Watty Writer's Guild Writing...

By WWG_FAMILY

2K 271 127

WATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle?  This will be a battle between members... More

GENERAL MECHANICS
Criteria for Judging
Round 1 Mechanics
The Elimination Round
Battler #1: A Writer's Desire
Battler #2: Maligno
Battler #3: The demon Inside me
Battler #4: The Cursed Vampire
Battler #5: The Stellar Professor
Battler #6: Killed by Blood
Battler #7: Hindi ko pala kaya
Battler #8: 17 years
Battler #9: The Wedding
Battler #10: Baliw
Battler #11: Bangungot
Round 1 Winners
Round 2 Mechanics
The Real Battle
Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts
Mystery Battler #1: Rosaryo
Fantasy Battler #1: Sins World
Fantasy Battler #2: Her Feelings
Science Fiction Battler #1: Possible
Science Fiction Battler #2: A Little Lost
SPECIAL ROUND Mechanics
Battler #1: Meet T,H,E,M
Battler #2: Plutonium
Battler #3: Deceived
Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon
Round 2 & Special Round Winners
Round 3 Mechanics
The Final Battle
Final Battler #1: The Cycle of Love
Final Battler #2: Pied Piper
Final Battler #3: Fate Diary
Final Battler #4: Replication
Final Battler #5: Muli
Final Battler #6: Hot n' Cold

Horror Battler #1:The Bullied

41 8 8
By WWG_FAMILY

Description: Sinong mag-aakalang ang taong patay na ay magagawa paring makaganti sa taong nanakit sa kaniya?

Why: Gusto ko lang isulat tong story na ito, naalala ko kasi iyong old school ko. May mga kababalaghan na nagaganap kasi doon.

How: Sinabi ko kasi sa sarili ko kung ano ang nakakatakot na na-experience ko at naisip ko ang dating school ko, ginawan ko ng isturya kung bakit may mga nagpapakitang mga multo doon kaya nasulat ko ito. Actually, mahaba sana ito eh! Pero nang makita ko ang word count ay nag-alin langan akong pahabain. Kaya expect na medyo hindi ko na-describe ng maayos sa last part. Pero sana magustohan niyo parin kahit na medyo tabingi ako pagdating sa horror na genre.

---

"Aray! Ano ba nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka kung hindi ka susunod sa gusto namin!" Rinig kong sabi ni Ella.

"Saan niyo ba kasi ako dadalhin?" bulalas ko.

Kanina pa nila ako hinihila subalit hindi ko alam kung saan kami papunta. Tinakpan kasi nila ang mga mata ko ng tela kung kayat tanging itim na kulay lamang ang nakikita ko kasabay ang takot na baka dalhin nila ako sa old building na nasa likod lang ng paaralan namin. Ipinagbabawal na ang pagpunta doon subalit may mga estudyante talagang ang titigas ng ulo. Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi naman namin alam kung bakit ipinagbabawal ang pagpunta doon, nakakamatay kaya ang kuryosidad, pero hindi ito tama! Baka ma-guidance ako, hindi na ako magiging validictorian, nako!

"Ella, ano ba! Hindi na nakakatuwa ito!" naririnig ko na ang pag-eecho ng boses ko kung kayat natitiyak kong dinala nga nila ako sa old building. Matagal na rin kasing tinatangka ni Ella na ikukulong nila ako dito sa old building kaya hindi ko na ipinagtataka kung dumating ang araw na ito.

Napa-aray nalamang ako nang maramdaman ko ang matigas na semintong pinaguntogan ng pwet ko nang buong pwersa akong binitawan ni Ella at ng mga alipores niya.

Agad kong tinanggal ang telang nakatakip sa mata ko at nakita kong nakatayo silang tatlo malapit sa pinto at pinapamaywangan ako.

"Magtanda ka sana bitch!" sabi ni Ella at pagkatapos ay isang lagapak ng pinto ang narinig ko kasabay ng pagdilim ng paligid.

Agad akong tumayo at pinokpok ang pinto gamat ang kamay ko. "buksan niyo ito! Huwag niyo akong iwan dito!" pagpupumiglas ko.

