A Bloodless War

By heartlessnostalgia

9.1M 297K 109K

Sandejas Siblings Third Installment: Z E I J A N "Let him pull the trigger and it will aim straight to your... More

Sandejas Siblings #3: A Bloodless War
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
ABW Special Chapter
Zeijan-Gwapo: Pumangit na
A Bloodless War Selfpub Reprint

Kabanata 7

229K 8.1K 1.9K
By heartlessnostalgia

Kabanata 7

"WALA ka na bang ibang matinong sasabihin?" I hissed habang siya naman ay parang mamamatay na sa kakatawa.

"S-sorry, wife. I just—" he laughed again. Ako nama'y tuwang-tuwa rin sa kalokohan niya kaya sinipa ko ang paa niya.

He bit his lip to stop his laugh. Namumula pa ang mukha niya at pigil na pigil ang tawa.

"You seriously watch that?" Natatawa ko pa ring sabi.

I know that show, of course! Ang mga batang kilala ko ay ganyan ang pinapanuod!

"I did not watch it in my own will, pinilit lang nila ako!" tawa niya. Napangisi ako at kinurot ang tagiliran niya.

"Childish mo, 'no?" iling ko.

"Aww! Aww!" Kinuha niya ang kamay ko sa baywang niya at hinawakan.

"I'm serious!" aliw niyang sabi. Napansin kong habang nagkekwento siya ay marahan niyang inilalagay ang daliri niya sa pagitan ng daliri ko kaya hinayaan ko iyon.

"Tapos nang pagtulog ko ayos naman but in the middle of the night, damn! May gumapang sa paa ko!" he told me.

"Binisita ka nga?!" nanlaki ang mata ko.

He nodded, convincing me.

"Yes! I was frantic! Napasigaw ako no'n, tapos tumakbo ako palabas ng kwarto." Napatawa na naman ako sa kanya. "Sa sobrang panic ko nadapa ako and I fell flat on my face!"

That made me laugh even louder, I pulled my hand from him, napalo ko ang braso niya at kinagat ang labi ko para magpigil ng tawa.

Damn, I've never laugh this much before!

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya at pinakatitigan siya. I was still in awe, habang siya nama'y nagsasayaw ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Saan banda tumama sa mukha mo?" I asked. He pointed his nose at napatawa na naman ako.

I can imagine it! 'Yong tumatakbo siyang naka-boxers lang sa gitna ng gabi dahil sa ipis! Parang 'yong ginawa niya kanina!

"Nag-panic 'yong pamilya ko no'n, grabe, if only you have seen their faces, akala nila may nanloob sa bahay namin tapos..."

Ang daldal niya! Mas napangiti ako.

I felt comfortable talking to him, I don't know why. Ang gaan-gaan ng loob ko.

"Tapos dahil madilim nga, 'di ako makita, 'yong kapatid kong si Dash, pinalo ako ng walis tambo sa pwet!" Napa-facepalm ako at halos matapon na siya sa dagat sa kakatawa.

He laughed again. Hinila ko naman ang kamay ko sa hawak niya at pinalo ang braso niya.

"I hate you, Zeij!" Natatawa kong sabi. Nakita ko ang pamumula ng mukha niya at ang pilit niyang pagpigil sa tawa niya.

"I was screaming in pain! Pinalo ng walanghiya 'yong booty ko!" he pointed his behind at halos masipa ko siya.

"Damn you, Zeij!" I laughed. Natatawang pinasadahan naman niya ang ako at naiiling rin.

"I sometimes imagine it and realized kung gaano ako nakakahiya," he said and nodded.

"Right! Wala akong lalaking kilalang takot sa ipis, I swear! You're the first!" He stared at me with amusement. Unti-unting nanahimik kami at kumakalma ako sa kakatawa mula sa kanya.

I enjoyed this kind of moments, parang ordinaryong tao lang ako at kausap ang isang ordinaryong tao rin kagaya ko.

I can't believe I'm still capable of laughing this much!

He shifted his position, mula sa pagkaka-indian sit sa harapan ko ay unti-unting humarap siya sa dagat at itinukod ang kamay sa likod niya at iniunat ang paa while I remained seated on my last position.

Sa biglaang paglingon niya ay natigil ako. That wonderful eyes that screams peace was what I saw. Malalim ito at nanghahatak at nakita kong sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya.

"Are you happy?" Natigilan ako sa sinabi niya. I wanted to look away, but his eyes were telling me to just stare at them.

"I mean, right now?" tumango ako nang walang pag-aalinlangan.

His eyes shined, like the stars above, like the moon giving light to a dark world.

