Territorio de los Hombres 1:...

By Vanessa_Manunulat

260K 6.6K 143

"I feel tingly just holding your hand like this. Kitten, you make me melt." Jared Burt, supermodel extraordin... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 3

12.5K 347 6
By Vanessa_Manunulat

KAILANGAN ni Burt na i-maintain ang pangangatawan. Ayaw na niyang bumalik sa pagiging Burt noon na sandamakmak ang bilbil sa katawan. Isa pa, ayaw naman niyang mabalitang mula nang mag-quit siya sa pagmomodelo ay nag-deteriorate na ang kanyang pangangatawan. At lalong hindi puwedeng mangyari iyon dahil lahat ng mga kaibigan niya ay pinagkakaguluhan ng mga chicks.

Magdadalawang taon na siya sa Pakyit-pakyitan. Higit pa sa inaasahan niya ang buhay doon. Unang pagkakataon niyang nakarating sa Territorio de los Hombres noong umuwi siya dalawang taon na ang nakararaan. Mahigit tatlong taon nang naitatayo noon ang Territorio pero dahil sobrang abala sa New York ay hindi siya agad nakauwi.

At nasorpresa nang husto si Burt sa nakita. Halos hindi na niya nakilala ang lugar, maliban na lang sa lumang bahay na nagawang i-preserve ng mga kaibigan niya. Ang lumang bahay kung saan nila nakita ang "ginto ng Hapon" at nagbigay ng mas malalim na pagkakaibigan hindi lang sa kanilang apat nina Urbino, Wulfredo, at Cholo, kundi maging sa grupo ni Jose Maria.

Ang bahay na iyon ang ugat ng Territorio de los Hombres.

Ang naaalala niyang gubat noong bata pa ay hindi pa rin patag, malawak pa rin, at puno ng nagtataasang puno. Ang ipinagkaiba lang ngayon, nandoon na ang naglalakihang bahay ng lahat ng may-ari ng Territorio, isang golf course, log cabins, hotel, tennis court, basketball court, badminton court, baseball field, swimming pools, lahat ng amenities ng isang leisure park, at ang lake na nasakop ng lupa ay in-improve. And Burt was part-owner of it.

Nagulat na lang siya isang araw sa New York nang makita si Wulfredo. They met and discussed the venture. That was years ago. Naubos ang laman ng bank account niya. But he never worried. The leadership he saw in Wulfredo as a child had become more apparent. He was a successful corporate lawyer and businessman at that time. Wala ni isang taga-Pakyit-pakyitan noon ang mag-aakalang magiging ganoon ang batang nagnakaw ng pera ng simbahan. Hanggang ngayon, hindi niya alam ang side ni Wulfredo pero para sa kanya, hindi na iyon mahalaga pa.

Sa kanilang magbabarkada, si Wulfredo ang sa tingin ni Burt na kailangan nang mag-asawa. Masyado kasi itong lulong sa trabaho. Bihira nga niya itong makita sa Territorio kahit ang tatay at mga kapatid nito ay doon na nakatira at hindi na sa city jail.

Ang malaking bahagi ng Pakyit-pakyitan ay nasakop na ng Territorio. Ilang hektarya ang lupaing kinailangan sa pagbuo ng kanilang mga batang pangarap at pangako noon. Pero sulit naman. Exclusive para sa mga miyembro ang lugar pero tumatanggap din sila ng reservations sa hotel.

Ipinagpatuloy ni Burt ang pagda-dumbbell. May malaking gym din sa Territorio. Nilapitan siya ng kapatid ni Wulfredo na nagtatrabaho roon bilang gym instructor. Hindi tulad noong kabataan nito, mukhang nag-mellow na ang lalaki. Hindi na ito mukhang sanggano.

"Kuya," sabi niyang bahagyang tumango.

"Nakikita mo ba ang kapatid ko?"

