A Beautiful DISASTER (Publish...

By skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... More

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

40. Ice cream

19.8K 543 37
By skycharm24

Zaide Travis

Hindi niya inaasahan na sila ang kukunin ng RGC pagkatapos ng naging encounter nila ni Chloe but he glad na hindi siya nito penersonal. Ayon sa secretary nito ay tatawag nalang silang muli kapag ready na ang mga papeles para pirmahan nila.

He's going to Kylie' s school dahil may mini program ang mga ito at kailangan ang mga Parents pero busy si Olivia dahil may inaasikaso.

Pagdating kay Kylie ay kaya niyang e adjust ang oras. She's to cute to resist. Naisip niya na possibleng magkita sila ni Chloe dahil magkaklase ang mga bata.

Napaaga ang dating niya sa school at naabutan niyang naglalaro si Kylie sa at ang mga kaklase nito. Si Maureen naman ay nakaupo lang at nakangiting nakatanaw sa mga kaklase.

" Kylie! " tinatawag niya ito.

" Papa! " tuwang lumapit ito sa kanya at yumakap. " Ikaw po ang nandito?"

" Princess, your Mom is busy, you know why naman diba?" tumango ito sa kanya.

" Bakit hindi n'yo siya isali?" turo niya kay Maureen.

" Maui is tired Papa, pahinga daw po muna siya." Maui pala ang palayaw niyo.

" Are you friends with Maui' Princess?" wala naman sa kanya kung magiging magkaibigan ang mga ito.

" Yes po, she's nice naman kasi, Papa, I want Ice cream too." ungot nito sa kanya. Nakita kasi nito ang kaklase na buhat ng ama at may hawak na Ice cream. Nadaanan niya kanina sa labas ang nagtitinda ng Ice cream.

" Okay Princess let's go." tuwang tuwa naman ito, lumabas sila at binilhan niya ito ng Ice cream, masayang bumalik ito sa mga kaklase pagkatapos habang hawak ang ice cream nito. Binilinan niya ang Yaya nito na bantayan at baka madumihan ang uniform. Muli niyang nasulyapan si Maui. Malungkot na nakatingin ito sa mga kaklase na kumakain ng Ice cream.

" Hi Maui.." hindi niya napigilan ang sarili na lapitan ito. Sa twing nakikita niya ito hindi niya naiisip na anak ito ni Valdez. May kung anong hatak lang talaga sa kanya ang bata.

" Hello Tito Zaide, kayo po pala ang Papa ni Kylie." ngumiti ito sa kanya. Pero bakas sa mga mata nito ang lungkot.

" Gusto mo rin ba ng Ice cream Maui?" tinignan siya nito ng may pag aatubili.

" I don't have money po. Wala pa si Mommy." balak siguro nitong antayin nalang ang ina kahit natatakam narin ito habang nakatingin sa mga kaklase.

" Let's go, Tito Zaide will buy you Ice cream." inilahad niya ang palad niya dito. Pero nagulat siya ng niyakap siya nito sa bewang.

" Thank you po Tito Zaide." Hindi niya maipaliwanag ang tuwa ng tiningala siya nito para magpasalamat, binuhat niya ito at lumabas sila para bumili.

" May isa pa po pala kayong anak Sir, mas kamukha n'yo po iyan kaysa doon sa unang kasama ninyo kanina, nagmana siguro iyon sa Ina?" natawa siya sa sinabi ng nagtitinda ng Ice cream, inakala ba nitong anak niya si Maui?

" Thank you po ulit Tito Zaide.." muli siyang niyakap ni Maui at naramdaman na naman niya ang hindi maipaliwanag na tuwa. Iniisip niya nalang na ito sana ang anak nila ni Chloe kung hindi nito pinili si Valdez.

Bumalik sila sa pwesto nila. Nataranta naman siya dahil madungis na ang mukha ni Maui. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang nagkalat na Ice cream sa mukha nito. Nilagay niya narin ang panyo sa may dibdib nito para hindi madumihan ang damit.

Inabutan naman siya ng Baby wipes ng Yaya ni Kylie saka bumalik sa tabi ng alaga.

