His Property

By KookyDamsel

2K 201 132

Keep calm and read His Property :) More

Must Read
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 7

97 11 6
By KookyDamsel

CAI'S POV

Kriiiiiiiiiiiinnnnnnggg!!!!! (tunog po 'yan ng alarm clock. Hindi po yung sa ice cream. Hehe)

Kriiiiiiiiii-

"Ano ba! Ang ingay ingay.Tsk"

(Ilang minuto ang nakalipas)

"Prinsis?"

"Prinsis?"

"Hmm..." pumakanan ako ng higa. Yung paside na nakaharap sa kanan

 May narinig na akong katok.

"Prinsis bangon na. Maaga pa pasok niyo"

Pagkarinig dun, bigla akong napabalikwas sa kama ko.

"Maaga pa pasok namin?" na parang kinakausap ko yung sarili ko

Lumaki yung mata ko.

"Sh*t! Ngayon na pala kami papasok!"

Teka...nag-alarm ako eh. Bat di ko narinig? Sira ba?

Tinignan ko yung alarm clock sa table na malapit sa kama ko, wala.

"Prinsis..."

"Po?" sabi ko at agad na binuksan yung pintuan

"Bat ba ang tagal tagal mu?"

"Ah, pasensya na po ya. Medyo napasarap lang sa tulog. Sila Freya at Sandy po? Gising na ba?"

"Kagigising lang din. Maligu ka na at kakain na mamaya"

"Sige po"

Agad akong dumiretso sa banyo.

After 30 minutes...natapos din sa pagligo. Nagbihis na ako. Hmm...infairness...maganda ang school uniform nila.

Humarap ako sa salamin at nag-ayos.

"Huh?" at yumuko ako para hanapin yung nalaglag na clip ko. Kumapa-kapa ako sa ilalim ng kama

Ayun. Buti naman. Icliclip ko na sana kaya lang...pagtingin ko...

"Ano to?" sinuri ko sa lahat ng anggulo "Takip?"

Agad akong nag-kneel down at sinilip yung baba ng kama. Nakita ko yung alarm clock. Tapus nagkalat na baterya.

"Kaya pala...siguro nahulog ka noh? Kaya di mo ako nagising"

Nilapag ko ito sa table tapus kinuha yung bag ko sa upuan at lumabas na ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto, sya ding paglabas nina Freya at Sandy sa mga kwarto nila.

"Bagay ba?" tanong ni Sandy. Tinutukoy niya yung uniform ng Zircon Academy

"Bagay. Bagay sa ating tatlo. Alam niyo, kahit anong damit pa ang isuot natin, bagay sa'tin. Sa ganda ba naman nating 'to?" sabi naman ni Freya na yung kamay niya nilagay pa sa baba ng baba niya

-----

"Kumain kayo ng marami" sabi nung yaya ni Freya. Si Ate Marla

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami and after 15 minutes, nandito na kami sa harap ng school.

"Salamat po Mang Robert"

"Goodluck sa first day niyo mga anak. Sana magpapakabait kayo"

Nakasanayan na ni Mang Robert na tawagin kaming anak. Parang anak na din kasi ang turing niya sa amin.

"Sige po. Salamat po. Ingat po kayo sa pag-uwi"

Bumaba na kami at eto, nakatingin lang sa harap ng school.

"Wow! Ang ganda naman dito" narinig kong sabi ni Freya

"Ang laki ng gate. Sigurado maluwang at maganda yung loob" - Sandy

"Ang ganda" yun nalang ang nasabi ko. Nakakaspeechless naman kasi talaga ang ganda ng eslwelahang ito

Tinignan ko ang mga estudyanteng naglalakad papasok sa gate. Ang gaganda at ang gugwapo.

