[BOOK 1] [UNDER REVISION!!!]...

By MaryFaaaith

632K 20.4K 1.5K

Suplada partnered with a Suplado and Suplado partnered with a Suplada? What do you think will happen between... More

WMSMMS Prologue
1st Chapter "Introduce Yourself"
2nd Chapter "Her Boy Version"
3rd Chapter "Her Brothers"
4th Chapter "First Conversation"
5th Chapter "The Silver Effect"
6th Chapter "His Half-Brother"
7th Chapter "Best friends' Quarrel"
8th Chapter "Lucas' Realization"
9th Chapter "Practice Day PART I"
10th Chapter "Practice Day PART II"
11th Chapter "Lady In Black"
12th Chapter "Favor"
13th Chapter "Ally"
14th Chapter "Vester"
15th Chapter "She's back"
16th Chapter "Here She Comes"
17th Chapter "Megan's First"
18th Chapter "Manliligaw?"
19th Chapter "What's Happening?"
20th Chapter "The Half-brothers"
21st Chapter "Baril"
22nd Chapter "Gusto Kita"
23rd Chapter "Break-up"
24th Chapter "Broken Hearts"
25th Chapter "Changes"
26th Chapter "Weird"
27th Chapter "Dinner"
28th Chapter "Sense"
29th Chapter "Sisters"
30th Chapter "Jealous"
31st Chapter "Unexpected"
33rd Chapter "Paper Airplane"
34th Chapter "Sorry"
35th Chapter "Goodbye"
36th Chapter "Vester's Side"
37th Chapter "Bestfriend"
38th Chapter "Mean Girls"
39th Chapter "The Former Bad Boy"
40th Chapter "Their Plan"
41st Chapter "Icy's Power"
42nd Chapter "Hindi Ko Alam"
43rd Chapter "Fake Rival"
44th Chapter "It Started With A Book"
45th Chapter "Langit"
46th Chapter "My Flirty Baby Brother"
47th Chapter "Hug"
48th Chapter "The Owner's Grandson"
49th Chapter "Punishment"
50th Chapter "TriZiCas Bros Part I"
51st Chapter "TriZiCas Bros Part II
52nd Chapter "The Evanzado Siblings"
53rd Chapter "XeRion"
54th Chapter "Badtrip"
55th Chapter "That Smile"
56th Chapter "CyVer's Quarrel"
57th Chapter "The Secret"
58th Chapter "Behind His Secret"
59th Chapter "I Love You, Baby"
60th Chapter "Truth Hurts"
61st Chapter "Sleeping Princess"
62nd Chapter "L.I.B.'s Identity"
63rd Chapter "Savior"
64th Chapter "Mission"
65th Chapter "Three Months"
66th Chapter "Next"
67th Chapter "Visitors"
68th Chapter "Three Things"
69th Chapter "Sanver"
70th Chapter "Secrets"
71st Chapter "Choosing Between Options"
72nd Chapter "CyVer's Endearment (Part I) "
73rd Chapter "CyVer's Endearment (Part II)
74th Chapter "Endearment History"
75th Chapter "Angelo the Saviour"
76th Chapter "Mistake"
77th Chapter "The Real Her"
78th Chapter "Her Story"
79th Chapter "Fire"
80th Chapter "A Show"
81st Chapter "30 Seconds... Game Over"
82nd Chapter "Tears"
83rd Chapter "Four Years Later"
WMSMMS Epilogue
BOOK 2???
Book 2 is now AVAILABLE!
2020 ANNOUNCEMENT! [PLS READ]

32nd Chapter "Thank You Kiss"

6.8K 266 18
By MaryFaaaith

ICY's POV

"Hi bayaw!" bati ni kuya Lucas kay Silver na sumulpot dito sa veranda.

Tumalikod nalang ako sa kanila. At dinama na lang ang masarap na hangin.

Nakatambay lang ako dito sa veranda kasama sina kuya Lucas at kuya Jazi.

Pero teka, nang-aasar nanaman ba itong si kuya Lucas? Tawagin ba namang bayaw si Silver.

"What brings you here, bayaw?" argrr!! Pati ba naman itong si kuya Jazi! Nakakaasar na talaga sila.