Subalit tanging halakhak lang ang narinig ko sa kanila. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ni Ella sa akin. Alam ko namang anak lang ako sa labas pero tama bang tratohin niya lang ako ng ganito? Ganiyan ba ang ginagawa ng kapatid?

Isinandal ko nalang ang likod ko sa pinto at dahan-dahang dumaosdos nang mapansin kong mukhang iniwan na nga nila ako dito. Agad na sumalobong sa akin ang mga alikabok na nagsisipagliparan sa paligid, siguro bunga narin ng sobrang katandaan nitong building at hindi narin naaalagaan kasi nga ipinagbabawal ang pagpunta dito. Subalit ang ipinagtataka ko ay kung bakit ipinagbabawal ang pagpunta sa lugar na ito? Ang alam ko lang eh bigla nalang daw nila itong pinasara nang may mga estudianteng natatagpoan nalang na nakabulagta at wala ng buhay sa building na ito matagal na panahon na ang nakalilipas.

Ayoko talagang pumunta sa building na ito, pakiramdam ko kasi ay may mga matang nakatingin sa akin, at kapag pumasok ako ay parang may mangyayaring masama sa akin.

Pinakaayaw ko talaga kasi ang madidilim na lugar lalo pa't mag-isa lang ako dahil natatakot talaga ako, subalit hindi ko naman alam kung papaano makalabas dito.

Bigla nalang dumaosdos ang isang butil na luhang nanggagaling sa mata ko. Hindi ko lang talaga lubos maisip na iiwan ako ng sarili kong kapatid dito. Hindi ko alam na ganoon na pala katindi ang namoong galit sa kaniya. Kasalanan ko bang maging anak ni dad? Hindi ko naman ginustong maging anak ako sa labas, pasalamt nga si ella dahil kompleto ang pamilya niya.

Bigla ko tuloy na-miss si mom, Kamusta na kaya siya? Sana masaya na siyang kasama sina lolo at lola ng lola ng lola ni lola at ng lolo ng lolo ni lolo.

Bigla nalang akong napangiti sa mga iniisip ko, basta talaga malungkot ako ay pinapasaya ko nalang ang sarili ko.

Agad akong napaangat ng tingin nang may marinig akong mga padiyak ng sapatos na papalapit sa akin. Biglang nanlambot ang mga paa ko at pagkatapos ay sabay-sabay na tumayo ang mga balahibo ko sa likod nang biglang umihip ang malamig na hangin.

Unti-unti ko nang nasisilayan ang anyo ng naglalakad papunta sa akin habang ako namay isinisiksik ang sarili sa pinto. Bigla nalang dumoble ang tibok ng puso ko dahilan kung bakit nahihirapan na akong huminga.

Subalit ganoon nalang ang pasasalamat ko nang mapansin kong isa lang pala itong estudyante dahil parehas kaming naka-uniform. May dala siyang walis tingting at dust-pan at nakatingin lang siya sa mga mata ko ng diritso.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong sabi niya. "Hindi ka-dapat pumunta sa building na ito."

"Eh ayaw ko naman talagang pumunta dito subalit dinala ako ng half-sister ko dito at ng mga Alipores niya, mukhang may nagawa na naman akong bagay na ikinagalit niya."

Bigla ko tuloy naalala yong nangyari kanina, nilapitan lang naman ako ni harvey kanina at tinanong sa akin kung nakapagpass na raw ba ako ng project sa science At sabay nalang daw kami ng sinabi kong hindi pa. Pagkatapos non ay bigla nalang akong hinarap ni Ella na abot langit na ang kilay sa hindi ko mawaring kadahilanan.

Ay nako! Huwag ko na nga lang isipin iyon!

"Kung ganoon ay masama ka pala kaya ka pinarusahan!" sabi ng babae at tumalikod sa akin.

"No, Im not!" sabi ko at agad na tumayo. "Hindi ko nga alam kung bakit nila ako dinala dito eh! Infact, araw-araw nga nila akong binu-bully eh at malinis ang konsensiya ko ah!"

Bigla namang natigilan ang babae "parehas pala tayo." aniya habang nakatalikod at pagkatapos ay umalis.

