A Beautiful DISASTER (Publish...

By skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... More

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
36. Sorrow
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

37. New Beginnings

20.8K 519 59
By skycharm24


Chloe Alexandria

Ang anak niya ang pinaka apektado sa pagkawala ni Ethan. Malapit ang mga ito sa isa't isat at mahal ni Ethan si Maui. May mga gabing nagigising ito, umiiyak at hinahanap ang Papa niya.

" Chloe anak, makakabuti siguro kay Maui kung babalik na kayo ng Pilipinas, iyon din ang gusto ni Ethan noon, gusto niyang ituloy natin ang mga buhay natin kapag nawala na siya. Makakabuti sa kanya na makasama ang mga kapatid mo. Isa pa ang bahay na ito ay magpapaalala lang sa inyo kay Ethan." kinausap siya ng Mama Angela niya.

" Ang daya ni Ethan' Mama, para iwan niya tayo lalo na si Maui. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang mga bagay, hanggang ngayon hinahanap niya parin si Ethan." wala na siyang balak umuwi ng Pilipinas pero mukhang mapipilitan siyang gawin yon para sa anak.

Nanghihinayang man siyang iwan ang magandang trabahong pinapasukan ay kailangan niyang unahin ang anak niya. Kahit matagal ng wala si Ethan ay hinahanap niya parin ito at nababahala na sila ng mga inlaws niya dahil palagi itong matamlay at malungkot.

Kailangan nilang magsimulang muli. Namimiss niya narin ang mga kapatid. Alam niyang matutuwa ang mga ito sa paguwi nila.

Binibihisan na niya ang anak dahil dumating na ang araw ng flight nila.

" Mom, kasama po ba natin si MommyLa and DaddyLo? " tanong nito habang sinusuotan niya ng sapatos.

" Anak hindi, may need lang ayusin ang DaddyLo mo tapos uuwi nadin sila ng Pilipinas." naging malapit din ito sa mga magulang ni Ethan lalo na at naiiwan ito sa Lola kapag nasa trabaho siya.

" How about Papa? " maang na napatingin siya dito. Halos magdadalawang taon ng wala si Ethan.

" Anak diba sabi ko sayo, hindi na babalik ang Papa mo, nasa heaven na siya. Binabantayan ka niya mula doon." nalungkot ang mukha nito.

" I miss Papa so much." yumakap na ito sa kanya.

" I know Baby, I miss him too." pinilit niyang pasiglahin ang boses.

" Tahan na anak, ayaw ni Papa na umiiyak ka diba? " tumango ito. " Hindi ka ba excited na makikita mo na sila Tita Isha at palagi na natin silang makakasama."

" Talaga Mommy? " namilog ang mga mata nito at nagkaroon ng ngiti ang mga labi.

Pagkatapos ng mahaba nilang biyahe ay lumapag narin ang eroplanong sinakyan nila ng Cebu. Tulog pa ang anak niya at napagod marahil ito sa mahabang oras ng byahe nila, nakadalawang connecting flight sila.

Binuhat niya nalang ito pababa ng eroplano, nauna silang bumaba kasama ng mga may edad na pasahero.

Ginising na niya ito ng kukuha na sila ng mga bagahe.

" Nasa Philippines na ba tayo Mommy?" tanong nito sa kanya habang kinukusot ang mata.

" Oo anak, sandali nalang makikita mo na sila MommyLa." kita niya ang excitement sa mata nito.

Abala ang mga mata nito sa mga tanawin habang nasa loob sila ng Taxi. Hindi nagtagal ay nakarating nadin sila ng bahay na halos walang pinagbago sa limang taon niyang pagkawala.

Nagulat niya ng may lumabas na binatilyo at agad siyang niyakap. Tinitigan niya ang mukha nito.

" Xhan? " huling nakita niya ito ng personal ay noong baby pa si Maui. Hindi na ulit nagbakasyon ang mga ito sa kanila na ipinagtataka niya.

" I knew it, alam kong ikaw yan Ate, lumabas agad ako ng matanaw kitang pababa ng Taxi." niyakap niyang muli ang bunsong kapatid.

" Anglaki laki mo na, teka basa ka ng pawis, nagbasketball kana naman siguro." pero wala na sa kanya ang atensiyon ng kapatid.

" Ito na ba si Baby Maui Ate? Hala ambilis lumaki." agad namang nagtago ang anak niya sa likod ng mga hita niya.

" Anak, siya si Tito Xhan, siya ang baby brother ni Mommy pero big boy na siya ngayon." sinilip naman nito si Xhan.