"Wala kuya, namiss ko lang si Icy." eh? Ang OA naman nito! Kakakita nga lang namin kahapon.

"Letse! Nakakabakla! Kinikilig ako sa inyo!" sabi ni kuya Lucas tapos rinig kong may hinampas sya.

"Wag mo nga akong hampasin! Bwisit ka ang sakit mong manghampas!" reklamo ni kuya Jazi. So sya pala yung hinampas ni kuya Lucas.

"Wag ka ngang bakla kuya! Mahina lang naman yun!" dipensa naman ni kuya Lucas. Pero hindi na sya sinagot ni kuya Jazi dahil ako na yung kinausap nya.

"Princess, may nakakamiss sayo." sabi sa akin ni kuya Jazi pero hindi ko sya pinansin. Bahala sila dyan. Basta ako, magpapakasarap lang sa hangin.

"Namimiss kita." may biglang bumulong sa tenga ko at siguradong si Silver yun. Nilingon ko sya at tinulak ng mahina.

"Hindi kita namimiss!" sabi ko tapos tinalikuran ko ulit sya.

"Hahaha ano yan? LQ?"tumingin ako kay kuya Jazi at nakita kong nakangisi sya. Agad ko nalang inirapan si kuya. LQ na pinagsasabi nya dyan.

Tumabi sa akin si Silver at inakbayan ako.

"May tanong ako sayo." bulong nanaman ni Silver. Pansin ko, ang hilig nyang bumulong.

"Ano yun?" mahinang sabi ko. Sapat lang yung boses ko para marinig ni Silver.

"You kissed me yesterday and that was very unexpected. So anong ibig sabihin nun?" kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong nakangisi sya. Mahina lang yung pagkakasabi nya, buti naman at mahina lang, kasi kung hindi ay siguradong lulunurin na ako nila kuya dito sa kanilang pang-aasar.

Haist! Yun nga yung kanina ko pang iniisip eh! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit ko sya hinalikan kahapon sa pisngi. Basta ang alam ko lang ay gusto ko lang mag-thank you sa kanya. Kahit ganyan si Silver ay sobrang bait naman nya kaya gusto ko syang pasalamatan sa lahat ng kabaitan nya. But why the hell did I kissed him?! Gusto ko na syang i-reject kasi ayoko talagang may nanliligaw sa akin pero kapag naiisip ko na i-reject si Silver, parang napakahirap. Si Vester naman, ilang beses ko na syang ni-reject pero tuloy parin sya. Pero habang tumatagal ay nababaitan na ako kay Vester lalo na kapag nasa seryosong aura sya, atsaka parang may mabigat syang pinagdadaanan.

"Huh? A-ano... I-it is just a thank you kiss. Wag kang mag-isip ng kung ano dyan." mautal-utal na sabi ko. Totoo naman eh! Thank you kiss lang yun! Madalas ko nga yun gawin kina kuya, kay Megan, pati nga kina mom and dad nung nandito pa sila. Siguro nasanay lang ako kaya nagawa ko rin yun sa iba.

"Ah ganun ba. Tsk! Akala ko pa naman!" mahina parin yung pagkakasabi nya pero may halong pagkadismaya.

Haha anong ine-expect nya? Na kaya ko sya hinalikan dahil sasagutin ko na sya? Aba! Manigas sya dyan dahil hindi ko alam kung mangyayari ba yun.

May kung anong naramdaman ako sa tyan ko kasabay na rin ng mabilis na pagkabog ng dibdib ko nang bigla nya rin akong halikan sa pisngi.

Agad naman akong napalingon sa dalawang kuya ko na nandito. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong tutok na tutok si kuya Jazi sa kanyang phone habang si kuya Lucas naman ay nakatingin sa ibang direksyon na parang ang lalim-lalim ng iniisip. So ang ibig sabihin nun ay hindi nila nakita yung ginawa sa akin ni Silver, hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nakita nila yun.

Hinarap ko si Silver na ngayon ay napakalapad na ng ngiti.

"Bakit mo yun ginawa?!" pabulong na tanong ko.

"Wala. It was also just a thank you kiss." hindi pa rin natatanggal yung malapad na ngiti nya.

"Bakit ka nagtha-thank you?" tapos tinaasan ko sya ng kilay. Ano naman kayang ginawa ko para magpasalamat sya?

