Mr. Playboy's Personal Maid

By GoddesSeth

10.6K 245 49

More

PROLOUGE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 11

343 8 0
By GoddesSeth

CHAPTER 11   <Indirect Kiss?!>

"My god! Really?" sigaw ni Lavender.

Kinuwento ko kay Lavender ang lahat ng nagyari sa Baguio. Di nga siya makapaniwala sa trip namin dun. Ah, di ko sinabi sa kanya na close na kami ni Echo. Isusurprise ko siya.

"Nakakainis nga e. Iniwan akong mag-isa dun sa falls at sumama dun kay leech. At hinalikan pa ako ng lasing. Ugh, kainis siya. Grr," sabi ko.

"Napakaunromantic nga niya. Ganyan siguro ang mga playboy."

Tumango ako. Grabe talaga dumiskarte ang mga playboy.

Naglalakad kami sa hallway nang makasalubong namin si Echo. Oh! Good timing.

Bago pa makaalis si Echo, hinawakan ko ang braso niya. Ba't ba ang torpe nito, e sigurado akong papasa siya kay Lavender. Ang dami ngang nagkakagusto kay Echo.

Tinulak ko siya kay Lavender. "Lavender, si Echo. Echo, si Lavender." Umirap ako at kinuha ang kamay nila at pinagshake hands sila. Di sila tumitingin sa isa't-isa at namumula pa. "Ano ba kayo?! Mag-usap nga kayo. Pano niyo makikilala ang isa't-isa kung hindi kayo mag-uusap?"

Di sila kumibo. Si Echo tumitingin kahit saan, si Lavender naman pinaglalaruan ang buhok niya. Nabigla ako ng may narinig akong strum ng gitara. Teka, kakanta siya?

"Narinig niyo ba? Kakanta daw ang Blue Sapphire!"

"Ganun ba? Tata tignan natin!"

"Dali! Magsisimula na sila!"

So, tutugtog nga sila. Pero bakit naman, e wala namang okasyon ngayon ah.

"Tignan natin," sabi ko sa dalawang kasama ko.

"Ba't naman sila tutugtog?" tanong ni Lavender.

"Sabi daw nila, tutugtog daw sila ngayon kasi bukas christmas vacation na natin," paliwanag ni Echo.

Ganun pala.

Bigla namang nagsalita si Julius sa microphone. "Hey guys! Para kahit na christmas vacation natin, maaalala niyo pa rin ang sexy voice ko." Naghiyawan ang mga babae. Kapal nito, di naman sexy ang boses niya ah. "So here we go.."

It's amazing how you

Can speak right to my heart.

Without saying a word

You can light up the dark.

Try as I may, I could never explain

What I hear when you don't say a thing.

Ayan na naman iyong kakaibang boses niya. Iyong para bang may kinakantahan siya.

The smile on your face

Lets me know that you need me.

There's a truth in your eyes

Saying you'll never leave me.

The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall.

You say it best when you say nothing at all.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Wah?! Ano bang ibig sabihin nun? Siniko ako bigla ni Lavender at tinukso. Ewan ko sa babaeng to.

All day long I can hear

People talking out loud

But when you hold me near

You drown out the crowd

Try as they may, they can never define

What's been said between your heart and mine.

Sa oras na to, tumitig na talaga siya sakin. Tagos kaluluwa ang titig niya, ilang oras nalang baka matutunaw na ako.

The smile on your face

Lets me know that you need me.

There's a truth in your eyes

Saying you'll never leave me.

The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall.

You say it best when you say nothing at all...

Bumitiw siya sa kanyang titig ang tumingin sa kanyang mga audience. Saka siya pumikit.

The smile on your face

Lets me know that you need me.

There's a truth in your eyes

Saying you'll never leave me.

The touch of your hand says you'll catch me whenever I fall.

You say it best when you say nothing at all...

(You say it best when you say nothing at all.

You say it best when you say nothing at all.)

Dumilat siya at tumingin ulit sakin.

That smile on your face,

The truth in your eyes,

The touch of your hand

Lets me know that you need me.

(You say it best when you say nothing at all.

You say it best when you say nothing at all.)

Pagkatapos ng kanta, nag-bow siya at kumaway. Nagsigawan ang mga tao at pumalakpak.

"JULEY BABY! JULEY BABY! JULEY BABY!" iyon ang sigawan ng mga babae. Teka, di ba kay Maureen iyang 'JULEY BABY' na sigaw? Si Julius siguro ang nagrekomenda niyan. Playboy nga...

Naglakad-lakad na naman kami sa campus, since wala namang classes, at napansin kong nag-uusap ang dalawang lovebirds. Bagy na bagay talaga sila. Kinikilig ako pag nakikita ko silang sobrang close.

"Pag kumakanta si Julius nagiging romantic siya," biglang sabi ni Lavender.

"May kinakantahan ba siya?" tanong naman ni Echo.

"Baka si Mill! Dahil palaging nakatitig si Julius kay Mill. Ayeei!"

Tinignan ko sila ng masama. "Tumigil nga kayo. Di nga niya ako type e."

