Watty Writer's Guild Writing...

By WWG_FAMILY

2K 271 127

WATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle?  This will be a battle between members... More

GENERAL MECHANICS
Criteria for Judging
Round 1 Mechanics
The Elimination Round
Battler #1: A Writer's Desire
Battler #2: Maligno
Battler #3: The demon Inside me
Battler #4: The Cursed Vampire
Battler #5: The Stellar Professor
Battler #6: Killed by Blood
Battler #7: Hindi ko pala kaya
Battler #8: 17 years
Battler #9: The Wedding
Battler #10: Baliw
Battler #11: Bangungot
Round 1 Winners
Round 2 Mechanics
The Real Battle
Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts
Horror Battler #1:The Bullied
Mystery Battler #1: Rosaryo
Fantasy Battler #1: Sins World
Fantasy Battler #2: Her Feelings
Science Fiction Battler #2: A Little Lost
SPECIAL ROUND Mechanics
Battler #1: Meet T,H,E,M
Battler #2: Plutonium
Battler #3: Deceived
Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon
Round 2 & Special Round Winners
Round 3 Mechanics
The Final Battle
Final Battler #1: The Cycle of Love
Final Battler #2: Pied Piper
Final Battler #3: Fate Diary
Final Battler #4: Replication
Final Battler #5: Muli
Final Battler #6: Hot n' Cold

Science Fiction Battler #1: Possible

59 8 9
By WWG_FAMILY

Description: May kasabihang, "Past is Past". Dati ay dati. Nakaraa ay nakaraan. Ang tapos ay tapos na at hindi na maibabalik pa. Pero kapag ba ang patay, mabubuhay pa? Automatically, hindi na. Pero paano ba baguhin ang imposible para maging posible? May kasabihan rin namang, "Nothing is Impossible". May kasabihan na naman tayong alam na, "Try and try until you succeed", for me "It's good to try but it's better if you prove them and don't cry".

Why: Isinulat ko 'to upang maipahiwatig ang nilalaman nito.

How: Siyempre, nag-research muna ako bago isipin ang mga mangyayari sa storya.

..........

"NURSE! DOC!", sigaw ng dalagang basang-basa dahil sa ulan ngunit tila'y walang nakakarinig sa kanya dahil lahat ng tao sa loob ay may kanya-kanyang ginagawa.

"TUULLLOOOOOONG!", isang malakas na tili ang ginawa niya upang siya'y mapansin. Nagbunga naman ang ginawa niya dahil may lumapit sa kanyang isang lalaking doktor na mukhang ka-edad lamang niya.

"Miss, ayos ka lang ba?", tanong ng doktor ngunit kumulo ang dugo ng dalaga sa kanya.

"KANINA PA AKO HUMIHINGI NG TULONG! ANG KAPATID KO, NAKAHANDUSAY DITO SA HARAPAN KO. Please, hindi ko na alam ang nangyayari sa kapatid ko", sa una, ang dalaga'y nagbabaga sa galit ngunit sa huli'y naging mahinahon siya na parang isang babasaging kristal.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang doktor at tinignan ang batang lalaking nakahandusay sa sahig na nabalutan ng kumot ngunit basa.

"Nurse, prepare all. We have to examine this little kid", sabi ng Doktor sa isang nurse kaya naman sumang-ayon ito at nagmadali upang gawin ang utos. Dinala nila sa isang silid ang kapatid ng dalaga upang doon isagawa ang kailangang ang eksaminasyon.

Iyak ng iyak naman ang dalaga habang hinihintay ang resulta ng kanyang kapatid sa labas ng silid.

"Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko", paulit-ulit na bulong ng dalaga at parang wala siya sa kanyang sarili. Hindi niya alintana ang lamig na kanyang nararamdaman dahil sa labis na pagkalungkot at kaba sa kanyang damdamin.

Makalipas ang ilang oras na kanyang paghihintay, lumabas ang doktor at hinanap ang dalaga upang siya'y kausapin.