"Kasi hinalikan mo ako kahapon. Sorry pala kung late na akong nag-thank you huh." nakangising sabi nya.

"Baliw." nabigla ulit ako nang halikan nya ulit ako sa pisngi. Nakakadalawa na sya ah! Nakakainis na.

Lumingon ulit ako kina kuya pero ganun parin yung ginagawa nila.

"Don't worry. Hindi sila nakatingin, kaya gumanti ka na para fair." pilyong sabi ni Silver. Kaya binatukan ko sya ng malakas.

"Nakakainis ka na!" malakas na sabi ko tapos hinampas ko pa sya ng malakas.

"Aray! Icy, binibiro lang naman kita!" reklamo ni Silver matapos ko syang batukan at hampasin.

"Princess! Masyado ka nang brutal. Kawawa naman si Silver." napalingon ako doon sa nagsalita at nakita ko si kuya Trion na nakasandal sa sliding door. Don't tell me na kanina pang nandyan si kuya.

"K-kuya... A-no... K-kanina ka pa ba dyan?" tanong ko kay kuya Trion tapos marahan naman syang tumango at lumapit sa amin.

"Princess, sa susunod iiwasan mo ng mangbugbog, kawawa naman yung tao oh!" pangaral ni kuya Trion. Hanggang ngayon ay palagi parin syang seryoso. Kailan ko kaya ulit makikita si kuya Trion na ngumiti at tumawa?                                                                 
"Eh kuya, sya naman kasi eh!" tumingin ako kay Silver tapos inirapan ko sya.

"At ikaw naman Silver, bakit mo hinalikan ng dalawang beses yung kapatid ko ha? Ayan tuloy natamaan ka." nanlaki yung mga mata ko sa tanong ni kuya Trion kay Silver. Nakaramdam tuloy ako ng hiya kasi nakita pala ni kuya Trion yung ginawa sa akin ni Silver.

"Nauna kaya sya kuya Trion, gumanti lang ako para fair." nakita kong nanlaki yung mata ni kuya Trion kaya pinaghahampas ko si Silver.

"ANONG PARA FAIR?! HINDI NA YUN FAIR KASI NAKADALAWA KA NA TAPOS AKO ISA LANG! THAT WAS SO UNFAIR SILVER!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko sya, panay naman ang reklamo nya kasi masakit akong manghampas.

"Edi gumanti ka sa akin para fair!" ang sarap talagang gulpihin ng lalaking 'to.

"AYOKO NGA!" tinalikuran ko sya at nag-cross arms. Ewan ko ba kung anong nangyari dito sa dalawa ko pang mga kuya, parang wala na silang naririnig dahil may mga kanya-kanya silang sariling mundo. Parang kanina lang ay nang-aasar pa sila tapos ngayon bigla silang gaganyan-ganyan. Pero okay na rin yan, dahil kung hindi ay paniguradong aasarin nanaman nila ako.

"Kuya Trion oh! Icy is being so unfair!" parang bata kung magsumbong si Silver kay kuya Trion.

But this time, si kuya Trion naman ang bumatok kay Silver. Hahaha buti nga sayo Silver!

"Tama na ang chansing. Malilintikan ka sa akin kapag sumobra ka na! Hindi porket gusto kita para sa kapatid ko ay pwede mo nang gawin ang gusto mo." panenermon ni kuya Trion.

"Wag kang mag-alala kuya. I know my limitations. Just trust me." komportableng sabi ni Silver.

"Princess, tama ba na ikaw yung nauna?" seryosong tanong sa akin ni kuya Trion habang nakataas pa ang kilay.

"Kuya nag-thank you lang naman ako. That's all." sagot ko habang naka-cross arms. Napatango-tango naman si kuya Trion tapos inakbayan nya si Silver. Tumalikod naman sila sa akin.

"Alam mo kasi bro.." rinig kong panimula ni kuya Trion kay Silver. "Kahit ganyan yang si Princess ay napaka-sweet nyan. Kapag nagustuhan nya yung ginagawa mo o kaya magpapasalamat sya sayo ay bigla ka nalang nyan hahalikan sa pisngi." pagpapatuloy ni kuya tapos lumingon sya sa akin na may nakakalokong ngiti. Tama ba yung nakikita ko? Ang tagal na kasing hindi ngumiti ni kuya Trion eh.

