A PAST WITH AN ALIEN #wattys2...

By Ae_december

131K 1.5K 9

Sabik na sabik si Erier nang makatapak sa planetang Earth sa unang pagkakataon. Bilang natatanging mamamayan... More

DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Meet the characters
Meet the characters part two

CHAPTER 36

2.4K 26 0
By Ae_december


ERIER

Halos hindi ko na makilala ang itsura nang loob ng bahay. Nagulo ang mga kasangkapan at may mga nawasak din gaya nang lamesa at mga upuan. Nagkalat pa ang mga basag na salamin.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at naging alerto sa kung sino man ang maaring sumulpot. Dala pa nila kapitan Okron at Mamir ang sandatang nakuha namin mula sa mga napaslang na Alpha-Draconians. Nagkakatinginan pa kaming lahat habang nililibot ang mga paningin sa buong kabahayan. Walang nagsasalita, tinatalasan ang mga pakiramdam.

Natigilan kami nang may boses na bigla nalang sumulpot at nagmumula ito sa kusina. Nagsenyasan kaming lahat sa pamamagitan nang mukha. Kaming tatlo nila kapitan Okron at Mamir ang sumugod habang nagtungo naman sina Avara at Sok sa verandah. Mabilis kaming pumasok nang kusina habang naka-posisyon ang mga armas na hawak namin.

"Alert! Intruder alert!" bumuntong hininga ako at ibinaba ang weapon.

Si Droid butler lang pala na naka-handusay sa sahig. Tanggal ang kanyang ulo. Naka-kalat sa paligid niya ang mga gamit pang-kusina. Doon namin nalamang wala na pala ang mga kalaban.

At nang makumpirmang wala na nga talaga, nagtipon-tipon kami sa sala. Inutos ni kapitan na halughugin ang buong bahay at siyasatin kung mayroon bang nawalang mahalagang teknolohiya. Kina-usap ko naman si Alta at lumitaw ang 3d hologram nito sa sala.

"Gaya nang sinabi mo Erier hindi ako nagpakita rito bago ka umalis," wika niya. "Hindi rin ako bumaba at iwan itong sasakyan natin,"

"Pupunta kami ngayon diyan Alta," wika ni kapitan.

Bakas sa mukha ni Alta ang tuwa nang makita ang lahat nang mga kasama namin. Sumulpot sina Avara at Mamir.

"They did not notice the teleporter, were still safe, makakapunta pa tayo sa ship," wika ni Avara.

Humarap si kapitan sa amin. "Pinupuri ko kayong lahat," bumaling siya nang tingin sa akin. "Lalo na sa iyo Erier. Niligtas mo kami, utang na loob namin sa iyo ang aming buhay,"

"Sorry kapitan," sagot ko. Nawala kasi yung hatred sa puso ko nang sabihin niya iyon. "Sorry sa pagkawala ni kapitan Zegyr,"

Nabalot kami bigla ng kalungkutan.

Pinatong ni kapitan Okron ang kanyang kaliwang kamay sa aking balikat. "Namatay siyang magiting, tumbasan natin ang katapangang ginawa niya. Sumama tayo sa kanila at makipag-digma – ipaghiganti natin si kapitan,"

Nagustuhan ko ang kanyang sinabi ngunit kuyom naman ang aking palad. At sa loob loob ko, ako mismo ang tatapos kay Crey bilang higanti sa kanya.

"Kapitan!" nabaling ang aming atensyon sa pagdating ni Sok. "Nawawala ang ating transmission,"

Nagkatinginan na naman kaming lahat at ngayon, bigla nalang bumakas ang takot sa aming mga mukha. Yun ang pinuntirya nila. Papaano nila nalaman ang pinaglalagyan nito sa loob nang bahay?

"Malalaman nila ang ruta natin patungo sa ating planeta," sambit ni Avara. "Kapitan, our planet is in great danger,"

Hindi na mapakali si kapitan. "Babalik sila roon, dala ang transmisyon. Kailangan talaga natin magtungong muli roon,"

May sumulpot na namang muli na isang boses. Lumingon ako sa likod at nakitang palapit si Droid butler sa amin na kahit nakalaylay ang ulo ay nakuha pang magsalita.

