigan.

Madali lang naming nakuha iyong naanod na bangka. Pinagtulungan naming kargahin iyon sa dalampasigan nang mahagip ng paningin ko ang isang batang may kakaibang kulay na buhok na naglalakad sa gilid nito at nakatanaw sa malawak na karagatan.

Sa porma pa lang at pananamit, alam mo ng hindi siya katulad naming lumaki sa putikan at hagupit ng buhay. Inalis ko ang aking paningin dito at inayos ang pagkakahawak sa katig nang mapansing nakatuon ang tingin ng bata sa amin. Muli ko siyang nilingon at bahagyang namangha nang makita ang pagdaan ng kislap sa bughaw nitong mga mata. Sandali kaming nagkatinginan pero nang tawagin ni Kulas ang aking pansin, binitawan ko iyon at pinagpatuloy ang ginagawa.

Nagpapahinga kami noon sa lilim ng puno ng acasia sa harapan ng bahay ni Noy Rolan, tuluyan nang nawala sa isipan ang tungkol sa banyagang bata, nang nilapitan ako ng isa kong tauhan.

"King, napalaban sina Jepoy sa may dalampasigan sa isang dayong bata. Tumba na sina Nonoy at..."

Hindi ko na iyon pinatapos at agad na pinuntahan ang mga kasamahan. Tulad ko, dating mga adik at magnanakaw ang apat na iyon na nagbagong-buhay matapos kong talunin sa isang suntukan. Hinimok ko silang maghanap ng alternatibong paraan para magkapera. At binibigyan ko ng diin na wala sa droga ang sagot upang guminhawa ang aming mga buhay. Gaya ko, ginagawa nila ang lahat para labanan ang kanilang tadhana sa tamang paraan. Kaya hindi ko mapapatawad ang sinumang mangahas na muli silang ilublob sa putikang unti-unti na nilang inaahon.

Bahagyang namilog ang mga mata ko nang makita ang dayong tinutukoy ng aking tauhan. Siya iyong batang may bughaw na mga matang nakita ko sa may dalampasigan! Ngunit sa halip na malamyos na kislap, isang malamig na titig ang nakaguhit sa mga mala-joleng mata nito. Isang malamig na titig na humihiwa hanggang sa kaloob-looban ng iyong pagkatao at nangangako ng panganib.

"Ako ang magbabaon ng Dragons niyo sa impyerno at sisiguraduhin kong hindi na kayo makakaahon pa!"

Tuluyang naglaho ang pagkamangha ko at agad na nasindihan ang galit sa aking puso. Kumalat ang apoy nito at umalab sa buo kong pagkatao. Wala akong pakialam kung sinong satanas ang nagpadala sa kung sinumang umapak sa aming pagkatao. Subukan niya lang, hahatakin ko siya sa langit niya't gagawin kong impyerno ang kanyang buhay.

Matapos ng tagpong iyon, ilang beses pa uli kaming nagkabangga ng batang may bughaw na mata. Nagkasagutan, nagkasigawan pero sa huli ay nagkapatawaran din.

"Ian..." Ang pakilala nito nang naging kaibigan namin siya. Dose anyos, napakainosente at klarong-klarong hindi dumaan sa hirap. Pero may kung anong kinang ang mga mata nitong hindi ko maintindihan kung bakit tuwang-tuwa akong panuorin. Lalo na kapag ngumingiti siya. Tila hinuhupa nito ang hapdi sa puso ko sa tuwing nagpapakita ang tinitipid niyang saya.

"May gusto ka ba kay Ian?"

"Ha?! Gago ka ba? Kalalaking tao noong bata..." Asik ko kay Kulas nang minsang tanungin niya ako.

"E, ano iyong patingin-tingin mo sa kanya? May paakbay-akbay ka pa na parang ipinagdadamot mo siya sa amin. Tapos kapag nakita mong kausap niya iyong mga bata natin, kung makatingin ka sa kanila, para ka ng papatay ng tao."

Kumunot ang noo ko sa napuna nito.

"Walang ganoong nangyayari, Gago! Kung anu-anong pumapasok diyan sa isipan mo! Tangna, sa tingin mo papatol ako sa isang batang lalaki?"