Bigla akong napaisip sa sinabi ng babae, so parehas pala kami ng pinagdaraanan? Kawawa rin pala siya.

Agad akong napatingin sa babae na papalayo sa akin, bigla kong naisip na baka alam niya kung may ibang daan palabas dito kaya agad ko siyang pinigilan "Sandali lang!" sigaw ko at agad na tumakbo papunta sa babae.

Huminto lang siya saglit at Pagkatapos ay naglakad paliko sa kanan.

Sinundan ko ang babae at lumiko din ako doon subalit nagulat ako nang may biglang sumalobong at nabanggang isang babae na pamilyar sa akin. Naghehestirical ang mukha niya, maypilit siyang sinasabi na hindi ko naman maintindihan.

"Nako, huh! Hindi ako magaling sa non-verbal communication!" sabi ko habang nakasalobong ang kilay. Pero akala ko talaga eh ako lang ang estudiante dito, may iba papala. "ano?" giit ko sa babae dahil nakabuka lang ang bibig niya at maytinuturo-turo.

Dahil sa inis ay agad ko siyang sinampal. "m-may m-multo!" aniya matapos lumagapak ng kamay ko sa mukha niya.

"A-anong multo?" pagtataka ko.

Lumampas ang tingin ko sa naghehesterical na pamilyar na babae papunta sa isang naka-unipormeng babae kanina na may dalang walis ting-ting at dust pan. Nakatalikod ang babae at nakatayo lang doon habang iyong nakabanggang babae naman sa akin ay nagtago sa likod ko. Napalunok nalang ako dahil doon, agad akong lumapit sa nakatalikod na babae na may dalang walis tingting at hinawakan ang balikat niya. "Miss? Alam mo ba ang ibang daan palabas?"

Sabi ko subalit napabitaw ako ng pagkakahawak sa kaniya nang dahan-dahan siyang lumingon sa akin na may nanlilisik na puting mata. Tumutulo ang dugo niya sa ulo at pansin kong nagkasugat na siya ngayon na ibang-iba sa nakausap kong babae kanina.

Kung ganoon ay isang ilusyon lamang ang maamong mukha ng babae kanina at nagbalat-kayo lamang siya?

Agad na sumigaw ang babaeng nagtago sa likod ko at kumaripas ng takbo, dahil narin sa takot ay tumakbo rin ako at sumunod sa naghehestirical na babae. "multooooooo!"

--

Bigla akong napakapit sa tuhod ko nang mawalan ako ng hininga, napansin kong sumandal iyong naghehestirical na babae at katulad ko ay hinahabol niya rin ang kaniyang hininga.

"Sana talaga ay hindi nalang ako nagpunta dito." Aniya. "nako! Baka hinahanap na ako ni mama, anong oras na..."

"Bakit ka ba kasi napadpad dito?" pag-uusisa ko sa babae.

Agad naman siyang napatingin sa akin. Natigilan siya sa sinabi ko at pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumapit at umopo sa tabi ko. "May napansin kasi akong kakaiba kanina, pauwi na sana ako nang may napansin akong nakaunipormeng babae kanina na nagwawalis dito sa old building, eh diba nga ipinagbabawal ang pagpunta dito, maski nga mga diyanitor ay hindi napadpad dito eh. Ewan ko ba pero parang may nag-udyok sa akin na pumunta dito. Ikaw, bakit ka napunta dito?"

"Ahm... sabihin na nating napagtripan ako!" malungkot na sabi ko.

"Pero ano na? Alam mo ba ang daan pa-" biglang natulala ang babae at natigil sa sasabihin niya.

Biglang nanginig ang katawan ko nang marinig ang mga padyak ng sapatos at kaskas ng walis tingting na papalapit sa amin.

Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng tunog subalit nagulat nalamang ako nang nakipagtitigan ang multo sa mga mata ko at ang lapit-lapit ng mukha nito sa akin.

"Ahhhh!" agad kaming tumakbo ng babae at hindi na namin alam kung saan kami papunta.

Kung saan-saan na kami napadpad subalit hindi parin namin alam kung saan ang daan palabas.