"Hindi pa sila nakaka-layo," paulit-ulit niyang sabi. Umilaw ang bahagi ng kanyang dibdib at may lumitaw na 3d hologram nang isang mapa. "Nilagyan ko nang tracking device ang sasakyan nila,"

Nagkatinginan kaming lahat at tumango. Nagtungo kami sa basement at isa-isang umakyat nang Ieverin.

Nagsimula kaming maghanda para sa gagawin naming pagsali sa pakikipag-laban. May natitira pa palang armor na itinago for emergency purpose. Gagamitin na rin namin ang mecha robot. Hinanap pa nila ang isang air vehicle at yun yung ginamit ko na sumabog nang subukan ko silang iligtas. Sinabi ko kay kapitan ang katotohanan at nasorpresa ako na hindi siya nagalit sa akin. Bagkus tinanggap pa niya ang aking paliwanag.

Ang sabi niya, hindi na raw mahalaga iyon ngayon dahil nag-iba na ang sitwasyon. At higit na mas mahalaga, ay hindi na niya hahayaan pang may mawala pa sa amin. Mas nanghihinayang siya sa pagkawala ni kapitan Zegyr kaysa sa isang sasakyan at napa-hanga niya ako rito. Doon ko naunawaan yung ibig niyang sabihin. Yung pagiging tapat niya sa kanyang tungkulin bilang isang leader.

Binilisan namin ang paghahanda, kahit ang mecha nalang ang nag-iisang war vehicle ngayon, ang mga armor at sandata naman ay may laban pa rin. Na-trace pa namin na hindi pa pala nakakarating ng Poblasyon ang grupo nang mga Draconian na nagnakaw nang transmisyon. At Kasalukuyan nilang binabagtas ang hi-way ngayon. Pansin ko pa nga, may spaceship naman sila na pwede nilang gamitin pero bakit sasakyan pa rin nang tao ang ginagamit nila, nagtitipid lang.

Nagteleport kami pabalik sa loob nang bahay na suot ang mga bagong armor. Sa labas naman lumitaw si Mamir sakay nang mecha robot. Lumipad siya palabas ng Ieverin at bumaba, dahil hindi siya kasya sa teleporter. At nang magtipon-tipon kami sa labas, nagpa-alam muna si Mamir sa amin.

"Kapitan, ako na ang bahala sa transmisyon," bumukas ang ibabaw nang mecha at lumitaw siya na nakatayo, suot ang armor. "Ma-uuna na ako,"

Tumango si kapitan. Nag-sara ang ibabaw nang mecha robot, gumalaw ito, tumalon sa bakod at kumaripas nang pagtakbo palayo sa amin.

Sumulpot ang kotse at sumakay kaming apat. Humarurot naman ito pagkapasok naming lahat sa loob.

Naabutan pa namin si Mamir at nag-thumbs up ako sa kanya mula sa bintana ng sasakyan. Naabutan din namin ang ten-wheeler truck kung nasaan ang transmisyon ngunit nilagpasan lang namin ito. Lumingon ako pabalik at nakitang tumalon ang mecha robot na bumagsak sa ibabaw nang container module. Nawalan nang preno ang truck hanggang sa hindi ko na ito makita pa.

Narating namin ang Poblasyon at ayon kay Gaeia yung mga karatig bayan pala ang nilagyan nila ng barrier at pinatigil ang oras. Pinatulog din nila ang mga tao kaya wala silang ka-alam-alam sa nangyayari ngayon. 

Hanggang arko lang ang sasakyan kung kaya't naglakad nalang kaming apat papasok sa loob. At sa loob, may mga apoy at usok na kaming nakikita. May nagliliwanag na rin sa di-kalayuan kasama na ang mga halo-halong tunog nang mga armas sa magkabilang kampo. Ilang metro palang ang nai-hahakbang namin may sagupaan nang nagaganap. Sa ibaba ng lupa maski sa itaas ng langit.