"Princess, tama ako diba?" nakangiting tanong ni kuya Trion. Ngayon na nga lang ulit ngumiti si kuya, yung mapang-asar pa.

"Ewan ko sayo kuya." sagot ko nalang. Tama naman kasi yung sinabi ni kuya Trion eh, ganun talaga ako.

"One more thing about kay Princess. Kapag sinabi nyang 'ewan ko sayo', that sometimes means yes." sabi ni kuya kay Silver. Narinig kong natatawa lang si Silver sa mga pinagsasabi sa kanya ni kuya Trion.

"Kuya!! Nakakainis ka na rin!" tinawanan lang ako ni kuya Trion.

"Uy kuya! Okay ka na?" muling nabuhay si kuya Jazi at biglang tinanong si kuya Trion.

"Alam mo kasi bro, ang mga gwapo na katulad ko ay dapat palaging okay." nakangiting sabi ni kuya Trion.

"Mabuti naman kuya at bumalik ka na sa dati. Pero kahit anong mangyari ay mas gwapo parin ako sayo." tapos tumawa ng malakas si kuya Jazi pero binatukan sya ni kuya Trion.

"Wag ka ngang magpantasya dyan Jazi! Mas gwapo ako sayo. Tapos!" haha ito yung namimiss kong makita. Yung nagtatalo silang tatlo kung sino ba ang gwapo. Maya-maya ay nabuhay na din si kuya Lucas.

"Wag na nga kayong magtalo dyan mga kuya! Dahil sa ating tatlo, ako yung pinakagwapo!" sabi ni kuya Lucas na parang ang laki-laki ng pinagmamalaki sa sarili.

Pero tinawanan lang sya ni kuya Trion ng malakas. Yung tawa na parang wala ng bukas.

"Hoy kuya! Bakit mo ko pinagtatawanan?! Atsaka mukhang okay na okay ka na ah! Nagkabalikan na ba kayo ni ate Xe---" nagsalita kaagad si kuya Trion. Parang ayaw nyang marinig yung pangalan ni ate Xena.

"Wala. Tapos na tapos na talaga. Please lang, wag nyo na syang banggitin. Nagmo-move on na ako kahit mahirap." biglang sumeryoso yung boses ni kuya Trion. Halata sa boses nya na nasasaktan parin sya pero ngayon pinipilit na nyang maging masaya ulit.

"Ah ganun ba kuya. Sorry." paumanhin ni kuya Lucas. "Basta lagi nyong tatandaan na ako yung pinakagwapo sa ating tatlo." sabi pa ni kuya Lucas tapos sya naman itong tumawa ng malakas. Ibinabalik ni kuya Lucas yung mood ni kuya Trion kanina kasi bigla ulit nalungkot si kuya Trion.

"Mali ka bro, walang gwapong burara." natatawang iiling-iling na sabi ni kuya Trion kay kuya Lucas.

"Hindi naman ako burara ah!" pagtatanggol ni kuya Lucas sa sarili.

"Kung hindi ka nga burara, bakit ito pakalat-kalat?" tapos itinaas ni kuya Trion yung bagay na kanina pa nyang tinatago sa likuran nya. Nanlaki naman yung mga mata ni kuya Lucas.

"B-binasa mo ba k-kuya?" parang kinakabahan si kuya Lucas. Ano kayang meron sa notebook na yun or should I say sa diary ni kuya Lucas.

"Oo pero hindi naman lahat." nakakaloko na yung mga ngiti ni kuya Trion, para bang may something syang nalaman.

"A-anong nabasa mo kuya?" hindi na maipinta yung pagmumukha ngayon ni kuya Lucas.

"Yung mga latest lang naman." lalong lumapad yung ngiti ni kuya Trion habang si kuya Lucas naman ay lalong nanlaki yung mga mata.

"Akin na nga yan kuya!" tumayo si kuya Lucas para kunin kay kuya Trion yung diary.

"Ayoko nga! Babasahin ko muna para sa kanila." tapos binuklat ni kuya Trion yung diary at nagsimulang magbasa.

