Territorio de los Hombres 1:...

By Vanessa_Manunulat

263K 6.7K 143

"I feel tingly just holding your hand like this. Kitten, you make me melt." Jared Burt, supermodel extraordin... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 1

16.2K 412 11
By Vanessa_Manunulat

PARANG tinusok ng aspile ang dibdib ni Fate nang marinig ang sinabi ng kanyang mommy. Her mother just announced Jared Burt's plan to quit modeling. Her whole world was suddenly falling apart. Lalo na nang idagdag ng mommy niya na plano ni Jared na bumalik na sa Pilipinas.

"Why did you tell me this only now, Mom?" tanong niya. Nitong nakaraang ilang taon ay umikot ang kanyang mundo sa binata. Hindi man alam ni Jared, siya ang number one fan nito. Pinapantasya niya ito gabi-gabi. She was so in love with Jared Burt.

Ngumiti ang kanyang ina at lumapit sa kanya. "Sweetie, it's not the end of the world. I know you feel something for him. I've seen you through the years. But believe me, you'll get over him. Three months tops."

Lumaylay ang mga balikat ni Fate. Alam niya na hindi lubos na naiintindihan ng sariling ina—ang PR person ni Jared Burt—kung ano ang nararamdaman niya para sa binata. "Y-yeah," sang-ayon na lang niya, bahagyang pumiyok.

Naiiyak na siya. Gusto niyang tumakbo sa kuwarto at mag-iiyak. She was so brokenhearted. She loved Jared! At gagawin niya ang lahat para manatili ito sa Manhattan. Pero ano ang magagawa ng isang tulad niya? Ni hindi nga yata alam ni Jared na may isang Fate na humihinga sa mundo.

Jared Burt was one of her mother's most important clients. Nagtatrabaho sa isang malaking PR company ang kanyang ina. Jared Burt was one of the big names her mother was handling alongside Hollywood's finest.

Isang Pilipina ang ina ni Fate pero sa New York na nagkaisip. Produkto siya ng love affair nito sa isang Pilipino rin na Navy Seal. Fate was one hundred percent Filipino. Namatay ang kanyang ama sa isang misyon noong dalawang taong gulang pa lang siya. Mula noon, sila na lang ng kanyang ina ang magkasama. Sa New York siya ipinanganak, at doon nakilala ang lalaking pinapangarap na sa loob ng halos limang taon ay laman ng kanyang puso.

Itinaas ng mommy niya ang kanyang baba. "Look, there are more gorgeous men to come."

"And you think I like Jared just because he's good-looking?"

"Yes."

"How could you?"

"You haven't even talked to the guy."

"That's not true."

But Fate was lying. Kahit kailan ay hindi pa niya nakakausap si Jared sa paraang tinutukoy ng kanyang ina. She was twenty-five years old and had been her mother's assistant for three years now. At sa loob ng panahong iyon, iilan pa lang ang palitan nila ng salita ni Jared. She was always watching him from afar, though. Wala siyang pinalampas na fashion show nito maski isa.

Time and again, she would be backstage, staring at him, sometimes even assisting the PAs. Sa loob ng ilang taon ay may anim na pagkakataon lang silang nag-usap. At tandang-tanda niya ang bawat pagkakataong iyon.

Ang una ay noong ipakilala siya ng kanyang ina kay Jared. Since si Jared technically ang employer ng kanyang ina, kaswal na palitan lang ng "hello" ang naging interaction nila. Sa dalawang sumunod na pagkakataon, ni hindi naalala ni Jared ang kanyang pangalan. Sa ikaapat, napagkamalan siya nitong PA. Sa ikalima, nang hindi pa rin siya maalala ni Jared ay siniguro niyang ipakilala uli ang sarili. He said "hello," and didn't pay her a second glance. Ang huling pagkakataon ay tinanguan lang siya nito. But she understood. Sa dami ng mga taong nakikilala ni Jared sa araw-araw, malamang na hindi nga siya maalala nito. Hers was an ordinary face. Kahit pa nga ang figure niya ay extraordinary, lalo na ngayon.