May tumatakbong dalawang halimaw patungo sa amin. Alisto naming binaril ang mga ito saka kami nagka-watak watak. Ang main goal ko ngayon ay ma-iligtas si Iris. Sa plaza siya dinala ayon sa pagkaka-rinig ko. Iniwan ko ang pangkat na ngayon ay may kanya-kanya nang kalaban at kumaripas sa pagtakbo, patungo roon.

Paingay nang paingay ang buong paligid habang napapalapit ako. May apoy, usok at iba't ibang liwanag. Lahat nang nakaka-salubong ko naglalaban-laban. May tinutulungan pa akong mga alien members na muntik nang mapatay nang mga halimaw.

Nang makita ko na ang sentro nang pamayanan, naroroon ang ilan sa mga miyembro na nagkukumpulan. Nababalutan pala nang barrier ang buong sentro. May mga lazer beams na gumuguhit mula sa itaas nang higanteng spaceship nang mga kalaban habang nagliliwanag ang paligid dahil sa force field. Hindi magawang pasukin nang mga miyembro nang Alien Convention ang barrier dahil abala sila sa pag-protekta sa kanilang mga sarili. Habang may mga Alpha-Draconian na bumabaril dito sa ibaba, tinutulungan naman sila nang kanilang higanteng spaceship sa pagbaril mula sa itaas.

Ang mga sasakyang dala nang Alien Convention ang nagpapatama sa spaceship ngunit sa halip sila pa rin ang napupuruhan. Parang batong bumabagsak ang mga sasakyan at sumasabog sa lupa kapag tinatamaan nang kanilang mothership.

Halos madurog ang lugar na iyon na nagkaroon tuloy nang border sa pagitan ng plaza at dito sa kinalalagyan amin dahil sa bumabalot na barrier doon. Nilabas ko na rin ang force field at lakas loob na nagtungo sa kumpol.

"Naroroon sa loob si Iris, pati na ang mga tao," wika nang isang boses sa aking isipan.

Nakita ko sa kaliwa si Gaeia, ilang metro ang layo sa akin. Nakatingin siya habang naka-taas ang mga nakabukang palad. Kinokontrol niya ang barrier at mukhang pinipilit niya itong butasan. Lalapitan ko sana siya kaso may sumambulat na lazer beam mula itaas na akala mo kidlat at tumama sa aking kanang bahagi. Sumabog iyon na pati ako nadamay. Tumilapon ako kasama nang mga katabi kong alien members. Pero bumangon pa rin ako at tinulungan makatayo ang ilan sa mga nabuwal.

Nilabas muli namin ang force field at lumapit na talaga ako kay Gaeia. Nakita kong unti unti na siyang nakakagawa nang maliit na butas. Bilib ako sa kanya, malakas kasi siya, hindi siya natitinag kahit pasabugin yung kanyang kinatatayuan.

"Ako ang papasok Gaeia!" wika ko. Lumingon siya sa akin at tumango.

Inalis ko ang force field na nakabalot sa akin. Tumayo ako nang tuwid at nilagay ang mga braso sa dibdib na nag-form nang x. Huminga ako nang malalim. Gumulong ako pasulong sa konkretong kalsada na parang bola. Hanggang sa makalusot ako sa butas na ginawa ni Gaeia.

At nang mapasok ko ang barrier, isang batalyong Alpha-Draconians pala ang nag-aabang sa akin doon.

Alisto akong tumambling at nagpakawala nang mga lazer beams. At kada bagsak ko sa lupa, nag-scan ang aking paningin. Hinahanap kung nasaan si Iris. Ginamitan ko nang kanyang physical description ang aking mga mata. Lingon dito at lingon doon ang aking ginagawa habang bumabaril sa mga papasugod na halimaw. Sumisirko pa ako at isa isa pa silang pinag-tatadyakan. Binuhos ko ang lahat nang aking lakas para maipagtanggol ko ang aking sarili.

