A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 40

2.4K 24 0
By Ae_december


IRIS

Nagbalik ako sa station na naging pansamantalang tahanan ko muna. Nalaman kong, may binabalak pala yung alien organization na ayusin muli ang aming Poblasyon. At habang pinag-uusapan palang nila kung ano ang magiging hakbang, pansamantala muna nilang binalutan ito nang higanteng bagay na nagliliwanag. Naroroon pa rin ang mga taong bayan kasama na si Albert pati na ang buo kong pamilya. Hindi nila ginalaw ang kanilang pagkaka-ayos bagkus nagtalaga pa sila nang mga tagabantay, na mga miyembro nitong organization. Hindi rin nila inalis yung makapal na hamog kung kaya't nagmistulan pa ring naglaho ang Poblasyon namin.

Nagsi-alisan na ang halos lahat nang mga alien members na sumali sa pakikidigma. Kasama na sa mga umalis ay sina Chamie at Marinagua, nagpa-alam muna sila sa akin. Ang mga natira nalang dito sa station ay ang tatlong leader, pati na ang ilan sa mga kapulisan at officers.

Matagal ang ginawa nilang pagpupulong para sa gagawing pagsasa-ayos nang aming Poblasyon sa dati. Hindi ko nga alam kung papaano nila magagawa iyon ngunit malaki ang tiwala kong posible ito. May dumarating pa ngang mga alien spaceship na may dala raw na teknolohiya para rito. 

Nakakalungkot lang kasi, pagkatapos nang lahat, ay uuwi na si Hector sa kanilang planeta. Ma-mimiss ko talaga etong mokong na ito nang sobra. At sana magkita pa kaming muli dahil marami rin akong natutunan sa kanya.

Nagustuhan ko yung pinakita niyang tapang sa pakikipaglaban. At yung tapang na iyon ang isasabuhay ko sa pang araw araw kong pamumuhay. Maski yung kabayanihang ginawa nang mga miyembro nang alien organization na ito. Magsisilbi silang inspirasyon para sa akin. Pinakita kasi nilang mahal talaga nila tayong mga tao. Kung kaya magmula ngayon, mas magiging mabuti ako sa aking kapwa tao.

"Iris," dinig ko. Naputol ang aking pagmu muni-muni.

Tinatawag pala ako ni Eke. Nasa loob ako nang isang tent na korteng igloo sa labas ngunit lahat nang kulay sa loob ay puti. Naka-upo ako sa single bed na may mangilan-ngilang muwebles sa aking paligid. Kumportable naman ang kinalalagyan ko rito kaya nakatulog ako nang mahimbing kagabi.

Tumalikod siya sa akin, paglingon ko at naglakad pasulong. "Sumunod ka sa amin, may sasabihin kaming mahalaga sa iyo," lumabas siya sa tent.

Ano kaya iyon? Sinundan ko siya hanggang sa makarating ako sa isang mas malaking tent na nasa sentro nang station. Pag-pasok ko sa loob, kulay puti rin ang lahat. Mayroon itong conference room sa gitna, na yung lamesa korteng letter-C na gawa sa transparent glass, ganoon din yung upuan niya na ang tataas nang sandalan. Naka-upo sa ilang upuan sina Ezeros at Gaeia. May kasama silang labing dalawang iba't ibang alien race na eto siguro yung mga officers.

Itinuro ni Eke ang isang glass chair sa gitna nang lamesa at doon ako umupo. Tahimik ang lahat na nakatitig sa akin, kaya na-ilang tuloy ako. Tumayo si Gaeia sa kanyang inuupuan at naglakad palapit sa akin.

"Iris," wika niya sa aking isipan. Para talaga siyang mannequin na buhay. Naririnig din siya sa isipan nang lahat nang aliens sa paligid ko. "Napagpasyahan namin na ibalik ang inyong pamayanan isang taon ang nakakalipas upang ma-restore ito nang maayos,"

"Ano pong ibig niyong sabihin?" medyo naguluhan ako.

"Time travel Iris, babalik ang buong pamayanan last year at isasama ka namin dito,"

Nanlaki ang aking mga mata, napa-nganga pa ako. Kaya nilang gawin yun. Hindi ko maiwasang mamangha nang sobra.

"Huwag kang mag-alala, walang mangyayari sa iyong masama," Singit ni Eke. "Pero magkakaroon ka nang double memory. Ma-aalala mo ang nangyari kagabi kahit nagbalik ka sa nakaraan, about one year ago,"

Double memory? Mas lalo ata akong naguluhan. Pero tumango naman ako at pumayag, dahil sinabi naman ni Eke na walang masamang mangyayari sa akin. Hindi ko man maintindihan ang pinag-sasabi nila ngunit naniniwala akong mabuting paraan iyon para maayos muli ang pamayanan namin. Alang-alang kay Albert at sa mga mahal ko sa buhay.

