A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 38

2.4K 25 0
By Ae_december


ERIER

Sinadya kong lumayo sa kinalalagyan ni Iris. Naroroon ang mga tao, ayokong mapahamak silang lahat. Nung nadatnan ko siya kanina at nakitang niyakap ang isang lalakeng tao, nakilala ko na kaagad kung sino iyon. Na yung eksaktong pagkakita ko sa kanya, ewan ko ba, parang may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko ma-explain, basta parang may naramdaman akong sakit ngunit hindi ko alam kung saang parte dito sa katawan ko. Kung kaya't tumakbo nalang ako at nagpaka-layo layo. Mas pinili kong harapin nalang muli si Crey.

At nung makita ko ang walanghiya, kumulo talaga ang dugo ko kung kaya't sinugod ko siya nang walang kaabog-abog. Pinag-susuntok, pinagtatadyakan na tipong nawala ata ako sa aking sarili na to the point, napa-atras siya sa ginawa ko. Nagulat siya sa kakaibang lakas na aking pinakita.

Tumakbo siya nang matulin, palayo sa akin ngunit hinabol ko naman. Naghabulan kami na halos simbilis na namin ang kidlat. May pinupukol pa siyang lazer beams patungo sa akin ngunit alisto ko itong iniilagan. Kung kaya't lumilihis ito patungo sa mga gusaling nadadaanan namin na naging dahilan nang kabi-kabilang pagguho at pag-sabog sa aming nadadaanan.

Hanggang sa marating namin ang isang lugar na pamilyar sa akin at ito ay ang paaralan nang Poblasyon. Nang ako naman ang bumaril sa kanya nang lazer beams, bigla naman siyang naglaho. Natamaan ko tuloy yung konkretong bakod nang paaralan. Naglakad ako papasok habang hinahanap siya hanggang marating ko ang quadrangle. Sa bawat pag-ligoy nang aking paningin sa paligid, natatanaw ko ang pulang transparent barrier sa madilim na kalangitan. At sa di-kalayuan, kumikislap ang mga lazer beams at force field na sinamahan pa nang malalakas na tunog nang mga pagsabog.

Sinubukan kong i-scan ang paligid gamit nang aking mga mata habang pinakikiramdaman ang kanyang presensya. Hanggang sa maramdaman ko ang isang malakas na pwersa na nagmula sa aking likuran. Tumilapon ako sa lakas nang pwersang iyon ngunit pinilit kong huwag mabuwal. Dumausdos ako sa lupa nang nakatayo na halos lumubog pa nga ang mga paa ko.

Nakita ko sa di-kalyuan si Crey na bumulalas pa sa akin. Nagsalubong ang aking mga kilay at sinugod ko siya ng ubod-bilis. Hindi rin nagpatalo ang walanghiya. Nagpang-abot kaming dalawa at muling nag-bunuan. At ngayon, higit na mas mabilis, mapangahas, lahat nang nalalapitan naming lugar nasisira at sumasabog. Napalaban ako nang husto at ang unang pumasok sa aking isipan ay ang mukha ni kapitan Zegyr. Na nagbuwis nang buhay para sa amin. Nabigo man yang paslangin ang walanghiyang ito pwes ako ang tatapos dito.

Habang tumatagal talaga mukhang nasasanay na ata ako sa pakikipaglaban. Parang gusto ko na ngang mag-palit nang career sa planeta namin pagdating ko.

Tumilapon ako at bumulusok sa loob nang isang school building nang masalisihan ako nang kanyang buntot. Nawasak ang pader pati na ang mga gamit sa loob na halos madurog sa lakas nang aking pagtama. Ngunit alisto pa rin akong bumangon, umupo at sumadal sa dingding. May mga lamesang tumaob at yung iba, nahati pa. Nagliparan ang maraming papel sa paligid at nagkalat ang usok na may kasamang sparks mula sa mga kableng naputol.