Fate weighed a hundred and seventy-five pounds. Five-five naman ang taas niya. She was obese. Sa bawat pagkakataon kasing hindi siya napapansin ni Jared, pagkain ang pinagbabalingan niya. In two years, she gained a total of thirty pounds. Sadya kasing mataba na siya noon at lumala pa dahil sa nararamdaman niya para sa binata. At ngayong nalaman nga na aalis na si Jared ng New York, pakiramdam niya ay lalo siyang tataba. Where else would she find comfort but in those junk foods?

"But I bet you're gonna like my birthday gift for you, sweetie," sabi ng kanyang ina.

"What is it?" malamyang tanong ni Fate.

"A date with your crush. Tonight."

Napaawang ang mga labi niya. Finally, a chance to spend some time alone with her true love! Oh, she could die that moment.


DALAWANG oras nang naghihintay sa restaurant ng Waldorf Astoria si Fate pero ni anino ni Jared ay hindi pa niya nakikita. Gusto na niyang umiyak. Buong maghapon siyang nag-isip kung ano ang susuotin pero ni hindi yata magpapakita ang binata.

Gusto na niyang tawagan ang ina at sabihing hindi siya sinipot ng kanyang date, pero parang tangang gusto pa rin niyang hintayin si Jared kahit tubuan siya ng ugat doon. Naisip din niyang kakaawaan lang siya ng ina. Ayaw niya niyon.

Gusto niyang magalit kay Jared. Bakit hindi man lang ito nagpasabi sa maître d' kung hindi ito makakarating? Lumong-lumong kinuha na niya ang bill at nagbayad. Palabas na siya nang marinig ang boses ng dalawang Amerikana na nag-uusap.

"Oh, yes. Jared Burt's here. I'm calling him later. He's booked under the name Pistachio. Oh, that one time in a shoot in Vegas, he fucked my brains out."

Pasimpleng minukhaan ni Fate ang nagsasalita. It was Dorothy Leung, a new star in the modeling world. Tumalikod na siya agad, lalong sumama ang loob sa lalaking mahal. Nandoon din naman pala ito sa hotel, hindi man lang naalalang sabihan siya. O baka naman nagpunta ito sa restaurant pero nang makita siya ay nagpasyang umalis na lang.

At bukas, aalis na si Jared ng New York. Baka hindi na niya ito makita kahit kailan. Right then, Fate decided to muster all the tiny little pieces of guts she had. She must talk to him before he left. Hindi niya dapat palampasin ang pagkakataong iyon. Nandoon na rin naman siya. And maybe, she would demand some apology.

Nagpunta siya sa front desk and asked for Pistachio's room number. Ibinigay naman agad iyon sa kanya. Halos pangapusan siya ng hininga sa sobrang kaba habang nasa elevator. Nang nasa tapat na siya ng kuwarto ni Jared ay parang tatalon na palabas ng dibdib niya ang kanyang puso. She inhaled deeply and knocked.

Walang sumagot mula sa loob. Nang subukan niyang buksan ang pinto ay natuklasan niyang hindi naman pala iyon nakasara. Madilim sa loob ng kuwarto, bahagyang nakaawang ang pinto ng banyo. Ang ilaw lang doon ang nakabukas.

Nakaramdam uli si Fate ng kaba. May tunog ng lagaslas ng tubig sa banyo. Malamang na nandoon si Jared. Halos hindi na niya magawang ikilos ang mga paa. Just knowing that he was naked only a few feet away was enough to drive her imagination wild.

"Hinahanap-hanap kita, Manila. Ang ingay mong kay sarap sa tainga. Mga jeepney mong nagliliparan. Mga babae mong naggagandahan. Take me back in your arms, Manila. And promise me you'll never let go..." narinig niyang kanta ni Jared mula sa loob.

Ilang minuto siyang nag-isip kung ipapaalam ba na nandoon siya. Nang maisip na baka lumabas nang nakahubo si Jared ay nagpasya siyang ianunsiyo ang presensiya.

"J-Jared? J-Jared?"

"Sweetheart, you're there already," sabi nito mula sa loob. Tumigil ang tunog ng shower. "I'll be there. Are you ready, baby?"

"Y-you have this all wrong—"

"What did you say when you called me up? That you want me to talk dirty to you? That you wanna cuff me and blindfold me while you lick me up and down and ride me? Sure, honey. You're making me so hot I can't stand it. I'm coming out."