Nasabi ko iyon noon pero dumaan ang maraming araw at sa pagdaan nito ay mas napansin kong tama nga ang mga napuna ng kanang-kamay ko. Umiinit ang ulo ko at umiikli ang pasensiya sa mga araw na hindi ko nakikita iyong bata. At sa mga araw na pumapasyal siya'y bumubulusok ang saya sa dugo ko at gusto ko na lamang siyang solohin. Hindi ko maintindihan kung bakit titingnan niya lang ako, nagwawala na ang sistema ko. Konting sagi lang ng kanyang balat, nagtatayuan na ang mga balahibo sa buo kong katawan.

"Pucha, hindi pwede ito!"

"Anong hindi pwede, King?" Patay-malisyang tanong ni Kulas.

Sinimangutan ko siya bago dumiretso sa loob ng banyo at marahas na isinara ang pinto.

"Dahan-dahan naman! Masisira iyong pinto!" Pahabol pa ng gago kong tauhan.

"Akin ang pintong ito kaya pwede kong gawin ang kahit na anong gusto ko! Balibagin ko man ang buong silid, wala kang pakialam!" Asik ko rito sa sobrang inis pero lalo lang lumala nang marinig ang paghagalpak ng tawa nito sa labas.

Gustong-gusto ko na siyang pektusan pero sa huli ay pinigilan na lang ang sarili. Kumuha ako ng isang kabong tubig at mabilis na dumukot ng tubig para ihilamos sa aking mukha.

Imposible ito! Hindi pwedeng nagkakagusto ako sa isang lalaki! Sa isang batang lalaki! Tang-ina, Ren, umayos ka! Sinisira mo na nga ang mga plano mo, idadamay mo pa ang kinabukasan ng isang bata?! Ginulo-gulo ko ang buhok sa huling naisip.

Gago! Parang inamin mo na ring totoo ngang may nararamdaman ka sa batang iyon na higit pa sa isang kaibigan. Marahas kong pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok at inis na pinagmasdan ang sarili sa salamin.

Alisin mo iyan, Ren. Wala kang panahon para riyan. Panandalian lang ang damdamin mong iyan. Kapag pinursige at tuluyang kinalimutan ang mga dapat mong inuuna, panghabangbuhay mong lalasapin ang hagupit ng buhay at magtutuloy-tuloy ito hanggang sa buhay ng iyong magiging mga anak. Ayusin mo ito, gago!

Ginawa ko lahat para alisin siya sa sistema ko. Inilipat ko sa mga babae ang atensiyon ko at sinubukang bawasan ang pakikipagsalamuha sa bata. Dinagdagan ko pa ang oras sa trabaho para lang maiwasan siya. Dumating din ang puntong naging okay na uli ako, kaya ko na uli siyang tingnan nang hindi ginagambala ng gago kong puso. Pero isang gabi, pinainom ng tuba ng lintek kong tauhan iyong bata.

"Sinong nagpainom sa iyo?!" Giit ko nang hindi niya sinagot ang nauna at kung anu-ano pang lumalabas na salita sa kanyang bibig na nagpapakaba sa akin.

"O, huwag ka ng magalit. Sige ka, papangit ka niyan. Hindi ka na magugustuhan ng gusto mo," malambing na sabi nito sabay himas nito sa aking pisngi na agad na nagdala ng malakuryenteng kiliti sa iba't ibang parte ng aking katawan, "Ang kinis pala ng pisngi mo. Ang sarap himasin!"

Pucha! Hindi ko napigilang ibulalas nang maramdaman ang pagkatuwa ng isang bahagi ng aking katawan sa pinapakitang lambing ng bata sa akin. Inalis ko ang kamay niya sa aking pisngi at pinirmi iyon sa kanyang harapan. Muli na namang dumaloy ang init sa aking sistema nang makita itong pinatulis ang nguso sa ginawa ko.

Taragis, Ren, ano ba iyan? Sino ba kasing nagbigay ng alak dito? Sina Jepoy?!

"Malilintikan ang taong nagpainom sa iyo!" Aalis na sana ako para sugurin sina Jepoy. Hindi ko palalagpasin itong ginawa nila pero bigla akong pinigilan ni Ian. Napatingin muna ako sa nakahawak niyang kamay sa damit ko bago dumako sa kanyang masuyong mga bughaw. Tulad ng dati, unti-unting nitong tinutupok ang apoy ng galit sa puso ko, nilalambing at saka sinusuyo.