May bumagsak na picture frame sa aking harap at nakita ang larawang nakalagay dito. At nang pinulot ko iyon at tignan, nasorpresa ako sa aking nakita. Naroroon ako sa larawang iyon at kasama ko si Iris pati na ang kanyang tatlong kaibigan. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Ito kasi yung mga fondest memories ko rito sa Earth na kahit ibang nilalang sila, naging masaya pa rin akong nakasama sila. Na naisip kong punong-puno talaga nang love ang mundong ito. At sa puntong ito, hindi ko tuloy magawang bitawan ang frame.

Hanggang sa may mapansin akong liwanag na paparating sa aking harapan, isang lazer beam. Tinapon ko ang frame dahil alisto kong itinaas ang aking mga kamay at gumawa nang force field.

Sinalag ko ang lazer beam na tumama sa akin. At sa lakas nang pag-tama, nabutas ang dingding na aking sinasandalan. Pwersado akong napa-atras sa sahig na nawasak at pumasok sa isang kwarto, ang silid ni ma'am Batongbakal. Tumama ako sa lamesa niya na nahati.

Mula sa mausok na paligid sa labas, na-aninag ko si Crey. Pinaghahagis nito ang mga lamesa at kasangkapan na nakaharang sa kanya. Bumulalas siya nang nakakatakot, ngunit hindi ako nagpadaig dito. Alisto akong tumayo at tumalon sa kisame, dumikit ako na lapat ang aking buong katawan.

Pumasok siya sa loob nang kwartong kinalalagyan ko habang paligoy-ligoy ang ulo dahil hinahanap niya ako. Saka ako kumawala sa kisame at dinambahan ko siya mula sa kanyang likod. Pinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg nang ubod ng higpit. Nagwawala siya at para akong sumakay sa sasakyang nawawalan ng kontrol.

Hanggang sa itinaas niya ang kanyang buntot kung kaya't itinaas ko naman ang aking mga paa sa ere. At pag-angat nang kanyang buntot, inipit ko iyon sa aking mga hita. Naging limitado tuloy ang kanyang pag-galaw.

Hinablot naman niya ang aking ulo at ni-lock ito ng dalawa niyang kamao. Masakit yung kanyang ginawa dahil mukhang masisira pa ata ang takip na armor sa aking mukha. Ngunit mas hinigpitan ko pa ang pagkakasakal sa kanya. Hanggang sa nagsimula siyang gumalaw at sinadyang matumba sa sahig. Bigla siyang nagpa-gulong gulong nang mabilis. Hindi ako kumawala kaagad kung kaya't naramdaman ko ang pagtama nang aking katawan sa mga pader at mga kasangkapan. Hanggang sa maka-labas kami nang gusali.

Umilaw ang aking kamao at pinag-susuntok ang kanyang mukha nang maraming beses. Pero nahablot niya ang aking leeg. Nag-lock muli ang kanyang mga daliri kung kaya't unti unti akong nasasakal. Ako na ngayon ang mas namemeligro.

Nakahiga ako sa lupa habang pinipilit naman niyang bumangon. Ngumisi ang kanyang bibig samantalang ang kanyang mga mata naman ay namumula sa galit. Sinusuntok ko ang kanyang braso ngunit hindi na ito umubra, malakas kasi ang walanghiya. Hanggang sa nakatayo na siya habang hindi pa rin inaalis ang kamay na sumasakal sa aking leeg. Unti unti niya akong inaangat sa ere kung kaya't nagsimula na akong magpumiglas. Malalagutan na kasi ako nang hininga dahil para na akong nabibigti. Hindi ko na kaya, katapusan ko na ata.

Ngunit bigla niya akong binitawan kaagad. Bumagsak ako sa lupa na namimilipit sa sakit ngunit ang ipinagtataka ko, pati siya ay dumadaing din. Umuusok ang kanyang ulo at pa suray-suray na siya ng lakad.

"Hector!" dinig ko nalang bigla.

