The Fan

By DorchaLuna

74.3K 3.1K 1K

A famous celebrity worshipped by all... A shadow who is obsessed with the star... Will the shadow be a foe... More

CHAPTER ONE
Chapter Two
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
A/N
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
CHAPTER 34

Chapter 14

1.9K 110 35
By DorchaLuna

Another week has passed, isang linggonring hindi nakita o nakausap ni Rhian si Solen or Glaiza. The latter didn't make any call atleast one time. Tito Ronnie took another bodyguard and this time lalaki ang kinuha niya. Hindi naging kumportable si Rhian sa kanya and unlike kay Solen, ayaw niyang.pumayag na ipaalam sa lalaki ang kanyang sekreto dahil bawat lalaking nakikita niya pakiramdam niya ay yun ang lalaking nagtatangka sa kanya, kaya't nagbakasyon nanaman ito ng matagal sa showbiz. Maraming naglabasang chismis sa kanya na kesyo lumaki ang ulo niya, nagmamataas na raw ito, hindi sinipot ang showbiz engagementsndahil umatras sa talent fee o di kaya ay buntis sa isang non-showbiz boyfriend.

Sa isang ekslusibong interview via video call ang kanyang ginawa para linawin ang mga chismis na ikinabit sa kanya. She set up a room sa kanilang bahay bakasyunan na kunwari ay nasa Japan ito at nagpapahinga dahil sa isang sakit. Dahil sa video call na iyon, naputol ang mga chismis. Nabasa niyabsa mga tabloids, broadsheets atbmga mensahe sa kanyang Calliope social accts ang mganget well soon messages ng kanyang mga tagahanga. Sumagot naman siya sa ilang mga mensahe upang kahit papaano ay nakikipagcommunicate siya sa mga ito.

Napagkasunduan naman nila Solen at Glaiza na manirahan ang una sa isang tagong lugar. Sa isang kaibigan nila sa Visayas. Simula ng nakalabas si Solen sa ospital, wala pang pagatakenna nangyari, so they assumed na naglielow ang kanilang suspect. Pumayag ang direktor ng mga pulis na huwag munang isapubliko ang mukha ng salarin at hayaan itong umatake, pero isang linggo nang naging tahimik ito. Kay Tito Ronnie tumatawag sina Solen upang malaman ang nangyayari kay Rhian. Nagchecheck din si Solen ng socmed acct ni Rhian Sa Calliope accts nito kapag wala si Glaiza dahil hindi nito alam na si Rhian at si Calliope ay iisa.

Behind Solen's back, Glaiza is making her own investigation. Solen had the idea na magiinvestigate si Glaiza, ang hindi nito alam ay pati ang roots ay gusto nitong alamin. Confident siya na ligtas ang kaibigan sa kanilabg pinagtataguan kaya't nagpaalam muna ito para lumuwas ng Manila dahil kay German. Lilipad ito patungong America para sa isang business trip. Pumayag naman si Solen at humingi ng pabor na kung maaaring bisitahin nito si Rhian at tignan ang tunay na kalagayan nito. Hindi nangako si Glaiza pero susubukan umano niya.

----------

Rhian was bored to the death kaya't she decided to go out. Wala si RM dahil binigyan din siya ng bakasyon. Gustuhin man niyang pumunta sa kanyang paboritong nail spa, pero sa mall na iyon sila inatake at pinagtangkaan. Ayaw niyang maulit pa yon ulit lalo na't hindi niya kasama sina Glaiza, at kahit may bodyguard pa siyang bago, lalaki naman ito at she is not comfortable with him. Ayaw nga niya itong lumakalad kasabay niya kaya't he follows her with a few steps distance away from Rhian.