"Dito ka muna. Hindi ba sabi mo bawal akong mag-isa? Iiwan mo ako? Huwag mo akong iwan, Ren," punong-puno ng pagsusumamo nitong tugon na lalong nagpagulo sa isipan ko. The way his eyes intently looked at mine as he asked me to never leave him and always stay by his side, like I was his lifeline, his everything; and the way that small mouth of his would hang a little open like he was waiting for me to swoop down for a kiss... Tang-ina, lalaki ba talaga ito?

"You are the only King for me. My Dragon King," he declared and my heart couldn't help but swell with pride and happiness.

Yes, Ian, I am your King. And you are mine...

Alam kong huli na para isalba ang aking sarili sa pagkakahulog. Pero pinilit ko pa ring labanan iyon para isalba si Ian sa akin. Masyado pa siyang bata para ipasok ko sa isang napakakomplikadong sitwasyon. Ikokontento ko na lang ang sarili sa aming mabuting pagkakaibigan. Hangga't nasa tabi ko siya, hangga't abot pa rin siya ng aking tanaw, magiging masaya na ako.

Pero hindi pa rin pala. Madamot pa rin pala ako pagdating sa kanya. Hindi ko napigilang magwala nang malaman ko ang tungkol kay Arianne. Gusto kong manuntok, mambali ng buto at manira ng mga bagay para lang mailabas ang galit sa aking dibdib. Hindi man lang ito humupa nang makita ko siyang bumalik galing sa siyudad.

Sino si Arianne, Ian? Nagkita ba kayo roon sa siyudad kaya ka natagalan? Nag-usap pa kayo? Nanood ng sine? Hmm? Gustong-gusto kong itanong pero pinigilan ko ang sarili hanggang sa napag-isa kami sa kanyang silid. Pero bigo pa rin akong umalis dahil wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya nang akin siyang tanungin. O baka kasi takot din akong marinig sa kanya mismo na totoo ang sinasabi ni Jepoy. Ayokong maniwala at ayoko na ring malaman.

Naayos na sana ang lahat nang malaman kong magkaibigan lang pala ang dalawa pero bigla na namang nagpakita sa amin ang demonyong Drake. Hindi ko mapigilan ang pagbulusok ng galit sa dibdib ko sa tuwing nagtatagpo ang aming landas. The man represented every useless human being in this world who was only lucky they were born with wealth. He didn't have to do any hard work to live, and that was fine by me because it wasn't his fault to be fortunate; but the way he enjoyed torturing those who had to break some bones to earn a living fueled the beast inside me.

Lalong nagningas ang galit ko nang sabihin nitong magkaibigan sila ni Ian.

Magkaibigan?! Kailan iyon nangyari?! I was with him almost the entire time and now this fucker's claiming they're friends?!

Nagdilim ang paningin ko nang makitang walang magawa si Ian kundi ang sumama sa demonyong iyon. Nasabi ko sa kanyang huwag na siyang bumalik sa galit ko pero sabi ko lang iyon. Buong araw akong hindi napakali kaiisip kung nasaan iyong dalawa at kung anong ginagawa nila. Pinangako kong iiyak ang araw na hindi ko mababalian ang hayop na iyon sa oras na malaman kong pinahamak niya si Ian.

Hindi ko na tinapos ang selebrasyon ng kaarawan ni Cel. Iniwanan ko sila at agad na dumiretso sa kwarto ni Ian. Madilim ito pagkapasok ko kaya tiyak kong hindi pa siya nakakauwi. Panibagong pangamba na naman ang rumehistro sa isipan ko.

Paano kung pinagtutulungan siya ng mga walang utak na tauhan ng hayop na iyon? Paano kung pinapahirapan siya o hindi kaya... Natigilan ako nang iba't ibang malalaswang imahe ang pumasok sa aking isip. Imposible iyon. Kilala ko si Ian. Hindi siya ganoon. Hindi ba't siya mismo ang nagdeklarang ako ang hari niya? I told this to myself over and over to convince myself that everything's fine.

Umupo ako sa isang silya roon at itinuon sa mga larawan ang paningin.

Isa ka pa. Bakit hindi niyo na lang pabayaan si Ian? Bakit kailangan niyo siyang guluhin? Pinagsisikapan ko na ngang makontento sa pagkakaibigan namin, e-eksina pa kayo't manggugulo. Tugon ko sa babaeng nasa larawan. Inilapit ko iyon nang husto para matignan nang maayos. Tulad ng sinabi nila maganda ang umaalon nitong buhok pero masyado pang bata para pagtuonan ng pansin ni Ian.

