VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

478K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )

6.6K 229 32
By MajorSin

 Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )


******


[ Virgel's PoV ]


Pagpasok ko sa loob ng mansyon, naabutan ko sina Hugo, Ish at Benz na nagbubuklat ng parang isang malaking album.

Ano kayang tinitignan nila?

"O Boss. Kumusta? Okay ka naba?" Tanong ni Hugo nung mapansin niya ako na papalapit sakanila.

Ngumiti ako sakanila " Ah oo hehe" Ewan pero si Hell lang talaga ang kayang magpalinaw ng utak ko. Pag gulong gulo ang isip ko, ang mga salita niya ang nagpapaayos nito. Dati kayang pastor si Hell? 

" Mabuti naman, Boss. Na'san si Hell? " Ish

" Andun sa labas naninigarilyo." Sagot ko sabay upo sa tabi nila. " Ano yang tinitignan niyo?"

" Ah ito ba? Mga dating litrato to ng Virgo Family" Sagot naman ni Ish. Tama siya. Sila nga yung nandun sa mga litrato kasama ang dating Boss.

Medyo bata pa sila Ish dito sa mga litrato na tinitignan namin tapos...

"Pfft. Ikaw ba 'to Benz?" Tanong ko kay Benz sabay turo nung picture. Ang emo niya naman dito tapos sobrang payat pa.

"Hahaha! oo Boss siya nga yan. Parang drug addict lang sa sobrang payat eh." Natatawang sagot ni Ish kaya pati tuloy kami ni Hugo ay natawa.

" Grabe ka naman Ish. *pout* Porket payat drug addict agad? Hindi ba pwedeng.."

"Ano? Tirador ng Katol? Okay Hahahah! "

"Ish naman eh.."

Kahit kailan talaga tong dalawa hahaha.

Pagkatapos naming magtawanan pinagpatuloy na ulit namin ang pagbuklat ng Album. Puro mga picture lang naman nila Ish ang nandito..tapos meron ding mga litrato si Ama na parang nagsasalita siya sa harap ng maraming tao. Grabe, siguro sikat na sikat siya noon.

At ang huling litrato na nakadisplay sa album ay isang malaking group picture.

Pero ang ipinagtaka ko lang ay bakit sampung tao na ngayon ang nasa likuran ni Ama sa picture na'yun?

Andun silang lima ni Ish na nakasuot ng maitim na tuxedo samantalang yung limang tao naman na hindi ko kilala ay nakasuot ng kakaibang suot. Para silang mga ninja sa suot nila. Nakatakip ng parang mask yung bibig at ilong nila.

" Sino sila?" Tanong ko sabay turo dun sa mga parang ninja sa picture.

" Sila ang top 5 Offensive weapon ni Boss Vlad noon." Hugo.

" Top 5 offensive weapon? Pero akala ko ba kayong lima ang.."

" Kaming lima naman ang Top 5 defensive weapon ni Boss Vlad. Diba sabi namin sayo na kami ang limang pinagkakatawilaan ni Boss Vlad pagdating sa seguridad ng buhay niya? Kung kaming lima ay sa seguridad ni Boss Vlad, meron ding limang malalakas na Assassins ang pinagkakatiwalaan niya pagdating sa pagtutumba ng mga target ng organisasyon." Paliwanag ni Hugo.

" Na'san sila? Ba't hindi ko sila nakikita dito sa mansyon?"

" Kasama silang nawala nung mga panahong nadukot si Boss Vlademir ng mga Fuego. Siguro ay tumiwalag na agad sila sa grupo dahil wala na silang master na pagsisilbihan pa." Hugo.

" Eh dun sa nakasabit na malaking frame malapit sa altar, ba't kayong lima lang ang andun?"

" Masyado pamisteryoso kasi ang limang yun. Konti lamang ang nakakaalam sakanila sa organisasyon. Ayaw nilang nakikilala sila. Ni isang beses nga hindi namin nakita ang mga mukha nila dahil palagi itong nakatakip " Sagot naman ni Ish.

Nadapo naman saglit ang tingin ko sa isang Assassin na nakatayo sa kanang bahagi ni Ama.

Kahit nakatakip ang mukha niya pakiramdam ko ay kilala ko na siya..

Hindi ko alam kung baket.

Tapos yung mga mata niya..

Parang pamilyar..

Parang nakita ko na ito dati..


*****

[ Veronica's PoV ]


Matapos umalis nina Kael, Argo at Head Boss dito sa underground, Isa-isa nadin nagsialisan ang ibang myembro. Ganun nadin ang ginawa ko.

Habang naglalakad ako sa loob ng Mansyon, hindi maalis sa utak ko yung titig ni Kael kay Head Boss kanina. Parang iba kasi. Tapos isama mo pa yung kanina na pinasunod ng Head Boss si Kael sakanyang secret office. Hindi naman kasi basta basta ang pinapapasok niya dun. Tanging si Argo at Boss Jin palang ang nakakapasok dun.

