My Extra Large Girl [Complete...

By eyyrin

348K 8.7K 394

An extra large girl with an extra large heart and the guy who loved her imperfections Genre: slice of life |... More

My Extra Large Girl
XL 1
XL 2
XL 3
XL 4
XL 5
XL 6
XL 7
XL 8
XL 9
XL 10
XL 11
XL 12
XL 13
XL 14
XL 16
XL 17
XL 18
XL 19
XL 20
XL 21
XL 22
XL 23
XL 24
XL 25
XL 26
XL 27
XL 28
XL 29
XL 30
XL 31
XL 32
XL 33
XL 34
XL 35
XL 36
XL 37
XL 38
XL 39
XL 40
XL 41
XL 42
XL 43
XL 44
XL 45
Epilogue
Poll

XL 15

6.1K 162 4
By eyyrin

XL 15

Nakipag-deal ako kay Treble kagabi. I don't know but it suddenly felt right. Pakiramdam ko ay tama lang naman na pagbayaran niya 'yung pinsalang dinulot niya sa akin...in any way possible.

I suddenly wanted to give him a hard time. I wanted to get even...and I'm very determined to make use of him until I'm satisfied. No double meanings there, rest assured.

Pagkatapos kong pumayag ay bumalik kami sa loob ng apartment. Handa na ang pagkain nu'n, at inaya na kami ni Papa na kumain na animo'y walang nangyari.

Umuwi din siya kaagad pagkatapos kumain at magpasalamat kay Papa, tapos naghugas naman ako ng pinggan bago pumasok sa silid para makapag-isip ng mga plano para pahirapan siya.

Sad to say, I wasn't able to formulate any plans.

"Denz, umiyak ka na naman ba?" Tanong ni Rolan on a Tuesday morning habang naglalakad kami palabas ng classroom pagkatapos ng first period. Tumila na ang ulan pero halatang babalik na naman ito mamaya. The downsides of the rainy season...

"Hindi ah. Napuyat lang ako," sagot ko. The truth was, tumawag si Jared kagabi kaya ako napuyat. We bickered a lot and irritated the hell out of each other. I wasn't supposed to answer his call pero sabi ko sa sarili ko na mainam na rin na i-confront ko siya bago ako magpalit ng number.

Malay ko bang mauuwi sa ganun...

"Napuyat saan?"

"Nagbasa kasi ako ng webtoon." Palusot ko. Some things are better kept to myself, I thought.

Pumunta kami sa cafeteria para kumain, but unlike last time, hindi masyadong crowded ngayon. Hindi ko rin mahagilap si Treble. Ewan ko ba kung dahil maulan kaya gloomy din ang paligid.

"May hinahanap ka?" Ani Rolan.

I shook my head. "Naninibago lang ako kasi parang ang tahimik."

"Usually, matao lang dito kapag nandito 'yung mga tinatawag nilang 'oppa' ng university."

"Taray, may oppa pala dito," kumento ko habang pumipila kami sa paborito naming food stall.

"Oo, at isa sa mga oppa na 'yun, tinawag ka at pinaupo sa tabi niya kahapon."

I gave him a puzzled look. "Si Treble? Oppa ba 'yun?"

"Wala tayong magagawa, may itsura naman talaga 'yung tao." Depensa ni Rolan.

"Oh well. If we'll be objective, siguro nga ay may itsura ang isang 'yon." Sagot ko.

"At mukhang may gusto siya sa'yo." Ani Rolan na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Bakit hindi niyo gamitin 'yung discount card sa karaoke hub na binigay ko? Di ba kumakanta naman 'yun?" Sabi pa niya.

I bit my lip, and then shook my head.
"Not anymore," I said. "He doesn't sing anymore."

"Hindi na? Bakit? Totoo ba 'yung sinasabi nila na hindi na siya kumakanta dahil sa nangyari two years ago?"

I'm curious...

Ano ba talaga ang usap-usapan tungkol sa nangyari two years ago? Bakit parang naging open secret na yata?

"Ha? Ano bang nangyari?" Tanong ko.

"Teka. Next in line na tayo." Aniya. I moved forward and gave my order. Nung nakuha ko na ang pagkain ay naghanap ako ng bakanteng pwesto para sa amin ni Rolan.

"Dali, game na!" Sabi ko nung umupo na rin siya sa tabi ko.

"Teka lang naman..."

"Open secret ba 'yan? Ba't parang maraming nakakaalam?"

"Syempre may mga nakakita kasi...kaso dahil nirerespeto nila si Treble at hinahangaan, kahit na maraming may alam ay parang ipinagkibit balikat nalang nila. Kumbaga, they chose not to make a fuss."

"Ano ba kasing nangyari?" Untag ko.

"Two years ago daw kasi—"

"BITAWAN NIYO AKO! THAT GIRL DESERVES TO BE SLAPPED!" Naagaw ang atensyon namin ng isang babaeng sumisigaw.

Napatingin kami malapit sa bungad ng cafeteria at nakita namin si Marie na pinipigilan ng iilang mga babae. Mukhang fired up siya at game na game manapak.