" Hi..," bati sa kanya ni Xhan pero muli itong nagtago sa likod ko.

" Bakit ganon Ate? Hindi niya ba ako natatandaan, diba nandon ako nong bininyagan siya." saka ito tumawa. " Joke lang Ate, baby pa nga pala siya non." tinulungan siya ng kapatid na ipasok ang ibang gamit. Saka nito tinawag si Ate Juvy na gulat na gulat ng makita ako.

" Chloe? Hala uy!, niuli na ka." gulat marahil ito sa pagdating kaya kinausap siya ng Cebuano.

" Opo Ate Juvy, masaya po ako na nandito parin kayo." ngumiti siya dito.

" Kinsa man na siya, hala ka kyut nga
bata." tinutukoy nito si Maui na nakakapit sa laylayan ng blouse niya.

" Ito po si Maui, anak ko." agad siyang tinulungan ni Ate Juvy sa hila hila niyang trolley.

" Anak? Chloe' ikaw nga? " maging ang ina niya ay nasorpresa sa pagdating nila. " Bakit hindi ka manlang nagpasabi na uuwi kayo? Di sana nasundo kayo sa airport." niyakap siya ng ina. Madalang silang magkausap nito dahil narin sa trabaho niya at kapag nasa bahay siya nakay Maui naman lahat ng oras niya.

" Mom it's okay, gusto po namin kayong e surprise." saka ako gumilid para makita nito si Maui na nasa likod ko parin.

" Maui apo. Can you give MommyLa a hug?" tumingin sa kanya ang anak.

" It's okay Baby, si MommyLa, diba' nakakausap mo siya sa video call?" lumapit naman ito kay Mommy at yumapos.

" Maui, miss na miss kita apo, kayo ng ng Mommy mo." hinalikan siya ni Mommy sa pisngi.

" I miss you too MommyLa." napaluha na ng tuluyan si Mommy.

" Buti pa si MommyLa may hug kay Maui, si Tito Xhan wala." nakapout na reklamo ng bunso niyang kapatid.

" Hug mo din daw si Tito Xhan, Baby?" tanong sa kanya ni Mommy. Tumango naman ito at atubiling lumapit sa kapatid niya. Pero nong huli ay tuwang niyakap din nito si Xhan.

"Nasan nga po pala ang kambal Mom?" nakapagtatakang wala ang makulit na si Isha at kahit si Ian..

" Nasa Macau si Ian, para sa isang business conference, siya ang pinadala ng Daddy mo." nakalimutan n'yang nagtatrabaho narin ang mga kapatid niya.

" Si Isha po?"

" Naglayas si Ate Isha, Ate. Hindi parin siya umuuwi dito." maang na napatingin siya sa ina.

" Mom totoo ba? Kailan pa? Bakit hindi n'yo manlang po sinabi sa'kin?" wala siyang kaalam alam.

" Anak mag lilimang buwan na, nag aalala na nga ako sa kapatid mong iyon." agad kong nilapitan si Mommy na naguumpisa ng umiyak. " Napagalitan lang naman siya ng Daddy mo dahil hindi niya sinabi sa amin na nagpalit siya ng kurso, buong akala ng Daddy mo sinunod niya ang napag usapan nila na Business Management din ang kukunin niya para pagkagraduate niya papasok din siya ng kompanya."

" Bakit Mom? Anong kurso ang kinuha niya? " tanong niya sa ina.

" Gusto niya palang maging Doktor anak. Pero kilala mo naman ang Daddy mo, napagsabihan siya." pati ang kapatid niya ay gusto din manduhan ng Daddy niya.

" Anong problema kung gusto niyang maging Doktor Mommy? Ian is already in the company pati ba naman si Isha. Nandito narin ako, I could go back to work. Sana naman sapat na kami, hayaan nalang niya si Isabelle." hindi niya talaga maintindihan ang ama nila.

" Nag aalala ako sa kapatid mo. Sana ay nakakakain siya at may maayos na tinutuluyan." maging siya ay nag aalala para sa kapatid. Ni hindi nga iyon marunong magprito ng itlog.

" Hindi manlang ba siya tumawag sa inyo Mom? "

" Hindi anak, hinanap ko din siya sa mga kaibigan niya pero wala silang alam kung nasan siya." hinaplos haplos niya ang likod ng ina.

" Sana ay mabalitaan niyang nakauwi na ako baka sakaling bumalik siya dito sa bahay." kilala niya ang kapatid niya, matigas ang ulo nito. At ayaw na ayaw na pinakikialaman.

" Mommy what's wrong with MommyLa?" nag aalalang lumapit sa kanila ang anak niya.