Sa tingin ko talaga ay may tinatago sina Head Boss at Kael samin. Pinagdudahan ko na sila  simula nung pinaalis si Kael sa grupo.

"Magandang Umaga po, Ma'am." Nakasalubong ko ang isang butler sa mansyon na may hawak na tray.

"Para saan yan?" Tanong ko sabay tingin sa tray.

"Ah para po ito dun sa taong nakakulong sa storage room, Ma'am" Mukhang yung Boss ng Virgo Family dati ang tinutukoy niya.

"Ako na." Presenta ko.

" Pero ma'am..pinagbabawal po ng Head Boss ang pagpunta sa lugar na'yun. Tanging ako lang po ang pwedeng magbigay ng pagkain dun sa taong nakakulong sa silid na 'yun " Sagot niya na ipinagtaka ko. At baket naman ipinagbabawal ng Head Boss ang pagpunta dun? Tsaka ba't itong ordinaryong Butler lang ang pwedeng pumunta dun?

" Ako na ang bahalang maghatid. Wala naman akong gagawin. Tsaka gusto ko rin makau--"

"Pero bawal po talaga, Ma'am"

" Sandali nga..baket mo ba ako pinagbabawalan?! Hindi mo ba ako kilala?! "

" Pero yun po kasi ang utos--"

"Tahimik!!"
Sigaw ko sabay kuha nung tray. "Subukan mong gumawa pa ng ingay" Pagbabanta ko sabay bigay sakanya ng matalim na tingin.

Gumanti rin siya ng isang matapang na titig sa'kin. Medyo nanginig bigla ang katawan ko sa titig niya. Ang akala ko ay papalag siya pero maya-maya lang rin ay yumuko ito " Sige po. Mag iingat nalang kayo." Aniya pagkatapos ay umalis na siya.

Tinahak ko naman ang direksyon kung saan makikita ang silid ng pinagkukulungan ng nag iisang bihag ng Fuego Clan.

Vlademir Acosta..

Isa sa pinakasikat na businessman noon. Actually sa T.V ko palang siya nakikita. Masyado naman kasing sikat ang taong 'yun. Siya palang ang  kauna unahang filipino businessman na nakapagtayo ng halos limang daang malalaking companya sa buong asya. Tinitingala siya ng marami dati..tapos sa isang iglap nawala nalang siya na parang bula sa industriya. At ang Fuego Clan ang dahilan ng lahat ng yun.

Di parin talaga ako makapaniwala na madali lang siyang nadukot ng Fuego Clan. Sa pagkakaalam ko kasi Pinakamalakas ang Virgo Family noon. Walang nakakapantay nito dahil kay Mr. Acosta. Tapos..Haay ewan.

Tatanungin ko nanga lang siya kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.

dumaan ako sa medyo mahabang pasilyo hanggang sa makarating ako sa kaisa isang storage room ng mansyon. Actually isa nalang itong abandunadong kwarto ngayon.

Pinasok ko ang kwarto at naabutan ko si Mr.Acosta na nakatalikod habang nakaupo.

"Heto na ang tanghalian mo."

" Ilagay mo nalang jan. Salamat." Sagot niya habang hindi natitinag sa galaw niya. Anung problema niya?

" May gusto lang akong itanong, Mr. Acosta."

"Anu yun?" Sabi niya pero hindi parin niya ako tinitignan.

"Humarap ka muna sakin"

"Sabihin mo nalang ang tanong mo, Binibini." Narinig ko pa siyang nag smirk. Ang weird. Ba't parang medyo bata ang boses niya? Ang alam ko medyo matanda na si Mr. Acosta.

" Humarap ka muna! " Sigaw ko. Unti unti naman siyang tumayo sa kinauupuan niya. Pagkatapos ay dahan dahan siyang humarap sa'kin at--Anak ng!

" Teka..hindi ikaw si--Sino ka?!" Gulat akong napatanong sakanya.

Nakita ko naman siyang ngumisi." Sebastian Lorbek. Isang Assassin at tapat na alagad ni Boss Vlademir." Sagot niya na mas lalong ikinagulat ko.

" Tapat na alagad ni Boss Vlademir? Kung ganun isa kang myembro ng Virgo? Anung ginagawa mo dito?!" Agad kong kinuha ang pistol sa likuran ko pagkatapos ay tinutukan ko siya. Ba't siya nakapasok dito sa mansyon ng hindi namin nalalaman? Tsaka isa pa..

Na'san ang bihag namin na si Vlademir Acosta?!

"Paano ako nakapasok? Anung ginagawa ko dito? Pfft. dalawang taon na kaya akong nakakulong dito." 