Kahit malayo, Rhian decides na pumuntan ng SM Megamall. Meron naman doong branch ng nail spa na paborito niya. Dahil lalaki ang kanyang bodyguard, she told him na magstay na lamang sa sasakyan. Tatawag na lamang ito kapag tapos na siya. Pero hindi pumayag ang bodyguard dahil bilin sa kanya ni Mr. Hinares na huwag na huwag siyang iiwanan. To have his eyes focused only to his niece all the time. Nakipag-rebattle sinRhian sa kanyang bantay. Ano naman daw ang gagawin niya sa loob ng establishment na para sa mga babae? Tatayo na lamang daw itobsa labas ng spa. Hinayaan na lamang ito ni Rhian. Bahala umano itong magkaugat kakatayo sa labas.

Her day went smoothly. Habang nagsspa, she felt relaxed. Blanko ang kanyang isip and its been so long since the last time na naging payapa ang kanyang isip. Kelan ba nagulo ang isipan niya?

Ahh.. The day when she peeked at Solen's phone on her first night sa kanilang bahay. When Glaiza was on her undergarments. Its was a funny memory. Biglang ibinaba ni Glaiza ang kanyang phone at boses na lang niya ang kanyang naririnig. Rhian smiled sa kanyang naaalala. In split seconds na nakita niya ito, nahook agad siya. Mabilis na nagstay sa kanyang isipan ang mukha nito at di na niya makalimutan. Muli niyang naalala ang unang beses na nagkahawak sila ng kamay nang hilahin niya ito papasok ng mall. Nangyari man ito on the same day that they were attacked, nangibabaw ang kasiyahang nagkahawakan sila ng kamay. And that almost kiss on her lips. Her most cherished memory dahil naghatid sa kanya ito ng kakaibang kuryente.

She must've dozed off dahil naputol ang kanyang pamamasyal along memory sa mahihinang tapik sa kanyang braso. The woman tending to her woke her up para sabihin tapos na ang kanyang session at dry na ang bagong cutics sa kanyang mga kuko. Tinignan niya ang newly polished nails at natuwa naman siya. Bagay na bagay sa kanyang mamula-mula at newly carved nails ang peach colored cutics na may white french tip. Feeling light, she paid ang left the spa giving the woman a good tip for a job well done.

Paglabas ni Rhian sa spa, wala ang kanyang bodyguard. Nabored siguro ito at naglakad lakad. Kinuha niya ang kanyang telepono at tinawagan ito. It took a couple of calls bago ito sumagot. Susupladahan sana siya ni Rhian for taking time to answer pero ayaw niyang masira ang kanyang magandang mood kaya't sinabi nitong antayin na lamang siya sa kotse sa parking lot. Hindi na niya inantay pang sumagot ito.

Before heading the parking lot, pumunta muna ito sa palikuran. Malayo-layo ang byahe niya papuntang Mabini, Batangas kaya need niyang magdiskarga ng likido sa katawan kesa sa maabutan sa kalsada. Walang masyadong tao sa CR ng mga babae kaya't hindi niya kailangang makipagsiksikan. Madali siyang nakakuha ng cubicle to do her liquid discharge.

"AHHHHHHH!!!! PA...PA... MAY PATAAAAAY!!!!"

Nagulat si Rhian sa sigaw ng isang babae sa di kalayuan kaya't nagmadali itong lumabas ng cubicle at CR. Katabi ng CR ng babae ang CR ng mga lalaki. Dito niya narinig ang sigaw. Wala siyang balak sumilip sa palikurang ito but in her peripheral vision, nakita niya ang isang babaeng janitor na napaupo sa sahig at hirap tumayo. She justbwanted to leave her pero naawa naman siya kaya't pumasok ito prara tulungang tumayo. Hindi niya naiwasang tumingin sa isang bukas ng cubicle kung saan nakaharap ang babae.

"Warren!"  bulong niya sa kanyang sarili.

Duguan ito at wala nang buhay. Nanghilakbot siya. Lahat ng balahino sa kanyang katawan ay nagtayuan sa kaawa-awang itsura ng kanyang bodyguard. Nakababa ang pantalon nito at brief, nakaluhod at nakasubsob sa loon ng toilet bowl ang ulo na umaapaw sa kulay pulang tubig. Mabuti na lamang at hindi pa siya kumakain ng tanghalian, kung hindi, malamang nailuwa na niya ang lahat ng pagkain. But she can still feel something climbing up her throat. Pinigilan niya ito dahil kailangang maitayo niya ang babae at makalabas ng CR.