" Masaya lang si MommyLa na nandito na kayo ng Mommy mo, Apo." ngumiti si Mommy dito.

" I'm happy too MommyLa. I love you. Please don't cry na." pinahid nito ang luha ni Mommy.

" Ang bait naman ng Baby Maui namin. I love you too." nagpaalam saglit ang Mommy niya para maghanda ng makakain.

Umakyat naman silang mag ina sa dating kwarto niya. Naroon na ang mga bagahe nila.

" Is this your room Mommy?" tuwang nilibot nito ang kwarto niya. Walang nagbago sa ayos ng kwarto niya. Naroon pa ang ibang laruan niya noong bata siya. Sinong mag aakalang aabutan pa ng anak niya ang ilang gamit niya.

" Yes Baby, this is going to be our room from now on. You and Mommy."

" You have a nice room Mommy. I love it here. Sana nandito din si Papa pero it's okay because ... " she's bubbling kaya hindi niya narinig ang mga huling sinabi nito.

" Magpalit kana ng damit anak. Kakain tayo ng lunch." agad naman niyang binuksan ang luggage nito at binihisan ang anak.

Bumaba na sila para mananghalian. Ngumiti siya ng makita ang mga hinanandang pagkain ng ina.

" Namiss ko ang luto mo Mom. Iba parin pag ikaw ang naghanda ng pagkain." namiss niya ang lasang pinoy.

" Sympre naman, the best yata ang Mommy natin." naka thumbs up pa na sangayon ng bunso nila.

Malungkot na napatingin siya sa mga bakanteng upuan. Namiss niya ang mga panahong sabay sabay silang kumakain. Ngayon niya mas na appreciate ang bonding nilang pamilya noon. Spending time with family will always be the most special thing for her pero marami ng nagbago.

" The food is so masarap MommyLa." pati ang anak niya ay nagustuhan ang luto ng ina.

" Salamat Baby. Palagi kang ipagluluto ni MommyLa. You remind me so much of your Mommy nong maliit pa siya." dinagdagan pa ng Mommy niya ang pagkain ni Maui.

" Mom, may alam ka bang school na pweding pasukan ni Maui?" yon ang una niyang aasikasuhin.

" Yong school na pinapasukan ng anak ng kapitbahay natin anak, alam mo ba ang school na yon Xhan?" saglit namang nag isip si Xhan.

" Yes Mom kasi doon pumapasok ang pamangkin ng kaklase ko, Watty Kindergarten and Preparatory Academy, private school yon Ate." sagot ng kapatid niya.

" Sige samahan mo nalang kami ni Maui bukas para makapag enroll ang pamangkin mo. Malapit na ang pasukan diba?"

" Sure Ate. Next week na ang pasukan namin Ate. Excited kana ba magschool Baby Maui?" tanong niya sa anak ko.

Tango lang ang sinagot ng anak ko dahil puno ang bibig niya ng pagkain.

" Mamimili nadin tayo ng gamit ni Maui for school." na ikinapalakpak ng anak niya. Nasa States palang sila ay kinukulit na siya nito about sa pagpasok sa school pero alanganin pa ito noon para pumasok.

Inayos niya ang mga gamit nila pagkatapos nilang kumain. Natutulog na ang anak niya. Sinanay nila itong matulog pagkatapos magtanghalian kahit noong nasa States sila.

Hawak niya ang birth certificate ng anak ng pumasok ang Mommy niya. Kinuha ito ng ina mula sa kanya.

" Hindi pa ako nagpapasalamat sayo, pinangalan mo sa kanya ang dapat ay pangalan ko. Thank you anak."

" Mom, alam n'yo namang kayo lang ang napagsasabihan ko ng mga bagay bagay lalo na ang tungkol sa anak ko."

" Anak, anong plano mo? Apelyido ni Ethan ang gamit niya? Paano kung magkita kayo? Paano kung makita niya si Maui?"

" Mom si Ethan ang ama ng anak ko."

" Papa.." pareho silang nagulat sa paghikbi ni Maui. Agad itong nilapitan ng Mommy niya.

" Sssshhhhh. It's okay Baby." muli siyang hinarap ng ina ng mapanatag ang anak niya. Nagtatanong ang mga mata nito.

" Palagi siyang ganyan Mom, minsan magigising nalang siya, iiyak at hahanapin si Ethan."

" Anong balak mo? Hahayaan mo nalang ba na patuloy na masaktan ang anak mo? Chloe hindi kita nagawang tiisin noon kahit hindi ko pa alam ang totoo, kaya alam ko na hindi mo kayang makitang nasasaktan si Maui."