Dito ko rin na-realize na ang Xyle-ver na laging pinagtatawanan, kinukutyang palpak at walang future sa buhay ay isa palang mandirigma. Binago ata ako nang pangyayaring ito. Dahil sa goal kong iligtas si Iris, bawat kilos ko perfect. Lumakas ata ako at gumaling. Lumabas ang kakaiba kong tapang. Teacher lang ako sa aming planeta ngunit ngayon daig ko pa ang isang sundalong Xyle-ver. Yung mental state ko naka-focus sa pagligtas sa kanya na gagawin ko ang lahat para hindi siya mapa-hamak. 

Nagtugma ang physical description sa nahagip nang aking mga mata nang mabaling ako sa pinaka-sentro. At doon mayroon na namang barrier at mukhang hindi ako basta-basta makakalapit doon. Mas marami ang naka-bantay habang dito sa kinaroroonan ko marami pa ang sumusugod sa akin.

May humampas pa nang buntot at tumilapon ako sa isang bench na nadurog. Bumagsak sa tabi ko ang isang pamilyar na sandata. At eto yung sandatang tinuro kay Iris kung papaano gamitin. Hindi pala niya ito hawak kaya ngayon, wala siyang kalaban-laban doon sa loob.

Bumangon pa rin ako ngunit may dumamba naman sa aking likod. Ibabalibag ko sana kaso may kumapit pang dalawa sa magkabilang gilid ng aking biceps. Parang mga bato ang pasan ko dahil sa bigat nila na kahit naka-armor na ako, napa-luhod pa rin ako sa lupa.

"PATAYIN NIYO YANG PUTANG INANG YAN!" nabaling ang paningin ko sa nagsabi nito. At mula sa kinaroroonan nang barrier, nakatayo ang galit na galit na si Crey sa anyo niyang halimaw.

"Mabubuntis na ang love interest mo," naka-ngisi niyang wika habang nanlilisik ang mga mata. "Matataniman na siya nang aking perfect DNA," humalakhak ang walanghiya na parang demonyo. 

May humawak pa sa kamay at braso ko pati na sa binti. May naglock nang kanyang bicep sa aking leeg at hindi na ako makahinga. Hinatak nila akong lahat na para bang magpipira-piraso ang aking katawan. Umusok ang armor, may mga kuryente ng lumalabas at mawawasak na ito ano mang sandali. Dumadaing na rin ako sa sakit dahil pakiramdam ko mapuputol na ang bawat nahagi nang aking mga buto sa loob. Hanggang sa bigla nalang nila akong binitawan. Bumagsak ako sa lupa na hinang hina.

Napansin kong nakatingala silang lahat sa itaas, doon sa kanilang mothership. Bigla kasing sumabog ang itaas na bahagi nito kung kaya't naglaho ang mga barrier na pumapalibot sa buong plaza. Nawala din ang barrier sa kinalalagyan ni Iris at nakita ko siyang nakahiga sa isang makina. Umugong ang malakas na sigawan, lumusob ang pangkat nang Alien Convention patungo sa direksyon namin. Alsito akong tumayo at tumambling, kumaripas sa pagtakbo patungo kay Iris.

Continue Reading

You'll Also Like

171K 12.4K 25
In the year 3020X, as the population continued to surge while economic growth declined, the government faced an unprecedented challenge. When the eco...
886 143 30
_______ Kilalain si Azura Bassel,noon pa man ay maaga na siyang naulila sa pamilya,hindi niya alam kung ano ang tunay niyang pagkatao subalit dumatin...
265K 2.2K 12
Find the princess, before the war starts. Read at your own risk. -Unipron (MizukiAyane)
204K 8.8K 101
Kilalanin si Caroline Salvador. Maganda Matalino Mala-anghel ang mukha Mabait? Hindi siya basta bastang babae dahil mahilig siyang makipagbasag ulo...