Luminous Academy: The Intelle...

goluckycharm által

4.6M 35K 11.8K

Lucy Cardova's not an ordinary girl, that's what she thought she was. With her knowledge and intellect, neith... Több

Luminous Academy: The Intellectual
Trailer
Mensahe
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
𝕴𝖒𝖕𝖔𝖗𝖙𝖆𝖓𝖙 𝕹𝖔𝖙𝖊

Kabanata 6

65.4K 2.9K 2.2K
goluckycharm által

Kabanata 6.

"Ianuae Magicae..." Pagkatapos itong bigkasin ng binata, naglaho ito na parang bula.

"Ang epic mo talaga kanina Azriel! Haha! Mabuti na lang hindi ako sumubok kun'di--Azriel? Hala! Saan na yun napunta?" Takang wika ni Matheos. Napatigil sa paglalakad ang mga ito, at sabay-sabay na lumingon upang hanapin si Azriel. Ngunit ni anino nito ay hindi nila makita sa daang pinaliligiran ng mga nakasabit na lampara.

"Tsk, hayaan niyo na siya. Panigurado'y magpapahangin na naman 'yon sa labas. Hindi na natin kasalanan kung sakaling mahuli siya ng mga Magistre." Pailing-iling na wika ni Harrietta habang sinusuklay-suklay ang mahaba niyang buhok.

"I wish I can be like him. Gusto ko rin lumabas dito at makapamasyal sa bayan." Tatawa-tawang usal ni Ezrah. Gustong-gusto kasi nitong makapamasyal bilang isang normal na mamamayan lamang. Hindi bilang Maharlika na kakatakutan ng mga batang Alipin at Malaya sa daanan.

"Bakit kasi ayaw niyang sabihin kung paano niya nagagawang pumasok at lumabas ng Academia nang hindi nalalaman." Komento naman ni Yinox.

Maya't-maya'y pumasok na ang mga ito sa kanilang dormitoryo. Walang pasabing pumanhik ang mga ito sa kaniya-kaniya nilang kwarto upang magpahinga na't matulog. Ito ay sa kadahilanang pagod sila't kinakailangan nilang magising ng maaga para sa Lectio Vipassana.

Sa kabilang dako, pikit matang nakalublob ang katawan ni Azriel sa ilog ng Sierra. Naisipan nitong magpahinga't alisin ang lahat ng iniisip niya. Ito ang tanging nakakapagpakalma sa kaniya kapag pagod siya sa pisikal, mental at espiritwal na paraan. Ang pagligo sa ilog Sierra ang siyang nakakapagpakalma sa kaniya.

Inangat ng binata ang kaniyang mga kamay, at inilagay ito sa kaniyang ulo upang ayusin ang buhok niya. Nakatingin lang siya sa sarili niyang repleksyon sa malinaw na tubig. Napangisi siya nang makita niya ang kaniyang mukha.

Ang gwapo ko talaga.

Umiling na lang ito bago sumisid pababa. Talagang nakakakalma,at nakakawala ng pagod ang haplos ng tubig ng ilog Sierra. Napatigil ito saglit sa paglalangoy nang mapadaan siya sa parte ng ilog kung saan may sinagip siyang isang dilag. Biglang pumasok sa isip niya ang napakaamo nitong hitsura.

Sa kaniyang pag-iisip ay hindi niya namalayan ang isang malaking bato sa kaniyang harapan. Kamuntik-muntikan na siyang mabunggo rito kung hindi niya kaagad ito naiwasan. Talaga namang hindi niya maalis-alis ang imahe ng babaeng 'yon sa isip niya.

Aahon na sana ito nang may makita siyang isang babae na lumalangoy papalapit sa gawi niya. Sinilip niya ito upang tingnan kung sino. Itim na itim ang buhok nito, at kahit anong pilit ng binata na aninagin kung sino, hindi niya gaano makita sapagkat natatakpan ng mahabang buhok ang kaniyang mukha.

