A Beautiful DISASTER (Publish...

Από skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... Περισσότερα

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
35. Hope
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

36. Sorrow

17.7K 520 86
Από skycharm24

Ethan Angelo

The memory of how he meet Chloe was still vivid in his mind up to where life take them now..

Flashback

Excited ng lumabas ang batang si Ethan ng bahay nila, sinunod niya lahat ng bilin ng Mommy niya. Kinain niya lahat ng gulay na nilagay nito sa plato niya para daw maging healthy siya.

Maayos na ang pakiramdam niya kaya pinayagan na siyang lumabas ng bahay na hindi madalas nangyayari.

" Ethan, bawal kang tumakbo." bilin ng Mommy niya.

Masaya niyang nilapitan ang mga batang naglalaro sa katapat na bakanteng lote ng bahay nila.

" Pwede ba akong sumali sa inyo?" kita ang ningning sa mga mata nito at halatang excited makipaglaro sa mga batang naroon.

" Hindi ba ikaw yong batang nakatira d'yan sa tapat na bahay na laging nakatanaw samin." tanong sa kanya ng isang batang lalaki.

" Oo, bahay namin yan." Itinuro nito ang bahay nila. " Ano nga pala si Ethan, pwede niyo ba akong isali sa laro ninyo?"

" Siya yong batang sakitin, kaya nga may takip yang mukha mo diba? Bakit ka naman sasali sa amin? Baka mahawa pa kami ng sakit mo." agad na kinabahan si Ethan sa sinabi ng isa pang bata. Suot niya ang mask dahil bawal sa kanya ang makalanghap ng alikabok.

" Hindi magaling na ako, wala na akong sakit. Kaya nga ako pinayagan ni Mommy na lumabas at makipaglaro sa inyo. Itong mask wala lang to." paliwanag ni Ethan sa mga ito.

" Sige, pero ikaw ang taya. Habulan ang laro namin." sang ayon ng naunang batang kausap niya kanina.

" Habulan ba ang laro ninyo? Bawal kasi akong tumakbo. Pwede bang maglaro nalang tayo ng iba?" bilin ng Mommy niya na huwag na huwag siyang tatakbo.

" Ano ba yan, andami mo namang arte, don kana nga. Hindi kana pwedeng sumali samin." biglang nalungkot ang batang si Ethan pero matagal niyang inasam na makasali sa mga ito.

" Isali n'yo na ako please." hinawakan pa nito ang kamay ng pinakamalaki sa mga ito.

" Ang kulit mo din ah, sabi na ngang hindi pwede!" bigla siya nitong tinulak dahilan para mapaupo siya.

Saka naman lumapit sa kanila ang isang batang babae.

" Hoy Ikaw! Ang laki laki mo nanunulak ka ng mas maliit sayo, e kung ipahuli kita don sa guard namin." tinuro nito ang guard sa kabilang bahay.

Agad namang umalis ang mga ito. Tinulungan siya nitong tumayo.

" Okay ka lang? Bakit ka kasi lumalapit sa mga yon." tanong nito.

" Ayaw kasi nila ako isali sa laro, bawal kasi akong tumakbo." malungkot na sagot niya.

" Hindi naman maganda ang laro nila, pagpapawisan ka lang. Gusto mo ba maglaro nalang tayo ng bike ko?"

" Talaga? Papahiramin mo ako ng bike mo? " muling nanumbalik ang saya ni Ethan.

" Oo naman, ano nga palang pangalan mo? Ako si Chloe."

" Ethan ang pangalan ko. " ngumiti siya sa bagong kaibigan, naisip niyang ang bait naman ni Chloe.

" Ganito, sumakay ka ng bike tapos itutulak kita para hindi ka mapagod magpedal. Kasi diba bawal ka tumakbo kaya bawal karin siguro mapagod." sa mura niyang edad ay napahanga siya ng bagong kaibigan.

Mula noon ay naging malapit na ang dalawa. Saka lang nila nalaman na matalik na magkaibigan ang mga magulang nila at muling nagkita dahil sa kanilang dalawa.

End of flashback

Nagkahiwalay lang sila ni Chloe dahil sa trabaho ng ama, sa States na sila tumira.

Bata palang siya ay alam na niyang may sakit siya. Kaya nga patpating Ethan ang tawag sa kanya ni Chloe. Palagi siya nitong pinagtatangol kahit siya ang lalaki.