"Hoy! Alam mo ba ang daan palabas dito!" sabi ko sa babae Habang nagkakaundagaga kami sa kakahanap ng daan.

"Anong hoy? May pangalan ako ano! Zyra." Sabi niya. "aaaaah... mamaaa..."

"Alam mo zyra, walang mangyayari sa iyo kung magpapanic ka okay!"

"Eh, anong tawag sa iyo? Nagrerelax? Eh nakakapit ka nga sa akin eh!"

Agad ko namang binawi ang kamay ko. "ahehehe," sabi ko. "Eh asan na tayo ngayon? Ano nang mangyayari sa atin? Baka hindi na tayo sisikatan ng araw!"

"Bahala na!" sabi niya at agad na binuksan ang isang room at pumasok doon.

"Uy, hintayin mo ko!" sabi ko at pumasok narin sa silid subalit nahinto kami nang mapansin naming parang bumigat ang inerhiya sa lugar na ito. Parang may nakapasan sa aming mabigat na bagay, ang hirap gumalaw at ang lamig nang paligid.

Ilang saglit pa ay nagsilitawan ang mga kaluluwa sa paligid at Seryong nakatingin sa amin, lalo na sa akin. Parang mahuhugotan na ako ng hininga sa nakikita ko kung kayat minabuti ko nalang na umalis at lumabas sa silid na iyon, hindi ko na iniisip pa iyong Zyra at sarili ko nalang ang siniguro ko subalit bigla nalamang sumara ang pinto ng napakalakas, at nang buksan ko ito ay ayaw ng bumukas.

Pansin kong parang lumiwanag ang paligid at nagkaroon ng ilaw. Ang dating lumang silid ay naging bago at ang dating blankong upuan ay may nakupong estudiante na.

"Lets call it off for today, good bye class!" rinig kong sabi ng teacher sa harapan.

"Anong nangyayari?" sabi ko kay Zyra.

"Mukhang dinala tayo sa ibang panahon sa parehong lugar?" nagugulohan ding sabi niya.

"ano? Pano nangyari iyon?"

"Aba! Malay ko." Pambabara niya. Ngayon ko lang nakompirma na mahilig pala talaga itong mambara tong babaeng ito.

Bigla nalang na agaw ang atensyon ko nang may marinig akong sigawan doon sa gitna. Isang babaeng pinagkakagulohan at binubully ang nandodoon. Kaawa-awa ang sinapit ng babae sa mga kamay ng estudiante. Sinasakop ng mga kamay ang kaniyang buhok habang tinatadiyakan at sinasabihang pulubi at mukhang mangkukulam.

Ngayon ko lang napansin na ang pinapahirapan na babae ay iyong babaeng nagpakitang multo sa amin ni Zyra kanina.

Maya-maya ay bigla nalamang umiba ang anyo ng paligid. Nawala ang mga tao at isang blankong silid nalamang ang nakikita namin.

Agad akong napatingin sa pinto nang bumukas ito. Pumasok ang babae na may dala-dalang walis tingting at dust-pan. Sugatan ang mukha niya at ang dami niyang pasa at marka ng mga sapatos sa damit niya.

Umiiyak lang siya at naglilinis ng silid, hindi kami nakikita o napapansin.

Maya-maya pa ay bigla nalang kaming napadpad sa ibang lugar at nakita ko ang pagtalon ng babae mula sa toktok ng 5th floor na building papunta sa magaspang na semento.

Agad na dumanak ang dugo mula sa ulo niya at nanatiling dilat ang mata niya matapos na hugotan siya ng buhay.

Ilang sandali pa ay napansin kong napadpad na naman kami sa isang CR. Humahakbang papaatras ang isang babae habang papalapit naman sa kaniya iyong babaeng dugoan, siya iyong babaeng kinitil ang sarili niyang buhay.

Sinasabi ng umaatras na babae na "patawad Cassandra!" subalit hindi nakinig yong dugoang babae sahalip ay sinakal niya ito hanggang sa mahogotan ito ng buhay.

Written by: Jaycematic

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 129K 150
Millaray
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
499K 774 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
198K 8.4K 98
An encounter of two people, stumble upon into a strange new world. A world where magic exist. An encounter that will changed their lives.