Pinasidhan niya lang ito ng tingin habang nakatago sa likod ng isang bato. Mukhang may dinudukot ito sa pagitan ng naglalakihang bato. Nang hindi nito maabot ang pakay gamit ang kamay, inangat niya ang sarili niya't ginamit ang kaniyang paa upang dukutin ang bagay na pilit niyang kinukuha sa pagitan ng bato.

Napansin ng binata na hindi magawang i-alis ng dalaga ang kaniyang kaliwang paa sa pagitan ng mga bato. Kahit anong pilit nitong pagtanggal ay sadyang hindi na niya ito magawang alisin. Kung hindi pa ito makakaalis ng ilang segundo, paniguradong mawawalan na ito ng hininga.

Hindi nga siya nagkamali, 'pagkat nakita niyang unti-unti ng nawawalan ng hininga ang dalaga. Humawi ang mahaba nitong buhok kaya nakita niya ng tuluyan ang mukha nito. Nangunot na lang ang noo niya nang makilala kung sino 'yon.

Sa muli ba naming pagtatagpo ay nalulunod na naman siya?

Napa-iling na lang ito. Ang swerte naman ng babaeng 'to kung tutulungan siya muli ng binata sa pangalawang pagkakataon. Buo ang isip niyang hindi na niya tutulungan pa ang dalaga, ngunit sadyang hindi nakiki-ayon ang konsensya ng binata.

Fine, I'll help her for the last time.

Lumangoy siya papalapit dito't hinawakan ang paa nito. Sinubukan niya itong i-alis, ngunit hindi niya rin ito magawa. Umiling ito't napagpasyahang umahon muna upang makakuha ng sapat na hangin. Matapos nito'y sumisid ulit ito pababa upang balikan ang dalaga.

Nakita niya ang maaliwalas nitong mukha habang nakalutang. Ang mahaba nitong buhok ay malayang gumagalaw-galaw ayon sa daloy ng tubig. Nang makalapit siya dito'y walang pag-aalinlangan niyang dinampi ang labi niya sa labi ng dalaga. Bahagya niyang binuka ang kaniyang bibig upang bigyan ito ng sapat na hangin.

Nagmulat ng mata ang dalaga, kung kaya'y nagkasalubong sila ng tingin. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig lamang sa mata ng binata. Hindi ito makapaniwalang nawala na ang isa sa mga pinakaiingat-ingatan niyang bagay bilang isang babae. Ito ay ang pagkawala ng una niyang halik sa isang lalaking hindi niya naman kilala.

Hinawakan ng binata ang leeg nito't idiniin lalo ang bibig niya sa labi ng dalaga habang binibigyan pa rin ito ng hangin. Nang matantya niyang sapat na ito, agad siyang yumuko upang tanggalin ang paa nitong naka-ipit sa pagitan ng mga bato. Buong lakas na tinulak ng binata ang bato kaya kahit papaano'y lumuwag ito.

Hinapit ng binata ang bewang nito't inangat ang katawan upang mai-ahon sa tubig. At nang tuluyan ng makaahon ang dalawa, bahagyang napasinghap si Lucy dahil sa wakas ay ligtas na siya. Naramdaman niyang may dalawang kamay na nakahawak sa bewang niya, at tinutulungan siya nitong makaakyat sa patag na lupa.

Hingal na hingal itong sumalampak sa lupa habang nakahawak sa dib-dib niya. Ni hindi niya pinansin ang binatang nakatayo sa tabi niya habang tinitingnan siyang naghahabol ng hininga. Isa lang ang nasa isip ng dalaga sa ngayon, 'yon ay naligtas na naman siya sa bingit ng kamatayan. Ngunit imbis na matuwa siya rito, mas umuusbong sa loob niya ang pagka-inis.

Nanginginig niyang hinawakan ang labi niya habang paulit-ulit na napapasinghap dahil sa bagay na nawala sa kaniya. Matalino siya't alam niyang ginawa lamang 'yon ng binata upang 'wag siya mawalan ng hininga, ngunit napakarami pa'ng paraan ang maaaring gawin maliban doon.

Maliban na lang kung sinadya niya'ng maka-iskor sa'kin. Punyeta!