Lumingon ako sa kaliwang direksyon at mula sa di-kalayuan nang quadrangle, nakatayo si Iris hawak ang sandata na nakaturo sa direksyon namin. Sumigaw siya at pina-ulanan nang lazer beams si Crey. Halos sumabog ang paligid nang lupang kinatatayuan ni Crey. Bumulalas siya sa galit at bumaril din bilang higanti.

Sumabog ang kinatatayuan ni Iris at tumilapon siya ng ilang metro. Sunod-sunod pa siyang pina-ulanan kung kaya't sunod-sunod din ang pagsabog na halos magmistulan na siyang isang laruan na tumatalsik mula sa lupa. 

"Hindee!" sumigaw ako sa galit, pilit kong hinampas ang aking braso.

Tumakbo ako patungo kay Iris na kasing bilis ng hangin. Alisto akong humarang sa kanyang harapan at gumawa ng force field. Nag form ng letter x ang aking mga braso. Walang tigil si Crey sa pag-papaulan nang lazer beams patungo sa amin na halos madurog na ang lupang kinalalagyan namin. Bumubulalas na naman siya at ngayon, mas mabalasik na ito. Mararamdaman mo na ang kanyang galit. 

Hanggang sa mawala ang pag-baril. Bigla na naman kasi siyang naglaho. Inalis ko ang force field at muling niligoy ang paningin sa paligid.

Pagtingin ko sa direksyon ni Iris, pinipilit niyang tumayo. At doon ako nakahinga nang maluwag. Salamat naman at hindi siya napuruhan. Tumakbo ako patungo sa kanya ngunit pag-lapit ko palang, biglang sumulpot si Crey sa aking gilid na para bang hangin na dumaan dahil sa bilis.

Dinambahan na niya pala ako at nagpagulong-gulong kami sa lupa nang quadrangle. Binubuka niya ang kanyang bibig na pinipilit akong sagpangin kahit balot ako nang armor. Alisto kong hinampas ang aking braso at mabilis na sumusuntok para depensahan ang aking sarili, hindi pa rin umubra sa kanya. Manhid na ang walanghiya.

Para na naman kaming mga kidlat na nagbunuan habang nagpagulong-gulong. Tumama na naman kami sa isang gusali na halos gumuho ang isang bahagi nang mapa-loob kami. Hindi ko siya tinantanan kaka-suntok, iniiwasan ang kanyang bibig o di kaya ang buntot.

Napansin kong may sugat siya sa kaliwang pisngi, nasugatan siya ni Iris. 

Umilaw ang aking kamao at sinuntok ang parteng iyon. Bumulalas siya sa sakit kung kaya't hinagis niya ako kung saan.

Tumama akong muli sa isa pang school building at napa-loob sa isang classroom. Nagtalsikan ang mga upuan pag-bagsak ko ngunit alisto pa rin akong tumayo. Nagkaroon na nang spark ang isang bahagi nang aking armor at hudyat ito na maari na itong masira kapag pinag-patuloy ko pa rin ang laban. Ngunit hindi ako pwedeng sumuko, kailangan kong tapusin ito. Nang ma-alala ko ang huling sinabi ni kapitan Zegyr sa akin na nakapag-higanti na raw siya, hindi pa rin sapat iyon para sa akin. Kailangan kong mapatay si Crey. 

Isang lazer beams ang muling sumambulat sa aking harapan pero sinalag ko pa rin ito ng force field kahit papaano.

Nasorpresa ako ng paulanan din nang lazer beam si Crey at paglingon ko kung sino ang may gawa nun, nakita ko si Iris. Bumabaril siya habang nasa loob nang isang water force field. Gumawa na rin nang barrier si Crey at sinasalag ang kanyang patama na ngayon, hindi na siya magkanda-ugaga kung sino ang uunahin niyang patamaan sa amin.

Pinagtulungan namin siya ni Iris at dahil sa hindi namin siya tinantanan, bumubulalas na siya dahil sa inis.