"No! Don't come out!" bulalas niya.

"Oh, yeah, yeah. I know, I have to be blindfolded. Sure. I have an eye mask thingamajig here."

Bago pa makapagsalita uli si Fate ay lumabas na nga ng banyo si Jared, blindfolded and naked. Naitakip niya ang kamay sa bibig. The man was gorgeous! But he was also naked, so she didn't know what to do.

"Cat got your tongue, honey?" Namaywang pa ito. "'Like what you see?"

Hindi pa rin siya makapagsalita. Napaatras siya nang humakbang palapit si Jared.

"You have to guide me here, I can't see a damned thing. Gimme your hand."

Hindi nagawang kumilos ni Fate. Pero sa huli, nagpasya siyang alalayan si Jared papunta sa kama. Iniabot niya rito ang kamay.

"Hmmm, soft hands. Have you gained weight?"

She gasped. Ngayon lang dumikit ang kamay ni Jared sa kanya. Ilang gabi niyang pinantasya na mangyari iyon.

Maybe he misunderstood her gasp as some sort of protest for having been told she gained weight, so he chuckled and said: "I'm sorry, I didn't mean anything with that, honey. I'm sure you're still as lovely as the last time we fucked. Talk dirty, you said. Tell me if I'm overdoing it. Or if I need to do it more."

"J-Jared..." she said in a tiny voice. He wouldn't let go of her hand.

"What's wrong?"

"I... I have to g-go."

"Oh, what's wrong, baby? Not talking dirty enough? All right, let's fuck. I wanna ride you now, baby. Or is it, 'bitch'?" Hinila siya nito, dahilan para mapaupo siya sa tabi nito.

Sa puntong iyon ay nanlalaki na ang mga mata ni Fate. Patayo na sana siya nang dumako sa baba niya ang kamay ni Jared. One moment later, his lips were on hers. The kiss was more than she imagined it would be.

"Lie down," utos nito mayamaya. Ginawa naman niya iyon. Malabo na ang takbo ng isip niya.

Jared kneeled in front of her. Muli siyang napasinghap nang maramdaman ang mga kamay nito sa ilalim ng suot niya. Dumeretso iyon sa garter ng kanyang panloob.

"What the...?" sabi nito, nevertheless, he pulled down her panties. Saka nito mabilis na inalis ang blindfold, hawak sa isang kamay ang extra large niyang bikini. "Wha... Wha... What the hell...?" sabi nitong ininspeksiyon ang saplot niya, pagkatapos ay mabilis na bumaling sa kanya. "Inay ko!" Napatayo ito, napatalon pa paatras.

"J-Jared?" sabi ni Fate, hiyang-hiya. Tumayo na rin siya.

"Who are you and what the hell did you make me do? What the hell were you thinking, fat girl?!"

Nasaktan man sa sinabi nito ay tinangka niyang magpaliwanag. "Don't you remember me? My name is Fate. I'm the daughter—"

"Oh, Jeez! You're the PA! And you thought you could fool me to thinking you're somebody else? I may have had a blindfold, but, Jeez, I'm not completely stupid." Tiningnan uli nito ang underwear niya, saka nakangiwing umiling-iling.

Napaiyak na si Fate. Nasaktan siya sa sinabi ni Jared, higit sa ekspresyon sa mukha nito. Daig pa nito ang kinikilig sa pandidiri. Pakiramdam niya ay napakapangit niya. He didn't even remember her again. Ngayon, bukod sa sobrang pagtatampo, sobra din ang galit niya.

Wala pa ni isang tao na nagparamdam sa kanya na para bang wala siyang kuwentang babae. Na para bang wala siyang damdamin na sensitive din naman. Basta na lang siyang sinabihan ni Jared ng ganoon at hindi isinaalang-alang ang mararamdaman niya. Just because he was Jared Burt, the male supermodel.

Fate hated him so much—so damn much. All she wanted was a few hours with him over dinner. Iyon lang. Idol niya ito, tambak ang posters nito sa kanyang kuwarto. Kulang na lang ay sumali siya sa groupies nito. She was Jared's number one fan. She even prayed for him every night. But he called her names and ruined the little self-esteem she had left.