"Miss", tawag ng doktor sa dalaga. Inangat ng dalaga ang kanyang mukha upang masilayan kung sino ang tumawag sa kanya at siya naman ay nagulat. Nagulat dahil sa lakas ng pagkabog ng kanyang puso.

"Doc, a-ayos na po ba ang kapatid ko?", nanginginig na tanong ng dalaga.

"I'm Doctor Paul Curt. 'Wag ka sanang mabibigla, your brother needs to have a heart transplant at kailangang maagapan siya sa lalong madaling panahon", sabi ng doktor at inanyayahan ang dalagang umupo sa bench upang maipaliwanag ang lahat.

"Your brother has a Coronary Artery Disease. There's a plaque buildup in his arteries which restricts blood to flow to his heart then become starved by oxygen. The plaque could rupture, leading to a heart attack or sudden cardiac death. That's why I said that as soon as possible, he's going to have a heart transplant and we need a donor" sabi ng doktor kaya naman napasinghap ang dalaga.

"Doc, puwede bang pag-isipan ko muna? H-Hindi ko pa alam", sabi ng dalaga.

"Okay, take your time. I'll go", sabi ng doktor at hahakbang na sana siya nang magsalita ang dalaga.

"Nakapag-desisyon na ako", determinadong saad ng dalaga kaya napatigil ang doktor.

"Ako nalang", sabi ng dalaga kaya nagtaka ang doktor.

"Miss, ikaw nalang ang...?", ani ng doktor.

"Ako nalang ang kunin niyong maging heart donor para sa kapatid ko, please. Kaya kong ibigay ang lahat para sa kapatid ko", tuluy-tuloy na sabi ng dalaga.

"It's compli---", hindi natapos ng doktor ang kanyang sasabihin dahil biglang lumuhod ang dalaga.

"Please *sob* hindi ko kayang mawala ang kapatid ko, 'di baleng ako nalang...Please, nagmamakaawa *sob* ako", umiiyak na sabi ng dalaga.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Mag-isip ka muna ng mabuti", sabi ng doktor at naaawa.

"Sigurado na ako...", sabi ng dalaga.

"Okay, I'll just plan for the schedule of the heart transplant", sabi ng doktor.

"Bukas na, please", seryosong saad ng dalaga. Nagulat naman ang doktor at magsasalita na sana siya nang makita ang mga nagmamakaawang mata ng dalaga kaya pumayag nalang siya.

Pagkatapos, pumasok sa silid ang dalaga upang tingnan ang kanyang kapatid na mahimbing na natutulog.

"Zed", tawag ng dalaga sa kanyang kapatid at nagpatuloy na magsalita.

"Gagawa ng paraan si Ate para lang sa'yo. 'Wag mo akong kalimutan ha. Mahal na mahal ka ng Ate. Hinding-hindi ako napagod sa pag-alaga sa'yo. Gagabayan pa rin kita at palagi akong nandiyan sa puso mo", sabi ng dalaga at niyakap ang kanyang kapatid habang umaagos ang mga luha punong ng lungkot at saya. Saya dahil mabubuhay ang kanyang kapatid at lungkot naman dahil baka paggising ng kanyang kapatid ay siya agad ang hahanapin at malaman nalang na wala na siya.

Kinabukasan, ito na ang pinakahihintay ng dalaga. Inihanda na ang lahat para sa operasyon. Ipinasok siya sa operating room, halo-halo ang kanyang mga nararamdaman.

"Hiling ko sana na pagkagising ng kapatid ko, pakisabing mahal na mahal ko siya", hiling ng dalaga bago siya pumikit ng dahan-dahan.

"I will", mahinang bulong ng Doktor at isinagawa na ang operasyon.

..........

"ATTTEEE!!! IBALIK NIYO ANG ATE KO! ATE!!!", malakas na sigaw ng batang si Zed sa Doktor.