" ANO?!!" Sigaw ko. "Pinaglalaruan mo ba ako?! "

" Mukha akong nagbibiro pero..pfft. Hindi ako nagbibiro, Binibini." Natatawa na namang sagot niya. Kumulo bigla ang dugo ko dahil parang pinaglalaruan lang ako ng Sebastian na'to kaya lumapit ako sakanya pagkatapos ay idinikit ko ang dulo ng baril na hawak ko sa noo niya.

" Wala akong oras makipagbiruan sayo! Sagutin mo ako ng maayos!! " Sigaw ko ulit sakanya...

..dahilan para magbago ang expresyon ng mukha niya.

"Alam mo bang ayaw na ayaw ko sa mga mabungangang babae?" Tanong niya gamit ang isang napaka seryosong mukha niya. Nakaramdam ako ng konti kaba sa titig niya pero di ko pinahalata.

"Tumahamik ka kung ayaw mong iputok ko ito sa ulo mo!!"

"Iputok mo." Ang lamig ng boses niya. Putek, ba't naging ganito bigla ang aura niya?

Hindi ko magawang kalabitin ang gatilyo dahil parang nanigas ako sa sobrang lamig ng aura at titig niya. Sino ba talaga itong Sebastian Lorbek na'to?

Umalis siya bigla sa harapan ko pagkatapos ay lumapit siya dun sa may lamesa at kumuha ng isang mansanas sa tray pagkatapos ay kinagat.

Nanatili akong nakatayo. Hindi makagalaw ang paa ko! Busit.

" Na'san si Felix? Ba't ikaw ang naghatid ng pagkain dito? Diba pinagbabawal yun ng Head Boss niyo?" Nilingon ko siya. Bumalik na ulit ang dati niyang Aura.

" Yung Butler ba ang tinutukoy mo? Teka..wag mong sabihing.."

"Oo siya nga, si Felix Sy, isa ring Assassin ng Virgo Family. At tama ka..tapat din na alagad ni Boss Vlademir yun."

Virgo Family? Kasapi na naman ng Virgo Family?! Putek! Ilang myembro ng Virgo ba ang malayang nakakapasok sa mansyon ng Fuego?

" Alam niyo, sinet up lang kayo ni Boss." Sabi niya habang ngumunguya ng mansanas.

"Anung ibig mong sabihin?"

" Ang ibig kong sabihin..sinet up lang kayo ni Boss. Pfft." Anak ng! May tama ata to sa utak eh! "Biro lang. Ang totoo niyan, ang Virgo Family mismo ang sinet up niya." Dagdag niya.

" Ang Virgo Family?"

" Tama. Pinaniwala niya ang Virgo Family na ang Fuego Clan ang dumukot sakanya..na were in fact, ako ang naging bihag niyo at hindi siya, diba?." Paliwanag niya pero medyo magulo parin sa utak ko. Ano bang gusto niyang sabihin?  Na hindi talaga nadukot ng Fuego Clan si Mr. Acosta? Hindi pa naman kasi ako myembro ng Fuego nung mga panahon na dinukot nila ang Boss ng Virgo--na hindi naman pala talaga nadukot? Ang gulo!

Pero..

" Kung wala si Mr. Acosta dito..nasan siya? Ba't hanggang ngayon hindi padin siya nagpapakita sa mismong organisasyon niya?"

"Na'san si Boss? Anjan lang siya sa tabi-tabi. Hindi niyo lang nakikita"

Anjan lang sa tabi-tabi?

Hindi lang namin nakikita?

Teka..


Hindi kaya si..


[ Kael's PoV ]

" Ganun ba talaga ka importante sayo ang anak ko, Kael? "

" Opo, Head Boss." Nakita ko namang ngumiti si Mr. Acosta sakin.

" Masaya ako at nagkoroon ng isang matapat na kaibigan ang anak ko." Gulat akong napatingin sakanya nung sabihin niya 'yun. Pero..a-akala ko ba..

"Sinubukan lang kita, Kael."

" Kung ganun wala talaga kayong balak ipapatay si Virgel?" Takhang tanong ko. Tumawa lang siya ng mahina bago sumagot.

" At sinong ama naman ang kayang ipapatay ang sarili niyang anak?" Natatawang tanong niya pabalik.

" Pero...akala ko.."

"Kumusta na siya?" Pag iiba niya ng usapan.

" Ah..ok lang naman po siya,. Nagkamalay na siya kanina"

"Mabuti naman" Sabi ni Mr. Acosta pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupuan niya. Nagsindi siya ng sigarilyo pagkatapos ay tumingin siya sa labas ng bintana nitong secret office niya. Para nadin kasi itong kwarto. May kama, office table, couch, dalawang malalaking bintana at iba pa.

" Pinapunta kita dito dahil sa isa pang balita." Sabi niya ng hindi nakatingin sakin." Isang balitang kailangang malaman ng Virgo Family at ng Fuego Clan."

