Her Mystery Man

Autorstwa jazlykdat

6.1M 133K 2.5K

"Wait for the day I'll get tired of playing. I will come back to you and make your life a living paradise..."... Więcej

Her Mystery Man
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty-Five
Chapter-Twenty Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty-Eight (1)
Chapter Thirty-Eight (2)
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
EPILOGUE (1)
EPILOGUE (2)
Zachia Randall's Story

Chapter Twenty

117K 2.3K 17
Autorstwa jazlykdat

Nics' POV

It's been a month since that conversation with Zach. I must admit sometimes I miss his presence but I don't regret anything. I believe everything will fall into place in God's perfect time.

Na-meet ko na pala yung sinasabi ni Zeb na jowa niya. He seems nice naman at mukha namang hindi niya pineperahan si Zeb, so it's fine with me. I'm happy for them.

Ako naman dito lang sa shop. I am planning to put up another branch sa isa ring mall.

Kung beauty naman ang pag-uusapan, well, I have been dating pero hanggang date lang. Paano ba naman kasi sa tuwing malalaman ni Zeb na may date ako, he would always call at sasabihin ang walang kamatayang "guard your heart."

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo." Untag ng isa kong kasama sa shop. Agad naman akong umayos ng upo. As usual, nakaub-ob na naman kasi ako sa desk ko.

"Hi Nics, Good morning!" napatayo ako sa kinauupuan ko. Magkasunod na pumasok ang lola ni Zeb at si Tito John, daddy ni Zeb.

"Hello po!" agad akong nagbeso sa lola niya at nagmano kay Tito John.

"Si Mama kasi gustong dumaan dito nung nabanggit kong may music shop ka dito sa Mall." Paliwanag ni Tito John. Tito John knows my shop dahil lagi naman ako sa bahay nila dati. Medyo close ako sa kanila lalo na kay Tita Lindz.

Ngumiti na lang ako.

"Well, Zeb told us that you can't come on Saturday for our wedding anniversary celebration, kaya ako na mismo ang pumunta dito para hindi ka na makatanggi." She said smiling.

I was speechless. Hindi nabanggit ni Zeb sa akin ang tungkol dun. Akala ko nga nakabalik na sila sa US.

"Don't worry hija, it's not a formal event. Immediate family members lang plus some close business partners." Dagdag niya.

Napatingin ako kay Tito John, tumango naman ito as if convincing me to say yes.

"Busy po kasi ako para sa new branch na ipuput-up ko." Alibi ko.

"Wow! That's good for you but please come hija, it's just once a year plus your grandpa also wants to see you again."

"Pumayag ka na Nics." Segunda naman ni Tito John.

"Sige po." Napa-oo nalang ako.

"Wow! Thanks hija." She kissed me on the cheek. Ano pa nga bang magagawa ko?

Napangiti naman ang daddy ni Zeb.

"It's not formal, kantahan, kwentuhan, inuman at kainan lang." kindat nito.

"Sige po!" nahihiyang tango ko.

Pagkaalis nila saka ko tinawagan si Zeb.

"Ba't ka pumayag? Nag-alibi na nga ako para sayo!" napataas ang boses niya nung sabihin kong pumayag akong pumunta sa Saturday.

"Eh, si grandma mo kasi at ang daddy mo, mapilit." Pagpapaliwanag ko.

"Hay naku! Gumagawa na nga ako ng paraan para hindi sila masanay sa presence mo eh." Bumaba na ang boses nito.

"Hindi na kasi ako makahinde sa kanila." Nakasimangot kong saad kahit hindi naman niya nakikita ang reaksyon ko.

"You sure?" nag-aalala nitong tanong.

"Yes" sagot ko nalang.

"Zach will be there." He said with hesitance.

"Ok lang noh! Kaw talaga!" natatawa ko nalang na saad. Kahit sa loob-loob ko hindi ako sigurado kung kaya ko na nga ba siyang makita ulit.

"Ok, sabi mo eh!" saad naman ng nasa kabilang linya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Sigurado ka bang gusto mong sumama?"- nag-aalalang tanong sa akin ni Zeb while we are on our way to his grandfather's house.

