First Destination
Hyde Park
Manghang mangha sila sa kagandahan ng park na ito.. talaga naman napakalaki, napakaganda, a very relaxing place para sakanila, tamang tama para makalimot ng panandalian sa sakit at galit na meron sila ngayon.. a perfect place ika nga..
Napatingin si Glaiza sa gawi ni Rhian kung saan damang dama nito ang lugar, fini-feel ang sariwang hangin habang nakapikit.. lihim syang napangiti sa ganda ng babaeng kanyang sinisilayan sa oras na ito..
"It is the largest of several royal parks here in London.."-biglang sambit ni Rafael na naagaw ang atensyon ni Rhian na biglang nagmulat ng mata..
Nang mapansin iyon ni Glaiza agad nitong iniwas ang tingin kay Rhian, ayaw nyang mahuli sya nito na nakatingin sakanya..
'Ano ka ba Glaiza, kay Kylie ka nga mag focus!'-saway ni Glaiza sa sarili
"Babe?"-tawag ni Glaiza kay Kylie na nakatingin sa direksyon ng mga nag-gagandahang bulaklak..
"Hmmmm?"-tugon ni Kylie na hindi inaalis ang tingin sa direksyon na iyon, nilapitan ni Glaiza ito at niyakap..
"I love you.."-sambit ni Glaiza dito habang naka back hug sa babae
"I love you too Pogi.."-kinikilig na sagot nito at humarap kay Glaiza sabay halik sa labi nito..
Habang sweet na sweet si Glaiza sa kasintahang si Kylie, hindi nya alam na may mga matang nakamasid sakanila, na sa pagkakataong iyon ay labis na nasasaktan, nadudurog ang puso, mga matang may luhang nagbabadyang bumagsak dahil sa kirot na nararamdaman..
"Ang sweet nila noh?"-si Rafael na nasa likod lang pala ni Rhian, hindi alintana ang sakit na nararamdaman nya, pasimple nyang pinunasan ang luhang hindi napigilang pumatak..
"O—-oo nga eh.. ang swerte ni Kylie.."-nakangiting sabi ni Rhian dito pero may lungkot ang tono ng boses nito..
"Swerte ka din sakin kapag naging boyfriend mo ko.."-confident na pagkakasabi ni Rafael dahilan upang matawa si Rhian..
"Sira!"-hinampas nito ang braso ni Rafael
"Hahahaha.. Hey.. I'm serious.."-Rafael
Tinignan ni Rhian si Rafael, hindi nya alam kung seryoso nga ba ito sa mga sinasabi nito sakanya o nagbibiro lamang ito, wala kasi sa muka ng binatang ito ang magseryoso.. natawa nalang si Rhian..
"Dyan ka na nga!"-natatawang tinakbuhan ni Rhian si Rafael at pinuntahan sila Bianca
"Hey! Seryoso ako Rhian.."-natatawang sagot ni Rafael dahil sa kakyutan ni Rhian at hinabol nya ito
Napagpasyahan nilang magstay pa ng konti sa lugar na iyon, request ni Rhian.. sabagay hindi naman boring sa park na iyon, marami din activities na pwedeng gawin, habang ang mga kaibigan nya ay nagsasaya, si Rhian mas pinili nyang mag isa.. hindi nya alam pero gusto nyang mag isip isip, gusto nyang ilabas ang sakit na nararamdaman na walang ibang nakakaalam kundi sya..
Naglalakad sya papalayo hanggang sa makakita sya ng lugar na walang ibang tao kundi sya, tiningala nya ang malaking puno, sa tingin nya ay matanda na iyon pero matayog parin, pinili nyang doon umupo..
Pumikit si Rhian, at sa pagpikit nyang iyon hindi na nya napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak..
'Ang sakit pala Glaiza.. ang sakit palang makitang masaya ka sa piling ng iba..'-sabi ni Rhian na akala mo ay si Glaiza talaga ang kausap
'Sabagay kasalanan ko.. ako nga pala ang nangiwan, bakit ba kasi hindi ko maalala ang naging relasyon natin? Tapos ngayon heto ako at umiiyak dahil nasasaktan na may iba ka na?'-dagdag ni Rhian, at mas pinili nyang iiyak nalang ang sakit na iyon..
'Please tell me, do I really have to stop? Sabihin mo naman sakin oh..'-iyak pa na dagdag ni Rhian..