"School of actors and actresses ba dito?" tanong ko kila Sandy

"Ha? Bakit?" sabi nung dalawa na nakanganga nung nilingon ko

"Tignan nyo kasi. Ang gaganda at ang gugwapo ng mga estudyanteng pumapasok sa gate"

"Oo nga" - Freya

"Ano? Tara na? Baka malate tayo" - Sandy

Pumunta na kami sa gate. Actually dalawang gate yun eh. Isang gate na para sa mga sasakyan at isa para sa mga estudyante. Pero magkatabi lang. Dun kami sa gate para sa mga estudyante. Papasok na sana kami kaya lang hinarang kami nung guard.

"Miss I.D nyo"

"Ahm...kuya, baguhan lang po kami sa school na to" - Freya

"Sorry miss. No I.D, No Entry"

"Pero kuya..." - Sandy

"Sorry miss. Mahigpit kasing pinagbabawal ang policy na un dito"

"Pero koya baguhan talaga kami dito" sabi ko naman

"Sorry po talaga. Ok lang sana kaya lang po may CCTV. Mahirap na po. Ayokong mawalan ng trabaho. Pasensya na po"

May dumating naman na isa pang guard. May inabot sa kanyang folder. May sinabi siya kay Koya at tumango tango naman si Koya.

Tinignan naman niya yung laman nung folder tsaka tumingin sa'min.

Tumingin ulit sya sa hawak niyang folder at tumingin ulit sa'min.

"Pasok na po" sabi niya

"Naku, maraming salamat po Manong Guard" - Sandy

"Sabi sa inyo Manong Guard eh. Bago lang kami dito sa school na to. Ayaw niyo kasing maniwala" - Freya

Ngumiti lang naman si Koya.

Nung papasok na kami, pasulyap ko namang tinignan yung laman nung folder. Mukha naming tatlo. Aba, para naman kaming mga wanted neto eh. :D

"Teka...alam niyo ba kung san yung room natin?" tanong ni Sandy

"Hello? Pare-pareho lang tayong baguhan dito noh? Tapus kami pa tatanungin mo" sabi naman ni Freya

Binelatan naman siya ni Sandy.

"Tama na 'yan. Magtanong nalang tayo kung san ba part ang class F4" sabi ko sakanila

Narinig naman naming nagring na yung bell. Yung mga estudyante nagsisitakbuhan.

"Hala. Bat sila nagsisitakbuhan?" - Sandy

"Ewan"

May nakita naman akong isang babae. Di naman siya tumatakbo pero mabilis siyang maglakad. Kita mo na nagmamadali talaga.

Hinarang ko siya.

"Ahm...miss, bat sila nagsisitakbuhan? E-este...bat kayo nagmamadali?" tanong ko

"Bawal kasi malate sa klase. Dapat di kayo maunahan ng teacher niyo. Sige, mauna na ako" sabi niya pero ngayon, tumakbo na siya

"Narinig niyo yun? Dapat di daw maunahan ng teacher ang mga estudyante niya" sabi ko sa kanila

"Pano na 'yan" sabi ni Sandy na tumingin tingin pa sa paligid namin

Parang ang bilis naman. Nawala agad ang mga estudyante na kani-kanina lang nagsisitakbuhan.

Nakita namin yung isang guard kanina na nagbigay ng folder kay Koya. Papunta ata siya dun kay Koya.

"Manong Guard!" tawag ko sa kanya

Lumingon naman siya at tumakbo kami papunta sa kanya.

"Oh, ma'am. Bat nandito pa kayo sa labas? Diba dapat nasa classroom na kayo?"

"Ah...eh...Manong Guard, bago lang kasi kami sa school na 'to. Di namin alam kung san yung room namin" - Sandy

"Ahh. Ganun po ba? Anong year na po ba?" tanong ni Manong Guard

"4th year po. Class....F4?"

Anong klaseng section 'to? Bakit ganito ang pangalan ng section namin? F4.