"Hoy Diary..." malumanay na basa ni kuya Trion. Natawa naman kaming lahat pwera kay kuya Lucas kasi imbis na 'Dear Diary' ang nakasulat dun ay 'Hoy Diary' pala yung isinulat ni kuya Lucas.

Ipagpapatuloy na sana ni kuya Trion yung pagbabasa pero agad na itong hinablot ni kuya Lucas.

"Kuya naman kasi! Kung ano man yung nalaman mo dito ay secret nalang natin please?" pagmamakaawa ni kuya Lucas habang yakap-yakap na nya yung diary para wala nang makaagaw pa sa kanya nito.

Hindi sinagot ni kuya Trion si kuya Lucas at lumapit dito sa lugar ko tapos tumingin sa baba.

"Papuntahin mo dito si Megan." bulong sa akin ni kuya Trion.

Tumingin din ako sa baba at nakita ko si bi na naglalakad sa kalsada. Sakto naman na napatingin sya dito sa taas at kinawayan ako.

Sumenyas naman ako na pumunta sya dito pero umiling sya. Binigyan ko sya ng magagalit-ako-kapag-hindi-ka-pumunta-dito look. Effective naman yung ginawa ko at maya-maya ay nandito na si bi.

"Hi bi, hi kuya Trion, hi kuya Jazi, at hi Silver." bakit hindi nya binati si kuya Lucas?

"Megan may nakalimutan kang batiin." nakangiting sabi ni kuya Trion.

"H-ha? S-sino kuya?" ngumuso si kuya Trion doon sa lugar ni kuya Lucas.

"Ah hehe.." kamot-ulong sabi ni bi. "H-hello." awkward na sabi ni bi kay kuya Lucas.

"H-hi." parang hi lang, nautal pa itong si kuya Lucas.

"Teka nga, ano ba ang nangyayari sa inyong dalawa? Bakit kayo nagkakaganyan?" natatawang tanong ni kuya Jazi kina kuya Lucas at Megan.

Kahit ako ay nagtataka na rin kung bakit sila naging biglang awkward sa isa't-isa.

"Icy, anong meron kina kuya Lucas at Megan?" bumulong nanaman sa akin si Silver.

"Hindi ko nga rin alam eh. Hindi naman sila ganyan dati." sagot ko naman.

Nakita kong huminga ng malalim si kuya Lucas tapos pumunta sya sa harapan ni Megan.

"Megan.." seryosong tawag ni kuya Lucas. Nakayuko lang si Megan na para bang nahihiya.

"Look at me." sabi pa ni kuya Lucas tapos iniangat nya yung ulo ni bi at hinawi ang buhok. Nagtagpo ang mga mata nila.

"I love you." mahina lang yung pagkakasabi ni kuya Lucas pero rinig naman namin ito. Sabi na nga ba eh! Mahal ni kuya Lucas yung bestfriend ko.

Nakita ko ang panginginig ng mga tuhod ni bi. At yung mukha nya ay sobrang namumula na.

"Simula ngayon, liligawan na kita." oh my god! Hindi ko ito akalain! Na yung pagbabangayan nila palagi ay mauuwi sa ligawan.

"Aww ang sweet naman." lahat kami ay napalingon sa nakangiting si ate Charm.

Hindi na namin napansin ang pagdating ni ate Charm dahil nakatutok kami kina kuya Lucas at Megan.

"Hi ate Charm!" masayang bati ni kuya Lucas na ngayon ay nakaakbay na kay bi. Hahaha dumadamoves na si kuya!

"Very good choice Lucas huh! Goodluck sa panliligaw!" sabi ni ate Charm tapos kumindat pa sya. Ang lakas talaga ng charms ni ate Charm, kaya siguro patay na patay sa kanya si kuya Jazi.

"Hi Prince! I miss you!" lumapit si ate Charm kay kuya Jazi at hinalikan si kuya sa pisngi.

"I miss you too." nakangiting sabi naman ni kuya Jazi tapos hinalikan din nya sa pisngi si ate Charm.

Sobra naman sila kung makamiss sa isa't-isa, eh magkasama nga lang sila kaninang umaga. Well siguro, ganun talaga.

Bigla naman akong kinulbit ni Silver kaya nilingon ko sya, sobrang seryoso na ngayon ng mukha nya.