Ibinaba ko iyon at saka iginala sa ibang parte ng silid ang aking paningin. Nagkalat ang mga canvasses sa bawat sulok nito. Lahat ng nakaguhit dito ay may kinalaman sa dagat at kalangitan. Lahat magaganda at makukulay. Ipinikit ko ang aking mata at saka huminga ng malalim. Ang amoy ng natuyong pintura ay nagbibigay ng konting ginhawa sa nagtatampo kong kalooban.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa mesa kakahintay sa kanya. Kaya laking gulat ko nang paglingon ko'y nakatayo na ito sa harap ko, nakaabot ang isang braso at bahagyang nakaawang ang bibig na tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. I castigated myself when the first thing that came to my head was how much I wanted to lock him in my arms in a crushing embrace.

Ibinaling ko sa oras ang sarili at muling nainis nang mapagtanto kung gaano na kagabi itong umuwi.

Anak ng- Sinong matinong tao ang mag-uuwi sa isang bata ng ganitong oras ng gabi?!

Tinanong ko siya ngunit imbes na sagot, bigla na lang nitong isinandal ang noo sa aking dibdib. Literal na lumaktaw ng isang tibok ang puso ko sa kanyang ginawa at tila nakalimutan kong huminga. Tsaka lang ako natauhan nang maramdaman ang pagpatak ng kanyang luha.

"Don't hate me. Please don't hate me."

Hindi ko maintindihan kung bakit nababasag ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko sa aking harapan. Isa lang ang konklusiyong sumagi sa isipan ko at agad na nanginig ang aking kalamnan sa galit. Aalis na sana ako para ipaghiganti siya sa gagong iyon nang pigilan niya uli ako para sabihing mali ang naisip ko. Noong akala ko ay okay na kami, pinangako niyang hindi uulitin ang pagtalikod at pag-alis sa aking tabi at isinumpa ko namang hindi ko siya iiwanan, bigla naman siyang umatras at tumakbo palayo.

Sino ba kasi iyang tang-inang Rekka na iyan?! Nakakagago lang?! One minute he said that I was his only king and then suddenly he pulled away and told me not to take that fucking guy away from him?! What the f-?! Anong klaseng kagaguhan ito?!

Matapos noon, ilang buwan pa bago ko siya ulit nakita. Tinanggap ko iyong pansamantalang trabaho sa ubasan dahil nangangailangan sila ng tutulong para magpitas nito at ako naman ay nangangailangan ng pandagdag para sa mga kakailangan ko sa darating na pasukan. Hindi ko inasahang siya ang makikita nang may nabangga ako sa gazebo ng ubasan na iyon. Pareho kaming nabigla at hindi agad nakapagsalita sa nangyari.

Sa loob ng napakaraming buwan, napuna ko agad ang mga pagbabago sa kanyang katawan. Lalo siyang tumangkad at pansin ko rin ang konting pamumutla at pangangayayat nito. Kukumustahin ko na sana siya nang bigla na naman siyang tumakbo palayo. Kung hindi lang ako sinita ng supervisor namin, nahabol ko na sana siya. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumalik sa loob ng ubasan habang pinagmamasdan ang pagtakbo ng sinasakyan niyang kabayo sa malayo.

Buti na lang at naging mabait pa rin ang Diyos sa akin. Tinupad Niya ang kahilingan kong magtagpong muli ang landas namin ni Ian at pinangako kong itatama ang mga pagkakamali. Hindi ko ipipilit sa kanya ang mga ayaw at hindi ko tatawirin ang linyang kanyang ginuhit sa pagitan naming dalawa. Kinombinse ko ang sarili na sapat na ang naging magkaibigan kami uli. Kung pagkakaibigan ko ang kailangan niya, ibibigay ko iyon ng buong-buo. Kung anong kagustuhan niya, iyon ang masusunod.

Matapos naming mag-usap nang masinsinan at naayos ang gusot sa pagitan naming dalawa, ramdam ko pa ring may mabigat itong dinadala sa kanyang saloobin. Hindi ko na sinubukang alamin iyon dahil baka bigla na naman siyang tumakbo at hindi magpakita sa akin. Masyadong matagal ang halos pitong buwan kong paghihintay sa kanya para isugal iyon. Kaya imbes na magtanong, dinala ko siya kung saan niya makikita ang pinakamagandang bituin.