Sabi ni Gaeia, wala raw sino man sa mga taong bayan ang makaka-alala sa nangyari. Bukod tanging ako lang ang makaka-alam nang lahat kung kaya't dapat ko raw itong ilihim sa kanila. Sa mga mahal ko sa buhay at sa lahat nang taong bayan. 

Nirerespeto ko ang sinabi niyang iyon. Dahil tama nga naman, mabuti nang kaunting tao lang ang maka-alam nang tungkol sa kanila para naman hindi maging magulo ang pamumuhay namin.

Kinabukasan, dinala na nila ako sa Poblasyon sa pamamagitan nang teleportation. At pagdating ko roon, may higanteng spaceship na kulay dark brown at korteng isda ang nasa ibabaw namin.

Kasama ang tatlong leader, naglakad kami patungo sa mga taong bayan na tinipon nila sa pinaka-gitna nang plaza. Maraming nagbabantay sa aming paligid at sila ay mga itinalagang miyembro nang kapulisan.

Nagpaligoy ligoy ako nang paningin sa buong paligid dahil hindi ko na mamukhaan ang plaza nang Poblasyon namin, nadurog talaga ito nang husto. At paglapit ko palang sa mga tao, kumaripas na agad ako nang takbo at hinanap ang aking pamilya. Nakatayo silang lahat na hanggang ngayon ay naka-pikit pa rin ang mga mata. Isang uri daw iyon nang hypnosis kaya hindi sila patay. Mawawala ang bisa nito kapag nag-time travel na pabalik ang bayan. Magbabalik sa dati ang kanilang buhay na walang bakas kung ano ang nangyari kagabi maski ngayon.

Niyakap ko nang mahigpit si nanay nang makita ko siya at iyak ako nang iyak. "Mahal na mahal ko kayo nay! Patawarin niyo ako," hinalikan ko siya sa pisngi.

Sunod ko namang niyakap sina tatay, Anjo at kuya Max. Pati na si Becky, dalawang pamangkin, mga kaibigan at lahat nang taong mahalaga sa aking buhay. At siyempre ang kahuli-hulihan, si Albert. Gusto kong mag-time travel na siya ang aking katabi kung kaya't niyakap ko siya nang husto.

"Initiate time reconfiguration, December 1996," napatingin ako sa kalangitan.

Naglabas nang kulay pulang liwanag ang higanteng spaceship. 

Nakatayo malapit sa akin ang tatlong leader. Humakbang palapit si Ezeros. "Sana hindi ito ang huling pagkikita natin, matapang na binibini,"

Tumango ako sa kanya. Napansin kong isa-isa nang nagsipag-alisan ang mga nagbabantay na pulis. Naglaho silang lahat nang tumapak sa malaking teleporter. Sumama na rin sa kanila sina Ezeros at Eke na ang bukod tanging naiwan nalang ay si Gaeia.

Inangat niya ang kanyang mga kamay na nakatutok ang mga palad sa akin. Pinagmasdan ko ito hanggang sa unti-unting bumibigat ang aking paningin. Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Albert. Sumandal ako sa kanyang dibdib. At kasunod nito, nagdilim nalang ang aking paligid.

***

Dumilat muli ang aking mga mata at napansing madilim pa rin. Bumangon ako at nalamang, nakahiga pala ako sa aking kama. Inikot ko ang aking paningin at nakita kong nasa loob na pala ako nang aking kwarto. Pinagmasdan ko ang buong paligid na hindi ko pa maiwasang ma-iyak dahil na-miss ko talaga itong silid ko ng sobra. Hinaplos ko ang bulaklaking pink na bed sheet. 

Anong oras na kaya? Lumingon ako sa alarm clock sa bedside table, alas kwatro palang pala nang madaling araw.

Nasulyapan ko ang mini-calendar sa study table at binasa ang petsa, December 5, 1996. Tama nga sina Gaeia nagbalik ako one year ago. At tama rin si Eke nang muli kong ma-alala ang mga nangyari sa akin. Bumilis ang tibok nang aking puso, huminga ako nang malalim. Nauunawaan ko na yung sinasabi niyang double memory.

Tumayo ako at pinatay ang bentilador. December 5, pumasok sa isip ko ang araw na ito. Hindi ko kasi ito malilimutan. Gumuhit ang ngiti sa aking labi at nagmamadaling niligpit ang aking higaan.

"Anak ano ang nakain mo?" tanong ni nanay.

Siya ang nauunang magising sa amin at nagluluto nang agahan. Pero ngayon na-late siya at mabuti nalang na-unahan ko. Ako mismo ang naghanda nang agahan namin. At nang makita ko siyang bumababa sa hagdanan nilapitan ko siya kaagad at niyakap nang mahigpit.

Gusto kong ma-iyak. "Nay, sorry huh!"

"Ano? Saan?" wika niya na takang-taka. Hindi na ako sumagot, inaya ko na siya sa hapag kainan.

Sunod-sunod na gumising ang lahat mula kay tatay, kuya Max at Becky pati na yung dalawa kong pamangkin. Hindi kasi umuwi ang buong pamilya nang aking kuya sa kanilang bahay at alam ko kung bakit. May importanteng mangyayari ngayong araw na ito.

