The Love I've Known
Chapter 5
Part 2
Puutspa. Detention nanaman. Oh well, namiss ko din naman mapunta sa detention room. Ilang linggo na din simula nung last na punta ko dito, sa totoo lang masaya siya. Walang ingay, walang kasama. It's only me, myself and i. Ang saya saya.
Thank you sa teacher ko sa math na si Fernando Poe Viras. Yeah!!
Naglalakad na ako papunta sa detention room, sa kabilang building pa 'yon kaya medyo malayo layo. Kakatapos lang ng breaktime kasi pinatawag na agad ako sa teachers' room. Tapos agad agad din akong pinapunta sa detention room. Saya lang, di muna ako pinaupo sa upoan ko bago ako pinatawag, tapos di muna ako pinapunta sa room para kunin yung bag ko dere deretso ako pinapunta ni Jean sa detention! Hay.
Wala ng mga tao sa hallway, wala ng pagala gala na studyante sa campus. Ako nalang ata tao sa hallway. Nagsimula na ang klase nila. Oh well, alam ko naman kung ano yung next lesson namin. Syempre, nag aadvance reading ako. Kaya okay lang din na i putted in detention, chill lang. Mas masaya nga dun eh.
Nakarating na ako sa kabilang building ng campus, grabe di ko alam na ganito ka laki to school na to! Nakakatamad pa naman maglakad. Bakit kasi tinanggal yung isang detention room sa building namin? Pinapagod pa nila ako.
Ay. Naligaw ata ako, san ba yun?
Sinundan ko lang ang mga signs na nakadikit sa mga pader.
Lakad dito, lakad doon.
Tingin dito, tingin doon.
Lalo ata nagpapahirap ang signs! Sino ba gumawa nito?
Hindi ibigay ang complete detail, kailangan hiwahiwalay?
Patuloy ako sa pag lakad ko at patuloy din sa pag sunod ng signs.
After one hundred million years na pagiikot sa building B ng Jirwell Academy.. Nakarating din ako sa detention room! Putspa, dere-deretso lang pala tapos kanan. Kung ano ano pa nilalagay sa signs!
Inilapit ko ang kamay ko sa doorknob para buksan, ang kaso lang. May kamay na naunang hawakan ang doorknob.
"WHAT THE. GINAGAWA MO DITO?!" I yelled.
"Bakit? Sayo to? Bahay mo? Ikaw lang pwede sa detention?" He said seriously
Aba, kung minamalas ka nga naman oh. Sa dinami daming studyante sa Jirwell, bakit siya pa ang makikita ko?
Inirapan ko siya.
He opened the door.
As we entered the room, i saw Mr. Hondoy sitting in front of his desk looking old as always. He still wears his ugly tank top na akala mo bagay sakanya, wala naman ka laman laman puro buto akala mo ang macho. He's still funny as ever, oh how i missed his mad expression na nakakatawa. Haha
"Oh, kayo palang dalawa. Suking suki sa detention." Sabi ni Hondoy na ngayon ay nakapamewang, still wearing his mad expression.
NOT LITERALLY a mad expression. Actually, funny pa nga eh. Parang nang aasar lang siya sa expression niyang yan. Hahaha
Sabay kaming napatingin sa isa't isa ni Stephen.
Parehas kaming nagpipigil ng tawa.
Pinaupo niya kami sa couch ng office.
Umupo si Stephen, ako nanatiling nakatayo.
"Namiss niyo ata ang detention room, kaya kayo gumawa ng kalokohan ano? Ikaw Evans!" Tinuro niya ako.
Eh sa mataray ako, tinaasan ko siya ng kilay dahilan para mainis siya lalo sakin.
"Ilang beses kana natulog sa klase mo ha!? Mas matindi ka pa ngayon kesa last year ah! Kung last year naka 30 kang tulog sa klase, ngayon halos mag hundred na ah! Wala ka bang balak mag bago ha!?"
Him and his talk.
Kahit kailan talaga, nakaka asar tong Hondoy na 'to eh. Kahit nakakatawa yung expression niya palagi, nakakainis padin kapag nagsalita.
I wonder, why he is called Hondoy o-O
"Nagbago nga ako eh, you see sabi mo last year 30 lang. Eh ngayon hundred na, im improving right?" I smirked.
Boom. Ang galang ko, feeling ko yung halo ko sa ulo ko lumaki. Ang bait bait ko talaga.
I saw him clenched his fist, namumula sa inis.
Uy magka rhyme yun ah! Ang galing galing ko.
Grabe namiss kong inisin si Hondoy!
Nakita kong nagpipigil ng tawa si Stephen, duh. Wala siyang karapatan tumawa, saka anung nakakatawa?
Saka, yes. Big deal sa school na 'to ang pagtulog sa klase, eh sa madaming sumbongero at sumbongera na teacher sa school na 'to eh, madalas ako ma detent dahil sa pag tulog. Eh sa masarap matulog sa klase kesa sa bahay eh?