" Mom anong ibig n'yong sabihin?"

" Alam mo ang ibig kung sabihin. Mag isip kang mabuti, isipin mo ang anak mo." naguguluhang iniwan siya ng ina.

Saglit na pinagmasdan niya ang natutulog na anak. " I'm sorry baby. Alam niyang kasalanan niya kung bakit nasasaktan ang anak. Damay ito sa mga desisyon niya."

Pagkatapos niya maayos ang mga gamit nila ay tumabi siya sa anak, hinihila siya ng antok dala narin siguro ng pagod ng mahabang byahe nila.

Pagkagising niya ay wala na ito sa tabi niya. Narinig niya ang malulutong nitong tawa ng pababa siya ng hagdan. Kasama ito ng Mommy niya at ng isang taong matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap.

" Mommy! You're awake." tumakbo ito sa kanya at yumakap. Hinila siya nito palapit sa mga magulang. " DaddyLo is here."

" Dad.." ang tanging lumabas sa bibig niya.

" Chloe anak." nagulat siya ng ito na mismo ang yumakap sa kanya. " Namiss kita anak, I'm sorry sa lahat." ramdam niya ang paggalaw ng balikat ng Daddy niya. " I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sayo."

" Dad.." niyakap niya din ito pabalik. Matagal niya na itong pinatawad, bali baliktarin man niya ang mundo, ito parin ang Daddy niya. Hindi niya nakakalimutan lahat ng sakripisyo nito para sa kanya.

" Dad, I'm sorry din pero napatawad ko na po kayo matagal na." masaya siyang nagkakaayos na silang mag ama. " Dad si Isha."

" Anak pinapahanap ko ang kapatid mo, yon ang totoo at hindi ko siya pinipilit sa gusto ko, sinabi ko sa kanya na susuportahan ko siya sa pag aaral sa kursong gusto niya pero galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko sayo. Hindi totoong gusto niya magdoctor ginawa niya lang yon para ipakita sakin na sinusuway niya ako. Nag aalala rin ako sa kapatid mo. Hindi ko na uulitin ang pagkakamaling nagawa ko sayo noon. I'm sorry." niyakap niyang muli ang ama.

" Dad kalimutan na natin ang nakaraan. Magsimula tayo ulit." lumuluhang nakatingin sa kanila ang Mommy Trisha niya.

" Do you miss Mommy that much DaddyLo? you're crying." natawa si Dad sa sinabi ni Maui.

" Sympre naman Maui, namiss ko kayo ni Mommy mo. Kita mo nga big girl kana, ni hindi ka manlang nakarga ni DaddLo noong Baby ka pa."

" Karga mo po ako now?" itinaas nito ang dalawang kamay kay Dad.

" Oo nga naman, pwede nga naman na ngayon nalang." pareho pareho silang natawa at masayang nagmeryenda. Bidang bida ang anak niya sa mga magulang.

Kinabukasan ay pinuntahan nila papasukang eskwelahan ni Maui. Mabilis namang naayos ang pag enroll ng anak niya at binigyan agad sila ng uniform nito at schedule ng klase sa susunod na linggo.

Excited na sinukat nito ang uniform sa loob ng sasakyan habang papunta sila ng Mall para bumili ng mga gamit nito.

" Do I look pretty Tito Xhan?" namimilog ang mga matang tanong nito sa kapatid niya.

" Very pretty Baby Maui." ngumiti naman ito dahil sa sagot ng Tito niya.

Pagdating ng Mall ay hinayaan niya itong maglaro sa archade kasama ang kapatid habang namimili siya para hindi ito mainip.

Palabas na siya ng Bookstore ng matanaw ang taong hindi niya inaasahang makikita pagkatapos ng ilang taon at may kasama itong bata.

Agad siyang nagtago ng mapatingin ito sa gawi niya. Kita niya ang saya sa mukha nito habang kausap ang batang halos kaedad lang ni Maui. Marahil ay may pamilya na ito.

Itutuloy....

Merry Christmas everyone. Sakaling makita niyo ang #IMA sa mga bookstore kindly tag me, diko pa nahahawakan ang book huhu..😅

Skycharm24

Continue Reading

You'll Also Like

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
829K 28.4K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.2M 63.8K 58
"Ang dami mong sinasabi," nakangising sabi niya at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Yeah, maybe I'm not a good guy. I'm the selfish one. I take wh...
160K 16K 67
Benji and Sunshine grew up in the same neighborhood since birth. Both studied at the same school from elementary to high school. Both are the only...