I knew how much he loved seeing those tiny specks of heavenly bodies. He even had a painting of them on his ceiling, though unfinished. But this star that I was about to show him was the most beautiful yet her glory was always taken for granted. I found it funny that he really didn't believe that this one existed!

He was hesitant and complaining the entire journey, but still, I was happy he relied on me this time and didn't let go of my hand as I led him to where that star was. Dahil sa pananalig na iyon, nagawa kong ikuwento sa kanya ang ilang parte ng aking nakaraan. Isinumpa ko noong hindi na muli iyon babalikan at ituon lamang ang sarili sa paggawa ng maayos na kinabukasan. Pero pakiramdam ko kung si Ian ang pagsasabihan ko nito, matatanggap niya kahit ang mga pangit na parte ng aking buhay. Hindi ko maipaliwanag pero may bahagi sa loob ko na nagsasabing kahit magkaiba kami ng landas na tinahak bago pa nagkatagpo, maiintindihan niya ang pinanggalingan ko. I knew that because somehow that's how I felt towards him.

Wala man siyang sabihin, walang sinusumbong at walang pinapaalam ng kanyang tunay na saloobin, alam ko at ramdam ko ang tahimik niyang pakikipaglaban sa sariling kadiliman kagaya ng pakikipaglaban ko sa akin. Gusto kong iparating sa kanya at pinagdarasal kong malaman niya na hindi niya kailangang mag-isa sa labang iyon. Nandito ako palagi para samahan siya.

Nang matapos ko ang pagkukwento, tsaka ko lang siya sinulyapan. At sa mga oras na iyon, sa eksaktong pagtama ng bukang-liwayway sa kanyang anyo, doon ko nasiguro ang isang katotohanang kay tagal kong pilit na tinakwil. I didn't know if it's his hair or the calmness of his smile or that soft tears on the tip of his eyelids against the background of a misty sunrise; but somewhere in between this tranquility around us, I found that my heart had already made its leap. Free falling. Head first. Faster and harder by the second...

Ahh... I'm done for.

Isinumpa kong, mula sa araw na iyon, kahit anong mangyari at kahit ano pang ihain sa amin ng tadhana, lalaban ako at hindi siya isusuko. Hindi na ako iyong dating Ren na tatayo na lang sa isang tabi at walang gagawin habang inilalayo ng ibang tao ang aking mahal. Hindi na ako iyong dating Ren na makokontento sa panandaliang ligayang dulot ng mahika ng polbo at alindog ng mga babae para lang mapagtakpan ang kahinaan at kaduwagan.

Putangina! Babae si Ian?!

Matapos kong tanggapin sa sarili kong may nararamdaman ako sa kanya na ilang beses kong itinanggi dahil siguradong-sigarado talaga akong hindi nga ako isang bakla, ilang beses ko pang nakuwelyuhan sina Kulas para lang mapatunayan na lalaki nga ako, ilang magazines, libro at websites ang binasa ko para maintindihan ang mga pinagdadaanan ko sa kanya, pucha, babae pala siya?!

Pero iyon na nga, hindi agad rumehistro sa isipan ko ang sabi ng nurse na normal lang ang nangyayari sa bata matapos ko siyang isinugod sa ospital sa pag-aakalang may ginawa sa kanya ang hayop na Drake na iyon. Ian's rear was already bleeding, for fuck's sake! Kung anu-ano na ang naisip kong nagawa ng hayop na iyon sa kanya habang itinatakbo siya sa emergency room ng ospital. Anong normal doon, 'di ba? Kaya nang buksan ko ang tabing sa pinagpapahingahan nito, ganoon na lamang ang gulat ko nang makita siyang naka-underwear lang. Hindi ko man sadya, dumako ang mga mata ko sa kanyang ibaba.

Flat. As in walang umbok o kung ano sa kanyang harapan just how it should have been. Ilang beses ko bang na-imagine ang mga malalaswang eksenang kung saan hinahawakan ko ang kanyang buong pagkatao... Ilang beses ko ring kinastigo ang sarili sa mga naisip. Pero ngayong nasa harapan ko na, wala akong makitang ganoon sa kanya... wala siyang katulad ng mayroon ako...