"You! Young lady!!" Tinuturo niya ako halatang nagpipigil ng inis.
Gusto ata ako sapakin nito, okay lang sakin. Sapakan kami.
Tinaas ko ulit kilay ko.
"Sumasagot ka pa! Hindi nalang yan ang aabutin mo ngayon Ms. Evans! Simula ngayon ikaw na maglilinis ng cr ng building A sa Jirwell!" Pinalo niya yung desk niya ng malakas.
Nakakatakot din pala tong Hondoy na to. Kahit nakakatawa na ngayon yung expression niya, somehow sa sinabi niya nakakatakot padin.
Pero ano daw?
"WHAT!?"
"You shut up young lady! Isa pang sagot mo dadagdagan ko yang gagawin mo sa Jirwell!"
Fvk!! Community service!?
I clenched my fist, gritted my teeth.
Lahat ng pwede gawin kapag naiinis pwede ko na magawa ngayon!
SERYOSO BA SIYA!? Ako? Maglilinis ng cr!? Ilang cr meron sa Building A???? damn.
Napaupo nalang ako sa upoan, nakita kong ngumiti si Stephen sakin ng pang-inis.
Nang aasar ba siya ha!? OA na nga tong pinapagawa sakin ni Hondoy, eepal pa siya!
"And you young man! Kailan ka magbabago ha!? Puro pag basag ulo nalang ba ang gagawin mo buong school year ha!? Puro pang bubully?!" Tinuturo ni Hondoy si Stephen habang nagsasalita.
Napatayo si Stephen sasagot sana ng magsalita ulit si Hondoy. "Kailan ka titigil makipag sapakan sa kapwa classmate mo ha!? Sasagot ka din?! I've had enough of both of you! Parehas kayong maglilinis ng cr! Starting tomorrow! You! Young man!" Tinuro niya si Stephen. "Cr ng Building A and B ang lilinisin mo!"
Aba'y sa hindi mo inaasahan, nakakatakot din pala talaga tong Hondoy na to. Purke siya head ng discipline management sa Jirwell saka purke siya nagmamanage sa pag detent ng studyante may gana na siyang mang ganito samin?
I smirked. Huh! Akala niya siguro ako lang maglilinis noh? Ngisi pa siya sakin kanina ah! Boom panes ka. Kung sakin Building A lang. Sakanya Building A and B! Buti nga.
Napaupo nalang din sa upoan si Stephen, halata sa mukha niya na gusto niya manapak ng tao.
"Ga-graduate nalang kayo puro kalokohoan pa yang ginagawa niyo. Mag mature mature nga kayo! Di na kayo mga bata! Kailan niyo balak itigil to ha?! Oo nga, matalino nga kayo, eh yung attitude niyo kamusta? Umayos kayo ng hindi kayo magkarecord sa detention! This will be your last record, is that understood!? Once na magkarecord ulit kayo dito, hindi na ako magdadalawang isip na ipa-expell kayo sa school na to!" Umuusok na ilong na sabi ni Hondoy, grabe daming talsik na laway. -.-
Now i know why he is called Hondoy. Parang Ondoy magalit eh! Kung yung Ondoy malakas ang ulan at hangin, si Hondoy madaming talsik na laway at umuusok pa ang ilong. Aba matinde.
"Mr Fier, gamutin mo yang sugat mo. In detention now!" Tinuro ni Hondoy ang pinto sa detention sabay labas ng room.
Ngayon ko lang napansin, may sugat nga pala tong si Stephen sa may mata niya saka sa gilid ng labi.
"Alam kong gwapo ako, wag mo ako titigan."
Inirapan ko siya at tumayo.
"Kapal naman ng mukha mo." Nagsimula na ako maglakad papasok ng detention room.
"KASALANAN MO TO EH!"
Napatigil ako sa pag lalakad. "ANONG KASALANAN KO HA?"
"KASALANAN MO KAYA MAGLILINIS TAYO NG CR!"
Calmly, "duh, kasalanan ko? Huh naniniwala ka dun sa matandang yun? Psh."
"THAT HONDOY MAN!! DI KO SIYA MAPAPATAWAD KUNG MAY NANGYARING DI MAGANDA SA BALAT KO!"
"..."
I just looked at him blankly, though nakakatawa yung reaksyon niya. I can see how much he cares for his skin.
Ang arte.
Gusto kong matawa pero wag nalang, naiinis nga pala ako sakanya. Saka hindi ko nga dapat to pinapansin eh. Baka kapag pinansin ko siya feeling close nanaman siya.
Iniwan ko siyang nakatayo sa room ni Hondoy, hindi ko siya pinansin. Pero nakakatawa parin ang itsura niya.
Pumasok ako ng DR (detention room) at iniwan siya doon.