REUNION (one shot)

By NamiYaSwift

3.1K 131 30

More

REUNION (one shot)

3.1K 131 30
By NamiYaSwift

Lheslee  Orozco's Narration

________

Umupo ako sa tabi niya, lumipat siya. Binigyan ko siya ng snack tinanggihan niya, kinuha nga binigay naman sa iba

nag-confess ako, tapos bigla namang umepal bestfriend ko

Kanina nag-confess ulit ako at sinigurado kong wala si Nate (bestfriend ko) : "Soy gustong gusto kita, mahal na nga e. Alam ko nakakairita na ako pero mahal mo ba ako? o kahit gusto man lang (_ _)" 

alam kong ang kapal ng mukha ko para itanong sakanya yun, pero KASALANAN KO BANG YUN ANG LUMABAS SA BIBIG KO? KABADO E! Hindi na nga ako makahinga dahil sa pabango niya. Pero after kong marinig ang sagot niya ay para bang naubusan ako ng oxygen.

eto lang naman kasi naging sagot niya

"Oo, nakakairita ka, at hindi kita mahal"

_______________________________________

"ano ka ba naman Lhes! wag mo masyadong damdamin sinabi ng Soy na yan! maganda ka naman kaya humanap ka nalang ng iba, marami diyan sa tabi tabi. TULAD KO! dejoke lang, baka seryosohin mo at patulan mo talaga ako. hahaha. hindi kita type" sabi niya sabay himas sa ulo habang tumatawa

"E ba't tuwang tuwa ka pa? Diyan kana nga! NAPAKABUTI MO TALAGANG KAIBIGAN!"tsaka na ako nag-walk, kung bakit kasi sakanya pa ako nagkwento! kaasar talaga!

pagka-uwi ko ng bahay, iyak lang ako iyak. OA ba? pero kasi mahal na mahal ko siya, and take note first time este second time kong mag-confess sa isang lalaki since siya lang naman ang taong minahal ko for almost 4 years. Korni pero totoo

tapos mamayang gabi graduation na namin, kaya mas lalong wala na akong pag-asa dahil magkaiba ang course namin

___

Naiaboy na ang diploma kaya nagsisi-iyakan na sila, naki-iyak narin ako dahil syempre di ko na makikita si Soy.Si Nate ayun pangiti-ngiti lang, di ko nga alam kung bakit ang saya niyan e. Siguro dahil naka-graduate siya kahit twice a day lang pumasok

___

Pag-uwi ko ng bahay, todo emote padin ako nang biglang may nagtext.

sigurado igigreet lang ako nito ng Happy Graduation, kaya di ko nalang pinansin.Buti sana kung happy.

maya maya, may tumatawag naman , pagtingin ko si NATE lang pala. -o-

"bukas! 7pm may Reunion daw ang batch natin nung grade 6 :)"

"weh? bat ngayon mo lang sinabi? hindi ako pupunta! malaki eyebags ko! Nakakahiya naman"

"Okay lang yan! Nandoon si Soy, yieee. pupunta kana? sige na pumunta kana!"

"sige na nga, mapilit ka e, san ba yan?"

"sa blah blah blah resort"

"naks! sosyal! teka paano yung foods? yung entrance--"

"may nag-volunteer na ng lahat ng yun! libre tayo! hahaha" kaya naman pala gusto niyang pumunta

___

dahil ayoko naman magmukhang atat ay medyo nagpalate ako ng 15 minutes so 7:15 pm nakapasok na ako ng Resort

pero dahil Filipino time, ni isa sa mga kaklase ko noong elementary ay wala akong makita, tanging waiters lang ang palakad lakad

naisip ko tuloy, baka maling resort napuntahan ko, ang bongga kasi, sobrang pinaghandaan talaga, sa pagkaka-alala ko, wala naman akong classmate na ubod ng yaman dati, kaya paano niya ma-aafford lahat ng 'to?

chineck ko yung cellphone ko. Anak ng pata, bakit wala parin si Nate? sabi niya magjejebs lang siya kaya mauna na daw ako. Paano kung magsidatingan na mga yun?

naglakad lakad ako. Wala paring dumadating na ibang tao, at feeling ko sinusundan ako ng tingin nung mga waiter

uupo na sana ako nang biglang namatay lahat ng ilaw kaya nagulat at napatayo ulit ako tsaka natuon ang atensyon ko dun sa improvised mini stage na hinintuan ng spot light at ang mas nakadagdag pa ng shock ko ay may spotlight din ako.

tapos maya maya may ibinigay saakin na microphone

teka, aanhin ko naman to?.

pagtingin ko ulit sa stage napa "hala" with bulging eyes pa ako

"do I look like a ghost? para mapa-hala ka ng ganyan?" 

kelan pa siya dyan sa stage? ang bilis naman. at ANONG GINAGAWA NIYA SA STAGE, ESTE ANONG GINAGAWA NAMIN SA GANITONG SCENE, teka dont tell me..

oh my god! ganito mga napapanuod ko sa mga teleserye. I'm gonna die na ba? Impossible kasi, teka oras ko na ba?