"Noong isang araw, sumaglit dito para sa meeting." Sa Maynila madalas na nananatili si Wulfredo, kahit ito ang presidente ng Territorio. Workaholic ito. Kahit na puwede naman nang mag-resign sa kompanyang pinagtatrabahuhan ay ayaw ni Wulfredo, lalo na at naging partner na ito roon.

"Puwede bang pagsabihan mo 'yang kapatid ko? Alam mo kasi, hindi nakikinig sa 'min 'yon ni Tatay, eh. Baka sakaling makinig sa 'yo."

"May problema ba, Kuya?"

"Wala ba sa tingin mo? Pumayat siya nitong nakaraan sa sobrang trabaho. Nagkasakit nga raw 'yan, sabi n'ong katulong niya. Alam kong mataas ang pangarap niya noon pang bata siya, pero noong nakuha, ayaw nang tumigil. Nag-aalala kami ni Tatay. Sa 'min, wala namang problema. Malaki nga ang pasasalamat namin diyan, eh. Kung wala ba siya, sa tingin mo, wala kami sa Bilibid ng mga tatay?"

Mayamaya pa ay seryoso na silang nag-uusap. Pero sa huli, ang naipangako lang ni Burt ay ang pagkausap kay Wulfredo. Kung may hindi nagbago sa kaibigan niya, iyon ay ang katigasan ng ulo.

Nang matapos mag-work out ay umuwi na siya sa bahay. Naabutan niya ang kanyang lola na nagluluto sa kusina. Ang tagal niyang na-miss ito dahil sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa.

"'La, amoy-masarap 'yan, ah."

"Adobong pusit, apo. Paborito mo."

"Ayos. Maliligo lang po ako."

Tumango lang ang matanada.

Dumeretso na si Burt sa kanyang kuwarto. Sa loob ng mga panahong hindi siya kasama ng lola niya ay ang anak ng kanyang tiyahin ang tumitingin dito. Ngayong bumalik na siya, nagbalik na rin ang pinsan niya sa Maynila.

Hindi pa rin makapaniwala minsan si Burt sa suwerteng dumating sa buhay niya. Noon, isang batang bilbilin lang siya. Noong tumuntong sa edad-kinse, kusang natunaw ang mga bilbil niya. Dahil siguro nahilig siya sa pagba-basketball. Noong makapagtapos siya ng high school, namroblema silang tatlo nina Wulfredo at Cholo. Wala kasi silang perang pang-enroll sa kolehiyo.

Laking gulat na lang nilang tatlo nang isang araw habang nasa hindi pa nade-develop na Territorio sila ay dumating si Urbino, kasama ang lahat ng kagrupo ni Jose Maria na naging barkada na nila. Nag-offer ng tulong ang mga ito.

Nakapag-enroll si Burt sa lokal na kolehiyo sa kabilang bayan. Pero nang nasa ikalawang taon na ay kinausap siya ng tiyahin. Kilala pala nito ang tunay niyang ama na isa palang GI. Natuklasan niyang dati palang nagtrabaho sa Olongapo ang kanyang ina. Waitress ito roon na ibinahay ng kanyang ama.

Nang madestino uli sa Amerika ang kanyang ama, hindi na uli ito sumulat. Umuwi na uli sa Pakyit-pakyitan ang kanyang ina na dinadala siya sa sinapupunan. Pagkalipas ng ilang taon, nagtangka ang tiyahin niyang sulatan ang kanyang ama. Naaawa na raw kasi ito sa kanya kung hindi man lang siya makakapag-aral.

Nang malaman ng kanyang ama na nabuntis pala nito ang kanyang ina ay pinuntahan siya nito. Inayos nito ang papeles niya at dinala siya sa Amerika.

Impiyerno ang naging unang mga taon ni Burt sa Amerika, kasama ang tunay na pamilya ng ama. Lahat ay galit sa kanya. Nakakapag-aral nga siya pero ilang ulit niyang hiniling na sana, hindi na siya umalis ng Pilipinas. Kahit hindi na siya makapag-aral, okay lang, basta kasama ang lola niya.