" Ano po iyon, Head Boss?"

"Kumikilos na si Maximo at ang Elfame Clan. At ang Virgo at Fuego ang target nila ngayon." Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Lumingon si Mr. Acosta sa gawi ko bago nagpatuloy.

"Malapit ng pumutok ang kauna unahang Digmaan ng mga Mafia"

"D-digmaan ng mga Mafia?"

"Oo. Kaya kailangan mong masabihan agad ang Virgo Family na maghanda. At ako na ang magsasabi sa buong Fuego Clan."

"O-opo."

Tumango naman siya " Sige..Makakaalis kana."

" Ah Head Boss..may gusto lang po sana akong malaman."

" Anu yun?"

" Baket? Baket po kayo nagtatago? Baket umalis kayo sa sarili niyong organisasyon? at tsaka Ba't sa mismong Fuego Clan kayo sumapi? diba mortal na magkalaban na dati ang Virgo at Fuego? Wala naba kayong pakialam sa Organisasyong tinayo niyo?" Di ko na napigilan ang sarili ko at natanong ko na lahat ng mga tanong na bumabagabag sa utak ko. Hindi ko lang talaga kasi maisip kung baket eh.

"Kailanman ay hindi ko pinabayaan ang Virgo, Kael. Ni isang beses ba Inutusan ko kayong walong diablo na galawin ang organisasyon ko? Hindi diba? Pinili ko lang ang Fuego Clan dahil gusto ko lang protektahan ang pamilya ko laban sa organisasyon na'to. Tsaka isa pa..gusto kong ipag isa ang dalawang grupo na'to dahil hindi kaya ng Virgo Family ng mag isa na pabagsakin ang  dalawang grupong matagal ko ng gustong itumba."

" Dalawang grupong matagal niyo ng gustong itumba?"

" Ang grupo ng dalawang kasamahan ko dati. Ang Elfame Clan ni Maximo Yusen at ang Martin Family ni Marcelo Martin. Malalakas ang dalawang grupong yun kaya kailangan ko ang lakas ng Fuego Clan para mapabagsak sila." Nakita kong ikinuyom ni Mr.Acosta ang kamay niya matapos niyang banggitin ang Dalawang pangalan ng Mafia Boss ng dalawa sa malalakas na Mafia Org. sa Asya. Lalo na ang pangalang Marcelo. 

Maximo Yusen, Vlademir Acosta at Marcelo Martin..ang tatlong malalakas na Mafia Boss sa mundo ng Mafia ay magkakasama pala dati? Ampotek!

" Ganun po ba.." Yan nalang ang tanging nasabi ko. Ayoko ng magsalita pa..kahit ang totoo eh gusto kong malaman ang tungkol sa ina ni Virgel. Diba sabi ni Hugo na Mafia Queen ang ina ni Virgel ng Martin Family? Kung ganun mag asawa na sila nung Marcelo na'yun? Siguro kaya ganun nalang kagalit ang expresyon ni Mr. Acosta nung mabanggit niya ang Martin Family.

" Wag mo munang ipaalam sa Virgo lalo na sa anak ko ang mga nalaman mo ngayon, Kael. Pagsabihan mo lang sila na maghanda."

" Makakaasa po kayo." Tumayo ako sa pagkakaupo pagkatapos ay bahagya akong yumuko.

" Protektahan mo ang anak ko. Yan talaga ang rason ko kung baket tiniwalag kita sa Fuego, Kael. Maintindihan mo sana."

" Naintindihan ko po. Wag po kayong mag alala, poprotektahan ko ang kaibigan ko." Ngumiti ako kaya ngumiti rin si Mr. Acosta.

" Maraming Salamat. Makakaalis kana." Tumango ako sakanya pagkatapos ay napalingon ako saglit kay Argo. Tumaas bigla ang balahibo ko nung makita kong nakangisi siya sa'kin.

Nakakatakot talaga ang mga mata nitong nilalang na'to.

Papunta na ako sa pintuan ngayon at bago paman ako makalabas..


Isang kataga ang narinig ko mula kay Argo.



katagang inaasahan ko ng lalabas sa bibig niya.



-To Be Continued...


Mga Bagong Karakter..

:Sebastian Lorbek

:Felix Sy


-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

152K 9.8K 41
Once upon a time, there was a frustrated fantasy writer who was so obsessed with spatial transmigration that all of her stories were about reincarnat...
40.3K 2.1K 37
[FINISHED | PUBLISHED] Categories : Low Fantasy • Mystery • Suspense /ˈsi-nəs-thēts ɡām/ She can see people's auras . . . "The red light flashed on h...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
11.1K 540 24
Paano kung isang umaga, magising ka sa isang hindi inaasahang pangyayari na babago sa takbo ng buhay mo. Imbes na karaniwang umaga ang sasalubong say...