As usual huli na naman si Anjo kaya ginising siya ni nanay dahil ma-lalate ito sa school. Pinagmasdan ko muna silang lahat na sama-samang kumakain nang agahan bago ako magtungo sa banyo at maligo.

At bago ako pumasok sa paaralan, nag-ayos ako nang todo. Make-up kung make-up, na hindi ko naman madalas gawin dahil sa araw na ito, alam kong may espesyal na mangyayari. Natawa pa nga ako kasi, kunwari wala akong alam.

Quarter to twelve nang tanghali. Hindi na ako mapakali. Isandaang tambol na naman ang tumutugtog sa aking dibdib. Kahit kabado ay sabik na sabik naman. Maaga kong pinalabas ang lahat nang aking estudyante para kumain nang tanghalian.

Nang mawala na silang lahat, dali-dali kong kinuha ang pulang shoulder bag. Kinuha ko sa loob ang foundation at lipstick na kulay cherry, take note. Retouch kung retouch ang ginawa ko. Kailangan fresh ako mamaya sa eksenang ito. Hindi muna ako kumain nang tanghalian.

Tumuntong ang alas-dose at panay na ang sulyap ko sa pintuan nang classroom. Ang tagal naman, di ba ganitong oras iyon.

"Excuse me po ma'am – may nagpapabigay daw po," sumulpot ang aking estudyanteng lalake.

Mas lalong kumabog ang aking dibdib lalo na nang makita ko ang bitbit niyang bouquet nang red roses. Hindi na ako nagtanong pa basta kinuha ko ito agad sa bata. Tumakbo naman siya palabas nang silid aralan. Sinamyo ko ang bulaklak at pinulupot sa aking mga braso. Hindi ko na rin binasa yung card. Nagmamadali akong lumabas nang classroom at nagtungo sa quadrangle. Nakangiti na ako nang makita ko palang ang mga estudyante kong may hawak nang illustration board. Hanggang sa sabay sabay nilang baligtarin ito. At marinig ang maraming tilian sa aking likuran. Na dahil sa alam ko na ang sunod na mangyayari hindi ko na maiwasang ma-iyak. Wala akong ka-abog abog na humarap sa kanya.

"Yes! Yes Albert," bulalas ko.

Nagulat yung kanyang mukha. Tumakbo ako patungo sa kanya at yumakap nang mahigpit. Hinalikan ko siya nang mariin sa labi. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit hindi ako tumigil.

"I love you Albert," mangiyak-ngiyak kong sambit.

Kasi sa araw pa talaga na ito kami nag time travel. Hindi siya maka-kibo ngunit tawa lang siya ng tawa sa akin. At nung nagsalita na siya hindi ko na maintindihan dahil puro tilian na kasi ang naririnig ko sa buong paligid.

Nagpapasalamat talaga ako sa mga alien na aking nakilala dahil binigyan nila akong muli nang ikalawang pagkakataon. Nirerespeto ko na tuloy sila sa ginawa nilang ito. At sa pagkakataong ito, mas lalo ko pang mamahalin si Albert. Nung panahon kasi na yan nagkaroon pa kami nang kaunting tampuhan.

At sa araw nga nang kasal namin sinabihan ko si Albert na huwag mag-arkela nang puting sasakyan na kesyo masama ang kutob ko at siyempre naniwala naman siya. Kinuntsaba niya si kuya Max kaya ito ang naghatid sa akin. Kina-usap ko rin ang engineering department nang munisipyo namin na huwag munang mag-ayos nang kalye sa araw nang aking kasal. Na kahit alam kong wala na talagang mangyayaring masama dahil yun naman ang sinabi nang Alien Convention sa akin, ay tuliro pa rin ang aking isipan sa kung ano ang pwedeng mangyari.

Kung pwede kong lakarin ang daan papuntang simbahan sa araw na iyon, gagawin ko matuloy lang ang aking kasal. Bumabalik kasi yung takot sa puso ko kapag na-aalala ko ang pangyayaring iyon. At tsaka, yung kabibeng binigay sa akin ng mga Nommos tinabi ko talaga iyon. Dinala ko pa sa araw nang aking kasal. Inipit ko ito sa aking cleavage.

Kaya ko nang protektahan ang aking sarili matapos ang pangyayaring iyon. Kaya ko nang protektahan ang lahat nang aking mga mahal sa buhay. Siguro, binago nang digmaan ang level nang aking tapang pati na rin ang pananaw ko sa buhay. 

At yun, sa wakas, natuloy nga ang aking kasal.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 465 5
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...
31.3K 27 1
.....R E V I S I N G..... Highest Rank Achieve: #01 in Mastersâś” Story Started:::::: June 20, 2019 Story Ended:::::::: February 3, 2021 Before you rea...
61.3K 3.1K 72
Si Ana ay parang isang blankong papel. Wala kang makikita kahit na ano sa kanya maliban sa walang buhay niyang mukha. She was a jolly and a happy gir...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...