"Good..." he said hoarsely.

"I-I felt like a normal person," pag-amin ko.

"You're normal," aniya sa akin. "Unless you have superpowers with you or tentacles—"

"Zeijan!" I exclaimed and he laughed. Tinagilid niya ang ulo at binasa ang pang-ibabang labi.

"Sorry, baby..." he grinned.

"Baby ka r'yan!" Kinaltukan ko siya. Mas ngumisi siya pero hindi ko naman naitanggi ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

His eyes were intense, I can almost feel my insides shaking at bago pa man ako matuksong humalik sa kanya ay nag-iwas ako ng tingin at gumaya ng pwesto sa kanya.

I stretched my leg and looked at the peaceful sea. It's color blue in the morning and black and dark at night yet...still the same, still beautiful, no matter what shade it is in.

"What were you thinking?" ani Zeijan kaya napalingon ako sa kanya.

"Nothing," I simply shook my head.

"You can tell me anything," aniya. Tumango naman ako at kinalma ang nagwawala kong puso.

"Nakakapanibago lang na, nakakatawa ako nang ganito kalakas, na walang nagbabantay sa galaw ko. Walang gumagawa ng scoop, ng issue..." sabi ko. He sighed.

"Ang hirap, 'no?" Nilingon ko siya at sinimangutan.

"Wow! Kunwari, may issue ka rin, ah? Famous?" I asked sarcastically.

He laughed. Tumaas ang kilay niya at nakita kong naglaro ang kung anong emosyon sa mata niya.

"If only you knew," he said. "Hindi lang ako masayadong kilala rito sa isla but in the city? I'm pretty famous, baby—" siniko ko siya at napadaing siya at napahawak sa may t'yan niya.

"Abs ko!" he hissed. Siniko ko siya ulit at mas napadaing siya. "Wife!"

"Abs ka r'yan, wala ka ngang ganyan," I said. I saw him smirked.

"Baka gusto mo pang makita ulit, oh," akmang itataas niya ang shirt kaya tinampal ko ang kamay niya.

"Ikaw, Zeijan! Ang harot mo!" Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.

"Misis, I'm only like this to the people I'm comfortable with..." aniya kaya nilingon ko siya, nangingiti.

"Are you comfortable with me?"

He nodded and smiled. "You?"

Tumango rin ako.

"It's just weird, I seldom laugh these days so, thank you..." I said sincerely.

"Welcome," aniya. "Thank you for making me happy too."

Tahimik na nangiti ako. Humawak ako sa mga daliri ko at pinisil iyon. As long as I wanted to feel the fresh air and the sounds of the crashing waves, mas nangingibabaw pa rin talaga ang tambol sa dibdib ko.

I can feel his presence behind me, sa bango niya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na bahagyang umatras sa kanya.

Bakit siya palaging amoy bagong-paligo? He still smells fresh kahit na halos maligo na siya sa pawis sa acrobatics niya kanina!

I shivered when the cold air touched my skin kaya napahawak ako sa braso ko.

"Are you cold?" aniya at umiling ako. I suddenly felt a hand on my waist kaya napatalon ako at nilingon siya.

"Let me warm you," aniya at hinawakan ang balikat ko palapit sa kanya. I crashed on his hard chest. Naipikit ko ang mata ko at dinama ang amoy niya.

Habang hinahaplos niya ang braso ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng saya. I somehow felt loved, na may pakialam sa akin ang kahit isang tao para ganituhin ako.

"Zeij?" paos kong tawag sa kanya.

"Hmm, yes?" aniya. Inabot ko naman ang kamay niyang isa at dinala sa hita niya.

"Hmm, how about your brothers?" I asked. Hinuli niya ang kamay ko, natigil ako roon at mabilis na nag-angat ng tingin sa kanya.

"What about them?" Ngumuso ako.

"I just want to know—"

"Pangit mga 'yon!" Natigil ako sa sinabi niya. Napaupo ako nang maayos at sumulyap sa kanya at nakitang nakabusagot ang mukha niya.

His thick eyebrows almost met each other, mariing nakatikom ang bibig niya at nakaigting ang panga.

"Huh?" tanong ko.

"You like them?" nangunot lang ang noo ko. "H'wag ka roon, mukhang paa mga 'yon!" He discouraged me.

"'Yong kuya kong si Kuya Iñigo, malaki mata no'n tapos may tigyawat sa noo tapos si Dash naman, may saltik minsan sa utak tapos may malaking nunal sa—"

"Zeij nga!" natawa ako at hinawi ang buhok niya. "I just want to know, how are they?" sabi ko. Ngumuso naman siya at binasa ang labi niya.