" Tignan mo ang cute nilang mag ama." puna ng dalawang babaeng dumaan sa harap nila ni Maui. Napagkamalan na naman silang mag ama.

" Mommy! " nagulat siya ng tumili ito. Paparating na pala ang ina nito.

" Baby, teka anak, ang dungis mo na. Saan mo kinuha ang Ice cream na yan? Paano ka nakabili niyan?" tinuro naman siya ng bata.

" Maui, let's go wash your face, sige na mauna kana." ng makalayo ng konti ang bata ay binalingan siya nito. " I told you to stay away from my daughter. Please Mr. Mondejo, kung ano man ang galit mo sa'kin' ako nalang, wag ang anak ko." saka siya iniwan nito.

Inis na sinundan niya ito ng tingin. Siya na nga itong nagmagandang loob doon sa bata, parang siya pa ang masama. Anong tingin sa kanya nito bampira na anytime sasakmalin ang anak niya.

Chloe Alexandria

" Mommy are you mad?" napansin siguro ng anak ang pagsimangot niya.

" Anak hindi ba bilin ni Mommy sayo huwag kang nakikipag usap kung kanikanino? Nagpabili kapa ng Ice cream." lumungkot ang mukha nito.

" I'm sorry Mommy. Tito Zaide is nice to me and he said he is your friend, diba the other day? Saka I want to eat Ice cream like my friends." napabutonghininga nalang siya.

Bata lang din ang anak niya at normal na gustuhin nitong kainin kung anong meron ang mga kaklase. Baka nag oovereact lang siya. Hindi naman siguro maatim na idamay ni Zaide sa galit nito sa kanya ang anak.

" Did you say thank you baby? " nagliwanag ang mukha nito.

" Yes Mommy. Tito Zaide is Kylie's Papa, Mommy. Buti pa siya Mommy.." naalarma siya sa huling sinabi nito.

" Nako anak, magsisimula na yata ang program ninyo, nasan na ang drawing mo?" pagiiba niya ng usapan.

" It's in my bag Mommy nasa room." inayos niya muna ang buhok nito saka sila lumabas ng washroom.

Kinuha ng anak ang drawing at nakihalo sa mga kaklase. Magsasalita ang mga ito sa gitna tungkol sa iginuhit.

Sa lahat naman ng magulang na naroon si Zaide pa ang katabi niya sa kanan niya.

" I'm sorry for being rude. Thank you sa ginawa mo para sa anak ko." humingi nalang siya ng paumanhin dito.

" Loosen up, wala akong anomang balak sa anak mo. " Saka seryosong tumingin sa mga bata. Hindi na niya ito muling inimikan. Pansin niya na wala itong kasama.

Nabaling kay Maui ang atensiyon niya ng ito na ang magsasalita. Tungkol sa pamilya ang iginuhit ng mga ito.

" This is my family." umpisa ng anak niya. " This is my two DaddyLo and two MommyLa. They love me very much. This is Tito Xhan, he likes to play with me. " si Xhan palang kasi ang nakikilala nito. " This is my Mommy, she takes care of me and love me so much, she's the best Mommy in the whole world. " napaluha siya sa sinabi ng anak. " And this is my Papa, he's in heaven with Jesus. I miss him so much." pinahid niya ang luha at nilapitan ito dahil nag umpisa na itong umiyak, mabuti nalang at tapos na ito. Pumalakpak naman ang mga naroon at kita niya ang mga mata ng ilang magulang na malungkot na nakatingin sa anak niya.

" Ssshhhh it's alright Baby, ang galing naman ng Baby ko. I love you anak." kinarga niya ito at bumalik sila sa upuan niya.

Nagtago ito sa leeg niya. Nahiya marahil sa pag iyak. " It's okay Baby, you did a very good job. Maui is very brave." Ilan lang yata silang maayos na nakapagsalita sa maliit na stage na naroon. At proud siya sa anak.

" Good job Maui." nagulat siya ng magsalita si Zaide sa tabi niya. Sinilip naman ito ng anak niya. " Here, stop crying na." Inabutan niya ito ng lollipop.