"Ah...ah...Huminahon ka lang. Mahal na mahal ka ng ate mo... Please, huminahon ka lang. Nurse, yung pampakalma", sabi ng Doktor bago lumabas ng silid. Napabuntong-hininga na lamang siya. Naaawa siya sa bata at hindi niya alam ang gagawin.

Pumunta muna siya sa Clinic niya upang magpahinga ngunit pagbungad niya palang ay nakita na niya ang isa sa pinakamagaling na Doktor na kanyang kilala.

"Doc. Bennidict SyWelms. I-Ikinagagalak ko pong makita kayo ulit", sabi niya at inalok ang isang doktor na makipagkamay. Tinanggap naman ito ng Doktor na nagngangalang Bennidict.

"I'm just here to talk to you privately", sabi ni Bennidict at iginaya naman siya ni Paul papunta sa clinic.

"Hindi puwedeng matalo ang organisasyon natin. You need to work smarter, mawawalan tayo ng malaking halaga ng pera kapag hindi niyo nagawa ang trabaho niyo. I'll just give you one more chance, Paul. A week will do. Uulitin ko ang tanong ko dati sa'yo. 'How will you awake a dead person?' ", pagkasabi niya ay umalis na agad siya habang si Paul naman ay naiwang nakatulala

"A week? H-Hindi ko kaya...", mahinang bulong niya at napasabunot ng kanyang buhok. Agad-agad siyang lumabas ng clinic at pumunta sa underground parking lot. Pumunta siya sa restricted area kung saan ang mga napiling doktor at nurse lang ang pinapayagang makapasok at isa na siya doon. Naabutan niya ang mga kasamahan niyang gumagawa ng mga kakaibang teknolohiya, mga eksperimento, may mga nangangalap ng impormasyon at mga nagpa-plano. Pumunta siya sa mga nagpa-plano at sinabing isang linggo nalang ang naiiwan upang gawin ang trabaho nila kaya naman nagulat ang lahat.

"Paano kung sa kapatid ng bata natin isagawa ang plano?", tanong ng isang kasamahan nila kaya sumang-ayon ang iba.

"GAGAWIN NIYONG GENUIA PIG ANG KAPATID NG BATA?! HINDI NA BA KAYO NAAWA?!", nagulat ang lahat sa tanong na pasigaw ni Paul.

"Doc. Paul, ayos na rin iyon saka patay na siya. Hindi rin naman nakapagbayad ng bills ng kapatid niya dito sa ospital. Makisama ka nalang. Nakailang attempts na tayo, si X-01 hanggang kay X-09...walang nagyari, palpak ang ginawa natin. Diba? Kapag naging success tayo dito, hindi na tayo mahihirapan sa batang kakasigaw na ibalik ang ate niya", may punto ang sinabi ng kanyang kasamahan kaya siya'y sumang-ayon nalang.

Kinuha nila ang bangkay ng dalaga upang isagawa ang mga eksperimento. Kumuha sila ng baboy upang kunin ang puso. Ito ang inilagay nila sa dalagang pinangalanan nilang X-10 ngunit...

"X-10 isn't responding", ito ang resulta. Hindi sila tumigil, gumawa sila ng mga kemikal para tiyaking kaya pa ng katawan niya. Alam man nilang imposibleng mabuhay ang patay, ngunit determinado sila. Puro tahi ang katawan ng dalaga dahil sa mga isinagawang eksperimento at operasyon. Kinailangang operahan ang kanyang mga ugat na pumutok dahil sa lakas ng kemikal na itinurok sa dalaga.

"Wala pa ring resulta", sabi nila. Nakailang turok, operasyon at eksperimento ang ginawa nila ngunit wala pa rin. Apat na araw nalang ang naiiwan.

Hindi sila sumuko. Nag-isip siya ng nag-isip hanggang sa napadpad siya sa mga gumagawa ng teknolohiya o mga machines na ginagamit sa ospital. Hanggang sa may naisip nalang siyang ideya.