"Ayos lang," aniya. "Pero maitim kili-kili no'n tapos may balat sa pwet kaya pahamak!" Napatawa akong lalo.

"You're so hard at them!" He smirked and lifted his brows.

"'Di naman, but I have a secret to tell you," bulong niya.

"What?" curious kong tanong. I moved my face closer to his at lumapit rin siya para bumulong.

"Secret lang, h'wag mo ipagkalat, baka kumalat," he whispered.

"Sabihin mo na nga kasi," I whispered.

"Sa aming tatlo, ako pinaka-gwapo..." he whispered, and I gasped. Halos sabunutan ko siya sa kalokohan niya pero humagalpak lang siya kakatawa.

"Seryoso nga!" sita ko. Nangingising hinawakan naman niya ang baywang ko.

"Hmm, sorry..." halakhak niya pero maya-maya'y nanahimik siya.

"We're actually four. Si Kuya Iñigo, ako tapos si Dash..."

"Pangalawa ka?" he nodded.

"Hmm, then..." tumikhim siya. "'Yong pang-apat kong kapatid si Zidney," I noticed his voice turned a little softer.

"How about her?" I asked. Nang lingunin ko siya ay napansing kong malamlam ang mga mata niya kaya hinarap ko siya.

"Zeij?" takang tawag ko. He looks sad, tumungo siya at sa muling pag-angat ng tingin niya sa akin ay nahuli ko ang pagkislap ng mata niya.

My mouth parted when he suddenly cried in front of me.

"Oh, my god!" bigla akong kinabahan. "Zeij?!" hinuli ko ang mukha niya at hinawi ang luha sa pisngi niya.

"I-I'm sorry," aniya, mariing pumikit at hinawakan ang kamay ko sa pisngi niya.

"I-I just can't forget everything. It's still fresh... Kahit tatlong taon na siyang wala..." Kumuyom ang kamay ko sa gulat.

She's dead?

"I-Is she..." umiling siya ng umiling at mas humigpit ang hawak sa kamay ko.

"I-I believe she's not..." paos niyang sabi. Something tugged my chest, mas lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

He calmed down. Malalalim na paghinga ang ibinuntong niya at sumubsob sa leeg ko. He hugged my waist tightly and settled on my neck.

"W-we got involved in a car accident..." aniya.

Tumango ako at hinaplos ang likod niya.

I never knew he had this big problem! I didn't know na... sa kabila ng masaya niyang personalidad at ngiti ay nakatago ang sakit niya.

"Tapos...tapos masaya kami no'n," aniya. "T-then a truck came and dahil sa gustong makaiwas ni Dad—uhmm, n-ni Papa tumama kami sa puno," bulong niya. "I lost conciousness, pagkagising ko nalang nalaman na nagka-fracture kami, si Kuya Iñigo ang mas malala tapos si M-Mama naman na-comatose..."

Pain struck my chest.

"Shh, Zeij..." kinalma ko siya. Naramdamam ko ang pangingilid ng luha ko kaya pumikit ako nang mariin.

We almost had the same fate, Zeij. Almost.

I can feel his pain, kasi...kasi ganyan din ako noon.

"T-then, our princess, si Zid...we lost her, n-nakabukas ang pintuan sa side niya sa sasakyan na diretso sa bangin. We...we never found her body," aniya at malalim na huminga kaya mas niyakap ko pa siya.

"We did everything, we tried finding her but..." he shook his head.

"S-Sorry, Zeij..." bulong ko.

"W-we still believe she's alive. N-no body was found, I-I know she's alive," bulong niya. I nodded.

"She still is," bulong ko. "Maniwala ka lang..."

Ilang minuto pa kaming nagtagal doon. Malalim na ang gabi sa tingin ko dahil sa medyo pag-angat pa ng tubig ay lumakas din ang huni ng kuliglig.

Wala na rin ang mga taong nagkakasyahan sa isang cottage sa hindi kalayuan at kaming dalawa na lang ang natitira sa dalampasigan.

Zeijan kept on staring at me as I dry his tears. I never know this funny, and witty man had this soft side on his life.

His eyes were bloodshot, still glistening from the tears and his cheek had his dry tears.

"Sorry if I cried," mahinang sabi niya. Tumango ako at sinalubong ang mata niya.

"It's alright," sabi ko.

"P-pero 'di ako softy, huh." Napatawa ako roon at tumango.

"Wala naman akong sinasabi, huh?" tawa ko. Ngumuso siya at hinawi ang buhok ko.