Hindi ko sinasadyang mapalingon sa kanang direksyon, may sumulpot kasing alagad niya at tumama sa puno. Alisto na sana akong dedepensahan ang aking sarili just in case na lumapit ito sa akin. Ngunit nagtaka nalang ako nang tumayo ito at tinignan lang si Crey sabay talikod at lakad palayo sa amin. Napansin kong mas lalong bumulalas si Crey sa galit nang makita ang inasal nang kanyang tauhan, bakit kaya? Hindi na niya magawang maka-kilos dahil sa ginagawa namin ni Iris sa kanya.

Hanggang sa tumalon siya nang napaka-taas. Sinundan ko siya nang tingin. Bumagsak siya sa harap ni Iris. Hinawi niya ito nang napaka-lakas gamit nang kanyang braso. Tumilapon si Iris nang napaka-layo.

"Hindee!" sigaw ko sa loob nang armor.

Kumulo na naman ang aking dugo dahil sa ginawa niyang iyon. Yung tipong nag-recharge ang lakas ko na may dumaloy nang pagka rami-raming kuryente. Na napa-lipad ako nang sobrang bilis nang sugurin ko siya.

***

IRIS

Ang lakas nang pagkakahampas ni Crey sa akin at mabuti nalang tumama ako sa garden nang paaralan namin. At pansin ko lang, hindi ako masyadong napupuruhan kapag tumatama ako, gawa ba ito nang suot kong costume? Kanina pinagbabaril niya ako nang maraming liwanag na halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ba akong tumilapon. Ngunit hindi ako masyadong nasasaktan kada bagsak ko sa lupa. Naging super hero na ata ang katawan ko dahil dito sa aking suot. Pag-bumabagsak ako, nakaka-bangon pa rin ako at nakakatayo kahit iika-ika pa ako sa paglakad.

Pagbangon kong muli, bigla akong natigilan at nagtaka. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Nasaan na kaya si Hector? Pati na rin si Crey? Nawala silang dalawa. Pinuntahan ko yung pinanggalingan ko kanina at hinanap ang sandatang nabitawan ko.

Halos mangiyak-ngiyak ako nang pagmasdan ang sinapit nang paaralan. Yung aking classroom kasi, hayun, napulbos na. Butas-butas ang lupa. Ang flagpole bumaluktot, hindi ko maisip kung papaano ito ma-aayos muli kung matapos man ang digmaang ito. Sino kaya ang magwawagi?Gaya nga nang sinabi ni Marinagua, nani-niwala akong mananaig pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan.

Na-apakan ko ang aking sandata at dali-dali ko itong pinulot. Kahit maingay ang buong paligid na akala mo new year ay may naririnig pa rin akong mas nangingibabaw na ingay na mala-kulog.

Napalingon ako sa itaas at nanlaki ang aking mga mata. Naroroon kasi sina Hector at Crey na naglalaban. Papaano sila nakakalipad? Hindi ko pa nga masyadong maaninag kasi panay kislap lang kung minsan ang aking nakikita. Ang bilis nilang magpalit nang pwesto, kikislap sa kanan tapos kikislap naman sa kaliwa. Na akala mo pa nga may magic dahil bigla nalang silang mawawalang parang mga bula na kapag sinusundan mo nang tingin mahihilo ka talaga.

Inangat ko ang hawak kong sandata at nagbabaka-sakaling ma-itutok ko ito patungo kay Crey ngunit bigo ako. Para silang hangin kung gumalaw. Hanggang sa pareho nalang silang bumagsak sa likod nang paaralan. Ang lakas nang ingay nang pagbagsak nila dahil dumagundong ang lupa. Nawasak nila ang covered court doon.

Kumaripas ako nang takbo patungo roon. Halos sumabog ang likod nang paaralan sa pagbagsak nilang dalawa at nag-alala tuloy ako ng husto kay Hector. 