"IKAW!" Bahagyang napataas ang kilay ng binata nang duruin siya ng dalaga. Tila ba nagulat siya dahil sa inasta nito. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit, at nanlilisik ang mga mata nito.

Walang pag-aalinlangang lumapit ang dalaga't agad sinampal ang pisngi ng binata. Nanigas ito sa kinatatayuan niya habang hawak-hawak ang pisngi niyang pakiramdan niya'y namumula na sa sakit. Tinapunan niya ng gulat na tingin ang dalaga dahil sa ginawa nito. Hindi ito makapaniwalang may naglakas loob na sampalin siya. Buong buhay niya ni lamok ay hindi nagawang dumapo sa pisngi niya.

"Tampalasan! Sino ka sa inaakala mo upang sampalin ako?" Masugid na tanong ng binata. Isa siyang Maharlika, pinakamataas sa lahat. Walang sino man ang maaaring manakit sa kaniya, walang sino man ang maaaring mang-insulto sa kaniya.

"Gago! Sino ka rin sa inaakala mo para halikan ako?" Maanghang na wika ng dalaga. Nangunot ang noo ng binata, talagang sinabihan pa siya nitong gago kahit sinagip niya ito sa pagkakalunod. Talaga ba'ng bastos ito't walang utang na loob?

"Wala ka'ng karapatan upang pagsalitaan ako ng ganiyan," Tiningnan siya ng binata mula ulo hanggang paa.

"Alipin." Napataas ang kilay ng dalaga. Ano naman ngayon kung Alipin siya? May kinalaman ba 'yon sa paghalik ng binata sa kaniya?

"Hindi kita hinalikan. Nandidiri man ako'y nararapat ko 'yong gawin upang iligtas ang mababang uring nilalang na 'gaya mo." Natahimik ang dalaga. Sa pananalita nito'y alam niyang isa itong Maharlika.

Nakasampal siya ng isang Maharlika. Hindi man sinasadya ay gumaan ang loob niya dahil sa pagsampal sa binata, maaari na itong maging kabayaran sa pagnakaw ng pinakaiingat-ingatan niyang unang halik. Papasensyahan niya muna ito dahil sinagip naman nito ang buhay niya.

Wala sa sariling napakamot ng batok ang dalaga. Naalala niyang binalaan siya ni Sapphira at Martina na lumayo sa mga Maharlika. Ito ay sa kadahilanang gulo at kamatayan lamang ang makukuha ng isang Alipin mula sa mga Maharlika. Nararapat daw ay malaman mo kung saan ka lulugar.

Inangat niya ang tingin niya't saka lang niya napansin na wala palang suot pang-itaas ang binatang kaharap niya. Kaagad siyang napangiwi, at umiwas ng tingin. Kinakailangan ba'ng ibalandara ang katawan nito sa harap niya?

"Alam mo ba'ng maaari kitang ipapatay dahil sa ginawa mo? Ni lamok ay hindi nagagawi sa mukha ko, ang madungis mo pa kayang kamay?" Ani nito. Napabuga na lang ng hangin ang dalaga. Kung makapagsalita ito'y napakadali lang sa kaniya kumitil ng buhay.

Ipapapatay? Ilang beses na ba ako muntikang mamatay? Muntikan nga lang.

"Pupugutan ba ako ng ulo?" Walang ganang tanong ng dalaga. Sa pagkakataong 'to, ang binata naman ang siyang napakunot ang noo. Nagtataka siya kung bakit parang wala lang sa dalaga ang pagbabanta nito. Kung ibang Alipin siguro ito'y kanina pa ito nakaluhod habang humihingi ng kapatawaran.

"Sa tingin mo? Malamang ay pupugutan ka ng ulo. Bakit ba ako nakikipag-usap sa mababang uri'ng nilalang na gaya mo?" Pailing-iling na wika ng binata. Taas kilay na humakbang papalapit ang dalaga sa binata. Kung makapagsabi itong mababang uri ng nilalang, akala mo nama'y mas mataas pa siya sa Diyos.