"Baka kasi asarin mo ko," aniya. "Pero gwapo ba ako kapag umiyak?" mas napatawa ako roon at pinalo ang hita niya.

His side smile showed. There, he's back!

"Gwapo nga!" sabi ko. Mas ngumisi siya. "Oh, h'wag lalaki ang ulo, hmm?"

Tumango naman siya at muling ngumiti.

"Real men cry," sabi ko at hinawi ang buhok niya.

"Thanks, Ree..." aniya.

"Welcome." Tumayo ako at pinagpag ang shorts ko. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan niya iyon patayo.

I pulled him up, hindi naman siya nagpabigat pero laking gulat ko nang sa pag-akyat niya ay sinalubong niya ang labi ko sa isang mabilis na halik.

My mouth parted. He smiled again and held my hand.

"Uwi muna tayo sa kwarto ko?" aniya. "Baka kasi sumugod 'yong ipis..."

I slept peacefully that night, sa kwarto ni Zeijan. I just feel comfortable whenever he's around. I can feel that I'm safe, na mayroong taong may concern sa akin.

Para ngang ilang taon na kaming magkakilala pero hindi, I just know him for what? Two...three days?

He slept on the sofa, kahit naman sabi kong sa tabi ko na lang siya kasi pwede naman ay ayaw niya pumayag. Baka raw kasi maumpisahan niya 'yong Oplan: Family Planning niya kaya miski ako ay halos palayasin siya sa kwarto.

•─────⋅☾ ☽⋅─────•

ISANG bagsak ng gamit ang narinig ko na nagpamulat ng mata ko. I was welcomed by the bright rays of the sun escaping from the white curtains at the window.

I yawned and moved sideways to hug the pillow. I am wearing Zeijan's shirt, dahil nga sa nadumihan ang damit ko kagabi sa dramahan namin sa dalampasigan.

"Z-Zeij?" I murmured when I craved on something.

Parang gusto ko ng milk!

Babalik na rin ako mamaya sa taping at sasagutin na ang mga sermon sa akin ni Direk at ni Jana. Nakarinig akong muli ng pagkalampag. Hindi ko na sana papansinin 'yon nang makarinig ng pagbagsak at malakas na boses.

"Fuck you!" nanlaki ang mata ko. Mabilis akong napaupo sa kama at nilingon sa sofa si Zeijan pero wala na ngayon.

Kaagad akong naalerto. Mabilis akong naupo sa kama at ipinalibot ang tingin ko. Nothing's seems suspicious, pwera na lang sa ingay sa labas kaya kumunot ang noo ko.

"Damn!" It was his voice! Mabilis akong tumayo.

Nakarinig ako ng pagkabasag kaya mabilis kong kinapa ang likod ng unan ko pero nang maalalang nahulog ko ang baril ko ay napamura ako.

"Fuck!" I immediately opened the door and my eyes widened when I saw a few men lying on the floor and Zeijan fighting with a three or more.

Umawang labi ko.

Damn it!

The man in black attacked him, nakita ko ang mabilis na paghawi ni Zeijan rito at ang pagsipa niya sa t'yan nito. The man groaned in pain, bumagsak iyon sa sahig at sinipa iyon ni Zeijan bago inatake ang umamba pa sa kanyang dalawa.

I suddenly didn't know what to do. I was trained for this! Damn it! Pero hindi ako makagalaw ngayong nakikitang nakikipaglaban si Zeij sa kanina!

Damn, he has skills!

He punched the other man on the face while he kicked the other man's feet dahilan para mapaluhod ito.

"Fuck you!" Zeijan cursed.

Nang makitang may lalaking susugod sa kanya mula sa likod ay kaagad kong kinuha ang vase roon sa may gilid at marahang naglakad.

I was walking cautiously but quickly. Nakita kong may inilabas na baril 'yong lalaki sa likod ni Zeijan kaya gamit ang isang kamay ko ay mabilis kong hinaklit ang baril nito at sa pagharap ay binasag ko sa ulo niya ang vase.

That made a loud sound, dahilan para makita ako ni Zeijan at manlaki ang mata niya.

"Misis!" He called me, shocked seeing me there.

Mabilis akong napatingin sa lapag at nakitang ang lalaking natumba kanina ay nakatutok na ang baril sa kanya.

"Zeij!" I screamed. He immediately looked down and my mouth parted as he kicked the gun off his hand before punching the man on his left.

He then moved quickly above the man's body and twisted his hand making him scream in pain.

Nang makitang may lalaking pumasok ay kaagad kong hinanda ang sarili ko.

"Alyx! Stay inside the room! Akong bahala rito!" Hindi tumitinging sabi ni Zeijan habang nakikipagsuntukan roon.