May kabigatan ang babae kaya't hirap siyang patayuin ito, mabuti na lamang at dumating ang dalawang lalaki na nakasuot ng kaparehong uniform ng babae. Pareho silang inalalayan ng mga ito palabas ng CR. Tatlong mall guards naman ang tumayo sa may pinto ng CR at isinara ito habang hinihintay ang mga pulis.

Rhian and the janitree was being guided papuntang opisina ng mall ng tatlong guards. Nanlalamig siya. Naninikip ang kanyang dibdib at pumipintig ang kanyang mga sintido. Hindi niya makalimutan ang kalunos-lunos na itsura ni Warren.

"Rhian?"

Nagitla si Rhian ng marinig niya ang kanyang pangalan.

"Rhian, a..anong nangyari? What happened to her?"

Sa paglingon ni Rhian, parang lumuwag ang kanyang pakiramdam. Yung tipong sasabog ang kanyang utak sa sakit ng kanyang sintido, kumalma ito dahil sa kanyang nakita. She shoved the guard's hands on her shoulder at agad tumakbo patungo sa taong tumawag sa kanya.

Si Glaiza.

Serene enveloped her when Glaiza received her in her arms protectively. She sobbed, burying her face on the depth of her neck. Sa amoy ng kanyang pabango na, siguradong-sigurado siyang si Glaiza nga ang kayakap niya at hindi lang imahinasyon. She is safe as long as this woman's arms are shielding her.

"Shhh... Tahan na. I'm here. Anong nangyari?" tanong ni Glaiza sa mga kasamang guards ni Rhian.

"Mam, mabuti pa pong sa security office na po tayo mag-usap. Papunta na po ang mga pulis para kuhaan siya ng statements," sagot ng matangkad na guard.

"Pulis?"   tumango si Glaiza. If the police are involved, baka inatake nanaman si Rhian ng kanyang pursuer.

Sumunod ang dalawa sa mga guwardiya. Kasama pa rin nila ang babaeng tulala dahil sa nashock ito sa nakita. Hindi kumakalas si Rhian sa pagkakayakap kay Glaiza habang naglalakad. Nanginginig pa rin ito sa takot at kaba. Patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak hanggang sa makarating sila sa security.

Magkatabi silang nakaupo. Mahigpit ang hawak ni Glaiza sa kanyang nanlalamig na mga kamay.

"Shh... Tahan na. Walang mangyayari sa'yong masama. Nandito ako. Hindi kita iiwanan. Tell me what happened,"

"I...I ju...just came...out of the...n..nail spa," nanginginig nitong kwento. "Wala...yung..yung bodyguard ko sa labas. Ti...tinawagan ko siya. I told him to...to meet me sa...sa parking lot. I was in the...CR...nung narinig ko...ko yung babae na sumigaw... I passed...by..by the men's CR. Nakaupo si..siya..I went in to help her.. Then nakita ko si...si... Warren sa loob ng cubicle... His head submerged sa bowl na puro...du...du...go," habang nagkukwento, bumabalik sa kanyang isip ang senaryo at nakaramdam ito ng pagduwal. Agad hinagod ni Glaiza ang kanyang likod.

"Ok, thats enough," pagaalala nito. Hindi man kumpleto pa ang kanyang narinig pero pinatigil na niya ito sa pagkwento dahil baka sumama pa ang pakiramdam nito.