"Icy, girlfriend ba sya ni kuya Jazi?" seryosong tanong ni Silver.

"Oo, bakit mo natanong?"

"Kasi nakita ko sya kahapon sa seminteryo." huh? Nakita nya si ate Charm sa seminteryo?

"Sigurado ka bang si ate Charm yung nakita mo?" paninigurado ko.

"Oo, siguradong-sigurado ako. Patay na ba yung mga magulang nya?" nabigla ako sa itinanong ni Silver.

"Hindi patay yung mga magulang ni ate Charm. Ang sabi sa amin ni ate Charm ay parehas nasa abroad yung mga parents nya." kumunot naman yung noo ni Silver sa naging sagot ko.

"Pero kinausap nya ako kahapon, ang sabi nya patay na yung mga magulang nya at gusto nya itong ipaghiganti, may tinuro pa nga syang mga puntod kung saan nakahimlay yung mga magulang nya."

"Baka naman hindi yun si ate Charm. Baka naman kamukha lang nya yun." imposible naman kasing si ate Charm nga yung nakita nya.

"Sana nga Icy. Pero kung sya nga talaga yung nakita ko.." huminga muna si Silver ng malalim bago magpatuloy. "Malakas ang kutob ko na niloloko lang nya si kuya Jazi, hindi lang si kuya Jazi, pati na rin kayo." natawa nalang ako sa mga sinabi ni Silver.

"Alam mo Silver, hindi talaga si ate Charm yung nakita mo. Atsaka kami? Lolokohin ni ate Charm? Napaka-imposibleng mangyari yan. Hindi mo lang kasi alam kung gaano kabait yang si ate Charm." nakangiting sabi ko kay Silver, napatango-tango nalang sya.

Lumapit naman dito si ate Charm.

"Hi Princess! I heard that he's your suitor. Ikaw huh!" sabi sa akin ni ate Charm na may halong pang-aasar.

"Ate Charm! Nahahawa ka na kina kuya! Nang-aasar ka na rin!" mahinhin na tumawa lang si ate Charm.

"Hi I'm Charm! And you are?" tapos inilahad nya ang kanyang kamay kay Silver. Pero tinitigan lang yun ni Silver at nag-cross arms.

"Kilala mo na ako diba?" malamig na sabi ni Silver kay ate Charm.

"Huh? Kaya nga kita tinatanong kasi hindi pa kita kilala. You know what Princess? He's funny! Hahaha." ayan tuloy, tinawanan lang sya ni ate Charm.

"Kinausap mo ako kahapon sa seminteryo tapos tinawag mo pa ako sa pangalan ko." ang kulit naman nitong si Silver! Sinabing hindi nga si ate Charm yung nakita nya sa seminteryo eh. Akala ko na-convinced ko na sya na hindi at imposibleng si ate Charm yung nakita nya kahapon, pero hindi parin pala.

"Huh? What are you talking about? Atsaka bakit naman ako nasa seminteryo? Ni hindi nga ako pumupunta sa seminteryo eh." nakakunot na din yung noo ni ate Charm.

"Tsk! Okay fine! Silver is my name." may halong pagka-inis yung pagkakasabi nya.

"Okay. Nice to meet you Silver!" nakangiti na ulit si ate Charm.

"Princess, alam mo bagay talaga kayo ni Silver." bulong sa akin ni ate Charm tapos nginitian nya ako at bumalik na kay kuya Jazi.

Si ate Charm, natututo nang mang-asar. Pero kahit ganun ay sobrang bait naman nya.

"Icy, sya talaga eh! Syang sya. Hindi ako pwedeng magkamali. Masama ang kutob ko dyan kay ate Charm." hmp! Bahala ka na nga dyan Silver! Napaka-imposible ng mga sinasabi mo.

to be continued...

5 comments / 10 votes = next update

Continue Reading

You'll Also Like

208K 2.6K 36
For me to know and for you to find out. This story is my own story don't plagiarized it and this is the original story. Thank you for reading and don...
4.5K 182 31
In a world full of mysterious things, how would you feed your curiosity? How would you feel if you get involve from a different world you doesn't use...
9.4M 102K 39
WARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed with the Prologue because this story conta...
10.9K 573 70
Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outsid...
Wattpad App - Unlock exclusive features