"Anong ginagawa mo dito? bakit ikaw lang ang nandito? akala ko ba reunion to? nasan yung iba?" 

"more than 1 naman tayo kaya reunion narin to" sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko

 "SOY" pabulong kong sabi pero syempre di ko ginamit microphone

"sabihin mo na gusto mong sabihin dahil may sasabihin din ako. gumamit ka ng microphone" kung makapang-utos naman to!

magsasalita pa sana ulit si SOY nang mag-ring ang phone ko, tae, hulaan ko si NATE to. siya lang naman epal sa buhay ko. pero pati ba naman sa panaginip epal siya?

"oh bakit?"

"ano sinagot mo na ba? malapit na ako e, ayoko ng maghintay sa labas pagdating ko diyan ah"

"teka anong---" may itatanong pa sana ako nang patayin na niya yung line

"tapos na ba? pwede na ba akong magsimula?"

"ahh teka--" may itatanong sana ako kaso di ko na natuloy dahil nagsalita na siya

"Lhes, alam kong nasaktan kita dahil sa pag-iwas ko, pero gusto ko lang pigilan sarili ko. Hindi ko tinatanggap mga snacks mo dahil ayokong magmukha kang sugar mommy ko at nang sinagot ko first confession mo. Hindi mo narinig sagot ko na , Oo. kaya naisip ko, nextime nalang, ako nalang magcoconfess sayo kaya nag-ipon ako, at eto na nga, naging perfect ang lahat, even your bestfriend help me out with this. Kaya nga medyo kinabahan ako ng mag-confess ka ulit saakin, di ko alam sasabihin ko dahil na-set na ang lahat, na-invite ko na mga former classmates natin even my classmates and yours, at kapag sinagot kita ay mababalewala surprise ko sayo kaya mas pinili kong magsinungaling, medyo madudulas pa nga ako dahil napa-ok ako, kaya sabi ko nalang na 'oo, naiirita ako sayo' kahit ni minsan di ako nairita sayo. Pasensya kana kung sobrang baduy ng mag pinagsasabi ko. Ang gusto ko lang naman sabihin ay, nung una palang kitang makita ay gusto na kita then it turn out loving you secretly dahil natatakot akong mabusted mo, sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon! mahal na mahal kasi kita lhes!"

namalayan ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko. damn eyes! oa eyes! wag kang umiyak! panaginip lang to! pero kasi nakakatouch naman pinagsasabi ni Soy, so good to be true ika nga.

"bakit tayo lang ang nandito?" di ko alam kung bakit yun lang ang nasabi ko

"napakalaki kasi ng chance na hindi mo ko sagutin, kaya sabi ko hindi sila makakapasok at makakakain kapag hindi mo ko sinagot para naman may kasama ako sa pagluluksa. hehe" sabi niya habang kinakamot ang ulo niya at halatang nahihiya siya

magsasalita na sana ako nang biglang

*ring*

langya naman tong si NATE oh! kahit ba naman sa panaginip epal siya?

"oh bakit?"

"sagutin mo na yang mokong na yan! kating kati na kami kumain dito! tagaaaaaaaaal mo! Wag ka masyado pachicks!"

"yun na nga e! sasagot na ako ng OO, tumawag ka pa! epal ka talaga!" medyo asar kong sabi kay Nate

"talaga? binigbigyan mo na ako ng chance?" napatingin ulit ako kay Soy, kahit kasi hindi ko gamit yung microphone ay malakas parin yung boses ko

"Tanga! hindi kita binibigyan ng chance! sinasagot na kita" namula nalang ako sa pinagsasabi ko

"wala naman akong sinasabing maging boyfriend mo e"

"ayaw mo?!"

"di ka naman mabiro, Lhes pwede bang pumunta ka dito sa stage?"

"hah? bakit ako! dapat ikaw! kaw kaya -- sige na nga" papalapit na ako sakanya nang bigla akong

*blag*

nadapa dahil dun sa tali na nakaharang

"aray, masakit"

"sorry Lhes, Si Nate talaga nakaisip nyan, baka daw kasi iniisip mong panaginip lang to, pero gusto ko lang din malaman mo na hindi panaginip to"

napatingala ako at nakita ko si Soy sa harap ko na nakangiti at nakatingin sa ibang direksyon habang inaabot saakin ang kamay niya

"Wag mo namang gawing hobby ang madapa" pareho naman kaming napatingin sa likod nang marinig ko boses ni Nate na tumatawa kasama ang iba pa naming mga classmates

Continue Reading

You'll Also Like

66K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
20.5M 507K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...