"Maharlika ka, hindi ba? Mas mataas kayo sa aming mga Alipin, ngunit imbis tulungan niyo kaming hilahin pataas, mas lalo niyo kaming nilulugmok pababa. Sino ang mas mababa sa ating dalawa ngayon?" Hindi alam ng dalaga kung saan nagmula lahat ng lakas niya upang sagutin ang binata. Kusa lamang itong lumabas sa bibig niya.

"Kayong mga Alipin ang nararapat sisihin. Hindi kayo ilulugmok ng mga Maharlikang 'gaya ko, o nino ma'ng mas mataas sa inyo kung marunong kayo lumaban. Ang Konseho ang mababa, hindi kami." Hindi maintindihan ng dalaga ang ibig nitong iparating. Hindi niya alam kung ano ang Konsehong pinagsasabi nito.

"Petmalung lipunan pala 'to. Uso demokrasya! Kilala mo ba si Cory Aquino? Pinababa niya sa pwesto si Marcos para sa demokrasya! Lodi ko yun!" Nangunot ang noo ng binata dahil sa pinagsasabi nito. Iilan sa mga salitang sinabi ng dalaga ay hindi niya maintindihan. Saka sino ba ang mga 'yon?

"Ang ibig kong sabihin, nararapat maging patas lahat ng mga mamamayan rito. Hindi dapat maging basehan ang estado ng buhay para sa tubig, pagkain, tirahan, o edukasyon." Dag-dag ng dalaga.

"Kahit kailan hinding-hindi magiging patas ang lahat ng bagay. Tulad ng pagiging babae mo, may mga bagay na hindi mo magawa na nagagawa ng mga lalaki. Doon pa lamang ay hindi na patas." Napangisi ang dalaga, ayaw magpatalo ng binatang kaharap niya.

"Kung may mabuti, may masama. Kung may matalino, may bobo. Kung may mataas, may mababa. Ang Maharlikang gaya ko, at ang Aliping gaya mo, ay nabubuhay upang maging balanse ang mundo." Napangiwi ang dalaga. Sasagot pa sana ito nang makita niya si Sapphira na papatakbo sa gawi nila. Nababakas niya sa mukha ng paslit ang kaba at takot nang makita niyang magkaharap silang dalawa.

"A-ahro A-azriel, p-paumanhin po." Yumuko ito ng paulit-ulit. Hinawakan ni Sapphira ang kamay ni Lucy. Nanlalamig ang kamay ng paslit, at parang kabadong-kabado itong makaharap ang lalaking tinawag niyang Ahro.

Hindi nagsalita ang binata, bagkus ay nakatingin lamang siya sa paslit at sa dalaga. Palipat-lipat lamang ang tingin niya sa dalawa, at nahinuha niya kaagad na maaaring magkapatid ang mga ito.

"K-kung may ginawa man ang n-nakakatanda kong kapatid. S-sana'y ipagpaumanhin niyo p-po." Nauutal na wika ni Sapphira.

"Wala akong ginawang masama Sapphira. Bakit ka ba yumuyuko sa kaniya? Saka ayusin mo ang pananalita mo. Natatae ka ba?" Napakurap ang paslit dahil sa sinabi nito. Nahihiya nitong niyuko ang ulo sa Ahro'ng kaharap upang humingi ng pasensya.

"Stupid," Bulong ng binata bago talikuran ang dalawa. Hindi ito nakatakas sa pandinig ni Lucy. Buong buhay niya'y walang kahit sino'ng nagsabi sa kaniya no'n. Mas matalino siya sa lahat ng taong nagsabi no'n.

"Aba't sino'ng stu-" Dinamba siya ni Sapphira't tinakpan ang bibig niya kaya natahimik siya. Nagpumilit siyang magsalita pero wagas kung makapanakip ng bibig ang paslit.

Nang maglaho ang binata'y agad inalis ni Sapphira ang pagkakatakip sa bibig ni Lucy. Hingal na hingal na napa-upo ang dalaga. Pailing-iling pa ito habang tinuturo si Sapphira. Hindi nga siya mamatay sa lunod, pero mukhang mamamatay naman siya sa pagtakip ng paslit sa bibig niya.

"Ate, alam mo ba kung ano'ng gulo ang pinasok mo?" Umiling ang dalaga. Sa pagkakatanda niya'y wala siyang gulong pinasok.