At pagdating ko, isang mausok na paligid ang sumalubong sa akin. Hinanap ko siya, na may pagkakataong na-uubo pa ako dahil nag halo halo na talaga ang amoy. Hanggang sa may narinig nalang akong sumisigaw. Mabilis kong hinanap ang tinig dahil hinding hindi ako pwedeng magkamali, panaghoy iyon ni Hector.

Matapang kong sinuong ang mausok na paligid habang panay ang hanap sa kanya. Hanggang sa matigilan ako at hindi ko pa maiwasang magimbal sa aking nakita. Sakal ni Crey si Hector na wasak na ang takip sa kanyang mukha kung kaya't naka-litaw na ang kanyang ulo. Bakas ang paghihirap sa kanyang mukha. Na halos dumadaing na siya sa sobrang sakit. Umuusok na rin ang bahagi nang kanyang leeg na nasa nagliliwanag na palad ni Crey. 

Kailangan kong iligtas si Hector kahit anong mangyari, mas mainam kung sa malapitan ko babarilin ang animal na to. Unang pumasok sa aking isipan.

Umatras ako at tumakbo sa ibang direksyon patungo sa likod ni Crey. Hindi niya ako napansin dahil sa kapal nang usok sa paligid. Dahan-dahan akong lumapit. At nang matantiya kong ilang metro nalang ang lapit ko sa kanya, alisto kong inangat ang aking hawak na sandata. "Bitawan mo siya halimaw!" bulalas ko.

Lumingon siya patungo sa akin at saka ko inundayan nang putok mula sa aking sandata. Natamaan ko siya sa ulo kung kaya't hinagis niya si Hector kung saan. Bumulalas siya sa pinagsama samang emosyon, sakit at galit. Sumugod siya sa akin ngunit nagawa kong ilabas ang malaking bula na bumalot sa akin. Tumalsik siya nang magawa niyang lumapit.

Bigla naman niyang pinaputukan ang aking paligid. At doon lang ako talo kasi kahit may pumoprotekta sa iyong bula, maaari ka pa ring tumilapon kapag sumabog ang nasa paligid mo. At nangyari nga iyon, naglaho ang bula dahil nawalan na ako nang balanse. Nabitawan ko pa ang hawak kong sandata at doon na akong nagsimulang tumalsik kung saan saan.

Ngunit pilit pa rin akong bumangon. Pero ang bilis naman niyang lumapit sa akin, napa-tili tuloy ako nang malakas. Hinablot niya ako sa leeg at ako naman ngayon ang kanyang sinakal. Inangat niya ako sa mula sa lupa na kahit anong gawin kong pagpupumiglas, hindi ko talaga kinayang makawala. Sobrang higpit ng kanyang pagkakasakal at mukhang, malalagutan na ata ako ng hininga.

Ibinuka niya ang kanyang malaking bunganga. Na tumulo nalang ang mga luha sa aking mga mata dahil wala na akong nagawa pa. Ang mga matatalas niyang ngipin ang aking tinitignan. Nawalan na ako nang lakas, katapusan ko na. 

Hanggang sa bumulalas siya nang ubod lakas. Binitawan niya ako at nagliwanag nalang bigla ang aming paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 277 35
Their lives will start to change when they ACCIDENTALLY bump to EACH OTHER. The Quest of their Lives will start to face the TWIST and UNEXPECTED TURN...
16.1K 232 46
𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦: 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 𝙻𝚞𝚗𝚊𝚝𝚒𝚌 𝚒𝚜 𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚝𝚒𝚚𝚞𝚊𝚝𝚎𝚍 𝚝𝚎𝚛𝚖 𝚛𝚎𝚏𝚎𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚘 𝚊 𝚙𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗 𝚠𝚑𝚘 𝚒𝚜 𝚜𝚎𝚎𝚗 𝚊...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
1.1K 51 41
Paano kung Sa kabila ng Masaya at Masaganang buhay ng Mga Immortal ay magiging Masirable at Babagsak ang Mundo ang mga immortal dahil lang sa lihim n...