Himala namang umayos ng upo ang anak niya sa kandungan niya. " Thankyou Tito Zaide." pinahid nito ang sariling luha saka tinanggap ang lollipop. Maya maya ay bumaba narin ito sa lap niya at bumalik sa mga kaklase.

" She's very smart. " muli niyang nilingon ang nagsalitang katabi.

" Thank you." sagot niya dito. Masaya siya na pinuri nito ang anak, kung pwede niya lang sabihin dito ang totoo.

Pagkatapos ng program ay nag award ang Teacher ng mga ito at si Maui ang nakakuha ng unang pwesto. Siya ang nagdikit ng Gold Star sa damit ng anak. Pinalakpakan naman sila ng mga bata at magulang na naroon.

Si Kylie naman ay nakakuha ng pangatlong pwesto saka naman dumating ang ina nito at tama ang hula niya. Si Olivia ang ina ng bata.

Mabilis silang umalis ng anak pagkatapos ng program. Kitang kita niya kung paano binuhat ni Zaide si Kylie habang nakasunod sa mga ito si Olivia. Larawan ang mga ito ng masayang pamilya. Pumatak ang luha niya. Masakit makitang masaya na ito pero anong iniiyak niya, yon din naman ang gusto niya noon, ibinilin niya pa nga si Zaide kay Olivia. At isa pa siya naman ang umalis.

" Mommy are you crying? " napansin ng anak niya ang pagpahid niya ng luha.

" Mommy is happy and so proud of you baby." isinantabi niya ang nararamdaman. Magiging masaya sila ng anak kahit sila lang.

Ibinida ng anak ang Gold Star sa mga magulang. Tuwang tuwa naman dito ang Mommy at Daddy niya pati narin si Xhan. Pagkatapos nilang magdinner ay nilinisan at binihisan na niya ito saka hinayaang maglaro. Naglinis narin siya ng katawan at nagpalit ng pantulog. Palabas na siya ng banyo ng marinig na kinakausap nito ang picture ni Ethan.

" Papa look I got the Gold Star today, are you happy for me Papa? I miss you so much." malungkot na naman ito.

" Anak..dadalawin natin bukas sina Ninang Elle at Ninang Sab, diba namimiss mo sila. " nagkunwari siyang palabas palang ng banyo.

" Talaga Mommy? " inakay niya ito sa bed at tinabihan.

" Oo Baby, ang galing galing ng Baby ko today, sigurado akong proud din ang Papa mo sayo at nakangiti siya ngayon sa heaven." Pagkatapos nito magdasal ay kung ano ano pa ang pinag usapan nila hanggang sa nakatulog nalang ito.

" I'm sorry anak. Patawarin mo si Mommy dahil nasasaktan ka sa mga desisyon na ginawa ko noon. Sana ay maging sapat ang pagmamahal ko para kahit papaano ay hindi kana maging malungkot." niyakap niya na ito.

Hinatid niya kinabukasan ang anak sa mga kaibigan, ipapasyal daw ng mga ito si Maui.

" Ingatan n'yo ang anak ko, sasaglit lang naman ako sa opisina. Hindi naman siya makulit kaya hindi kayo mahihirapan." bilin niya sa mga ito. Minsan na siyang nawala noong bata siya at ayaw niyang mangyari iyon sa anak. Pero mabuti nalang na nawala siya noon, nahanap naman niya ang Mommy Trisha niya.

" Don't worry Claw, kami na ang bahala kay Maui." sagot ni Sab sa kanya.

" Anak wag kang malikot ha, huwag kang lalayo sa mga Ninang mo. I love you Baby." hinalikan niya ang pisngi nito.

" Yes Mommy. I love you too." kumaway pa ito sa kanya.

Ipinasyal naman ng dalawa si Maui sa Mall. Pinakain muna nila ito sa ultimate favorite fast food ng mga bata. Saka sila nanood ng sine. Hindi pa nangangalahati ang palabas ay nagyaya itong magbanyo kaya lumabas nalang silang tatlo.

" Come Maui, Ninang will buy dress for you." hinila ito ni Sab papasok sa isang shop pambata. Sumunod naman sa kanila si Elle.