Nagkalayo sila pero never silang nawalan ng communication, mga bata palang sila he knows he loves her bestfriend.

He's willing to wait para masabi dito ang nararamdaman niya but he's running out of time kaya ipinaalam niya na dito ang nararamdaman, but Mondejo came in the picture at hindi niya akalaing maiinlove dito ang pihikan niyang bestfriend.

When Chloe told him na kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya gumuho ang mundo niya, dati ay gusto niyang gumaling at humaba pa ang buhay para makasama ito ng matagal pero nagbago iyon dahil may iba na itong mahal.

Nagmamakaawa sa kanya ang Mommy niya na ituloy ang medication at pagpapagamot niya pero para saan pa. Doon siya tinulungan ng Daddy niya, kinausap nito ang Daddy ni Chloe, ang sabi ng Mommy niya nagmakaawa pa dito ang Daddy niya at dahil narin sa pagkakaibigan pumayag ang Tito Xander.

Pero huli na ng nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng ama at ng Daddy ni Chloe , he already executed the plan noong gabi ng party, nagalit si Tito Xander niya sa pag aakalang may nangyari sa kanila ni Chloe pero inamin niya dito ang totoo, nagdecide ito na ipakasal sila gaya ng kasunduan nila ng Daddy niya.

Pero may kundisyon ang Tito Xander niya.

" Hanggang kasal lang Ethan, nothing more. Hindi mo gagalawin ang anak ko hangga't hindi ka niya natutunang mahalin, hindi mo siya pwedeng pilitin. "

Malinaw sa kanya ang usapang yon at handa siyang tumupad doon. Pero hindi sumulpot si Chloe sa kasal nila. Nawalan na siya lalo ng pagasa sa buhay. Pero nabigla siya ng ibalita ng Tito Xander niya na bumalik na ito at pumapayag na itong magpakasal.

Bago sila umalis ng Pilipinas ay pinaalala ng Tito Xander niya ang kasunduan nila. Pero after five months of living in the States, Chloe got pregnant. Kaya katakot takot na mura ang tinanggap niya mula sa Tito Xander niya pero at the end naintindihan din siya nito.

His parents thought he will get better dahil kasal na sila ni Chloe pero he knows pinahaba lang ni Chloe ang oras niya. Narealize niya nitong mga nakaraang buwan kung gaano siya ka selfish na tao para ipagkait dito ang maging masaya. Pero nagmahal lang din siya at nauubusan na siya na panahon kaya nagawa niya ang mga bagay na hindi dapat.

Chloe was so kind para isuko ang sariling kaligayahan para sa kanya. Kahit ipinapakita nito sa kanyang masaya ito, he can see the sadness through her eyes, may mga pagkakataong nakikita niya itong umiiyak at alam niyang kasalanan niya lahat ng sakit na nararamdaman nito.

Naging masaya lang ito ulit dahil sa pagbubuntis. Muli niyang nakita ang kislap sa mga mata nito lalo na ng ipanganak nito si Baby Maui. Ang anghel na nagbigay sa kanya ng pagkakataong maging ama, ng pagkakataon na maranasan ang magkaroon ng sariling pamilya.

He loves listening to her giggles and whining kapag hindi nito nakukuha ang gusto. Hindi niya akalaing makikita niya pa itong lumaki. She's now 3 years old and he's happy na maging bahagi ng buhay nito.

" Papa, can you tell me the meaning of my name again?" may kung ilang beses na yata niyang nasabi dito ang tungkol doon.

" Again? " tumango ito habang tutok na tutok sa kanya ang mga mata nito.

" Your first name means life baby and Papa already told you kung saan ito nanggaling diba?" nakakaintindi ito ng tagalog dahil tinuturuan nila ni Chloe.

" Yes Papa and it's our secret, bawal po malaman ni Mommy and my second name came from MommyLa." matalino si Maui at alam niyang namana nito ang kabibohan ng ina. She reminds him of Chloe nong maliliit pa sila.

" Anak, nandito ka lang pala, kinukulit mo na naman ba ang Papa mo?" tinakasan na naman marahil nito ang ina.

" Can I stay with Papa a liitle bit more? Please Mom.." she's doing good on her paawa effect everytime. Nagkibit balikat siya kay Chloe.