I did not listen. Kaagad kong sinalubong ang lalaking palalapit at inabahan siya ng suntok. I groaned when my hand ache.

Ang tigas ng mukha!

"Ikaw na babae ka!" siniko ko siya at mabilis na hinampas ang baril sa mukha. As much as I want to pull the trigger and kill him straight, iniisip ko si Zeij.

Nang bumagsak ang lalaki ay siya ring paglingon ni Zeijan kaya mabilis akong tumuwid at itinago sa likod ko ang baril.

"Alyx Riadna! Stay in the fucking room!" he hissed and broke the man's neck.

"H-huh?" kunwari'y takot kong sabi.

"Stay in the room! H'wag ka rito!" he shouted.

He jumped and kicked the other's man chest. Napaatras ito at tumama sa flatscreen na TV. When he moved his gaze away ay kaagad ko ring sinugod iyong lalaking naroon pa sa gilid na may akmang tinatawagan.

I kicked his balls and punched his face.

"Tang ina mo!" mura niya pero hinila ko ang buhok niya at inilahad ang kamay ko.

"Give me your phone!" utos ko.

"Bitiwan mo kong puta—" I pointed the gun on his temple, and I saw how his face turned pale.

"Now," mariing sabi ko. Sumulyap ako kay Zeijan nakikipag-agawan ng baril doon.

"Give me that," utos ko.

"Hindi—" idiniin ko ang baril sa ulo niya.

Mas naging bakas ang takot sa mata niya pero nagtapang-tapangan pa rin.

I gave him my sweetest evil smile, I licked my lips and put my finger on the trigger, readying myself to pull it and kill him.

"Will you give me the fucking phone..." marahang sabi ko. "Or die." Hinagis niya ang telepono palayo at nang sundan ko iyon ng tingin ay nasa tabi na iyon ng napilayan.

"Fuck you!" I cursed quietly and he smiled sarcastically. I lost my grip. Mabilis kong hinampas ang ulo niya ang baril bago binali ang leeg niya.

Tinakbo ko naman ang phone at hinaklit iyon sa lalaking nakahiga.

"Alyx! Stay inside the room!" Nanlaki ang mata ko nang sumigaw si Zeijan habang nagpapabuno sila ng lalaking bago na naman ngayon.

"O-oo!" sigaw ko kunwari.

Damn! Nasa kusina na 'yong dalawa!

I cursed when the man lying pulled my hair. Tumalim ang tingin ko sa kanya.

"Akin na yan! Sumama ka sa akin!" sigaw niya. I pushed his hand away. Akmang aagawin niya sa akin ang baril na hawak ko ay mabilis ko siyang sinuntok at sinipa sa mukha.

"Tang ina mong—" I pulled his hair and bumped his head over and over again on the floor until it bled.

"Fuck! Let it go!" It was Zeijan's hard and dark voice. Nakarinig ako ng malakas na putok ng baril kaya mabilis na kumalabog ang dibdib ko.

Tumayo ako at ibinulsa ang telepono.

"Zeijan!" sigaw ko, kinakain na ng takot.

Damn! What if he was shot!

Halos takbuhin ko na ang kusina pero kaagad akong natigil nang nakitang nakahandusay roon ang isang lalaki at sa harapan nito ay si Zeijan, nakasalampak at duguan ang kamay habang hawak ang isang baril.

"Zeij..." mabilis kong hinagis ang baril sa likod ko at nang makita ako ay mabilis na tumayo si Zeij, lumapit at hinawakan ang pisngi ko.

"Are you fine?" tanong niya, bakas ko ang pag-aalala sa mata.

I nodded at napamura siya bago ako mahigpit na niyakap.

"Damn it! Muntik ka nang madamay!" mariing bulong niya at mabilis ko siyang niyakap pabalik pero ang mata ko ay nanatili roon sa nakahandusay na lalaki, wala ng buhay.

Who are these men? And how did they find me here? Isa pa, bakit nila ako kilala?

Fuck you, Archer! Pakana niya ang lahat ng 'to! I really have to kill that bastard as soon as possible!

Continue Reading

You'll Also Like

255K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
826K 23.7K 48
Everyone has been witness the contradicting personality of a couple, but how about those couple who's both dominant, both strong and fierce. Can it b...
Solace Escape By HN🥀

General Fiction

3.4M 133K 36
Sandejas Legacy #5: Solace Escape "Sandejas Legacy continues..." Sibyl Timothea Sandejas is a well-known ballerina, the center of attention, the star...
132K 3K 71
Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* Si Lexi, isang mayaman, matalino at maga...