"IKAW! TINURING KITANG KAIBIGAN!" Dinuro ni Marie ang isang babae at doon ko napagtanto na isa pala yun sa mga babaeng palagi niyang kasama...dati. I mean before all those wenches turned their backs on her.

"ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA SIRAAN SI KIT? BAKIT, HA? DAHIL BA HINDI KA NIYA PINAPATULAN KAYA SINISIRAAN MO NALANG?!" Marie added.

"Marie, wag dito..." Inawat siya ng mga babaeng pumipigil sa kaniya sa paglapit sa kaaway, pero nagmatigas si Marie.

"No." Aniya. "Tinuring ko siyang parang kapatid tapos ngayon ganito ang igaganti niya sa akin?" Bumaling si Marie sa kaaway. "Hoy Danica! I can take all your criticism pero huwag na huwag niyong idadamay si Kit dito. Wala siyang ginawang masama sa kahit kanino sa atin. Kaya burahin mo na yung post mo na 'yun dahil pwede kang kasuhan jan sa mga ginagawa m—"

Nabitawan ko ang hawak na kutsara nang biglang nahimatay si Marie. What the hell?!

Napatayo si Rolan. "Tara, Denzel!" At saka siya sumaklolo kay Marie.

Marie wasn't exactly a nice person and if that were to be a requirement before extending help, it was obvious that she didn't deserve it. But seeing Rolan rush to her rescue, I realized something. It's not about whether the person you are helping has done good or bad things. Hindi ito tungkol sa kasamaan ng budhi ni Marie. Labas yun sa usapan. She needed help, and Rolan did his part as a concerned citizen.

Nagpasya akong tumulong na rin.

Binuhat ni Rolan si Marie dahil siya ang unang lalakeng rumesponde. Hindi naman din siya mabuhat ng mga babaeng humahawak sa kaniya kanina at 'yung iilang lalake sa paligid ay parang nag-aalangan pang lumapit. Mga walang bayag.

Dinala ni Rolan si Marie sa clinic at sumunod naman ako, dala dala ang mga gamit ni Marie. Hindi pa ako nakakasubo dun sa pagkain ko ha! Ang gara...

"Ma'am, nahimatay siya sa cafeteria," report ni Rolan sa nurse na nakaduty sa clinic.

"I'll take it from here. Paki-contact naman yung mga magulang niya." Sagot ng nurse.

"Sige po." Saad naman ni Rolan at saka kami lumabas. Tinignan namin ang bag ni Marie upang hanapin ang phone niya pero wala kaming mahanap.

"Paano 'to?" Tanong ni Rolan.

Paano nga ba? Pambihira naman kasi. Kami lang talagang dalawa ang naiwan rito. Walang ni isang sumama sa amin, jusko. Sa dami ng taong nakakita kanina, walang may bayag!

But who do we call now? There must be someone...

"Si Kit!" I snapped. "Dito ka lang. Hahanapin ko si Kit."

"Samahan na kita," he offered.

"Hindi na. Kailangan may maiwan na magbabantay kay Marie. Update mo ako kapag may nangyari..."

"Sige. Mag-ingat ka. Tatawag nalang ako kay Vice President para alam din ni Sir kung bakit di tayo makakapasok."

Tumango ako at saka naglakad na ng mabilis papunta sa building namin. I should have asked for his number for emergency situations like this. How am I supposed to look for him sa dami ng classrooms dito? I don't even know his section dahil irregular kami pareho.

"May hinahanap ka po?" Isang payat na babae ang nagtanong sa akin. Na-weirdo-han siguro siya sa pagsilip ko sa bawat classroom na nadadaanan.

"Oo. Kilala mo si Kit? Yung volleyball player?" Tanong ko.

"Opo. Bakit po?"

I expelled a heavy breath.

"May emergency lang. Alam mo ba kung nasaan siya?"

Umiling ang babae. "Hindi po siya pumasok ngayong araw eh..."

"How about his number? Baka naman may number ka niya?"

"Wala rin po. Yung mga kasama niya sa team meron, kaso ang balita ko may practice sila ngayon eh. Bawal istorbohin kasi strikto yung coach nila..."

Damn. The downside of being antisocial? You don't have connections. Walang nakasave na number ng kahit sinong schoolmate sa phone ko, kahit si Rolan.

Pero teka...

I think I still have that pink heart-shaped sticky note that has Treble's number on it. Maybe he can use his connections to help me find Kit.

Kinalkal ko ang bag ko at laking ginhawa ko nung nakita kong nakaipit pa rin iyon sa binder ko.

I took my phone out and did the one thing I never imagined I would be doing— calling Treble Saldana...

...to ask help, of all things.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 6.2K 59
Bata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paa...
1M 28.2K 42
Completed| Published under PSICOM Publishing Inc. for Php195.00. SPG | Mature Content HANNAH VILLEGA wants to be pure and virgin until she gets...
2.8M 173K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.3M 60.3K 45
Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself getting manipulated in her own game resu...