"Ahh..F4" ulit ni Manong Guard "Nakikita niyo ba yung building na yun?" sabi niya at tinuro yung building na di kalayuan sa'min

"Yung building po na yun?" ulit ni Freya at tinuro yung malaking building

"Oo. Yun nga. Yun ang building ng high school. Lahat ng 4th year, sa 4th floor. Lahat ng 3rd year, sa 3rd floor. Ganun din sa 1st and 2nd years. Di ko alam kung san part yang section niyo. Basta tignan niyo nalang. Nakalagay naman yung pangalan ng class sa taas ng pintuan" - Manong Guard

"Ahhh...ganun po ba? Sige po. Salamat" sabi ko

"Sige. No problem" - Manong Guard

Tumakbo naman kami papunta sa building na yun at nagsimulang umakyat sa hagdan.

"Grabe naman 'to! Nakakapagod!" reklamo ni Freya

"Anong floor na ba 'to?" tanong ni Sandy

"2nd palang. Di ba kayo nagbabasa o nagbibilang man lang? Ayan oh" sabi ko sakanila at tinuro yung nakasulat na 2nd floor

Well, di ko sila masisisi. Nakakapagod naman kasi talaga. Ang taas ng hagdan. Yung totoo, school ba 'to o palasyo?

"Haaaa???? 2nd floor palang 'to???" - Freya

Binilisan naman namin hanggang sa nakarating kami sa 4th floor at hinanap agad ang section namin.

Tignan daw namin sa taas ng door. Dun daw nakalagay yung mga sections.

Una naming nakita J4.

Naglakad pa kami tapus nakita ang C4. Sumunod, H4.

Ahh... Naiintindihan ko na. Yung 4, yung year. Nagbaliktad lang.

"Bat parang wala naman" - Sandy

Kasalukuyan na ang klase. Yung mga estudyante nagtitinginan sa'min habang napapadaan kami sa mga classrooms nila.

Lumiko naman kami.

"Eto" sabi ni Freya "Ito na nga yun"

Tinignan ko yung nasa taas ng pintuan.

Class F4

Ito na nga. Pero...bat nakasara?

"Bat nakasara?" tanong ni Sandy

"Ewan. Buksan mo nga" - Freya

"Bat ako. Ikaw na ah" - Sandy

"Ee, ikaw ang mas malapit sa pintuan eh" sabi naman nung isa

Hello? Late na nga kami...tapos mukhang magtatalo pa 'tong dalawang 'to.

"Ako na nga lang" singit ko

Hinawakan ko yung doorknob at binuksan agad yung pinto.

Sh*t!

O__O - itsura ko po yan. Hehe. Ewan ko kung anong reaction nung dalawa kasi nasa likod ko sila. Di ko makita

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0

- KookyDamsel

Continue Reading

You'll Also Like

201K 33.7K 92
I am the father of villain Author Lin Ang Si ရဲ့ novel လေးပါ ???? All credit to Original author and E-Translators .
1.4M 60.7K 72
ငါလား.... စိတ်ချ...... နိဗ္ဗာန်ရောက်ရင်လည်း မင်းကိုပဲ ချစ်နေအုံးမှာ.......... သုနေတင်ထွဋ် ကမ္ဘာပျက်သလို လေပြင်းမိုးသံတွေထ...
443K 23.2K 51
အခြေအနေတစ်ခုကြောင့် လက်ထပ်ဖြစ်ခဲ့ကြတယ် အန်တီက ရိုးရဲ့ ဇနီးမယားပါပဲ... အေျခအေနတစ္ခုေၾကာင့္ လက္ထပ္ျဖစ္ခဲ့ၾကတယ္ အန္တီက ရိုးရဲ႕ ဇနီးမယားပါပဲ...
930K 10.3K 100
ထိုနေ့ည က မှားသွားတယ့် အမှားတစ်ခုက ကျွန်မဘဝ တစ်ခုလုံးနဲ့ ပတ်သက်မိသွားလိမ့်မယ်လို့ မထင်ခဲ့မိဘူး....... ပြီးတော့ ပတ်သတ်မိသွားတယ့်သူက ဘာလို့ သူဖြစ်န...