Tuwang namili sila ng mga damit para sa inaanak.

" Gabrielle? Ma. Ysabella?" pareho silang napatingin sa tumawag sa kanila.

" Nicole? " nakilala ito ni Elle, kaklase nila ito noong college at madalas nitong paginitan si Chloe.

" Hi girls, yeah it's me. I'm buying clothes for my daughter. Kaninong anak yang kasama..OMG! anak ba ni Chloe at Zaide Travis yang bata?" nagulat sila sa sinabi nito.

" Anong pinagsasabi mo? Anak nga ni Chloe yong bata pero anak nila ni Ethan." inis na sagot ni Elle sa dating kaklase.

" You can't fool me Gabrielle! Hindi ako bulag, kamukha ni Zaide yong bata, titigan n'yo siyang mabuti." saka sila nito iniwan.

Hindi napansin ng tatlo ang isa pang nakarinig sa sinabi ni Nicole. Agad nitong sinundan ang babae ng makalayo sa mga naroon.

" Anong sinasabi mong anak ko yong bata!" hinaklit niya ito sa braso.

" Shit! " gulat na binawi ni Nicole ang braso. " What the hell Zaide Travis? You scared me!" sinamaan niya nito ng tingin." Bakit? Hindi ba ikaw ang ama nong bata? Bulag ka ba? Bahala nga kayo sa mga buhay ninyo!" inis na tinalikuran niya ito. Dati siyang patay na patay dito pero alam niyang si Chloe ang gusto nito.

Samantalang naiwang naguguluhan si Zaide. Ilang beses ng napagkakamalang anak niya Maui.

Naroon sila sa Mall ni Olivia pati narin ni Kylie dahil pinamili nila ito bilang premyo sa award na nakuha sa school nito kahapon. Nagbanyo lang ang dalawa.

Hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng tatlo na nagkataong naroon din sa loob ng shop. Namimili siya ng damit para kay Kylie.

Muli niyang hinanap ang mga ito. Gusto niyang magtanong kung anong pinagsasabi ni Nicole. Naabutan niya ang mga itong natataranta.

" She's just here, nakatayo lang si Maui dito. Sab, saan napunta ang bata? " kinabahan si Zaide sa narinig..

" Naikot ko na ang shop, wala siya." sagot naman ni Sab sa kaibigan. " Baka nakalabas ng shop, hanapin na natin. Patay tayo kay Chloe nito." nakita ni Zaide na lumabas ang dalawa ng shop.

Nakita niya kaninang kasama lang ng mga ito ang bata. Papaanong bigla nalang nawala. Hindi niya maintindihan pero nag aalala siya para dito.

Lumabas na rin si Zaide ng shop at palinga lingang hinanap si Maui sa loob ng mall. Natatandaan niya ang suot nito. Puting damit at may katernong headban sa ulo.

Inikot niya ang lugar malapit sa shop. Tinitignan niya ring mabuti ang bawat batang nakakasalubong. Hindi niya maintindihan ang kabang nararamdaman.

May natanaw siyang babaeng sa di kalayuan na mabilis maglakad at may hila hilang bata, kapareho ng suot at ayos ni Maui. Agad niya itong sinundan, tingin niya ay palabas ito ng mall. Binilisan pa niya ang paghahabol sa mga ito. May nakita siyang guard sa unahan.

" Radyohan mo ang mga kasama mong nasa labasan. Huwag munang hayaang palabasin ang mga may kasamang bata. May nanguha ng bata." nakita niyang binuhat na ng babae si Maui.

Hindi na niya alintana ang mga taong nababanga niya, gusto niya lang ngayon ay mabawi si Maui. Kanina pa nagriring ang cellphone niya, maaring hinahanap na siya nina Olivia.

" Saan mo dadalhin ang bata?" gulat na napalingon ito sa kanya. Mabilis niyang inagaw si Maui dito.

" Anak ko yan! Akin na ang anak ko." sigaw nito.