" Okay pero anak kailangan mo na matulog ha..." agad itong pumalakpak ng marinig ang sagot ng ina. Iniwan na sila nito.

" Papa, why are you always in bed?" napaupo ito sa kama at humarap sa kanya.

" Anak, alam mo namang Papa is sick diba? Pasensiya kana kung hindi na kita nasasamahang maglaro sa labas."

" It's okay Papa, DaddyLo plays with me naman po." pero alam niyang nalulungkot ito. Narinig niya itong nagtatanong sa ina kung bakit yong Papa ng kapitbahay nila nakikipaglaro sa kanila.

" I'm sorry anak." niyakap niya nalang ito. Lalo siyang kinakain ng konsensiya dahil hindi niya magampanan ng maayos ang pagiging ama dito. " Sige na, puntahan mo na ang Mama mo, it's time for bed." she blowed him a flying kiss bago lumabas ng kwarto niya.

" I love you Papa." she deserves to be happy silang mag ina dahil pinasaya ng mga ito ang buhay niya.

" I love you too Baby. Goodnight."

He know he's going to leave them soon and he's hoping na maging maayos ang mga ito kung sakali mang mawala na siya.

Maya maya ay pumasok si Chloe sa kwarto niya. She's staying with Maui dahil ayaw nitong matulog mag isa.

" Gusto mo bang e adjust ko ang Aircon? Baka malamig masyado." napakabuti nito sa kanya sa kabila ng mga nagawa niya.

" Okay lang." inayos nito ang kumot niya. Hinuli niya ang kamay nito.

" Maraming salamat Chloe, salamat sa lahat." hinawakan din nito ang kamay niya gamit ang kabila pa nitong kamay.

" Ethan, ayan kana naman, ilang beses kana bang nagpasalamat. Asawa kita obligasyon kong alagaan ka, isa pa inaalagaan mo din naman kami lalo na si Maui." alam niyang minahal siya nito kahit papano dahil naramdaman niya iyon.

" Sana kapag wala na ako maging masaya na kayo ni Maui." dahil inagaw niya dito ang pagkakataong iyon.

" Masaya naman kami Ethan, ano ba yang pinagsasabi mo. Tulungan mo ang sarili mong magpagaling, may awa ang Diyos, kailangan kapa namin ni Maui." He don't deserve this woman, napakabuti nito para patuloy na magdusa.

" Patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko sayo' Chloe. I'm so sorry for being selfish. Pero sana alam mo na totoong minahal kita, kayo ni Maui. " pinahid niya ang mga luha nito.

" Ethan, tama na, makakasama sayo yan, matagal na kitang napatawad. Magpahinga kana, maaga kapang kukulitin ng anak mo bukas." dinala niya ang mga kamay nito sa labi para hagkan.

" Magpahinga kana rin. Don't worry Chloe, magiging maayos din ang lahat."




Chloe Alexandria

Maaga siyang nagigising dahil kailangan niyang ihanda ang breakfast ng asawa, may special diet ito dahil sa sakit. He's on medication at nag uundergo ng chemotherapy.

Ethan has cancer. Akala ng mga magulang ay gumaling na ito pero isang araw naging sakitin na naman ito, they find out nasa stage 3 na ito ng Leukemia.

Nalaman niya ito ng tumawag siya sa Mommy niya noong nasa Isla sila ni Zaide, kaya pala ganon na lamang ang pagpupumilit sa kanya ng Daddy niya na magpakasal dito dahil narin sa sakit nito. Ethan refused to take his medication and undergo treatment dahil sa hindi niya pagsipot sa kasal.

Tito Nathaniel asked Dad for help at iyon ang ipagkasundo kami para magkaroon si Ethan ng dahilan para gumaling.

Kung siguro sinabi nila sa kanya ng mas maaga ang sitwasyon baka hindi sila nagkaroon ng samaan ng loob ng ama.

Bestfriend niya si Ethan at malaking bahagi ito ng buhay niya. Sa kabila ng pinagdaanan niya nong bata siya naging masaya ang childhood niya at isa si Ethan sa dahilan doon. At hindi niya kakayanin kung sakaling namatay ito at wala manlang siyang ginawa.