"Nakita ko po ang ginawa niyo. Sinampal niyo siya, sinagot-sagot niyo pa't nagawa niyo pa'ng makipagtitigan sa mga mata niya." Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Lucy. Ano naman ngayon kung ginawa niya 'yon?

"Ate, labag 'yon sa batas. Paano na lang kung magsumbong siya? Lalo na't nasaktan niyo po siya! Paano na lang po kung mapahamak kayo Ate?" Nag-aalala nitong wika. Nangunot ang noo ni Lucy, kamot ulo siyang tumigin kay Sapphira.

"Sino ba ang manyakol na yun?" Asar na tanong ng dalaga nang maalala niya ang pagkawala ng isang bagay na tanging siya lang ang nakakaalam.

"Manyakol? Ano po yun?" Takang tanong nito.

"Ah, ang ibig sabihin no'n ay gwapo." Tumango na lang ang walang kaalam-alam na paslit. May bago siyang natutunan ngayon, ang ibig sabihin ng manyakol ay gwapo.

"Ang manyakol na 'yon ay si Ahro Azriel. Isa po siya sa mga tinitingala ng lahat. Pamilya niya ang pinakataas-taasang dugong Maharlika rito." Nakagat ni Lucy ang labi niya upang mapigilan ang sarili sa pagtawa.

"Bakit po kayo natatawa Ate Lucy? May nasabi ba akong nakakatawa?" Umiling ito.

"U-ulitin mo nga ang sinabi mo..."

"Ang manyakol na 'yon ay si..." Hindi na nakapagpigil pa si Lucy, humagalpak na ito kakatawa habang pumapagulong-gulong pa sa damuhan. Kinain na siya ng kabaliwan niya.

Hindi ko alam na ganito pala ka nakakatawa ang salitang 'manyakol'.

"Saglit lang Bhe, hindi ko na talaga kaya." Napahawak na lang ito sa tiyan habang tawa pa rin ng tawa. Si Sapphira naman ay walang ibang ginawa kun'di ang sumimangot dahil sa sinabi ni Lucy.

"Ate naman! Hindi nga kasi Bhe ang pangalan ko. Ako po si Sapphira! Sobra niyo naman po'ng makakalimutin!" Mas lalong lumakas ang tawa nito dahil sa paghihimutok ni Sapphira.

"Tara na nga, baka matokhang pa tayo rito." Inakay niya patayo si Sapphira, at naglakad na papunta sa kubo na nagsisilbing bahay nila.

"Ate, ano ang ibig sabihin ng matokhang?" Wala sa sariling natawa na naman ang dalaga dahil sa naging tanong ni Sapphira. Tuluyang nangunot ang noo ng paslit dahil sa pagtawa nito ng walang dahilan.

"Saka ko na sasabihin. 'Wag ka ng matanong okay?" Nagtataka man ay hindi na lamang nagtanong pa si Sapphira.

Habang naglalakad sila ay hindi maiwasang mapatingin si Sapphira kay Lucy. Namamangha ito sa angking tapang at lakas ng loob ng babaeng kasama niya. Aminin niya man o hindi, ay naghihinala siya kung sino at saan nga ba ito nanggaling. Oo nga't isa lamang siyang bata, ngunit alam niyang may kakaiba talaga rito.

May pagkakataong kakaiba ang ikinikilos nito't marami siyang alam sa mga bagay-bagay. May iilang salita itong binibigkas na hindi niya maintindihan. Nakakapagtaka rin na marunong ito magsalita ng lengguaheng Malaya at Maharlika. Bukod doon ay marunong din ito magbasa ng kanilang alphabeto. Paano siya nakakapagbasa kung totoong wala siyang naaalala? Paano niya nagawang makapag-aral kung siya nga'y isang Alipin lamang?

Sa kabilang dako, nakabalik na si Azriel sa Academia. Naglakakad na ito patungong dormitoryo nang makasalubong niya ang kaniyang pinsan na si Magistre Uno. Malayo pa lang ay nakakunot na ang noo nito.