"I was your number one fan. I'm your publicist's daughter. You ought to remember that this time," sabi niyang nag-iinit ang mga mata habang nakatitig sa mga mata nito. Iyon lang at patakbo na siyang umalis.

"Hey, here's your underwear! Hey! I don't wanna keep this... this... this thing!" habol nito pero hindi na niya pinansin.

Tumakbo si Fate sa bilis na kaya niya, wala nang pakialam kahit na wala siyang panty!

Nang nasa tapat na ng elevator ay nilingon niya ang kuwarto ni Jared. Hindi niya ito nakita. Hindi na siguro ito nakahabol dahil walang damit. Noon bumukas ang elevator. Iniluwa niyon ang babaeng modelo na nakita niya kanina sa restaurant. Ngiting-ngiti ito. Ito ang babaeng inakala ni Jared na hinalikan nito.

"Hey, big girl!"

Napalingon si Fate kay Jared. Naka-sweatpants na ito at T-shirt, hawak pa rin ang underwear niya.

"Jared, what's wrong, love?" sabi ng babaeng modelo na parang ayaw pang lumabas ng elevator.

Maaabutan na siya ni Jared kaya napilitan siyang bulyawan na ang babae. "Get out now!"

Lumabas naman agad ang babae, parang naeeskandalo ang ekspresyon ng mukha. Pinindot agad niya ang buton ng elevator. Sumara iyon bago pa tuluyang makalapit ang hinihingal na si Jared.

Napasandal si Fate sa elevator wall, panay ang tulo ng mga luha. Ngitngit na ngitngit ang loob niya. Nag-uumapaw ang galit sa kanyang dibdib. Nang bumukas ang elevator, kulang na lang ay tumakbo siya. But she tried to remain calm. Mabibilis ang hakbang niya palabas ng hotel. Maraming tao sa lobby dahil may event yatang ginaganap sa isa sa mga function rooms.

"Big girl! Stop!"

Lumingon siya. Nandoon na si Jared, ang kabilang elevator siguro ang ginamit. Binilisan na niya ang paglalakad. She didn't want to talk to him anymore. Bakit ba humahabol pa ito sa kanya? Naabutan siya ni Jared bago siya tuluyang makalabas ng hotel. Hinawakan siya nito sa braso.

"Here's your thingy." Iniabot nito ang salawal niya. "You're my publicist's daughter, huh? I hope you won't tell her about this."

Nakaramdam uli si Fate ng galit. Ang kapal ng mukha nito! Matalim ang ginawa niyang pagtingin, saka bumira ng pagtalikod. Noon nagkislapan ang mga camera. There was a reporter from E! approaching! Nalito siya. Mukhang hindi rin malaman ni Jared ang gagawin nang lingunin ito.

As it turned out, mayroon palang charity ball na idinaraos doon ang isang senador at tinanong si Jared ng reporters kung a-attend daw ba ito. Tinanong din ito kung sino raw siya.

"Is she your girlfriend, Jared?" tanong ng isang reporter, siya ang tinutukoy.

"Of course not! Are you kidding me? Ha-ha-ha!" mariing tanggi ng binata.

Nag-iinit na ang mga pisngi ni Fate, maging ang sulok ng kanyang mga mata. She tried to remain calm. She shouldn't cry in front of these nasty people.

"Is that an underwear you're holding, Miss?" parang natatawang tanong naman sa kanya ng isa pang reporter. Saka lang niya naalalang hawak pa rin niya ang underwear.

Tinangka niyang sumagot pero piyok lang ang lumabas sa kanyang bibig. She knew she had to get out of there—fast! Kahit maraming tao ay nagsumiksik na siya. It took her an eternity but she got past the mob. Dere-deretso siya sa kanyang kotse.

Sheheaded home crying her heart out.    

Continue Reading

You'll Also Like

155K 3.4K 14
"I'll wait forever if I have to." Published Under PHR 2016 xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox ...
126K 9.1K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
69.4K 1.8K 11
Shelley thought her life was perfect. She had a business that was doing well, good health, and the perfect, loving boyfriend, Marcus. Magkasundo sila...