The police came. Ang SOCO na kasama nila ay tumungo sa pinangyarihan ng krimen habang ang iba ay tumungo sa security upang makausap ang mga witness. Dito nila napag-alaman na bodyguard ni Rhian ang napatay na lalaki. Naikwento rin nito ang pagtatangka sa kanyang buhay ilang linggo nang nakakaraan kung saan nalagay rin sa peligro ang una niyang bodyguard at sa ngayon ay nagpapagaling. Hindi binanggit ni Glaiza na may sketch na sila ng suspect kahit SOCO pa ang kanilang kausap. Hindi rin niya sinabi na nakalabas na si Solen ng ospital at nasa malayong lugar para magpapagaling. Ingat na ingat siya sa bawat impormasyon na nalalaman niya. Hangga't maaari ay sa kanya lang muna ang kanyang alam.

Tinawagan ni Rhian ang kanyang Tito Ronnie. Since nasa Edsa ang opisina nito, mabilis siyang napuntahan kasama ang kasintahan. Buong pag-aalala nitong niyakap ang pamangkin na magpasahanggang mga oras na iyon ay nanginginig pa rin sa nerbyos. Nagulat pa ito na nakita si Glaiza kasama si Rhian. Kadarating lang nito umano galing airport para ihatid ang boyfriend na si German pero na-late ito sa sobrang traffic. Nagpunta na lamang ito ng mall para kumain. Dun niya nakita si Rhian, akay-akay ng security guard. Kahit sa tiyuhin ni Rhian, hindi sinabi ni Glaiza ang nalalaman.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Rhian nang marinig niya ang sinabi ni Glaiza. Magkikita pala sana si Glaiza at ang boyfriend nito. Pero kahit papano ay may konting tuwa dahil imbes na ang lalaki ang mapuntahan, sila ang nagkita. Mukhang dapat niyang pasalamatan si destiny. Di man maganda ang pagkakataong ibinigay para magkita sila ulit, sila pa rin ang nagkaharap bandang huli.

Matapos ang interview ng SOCO, bumyahe pauwi sina Rhian. Nakiusap siya na kung maaari ay sumama muna si Glaiza sa Batangas. Pumayag naman ito dahil nangangamba rin siya sa kaligtasan ng dalaga. Sa sasakyan ni Glaiza sumakay si Rhian, habang minaneho ni Mildred ang sasakyan ng dalaga at si Tito Ronnie sa sarili nitong kotse.

Tulad ni Solen, namangha si Glaiza sa kagarbuhan ng ari-arian ng pamilya ni Rhian. Ang malawak na lupain at mala-mansyong bahay bakasyunan. Bilang isang bodyguard, Glaiza alighted first, umikot ito sa kanilang pintuan at pinagbuksan ang dalaga. She took Rhian's hand upang alalayan itong lumabas. Hindi na nanlalamig ang kamay nito bagkus ay mainit ang malambot nitong palad na nagpakilabot sa buong katawan ni Glaiza. Agad niya itong binitawan nang makalabas na ang dalaga.

"Welcome to our house, hija. Feel at home. Kung may kailangan ka, just tell Rhian. Papasok muna ako sa library kasi iniwan ko ang meeting ko kanina when Rhian called. I have to check my secretary," nagpaalam si Tito Ronnie upang pumasok kasama ai Mildred pagkatapos nito iabot ang susi ng sasakyan ni Rhian.

Dinala ni Rhian si Glaiza sa kwartong ibinigay nila kay Solen. Natawa si Glaiza sa itsura nito. Masyadong pink na  pink na may puting kurtina. Malamang ay natawa rin si Solen dito. Mas gusto kasi ni Solen yung tipong medyo dim ang kulay. Gray, black or brown. She can almost see Solen's facial expression the first time she entered this room.

"Katapat ng room na to is my room. Tito wanted Solen to respond fast kaya't ibinigay sa kanya ang kwarto sa harap ng bedroom ko," tumango lang si Glaiza sa sinabi ni Rhian. May konting aloofness siyang nararamdaman knowing she's inside a room alone with Rhian.

