Isang author na makakapagpublish na ng libro. Talaga namang sikat siya at hinahangaan ng marami.
Personal Info Section
Name: Emmanuel M. Priel
Age: 24
Location: Pasig City
Birthday: September 27, 1989
Status: In a relationship..:-)
Wattpad info Section
UN: EMPriel
Member Since: April 23, 2013
Votes Received: 4,025 and still counting..:-)
Stories (List your stories and Give a short detail about your story e.g. genre):
Patunayan:
Ang una kong sinulat sa wattpad. Frustrated lovestory ng totoong buhay..:-)
Philippines: Year 2300:
Ang hindi ko inaasahang papatok na sinulat ko. Gawa ng malikhaing isip at teorya. Isama na diyan ang iba’t-ibang problema ng bansa. Naandito na yata lahat sa nobelang ito. Ipupublish na siya! (as of now I’m answring this) pero malapit na marelease.
Philippines: Year 2302 – Helena’s Downfall:
Sequel ng Philippines: Year 2300. Actually trilogy siya. Sa nacu-curious. Basahin na lang…haha.
Futuristic parin ang tema. More on conspiracy stories at war.
Abot Langit:
Sequel naman ng Patunayan. Ang mga totoong pangyayari pagkatapos ng sakit sa pag-ibig. Mga halo-halong pagkakataon at pangyayari ng totoong buhay.
Kung Bakit Bumagsak si Kupido sa Lupa:
Comedy Story na may lessons about love. Bakit nga ba ibinagsak mula sa langit si Kupido. Pano yung mga pana na ginagamit niya. Depektibo na siguro. Kaya mano-mano na niyang paiinlabin ang mga tao.
Rekonsilasyon:
Ka-collaborate ko dito ang writer na si Maryblood. Tungkol sa gobyerno at society din pero in present time. Maaktibista ang kwentong ito. Kung bakit biglang bumait ang mga tao matapos umuwi sa sariling bansa ang bida. Kasinungalingan nga ba ang nakikita nya o katotohanan?
Questions:
When did you start writing?
Since Highschool pa po…
Who are your inspirations in writing?
Bob Ong! Lualhati Bautista!
What inspires you to write?
Current events, mga issueng napapanahon. Paghahanap ng pagbabago at pagsisiwala’t ng kamalian. Social issues, government issues…ayan.
What motivates you to keep on updating your stories here in wattpad?
Syempre ang nangunguna na diyan ang mga readers ko. Pero mamomotivate parin ako magsulat hanggat walang nagbabago sa society at government natin.
How did you find out about WATTPAD?
My college friends! My sister! My GF!
How do you balance your time? (Wattpad with personal life)
Sa totoo lang sa ngayon hindi ko pa mabalanse eh. Pero kapag kailangan ko talaga mag-update ginagawa ko. Unless may pupuntahan, out-of–town, job offerings, project offerings ayun. Nagpapaalam nalang ako sa mga readers ko na mawawala muna ako.
How do you manage demanding readers?
So far mababait naman ang mga readers ko. Pagdating sa update nagmamadali sila pero aiintindihan din naman nila pag minsan marami akong ginagawa. Nagso-sorry na lang ako pag talagang tumagal yung update.
How do you deal with haters?
I don’t mind them. Pero sa una kinakausap ko sila. Pag talagang utak talangka sila eh binibigyan ko nalang sila ng smiley at nagpapasalamat na lang ako sa block at ignore buttons.
What advice can you give to those writers who are afraid to try? How can they overcome fear?
Kung gusto nila magsulat dapat hindi sila natatakot. Gusto mong gawin yun eh. Walang imposible kung talagang willing ang isip mo na gawin ang bagay na gusto mo. Try it! Sa simula lang yan mahirap. Habang tumatagal magiging kumportable kadin..:-)
Getting to know the Author
Random Questions:
If you would be a thing what would it be?
Siguro tubig. Para kahit saan nandoon ako. Sa ulan, sa hangin. Nahahawakan ako ng kahit na sino pero hindi ako kayang saktan.
If you would be an animal what would you be?
Raven, nagbibigay ng babala pero iniiwasan ng mga tao.
What is the one thing/animal that best symbolizes you?
Tingin ko yung raven parin. Kahit na iniiwasan ako ng mga tao, atleast nabigyan ko sila ng warning.
What is one thing you cannot live without?
Music, kapag wala nyan topakin ako haha.
Favorites:
Food: Chicken Curry! Vegetable Salad!
Drink: Sprite! Hot Choco! Water! Beer! XD
Fruits:Melon, mangga, anything pa na maasim.
Vegetables:Cauliflower, Lettuce! Potato!
Color: Black, White, Red
Number:4!
Author: Bob Ong!
Stories:Macarthur!
Likes: Tahimik at nakakarelax na lugar! Escape areas!
Dislikes: Maingay at mataong lugar haha.
Motto: You can’t stop me unless I die.
Saying: We have given a short life. Cherish every moment.
What kind of person are you? Can you describe yourself? (Attitudes, behavior, physical, emotional hehehe. Kaw na bhala)
Messages:
Message to your fans/readers:
Halu readers! Salamat talaga sa mga suporta niyo. Hindi naman mapapansin ang novel ko kung hindi dahil sainyo. Mahal na mahal ko kayo! Keep supporting at hindi kayo mabibigo..:-)
Message to aspiring writers:
Keep writing po. Yun lang. Keep dreaming and imagining nadin. Para may sapat na idea at creativeness sa pagsusulat.:-)
Message to haters:
Haters? Oh…hihi…bahala na kayo. Kasi kayo naman yan eh. Diba parang nonesense? Yung tipong hate nyo ako pero wala naman po akong ginagawa sainyo. Ahaha. Keep hating kung yan ang magpapasaya sainyo. Ok lang.:-)