"Azriel, gabi na. Saan ka nanggaling?" Huminto sa paglalakad ang binata nang makaharap niya ito.

"Sa tabi-tabi lang." Nangunot ang noo ni Uno dahil sa naging sagot nito.

"Nakita kitang sumulpot sa kawalan. Gumamit ka na naman ng salamangkang wikain na hindi ko pa naitatalakay sa inyo." Napakamot na lang ng ulo si Azriel dahil tama ito. Gumamit nga siya ng salamangkang wikain na hindi pa natatalakay.

"Masama ba maging advance?" Naigulong ng Magistre ang mata niya dahil sa naging sagot nito.

"Hindi naman. Ang akin lang ay 'wag mo sana itong gamitin upang lumabag sa batas ng Academia." Tumango na lamang ang binata.

"Kapag nalaman ito ng Punong Mahestrado, hindi lang ako ang pagagalitan kun'di ikaw rin." Tumango muli sa pangalawang pagkakataon si Azriel.

"Lumabas ka na naman, hindi ba?" Tumingin ito saglit sa Magistre bago itango ulit ang ulo niya. Totoo naman kasing lumabas nga siya ng Academia.

"'Wag na 'wag mo ng uulitin 'yon. Paano na lang kung ang Mahestrado mismo ang nakahuli sa'yo." Tumango na naman bilang pagsang-ayon ang binata kaya bahagyang nangunot ang noo ng Magistre. Bakit tango 'to ng tango?

"You're not listening, are you?" Tumango na naman ito kaya muntik ng maihampas ng Magistre ang hawak niyang aklat sa mukha ni Azriel. Talaga naman...

"Bumalik ka na nga lang ng dormitoryo Azriel!" Asar na wika nito. Wala rin siyang mapapala kung patuloy niyang pagsabihan ang binata, alam niya naman kasing hindi ito makikinig.

"Nga pala Magistre..." Napatigil ito sa paglalakad nang tawagin siya ni Azriel. Humarap siya rito't bumungad sa kaniya ang likod ng binata.

"May itatanong ako." Dahan-dahang humarap ang binata sa Magistre habang nakakunot ang noo. Hawak-hawak pa nito ang ilang hibla ng buhok niya na para ba'ng takang-taka siya sa kung ano ma'ng bagay na bumabagabag sa isip niya.

"Ano 'yon?" Tanong ng Magistre.

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng petmalu at lodi?" Bahagyang nangunot ang noo ng Magistre sa naging tanong nito.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" Naguguluhan din nitong tanong. Saglit na natahimik si Azriel dahil sa naging reaksyon ng Magistre. Mukhang wala rin itong kaalam-alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang 'yon.

"Kalimutan niyo na lang Magistre. Inaantok na ako." Bago pa man makasagot ang Magistre ay nawala na sa paningin niya ang binata. Gumamit na naman ito ng salamangkang wikain upang makarating ng mabilisan sa lugar na nais niyang puntahan.

Humiga ang binata sa kaniyang higaan habang nakatingin sa kisame. Napahawak siya sa pisngi niya nang maalala ang pagsampal nito sa kaniya. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang hapdi ng pagkakasampal nito. Ang sunod na hinawakan niya ay ang kaniyang labi, pakiramdam niya'y nakalapat pa rin ito sa malambot na labi ng babaeng 'yon.

Iniling na lang niya ang kaniyang ulo upang makalimutan ito. Ngunit nangunot na lamang ang noo niya habang inaalala na naman ang mga salitang hindi niya pa kailan man narinig sa tanang buhay niya.

Petmalu at lodi? Ano ba ang ibig sabihin ng babaeng 'yon?

Itutuloy...

Olvasás folytatása

You'll Also Like

46.7K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
256K 19.1K 47
⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought fo...
112K 2.3K 14
Para sa mga nabitin sa Book 1. Hihi! *U* Sana magustuhan niyoo! B O O K 1: A G a n g s t e r H i d d e n I n A P r i n c e s s ~ N O C O M P i...
145K 1.2K 5
She rebelled against oppression. She fought hand in hand with her friends and family. She fell inlove but betrayed... She was the reason for the fall...