"Glaiza," tumabi si Rhian kay Glaiza na nakaupo sa dulo ng kama ni Solen. "Thank you for coming to my rescue,"

"Wala yun. Nagkataon lang na nandoon ako,"

"I'm still thankful. I feel more secured and protected kapag kasama kita," yumakap ito ng mahigpit kay Glaiza na ikinagulat nito. Automatic namang kumilos ang kanyang mga braso na bumalot sa malambot na katawan ni Rhian na lalong nagpadiin sa pagdidikit ng kanilang katawan.

Rhian secretly smiled dahil ramdam niya ang lakas ng tibok ng dibdib ng kanyang kayakap. Para siyang inihehele nito na nakalutang sa alapaap. Ito ba ang pakiramdam ng niyayakap ng taong nagpapalito sa iyong isipan? Ano ba ang nararamdaman niya para kay Glaiza? Kapwa sila babae at may boyfriend pa ito.

It is known all over the world at ipinaglalaban pa nila ang same sex relationship at the right to marry. Pero isa din ba siyang LGBT? She never thought of herself that way. She never thought of her self falling even to a guy. Pero ito, kayakap ang isang babaeng halos sagkit na saglit lang niya nasulyapan sa video call ng kanyang bodyguard.

Glaiza had forgotten where she is. Basta't magaan ang kanyang pakiramdam sa malambot na katawang yakap-yakap niya. Blanko ang kanyang isipan. This is heaven. This is the life.

"Ehem, Rhian, Glaiza," bumalik sa realidad kapwa nilang mga ulirat nang magsalita si Tito Ronnie sa bukas na pintuan. Hindi pala nila naisara ang pintuan. Naghiwalay ang dalawa na kapwa nagpulahan ang kanilang mga pisngi.

"Tito! Ahm... Ano.. I was.. I was just thanking Glaiza," tumayo ito at lumapit sa tiyuhin na nakapamewang.

"Okay. Ako rin Glaiza, maraming salamat sa pagaasista mo sa pamangkin ko. Kung wala ka siguro doon, malamang na inshock pa rin si Rhian dahil sa nangyari kay Warren,"

"Your welcome Mr. Hinares. Nagkataon lang po na nandoon ako,"

"Saluhan mo kami sa hapunan. Ang sabi mo kanina you were about to have lunch but I think hindi nangyaro yun dahil nakita mo si Rhian. I'm sure gutom ka na. Saluhan mo na kami at meron tayong dapat pagusapan," hindi hinantay ni Tito Ronnie ang sagot ni Glaiza. Umalis na ito.

"Halika na,"

"Eh nakakahiya ata,"

"Bakit ka naman mahihiya? Come on. Alam mo I just realized, tuwing magkikita tayo, laging gutom ka at kakain sa mall kaso hindi lagi natutuloy. Siguro mas magandang dito tau kumain sa bahay para sure na walang mangyayari, makakakain ka pa ng maayos. Kaya halika na," inabot nito ang kamay ni Rhian at hinila. Hindi na nakatanggi si Glaiza.

----------

Pasintabi po kung may kumakain habang nagbabasa. Hindi ko man masyadong dinetalye ang nangyari sa lalaking  bodyguard ni Rhian, I'm sure you are having the idea na sa inyong mga isip.

Sino kinilig jan? Ako kasi kinilig sa isip pero numb ako sa ngaun...

May paguusapan daw c Tito Ronnie at si Glaiza. Kukunin na kia niya ito na new  bodyguard ni Rhian?

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 521 14
"I met a guy when I was coming out the restroom bwoy nice yuh fret." She whispered to her bestfriend so the other members of the group couldn't hear...
622 62 2
❝ SENT FROM ABOVE, I AM CONVINCED. IF IT ISN'T LUCK, I GUESS LOVE EXISTS. ❞
13.9K 451 20
Mema lang to. Random jmj.
Magnet By vien

Fanfiction

2.9K 189 12
Naniniwala si Winter na 99% ng nangyayari sa buhay nya ay dala ng pagiging magnet nya, magnet ng kamalasan. Kaya naman hindi na raw sya maniniwala o...