"Ano ka ba Mill. Wala sa type iyan, kung mahal mo ang isang tao e di mahalin mo. Di porke't di ka niya type, di na siya magkakagusto sayo," sabi ni Lavender.

Tumango si Echo. "Sang-ayon ako kay Jade. Napansin ko rin kaya na panay ang titig ni Julius sayo." Hmm. Jade pala ang tawag niya kay Lavender. Sa bagay mahaba nga ang pangalan ni Lavender.

"Di no. Sabi ko na sa inyo na di niya ako gusto." Ang kulit ng dalawang to.

"So, unrequited love?"

"Unrequited?"

"Yep. Iyon ang love story niyo. Kahit na alam niyang mahal mo siya, di niya maiibalik sayo ang pag-ibig na inaasam mo. Pero malaki ang chances na maiinlove din siya sayo."

"Ha? B-bakit naman?"

"Ano ka ba! Ang close niyo kaya! Pati tatay niya botong-boto sayo!" sabi niya at kinurot ang kamay ko. Nanggigil na isang to, nananakit  na e.

Habang naglalakad kami, napadaan kami sa private lounge ng banda ni Julius. Naaalala ko tuloy iyong pinag-uusapan ako ng kabanda niya. Iyon ang araw na nalaman niyang gusto ko siya.  Iyon ang araw na nalaman kong ganun pala ako ka obvious. Sabagay may point naman si David, Jesie at Alois na masyadong obvious ang mga babae. Para kaming libro, andali lang basahin. Kaya namin tinatago ang mga feelings namin ay ayaw naming masaktan.

Kaming mga babae ay madaling masaktan, umiyak, magalit at magwala. Obvious nga kami pero nahihirapan kaming iparamdam ang mga feelings namin. Nahihirapan rin kaming dalhin ang mga feelings namin. Teka... nagiging mature na yata ako.

Naramdaman kong bumangga ako sa isang makisig na katawan.

"Hoy, ayos ka lang?"

Tumingala ako ng makilala ko ang boses. Si Julius.

"Ha?" ang tangong sinabi ko.

Bumuntong-hininga siya. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan."

"Ah, oo, ayos lang ako."

"Sigurado ka?"

Tumango ako. "Oo naman."

Pinagmasdan niya muna ako bago ngumiti. "Good. Mauna na kami sa inyo," sabi niya at naglakad kasama ang kabanda niya.

Kanina pa pala ako tulala? Mabuti nalang at christmas vacation an namin bukas. Gusto ko munang magpahinga at kalimutan ang mga iniisip ko.

Nag-announce ang principal namin, si Madam Noire, na pwede na kaming umuwi since wala naman kaming gagawin dito. Sabay na umuwi so Lavender at Echo (oy, sobrang close na nila ngayon at halos makalimutan na nag-eexist pala ako). Habang ako naman, naglakad nalang para makaexercise naman ako kasi pakiramdam ko ang taba ko na.

Pumasok ako sa 7/11 at bumili ng ice cream, iyong chocolate flavor. Naalala ko tuloy iyong pangalawang pagkikita naming Julius. Iyong gabi na nabunggo niya ako at natapon ang ice cream ko. Sinabihan nga niya ako ng masungit, grabe tala ang tadhana.

Nabigla ako ng may humila sa kamay ko, kung saan dala ko ang ice cream. Dinilaan niya ang ice cream ko. HE LICKED MY ICE CREAM!

"Hoy! Anak ng-- Niko?!" Si Niko ang kriminal! Langya siya! Alam ba niyang mali ang ginawa niya, dinilaan ko na kaya ang ice cream ko.

"Hi. Sarap ng ice cream mo," sabi niya sabay kindat. Kainis ka rin Niko ah!

"May laway ko na iyon!" sigaw ko sa kanya. "Alam mo bang indirect kiss ang ginawa mo?"

Tumawa siya. "Iyon nga ang habol ko e."

Natahimik ako. Ayan na naman ang mga diskarte niya.

"Ba't andito ka?"

Nagkibit-balikat siya. "Tinitignan ko lang ang bagong school ko."

"Lilipat ka? San?"

"Sa school mo," sabi niya habang tinitignan ang uniform ko. Sa Thomas High School?!

"Ganun ba."

Sinabayan niya ako sa paglalakad ko. Nag-uusap ng kung ano-ano.

Tumigil kami sa gate ng mansyon. "Ah, dito na ako."

Tumaas ang kilay niya. "Dito ka nakatira?"

"Ah, ganun na nga."

"Hmm. Sige mauna na ako sayo. Bye!"

Pagpasok ko sa mansyon, napansin kong wala pa rin si Julius. Nasa school pa rin siya? Ano pa bang ginagawa niya dun? Baka kasama na naman ang kabanda niya. Kulit talaga niya.

Biglang nag-ring ang phoneko. Si mama.

"Ma?"

"Arcell baby. Punta ka sa bahay!"

"Ngayon? Bakit?"

"Basta! Dalian mo ha!" sabi niya at nag-hung up.

Ano bang meron at parang kinakabahan si mama?

Continue Reading

You'll Also Like

383K 5.8K 24
Dice and Madisson
284K 15.4K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.