Nang tuluyan ko nang napagtagpi at naintindihan ang nangyayari, umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. Pucha, gusto ko siyang tanungin kung anong ibig sabihin ng nakikita ko pero kailangan pa bang itanong kung kitang-kita naman ang sagot. Umalis ako para ikalma ang sarili pero muli ring nagwala nang nagsidatingan ang aking mga tauhan.

Tang-inang buhay ito! Hirap na nga akong ilayo si Ian sa kanilang mga kamay noong akala kong lalaki siya, paano na ito ngayong babae pala siya?! Ipinaliwanag ni Cel sa akin ang lahat. Gusto kong intindihin pero napapangunahan ako ng galit at selos.

Pucha! Bakit kailangan niyang ilihim sa akin ito?! Hindi niya ba ako kayang pagkatiwalaan?!

Babae siya. Babae si Ian ko. Babae... Pucha! Ilang gabi akong hindi nakatulog nang maayos sa pag-aakalang bakla na ako! Ngunit tinanggap ko pa rin iyon dahil hindi ko na makontrol ang nararamdaman ko sa kanya. Oo, gustung-gusto ko siyang yakapin, halikan at angkinin nang paulit-ulit. Walang araw na hindi ko siya pinagpantasyahan. Pero, higit pa sa lahat ng iyon ang gusto ko sa kanya. Gusto ko siyang pangitiin, iyong ngiti niyang nakakaloko at nakakapukaw ng iba't ibang klaseng emosyon sa akin. Gusto ko ring tanggalin ang kung anumang bumabagabag sa kanya. Gusto ko siyang alagaan at protektahan. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat... Hindi ko maintindihan pero, tang-ina, sa kanya ko lang ito naramdaman.

Ano naman ang itatawag ko sa kanya? Ian pa rin ba? Paulit-ulit akong nakipagtalo sa sarili habang pabalik-balik ng lakad sa tapat ng bintana ng kanyang silid, bahagyang naduduwag.

Bahala na nga! I said when I finally found the courage to climb their pipes.

Laking gulat ko nang tumambad ang mukha ng kanilang katiwala pagkabukas ko ng sa bintana. Nagkasagutan pa kami at muntik ko na siyang nasapak nang sabihin niya ang masamang balita. Para akong kinuhanan ng hangin at pasalampak na ibinalik sa aking baga. The pain reverberated to my whole being. Para akong dinala noong mga panahong iniwan ako ni Merideth para sumama sa iba.

Hindi... hindi ito maaari. Kailangan niyang bumalik! Kailangan pa naming mag-usap. Kailangan pa naming magkaayos!

"Nakikinig ka ba? Ang sabi ko, nagbabasyon lang sina Attorney sa Japan. Babalik din sila bago magsimula ang pasukan."

Ilang saglit kong tinitigan si Milo na inaayos ang kanyang suot buhat sa pagkuwelyo ko sa kanya. Mayroon pa itong ibang sinabi tungkol sa kung anong tingin niya sa mga kabataan ngayon pero hindi ko na iyon inintindi. Bumusilak ang pag-asa sa dibdib ko sa nauna nitong hinayag. Nagbabakasyon lang siya kasama ng kanyang pamilya. Babalik si Ian!

Wala akong ibang sinabi kina Kulas nang magtanong sila tungkol sa kanya. Kahit na ilang beses akong kinulit ni Cel, hindi ko rin siya pinagbigyan. Alam kong mali ang naging umpisa namin ni Ian. Kaya naman napagpasyahan kong sa pagbabalik nito, itatama ko na ang lahat. Kung kailangan naming magsimula uli sa simula, gagawin ko. At kapag nagawa ko na, sisiguraduhin kong mas matatag at mas matibay pa ang magiging relasyon namin... bilang magkaibigan... sa ngayon.

Ako si Reign de Jesus, hari ng mga Dragons, hari ng Asteria at ang natatanging hari ni Ayana Moritake. Gaya ng ipinangako ko sa kanya, anumang mangyari, kahit tuluyang lamunin ng dilim ang aking liwanag, hinding-hindi ko siya iiwanan.

つづく

Continue Reading

You'll Also Like

170K 8.9K 34
[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los E...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
6.6K 200 5
Make sure to read this first if you want to read my stories in order! Cover by @Geksxx ugly ✨
25.5K 1K 58
[COMPLETED] July 3, 2020- August 13, 2020 they say... "only chaos awaits when fantasy meets reality" Is that really true? I'm a fan of fairytales bu...