"Jax, diba may ginawa kang robot dati?", tanong ni Paul sa isa sa mga Doktor at Technician pa. Tumango naman si Jax.

"Can you make tiny robots. Yung mas maliit pa sa chip?", tanong niya kay Jax.

"That's so complicated. Pero may plano na ako niyan kaso hindi ko pa naisasagawa", sabi ni Jax.

"Then lets's do it", desperadong saad ni Paul. Sa isang araw, nakagawa sila ng tatlong tiny robots na pinangalanang 'Mic-Robs'. Kumuha muna sila ng daga at kinuha ang puso nito. Ang Mic-Robs, siyempre kailangan ng microscope para makita ito. Isang controller lang ang kailangan upang paganahin ang mga ito. Inilagay nila ang Mic-Robs sa isang injection at itinurok sa daga. Pinagana nila ang controller at...biglang gumalaw ang mga paa ng daga. Ginawa ulit ito at tuluyan nang gumalaw ang katawan ng daga. Labis ang saya nila dahil sa resulta.

..........

"Tonight, let's all welcome the World's Doctors Organizations Contest. They'll show us their successful projects, like inventions and experiments. Let's give them a warm of applause!", sabi ng Emcee at nagsipalakpakan ang mga audience. Maglalaban-laban ang mga organisasyon at ang mananalo sa paligsahan ay bibigyan ng napakalaking halaga ng pera at gagawing mga sikat sa buong mundo dahil sa kanilang proyekto. Nagsimula na ang paligsahan. May mga ginawang maid robots, mga drones, may mga gumawa rin ng potions na kahit ibang language ang sinasabi nila, naiintindihan mo ito kapag uminom ka at marami pang iba. Hanggang sa pinaka-huli ay ang organisasyon nila Paul. Agad nilang inilabas ang carrier at naroon ang dalaga o si X-10 saka nila ito inilapag. Nagtaka ang mga manonood pati na rin ang mga judges hanggang sa nagsalita si Paul at inilabas ang isang injection. Doon naman nakatutok ang camera na kitang-kita sa big screen.

"How can a dead person awake? This girl is already dead *he pointed his finger at X-10* Why? Because she donated her heart for her brother to live and we'll perform our project to her. Obviously, this object what I'm holding is an injection. Halatang walang laman ito pero mali kayong ng iniisip. There are billions of tiny robots inside it. These are what we called, "Mic-Robs", from the name itself kailangan pa ng microscope upang makita ito. The Mic-Robs can go into your body even into your veins. It can manage to move your body, it can form an object and more, of course we'll need a controller to control the Mic-Robs", mahabang litanya ni Paul. Ipinakita nila ang controller at sinimulang pagalawin. Limang injections na naglalaman ng Mic-Robs ang itinurok sa dalaga at silaninan siya ng dugo. Napasinghap ang mga manonood ng makita ang monitor na may isang pahalang na linya kanina, ngayon ay nagsimulang tumaas baba. Ibig sabihin ay tumitibok ang puso ng dalaga.

"Oo, tumitibok ang puso niya dahil ang Mic-Robs ang naging paraan upang magkaroon siya ng puso. Our controller controlled the Mic-Robs to form a heart and now, her heart is pumping blood", sabi ni Paul at namangha ang mga manonood dahil ang kaninang walang buhay na kutis ng dalaga ay buhay na buhay. Hindi rin nila inaasahang magigising ang dalaga. Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga manonood pati na rin ang mga judges.

"Impossible can't be possible if you can't prove it", sabi ni Paul bago sila nag-bow.

Sa huli, sina Paul ang nanalo at naging sikat silang lahat. Ngunit hindi pa dito nagtatapos ang lahat...

Written by: Striver_Amber

Continue Reading

You'll Also Like

141K 3.1K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
1.8M 72.4K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
357K 13.1K 44
Rival Series 1 -Completed-