Lalo siyang namayat noong nasa piling ng ama. Bukod sa sobra siyang nangulila sa kanyang lola at mga kaibigan ay hindi rin maganda ang pagtrato ng kanyang madrasta at stepbrothers sa kanya. Nasa ikatlong taon siya sa kolehiyo nang ma-discover ng isang agent. And the rest was history. Mula sa pagiging Burt Sullen ay naging Jared Burt siya.

Para pa ngang nakahinga nang maluwag ang kanyang ama nang magpaalam siyang bubukod na. Sa unang dalawang taon niya sa pagmomodelo ay nagawa niyang bunuin ang huling taon niya sa pag-aaral. Pero hindi na niya nagamit ang natapos na kurso. The projects just kept coming and coming.

Mula rin sa San Diego ay lumipat na si Burt sa New York. Kung saan-saan naman siya dinala ng mga shoots. He had been to different countries, earned millions of dollars. Until he retired. Tama na ang lahat ng glamour. Nag-iiba na rin ang genre ng pagmomodelo. Ayaw na niya.

At ngayon, isa na si Burt sa mga may-ari ng Territorio. Sumosyo na rin siya sa ibang negosyo ng mga kaibigan. He was settled for life. Sa ngayon, nag-iisip pa siya ng gagawin sa lahat ng spare time niya. Baka hilingin na lang niyang maging operations manager ng Territorio, tutal parang ayaw na niyang umalis pa roon. He was having such a great time there. Hindi siya magsasawang bumawi sa mga panahong hindi niya nakasama ang kanyang lola.

Hah! Sino na ngayon ang tatawag na baliw sa lola niya? Doña na ito ngayon.

Nang makaligo ay bumaba na si Burt. Naabutan niya sa sala ang matanda, hawak ang mga baraha nito. Hanggang ngayon, obsessed pa rin ito sa pagkausap sa lolo niyang namatay na.

"Halika, apo, huhulaan kita," sabi nito.

Pinagbigyan naman niya ang matanda. Minsan kada isang linggo ay hinuhulaan siya nito. Minsan nagkakatotoo ang mga hula pero kadalasan ay hindi.

"Aba, magandang balita ito, apo. Makikilala mo ngayong araw na ito ang babaeng para sa iyo."

Natawa siya. "Paano mangyayari 'yon, Lola, eh, hindi na ako lalabas ng bahay?"

"Baka darating dito."

"May bisita ba kayo?"

"Wala."

Natawa na naman si Burt. Marami pang sinabi ang lola niya, at lihim na lang siyang napapailing. Papadilim na nang matapos ang mga panghuhula nito. Noon naman siya nakatanggap ng tawag mula kay Cholo. Bihira din ito sa Territorio dahil abala sa Maynila.

"Pare, ano'ng balita?" tanong niya.

"Nandito ako sa hotel. Darating din daw mamaya sina Urbing."

"Mabubuo tayo mamaya?"

"Puwera si Wulf, pare. Pag-uusapan natin ang birthday ng loko."

"Matagal pa, ah."

"Oo nga. Eh, alam mo namang bihira tayong mabuo. Punta ka na lang dito mamaya. Mga eight thirty darating ang mga 'yon. Nasa chopper na yata sina Kiko, eh."

"Sige, pare."

Nang balingan ni Burt ang kanyang lola ay nakangiti ito. "Sinabi ko na nga ba't ngayon mo makikilala ang babaeng para sa iyo."

"SiCholo? Lalaki 'yon, 'La."

Continue Reading

You'll Also Like

273K 6K 18
"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong...
113K 2.7K 13
Maraming nagawang pagkakamali sa buhay si Katalina, mga pagkakamaling naging dahilan kung bakit kinilala siya ni Gabriel Wharton, ang nag-iisang anak...
42.9K 2.4K 54
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa ibalik nito ang paningin sa kanyang mukha. She was shivering. A delicious kind of sh...