'Ayoko pa kasing sumuko eh..(punas ng luha) ayaw pa kitang isuko, alam kong mali kasi may iba ka na.. pero anong magagawa ko? Please, give me a sign..'-si Rhian na walang tigil sa pagiyak..
Iniiyak lang nya ang sakit hanggang sa maging okay na sya, hanggang sa makayanan na nya ulit ngumiti at handa na ulit syang magpanggap sa harapan ng mga kaibigan na okay lang sya..
——————————
"Thank God Bestie at bumalik ka na!"-yakap ni Bianca sa kaibigan
"San ka ba galing? Nag-alala kami sayo.."-Chynna
"Sorry.. napasarap lang yung paglalakad lakad ko.."-Rhian
"Ganyan ka naman eh.. puro sarili mo lang iniisip mo.. hindi mo iniisip yung mga taong naghihintay sayo, basta ikaw masaya ka wala ka ng pakielam sa ibang tao.."-mahinang sabi ni Glaiza pero halata ang galit sa tono nito at naglakad na papunta sa sasakyan nila
"Babe!/Tsong!"-sabay na tawag dito ni Kylie at Chynna at sinundan nila ang papalayong si Glaiza
"Pagpasensyahan mo na si Glaiza, nag-alala lang din kasi yun.."-Ben
"Wag mo nalang pansinin Rhian ah.. intindihin mo nalang.."-Mike
"Ahm.. let's go.. kain nalang tayo.. baka gutom lang yun si Glaiza.. I'm sure magugustuhan nyo sa restaurant na pagdadalhan ko sainyo.."-nakangiting sabi ni Rafael at hinawakan ang kamay ni Rhian para alalayan papunta sa kinaroroonan ng sasakyan, tumango nalang si Rhian bilang tugon dito at sumunod narin sila Bianca..
——————————
"Rhian are you okay?"-tanong ni Rafael ng mapansin nitong tahimik si Rhian at namumugto ang mga mata..
Kasalukuyang binabaybay nila ang daan papunta sakanilang kakainan..
Tumango lang si Rhian bilang tugon dito..
"Umiyak ka ba?"-muling tanong ni Rafael na may bakas ng pagaalala sa tono nito
"Ha? W—why? Hi—hindi.. ba—bakit naman ako iiyak?"-si Rhian na umiwas ng tingin kay Rafael dahil baka mahalata nga nito at makumpirma na galing talaga sya sa iyak
"Parang namamaga kasi yung mga mata mo.."-muling sabi ni Rafael, hindi na iyon sinagot ni Rhian at tumingin nalang sa labas ng bintana ng sasakyan
Hindi naman nakaligtas sa mga paningin nila Bianca iyon, lalong lalo na kay Glaiza..
'Umiyak ka nga ba Rhian? Kung oo, bakit? Anong dahilan?'-yan ang tumatakbo sa isipan ni Glaiza ngayon
—————————
The Ledbury
(Restaurant)
"Wow... mukang masarap nga ang mga pagkain dito ah.."-Sabi ni Ben na nauna ng pumasok sa loob kasama si Kylie.. (excited😁)
"Oo nga eh.. sayang di natin nakasama si Ate Chris.."-sabi din ni Mike at sumunod sa dalawang kasama
Inalalayan ni Rafael si Rhian, hawak nya ito ngayon sa bewang na kitang kita ni Glaiza..
"Alam mo Tsong, halatado ka.. kanina pa.."-natatawang bulong ni Chynna kay Glaiza at nakatanggap sya ng masamang tingin dito
"Tumigil ka nga Chynna.. gutom lang ako.."-pairap na sabi ni Glaiza dito
"Edi kainin mo yang pride mo! Hahahhaha.." -natatawang sabi ni Chynna at naglakad na para iwan si Glaiza
"Alam mo Glaiza, kung ako sayo kakausapin ko na yang si Bestie.. kase tignan mo oh, halatang type na type sya ni Rafael.. sige ka, ikaw din.. baka maagaw yan sayo.."-pangaasar na sabi ni Bianca dito
Huminga sya ng malalim, dahil sa totoo lang naguguluhan talaga sya.. ang alam kasi nya at ang pinapaalam nya sa sarili nya eh mahal nya si Kylie.. pero pakiramdam nya ayaw nya ulit mawala sakanya si Rhian..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
A/N: sorry na sa update ko.. wag na kayo magalit o mainis.. 😊 pasasaan pa ang pagiging rebelde ko kung hindi lang din naman RaStro ang ending nito?
So?? Bumoto at magkomento kung may nais kayo..