Tumango nalang ako at ngumiti ng tipid. I looked at my watch. It's 2:00 PM. This is it!

Ba't parang excited pa akong pumunta? Hehe

Sinalubong kami ng lola niya, pagkababa sa kotse. As usual sa may garden sa likod ang celebration. Informal nga talaga dahil may dalawang mahabang tables lang for us. Isang table para sa amin ng mga pinsan niya at mga anak ng business partners nila. Isa naman para sa mga mas matanda with some business partners.

May mga waiters pa rin although may buffet table sa isang side. Sa kabilang side naman may videoke machine. Talagang informal. I can't believe sa yaman nila, ganito rin pala ang idea nila ng celebration. Hehehe. Very simple.

Ipinakilala kami sa mga business partners nila saka kami nagtungo sa kabilang table. Nagbeso naman sina Sam, Ara at Jayden saka ipinakilala sa apat na nandun na anak ng mga business partners nila.

The long table can accommodate 12 persons. I looked at the three vacant chairs. Parang may kulang. Umupo nalang kami ni Zeb.

Nag-umpisa naman ang kuwentuhan while sipping cocktail drinks.

"Oy, mamaya ha lahat tayo kakanta!" -masayang pahayag ni Jayden sa amin.

"Ayoko!" tanggi naman ni Ara at nagpout. Noong nasa camsur kami di rin siya kumanta.

"Di pwede basta lahat kakanta!" kontra naman ni Sam. Nagtawanan nalang kami pati yung apat pang kasama namin. Magkakakilala na pala sila dati pa. Parang ako lang yata ang sabit. Hehehe.

"Kuya Zach!" masayang bati ni Sam at tumayo. Awtomatikong napatingin ako sa paparating na lalaki.

My heart skip a beat pero napukaw ang tingin ko sa babaeng naka-angkla sa braso niya. She's wearing an apple green dress na nagpalutang sa makinis at maputi niyang kutis. Dahil sa stiletto shoes niya, magkasingtangkad na sila ni Zach who is about 6 feet tall.

"Ate, Blaire! How are you?" bati ni Sam sa dalaga. The girl smiled.

Ipinakilala siya ni Zach sa amin as Blaire. Nag-hi lang naman ito nang hindi bumibitaw sa braso ni Zach. Hmp! Para namang may kukuha kay Zach.

Sakto pang sa harap namin sila naupo dahil dun lang ang vacant.

Do I feel insecure? Sino ba naman ang hindi? She's goddamn beautiful! Unfair! In fact, she reminds me of Anne Hathaway dahil sa bilugan niyang mata.

Pinisil naman ako sa balikat ni Zeb.

"Are you okay?" bulong niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Yeah!" I just smiled.

"Oh kids, kanta na kayo!" masayang hayag ng daddy ni Zeb sa amin sabay abot ng dalawang mic at songbook.

"Sinong mauuna?" tanong naman ni Jayden.

"Ikaw na kuya!" sagot naman ni Ara sa kapatid niya.

Sumegunda naman ang lahat.

"Sige basta pagkatapos ko, ang susunod sakin clockwise na ha!" saka nito tinawanan ang kapatid na si Ara na ikinainis naman nito. Si Ara kasi ang susunod sa kanya. Umoo naman yung iba kaya wala nang nagawa si Ara.

Ganito ang ayos namin.

Ako-Zeb-G1-G2-Jayden-Ara

Blaire-Zach-Sam-None-G3-G4

[A/N: G1 refers to guest1]

"Go kids!" kantiyaw naman ng mga elders. Hehehe elders talaga?

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

868 129 44
The Cuanco twins transferred in a school to get a new start. They were bullied because both of them have bizzare looks. They are both perculiar in th...
After All Autorstwa K.

General Fiction

84.3K 3K 28
I am trying to be better. I am working to be better.
1.6K 58 12
The Ceaseless Promise (Original Working Title) The Endless Promise by Kriss Dela Roca "Ikaw na mismo ang nagpaalam sa akin na asawa kita sa mata ng D...
39K 1.3K 30
Silent Lips Series #4 Sofia Grace Valderama