Mahigpit niyang niyakap si Maui. " Talaga? Anak mo ang batang to? Paano nangyari yon? Kilala ko ang ina ng batang to!" tanaw na ni Zaide ang mga Guard na papalapit.

" Anak ko sabi yan. Maraming kamukha ang anak ko. Sino ka ba? Bakit ka nangingialam!?" kung hindi lang babae ang kaharap niya kanina niya pa ito sinapak.

Saka naman ito hinahawakan ng mga Guard. Nag uumpisa naring umiyak si Maui. Natakot marahil ang bata sa sigawan nila.

" Bakit ako ang hinuhuli ninyo! Anak ko yan. Inagaw siya ng lalaking yan." pinipilit parin nito ang kasinungalingan.

Binaba niya si Maui na nakayakap sa kanya. " Maui, look at me. Kilala mo ba ako?" pinahid niya ang luha nito.

Tumango ito. " Tito Zaide." sagot nito.

" Kilala mo ba ang babaeng yan?" tinuro niya ang babaeng pinipilit parin ang kasinungalingan.

Umiling ang bata. " She said she know's Mommy, she will take me to Mommy." saka ito muling yumakap at nagtago sa leeg niya.

" Ano?! Magsisinungaling ka pa?" baling niya sa babae.

" Sir dadalhin na namin ito sa presento, sumunod nalang kayo. Sindikato yata ang isang ito. Mabuti nalang nabawi ninyo agad ang bata." sabi ng isang guardiya.

Binigay niya nalang ang number niya sa mga ito para tawagan siya kung saang presento. Priority niya si Maui na umiiyak parin.

" Ssshhhh, It's okay Maui, I'll take you to your Mom. Huwag ka ng matakot. Andito si Tito Zaide." nakasiksik parin ito sa leeg niya habang humihikbi.

Hinanap nila sina Elle at Sab kasama ang isang guardiya. Naroon pala ang mga ito sa opisina ng Mall. Nadatnan din nila doon ang umiiyak na si Chloe.

" Maui..," agad na niyakap nito ang anak na buhat pa niya. Yumakap naman ito sa ina. "Mommy.."

" Shhhh..andito na si Mommy anak. Salamat at ligtas ka." binigay na niya ito kay Chloe. Lumuluha naman naman si Elle at Sab na nakatingin sa mag ina.

" Sa susunod po ay ingatan ninyong mabuti ang anak ninyo. Naglipana po ang masasamang loob at hula namin ay sindikato ang nasa likod nito. Sumama nalang po kayo sa opisina para magsampa ng kaso doon sa nahuling kumuha sa anak ninyo. Mabuti at naitawag agad sa amin ang nangyari, may ilan pang bata ang nabawi ng mga kasama ko sa loob ng Van sa parking lot, na maaring get away vehicle ng mga suspek." ayon sa Pulis na naroon.

Naisip naman ni Zaide si Kylie. Nagpaalam siya saglit para tawagan niya si Olivia. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakuwi na ang mga ito at tulog na daw ang bata.

" Kami nalang ni Sab ang sasama sa presento Chloe, iuwi mo na si Maui." suhestiyon ni Elle.

" Sir sumama narin po kayo para makapagbigay kayo ng statement at makapagsampa ng kaso sa nagtangkang kumuha sa anak ninyo." baling ng Pulis kay Zaide.

" Mommy, I'm sleepy.." si Maui ang bumasag sa biglaan nilang pananahimik.

" Maraming salamat sa pagliligtas sa anak ko. Mauna na kami." nagmamadaling umalis si Chloe buhat ang anak. Abot abot ang kaba niya.

Palagi nalang pinaglalapit ng tadhana ang anak niya at ang tunay na ama nito. Pero ang mahalaga kay Chloe ay ligtas ang anak dahil hindi niya kakayanin kung sakaling mawawala ito sa kanya.

Itutuloy....

Malapit na si Zaide sa katotohanan pak! Hahaha...

Skycharm24



Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 97 13
Zhaniah Del Franco was suffering on a serious disease. She has only one-year or shorter span of living. She met the band Which Option including the b...
69.8K 2.2K 36
Lalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled...
2.2M 63.8K 58
"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take wh...
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...