Kung si Zaide ang pinili niya kahit ito naman talaga ang mahal niya alam niyang hindi rin siya magiging masaya knowing na hinayaan niya lang ang bestfriend niya, siguro kung naging makasarili siya matagal na nilang hindi kapiling si Ethan.

Kung ibang tao ito hindi siya magpapa apekto dito pero bestfriend niya ito, nakilala na niya ito bago paman dumating si Zaide sa buhay niya at alam niya na kung babaliktarin ang sitwasyon gagawin din ni Ethan ang ginawa niya.

" Mommy! Mommy! " tili ng anak ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Pinuntahan niya ito sa kwarto pero wala ito doon. " Mommy! " umiiyak na ito. Pinuntahan niya ang pinangagalingan ng boses nito.

" What's wrong baby?" nasa kwarto ito ni Ethan.

" "Papa's sleeping and he's not waking up. What's wrong with him Mommy?" kinabahan siya sa sinabi ng anak. Hindi hahayaan ni Ethan na umiyak ito.

" Baby, go and call MommyLa and DaddyLo." utos niya sa anak. Mabilis naman itong sumunod.

" Ethan! Ethan gising, gumising ka! Pero hindi ito na ito gumagalaw, hinawakan niya ang mukha nito pero mas lalo siyang kinabahan dahil malamig na ito.

" Ethan please. Wag naman ganito, gumising ka." niyakap niya ito. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi nito sa kanya kagabi dahil madalas naman itong ganoon magsalita. " Ethan.." umiiyak na siya.

" Chloe anak, bakit anong nangyari?" ang Mother in law niya na agad lumapit sa kanila, buhat nito si Maui.

" Si Ethan, Mama ayaw gumising." kinuha niya ang anak dito na umiiyak narin.

" Ethan anak ko, Ethan Angelo huwag mo kaming biruin ng ganito, natatakot pati si Maui. " pero kahit anong yogyog ang gawin nila dito ay hindi na ito gumagalaw.

Dumating si Dr. Steve and Doctor niya, kasama ang Daddy ni Ethan at tinignan niya ito. Sinundo marahil ito ni Daddy.

" I'm sorry, he's gone." ang apat na salitang iyon ang nagpatigil ng mundo nila.

Niyakap niya ang anak na umiiyak at naguhuluhan sa nagyayari. Ang alam lang niya ayaw gumising ng Papa niya.

" Mommy, what's wrong? Bakit ayaw gumising ni Papa?, is he tired?" nakatingin ito kay Ethan.

" Oo anak, natutulog ang Papa mo kasi kailangan na niya magpahinga." pinilit niyang pigilan ang emosyon.

" I'm sorry pero handa na siya para dito. Matagal na niyang tinigil ang pagpapa chemo." nagulat kami sa sinabi ng Doctor niya. " He know' s pinapahaba lang ng chemo ang oras niya pero hindi na siya gagaling. I'm sorry pero pumirma siya at ayaw niyang malaman n'yo ang tungkol dito."

Ethan was gone at hindi siya handa lalo na ang anak niya. Maui loves him so much na halos ayaw nitong umalis sa kwarto nito. Naging mabuti itong ama sa kanya lalo na noong mga panahong malakas pa ito. Ngayon kailangan niyang ipaliwanag sa anak kung bakit hindi na nila makakasama ang Papa niya.

Itutuloy....






Gosh, this chapter is tearing my heart apart. Wala ba kayong bestfriend? 😢😭 Inaaway n'yo kasi si Ethan pati ako. Hindi po nakakatuwa na kaka update ko lang nagrereklamo na ang iba😑, please on going po ito, kung ayaw ninyong mabitin, saka niyo na basahin pagcompleted na😔. Pero kung gaya ko kayong excited kapag may update ang mga story na binabasa ko kapit lang. 😉

Merry Christmas.🎄 ✌

Skycharm24








Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Crazy Over You √ Από Nayakhicoshi

Εφηβική Φαντασία

69.8K 2.2K 36
Lalaine Cassidy Casuro is the definition of the word Perfect. Nasa kaniya na ang lahat; beauty, friends, brain, and a perfect family. As the spoiled...
8M 179K 59
[MJS BOOK 1] He's the prodigal son. She's the good daughter. He's a gangster. She's the good girl. He's her nightmare. She's his obsession. How can t...
817K 28.1K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.1M 61.4K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...