A Beautiful DISASTER (Publish...

By skycharm24

1.4M 36.6K 3.5K

(Instant Mommy Ako Book 2) Story of Chloe Alexandria D. Rosales " My world fell apart when you left me. You... More

Synopsis
1.Chloe
2. Zaide
3. Granny's Bday
4. Match
5. Newbie
6. Talk
7. Bakit?
8.Crush
9. Death
10. Grief
11.Feelings
12. Doubt
13. Fierce
14. Internship
15. Reasons
16. Truth
17. Grounded
18. Respect
19. Graduation
20. Vacation
21. Vacation 2
22. Monthsary
23. Party
24. Broken
25. Lies
26. Devastated
27. Plan
28. Wedding
29. Island
30. Olivia
31. Blackmail
32. Birthday
33. Goodbye
34. Distress
36. Sorrow
37. New Beginnings
38. New Life
39. Presentation
40. Ice cream
Ask Author
41. My Daddy
42. Your Daughter
43. DNA
44. Positive
45. Accident
46. Forgiveness
47. Jealous
48. Mistaken
49. Walk out
50. Serenade
51. Jarred
52. Happiness
53. Vow
54. Upcoming Stories
Epilogue

35. Hope

17.2K 487 95
By skycharm24

You can't judge someone's choices without understanding their reasons. People will always have opinions about your decision because they're not courageous enough to take action on their opinion.

Chloe Alexandria

" Chloe sorry, patawarin mo sana kami sa nagawa namin sayo." it was her bestfriend Elle.

Katabi nito si Sab na hindi magawang tumingin sa mga mata niya. She was surprised seeing them at their doorstep this morning.

" Sorry Chloe." si Sab na nakayuko parin, matagal na niyang napatawad ang mga ito dahil natanggap narin niya ang sitwasyon. At nakausap na niya ang mga ito sa telepono.

Isa pa kasal na sila ni Ethan at kahit magalit pa siya sa kanila, wala narin namang
magbabago. Kung may isang bagay man siyang natutunan sa Mommy Trisha niya, yon ay ang magpatawad kahit gaano kasakit at kahirap.

" Hindi naman na natin mababago ang nangyari, sana lang huwag ng maulit, bestfriend ko kayo at masakit sa akin nong nalaman ko na nagawa n'yo yon pero gaya nga ng sabi ko, nakaraan na yon at napatawad ko na kayo. " ngumiti siya sa mga ito. " Sapat na sakin na pinagsisihan n'yo ang ginawa n'yo and you went all the way here para humingi ng tawad." nagyakap silang tatlo.

She felt a sudden kick on her belly. " Mukhang nag aagree pati ang inaanak ninyo."  hilam ang luhang nagtawanan sila.

" Fairness Claw ang bilis n'yo makabuo ni Ethan but I'm so excited to meet my inaanak. I'm going to spoil her with all the fancy things in this world and I'm going to be the prettiest Ninang ever." Elle said while touching her belly.

" Parang siguradong sigurado kang kukunin kang Ninang ni Chloe." balik na ang kakulitan ng mga kaibigan niya. Na miss niya ang mga ito.

" Syempre magnininang parin tayo kahit hindi niya tayo kunin." natawa nalang siya sa bangayan ng mga ito.

" Ilang buwan na ba yang baby mo, para kasing manganganak kana Chloe?" curious na tanong ni Sab.

Yes, she's pregnant at ang anak niya ang nagbigay sa kanya ng panibagong pagasa na magiging masaya parin siya sa kabila ng mga nangyari at mangyayari.

" Anytime ay lalabas na ako mga Ninang." namilog ang mata nilang dalawa.

Time flies so fast parang kahapon lang sila dumating ng California, after two months nalaman niyang buntis siya and now she's almost ready to give birth to her baby.

" Really? meaning alam mo na ang gender? " nakangiting hinawakan niya ang tiyan at sinagot ang tanong ni Elle.

" I'm a baby girl Ninang Elle." maging siya ay natuwa na babae ang anak niya.

Siya mismo ang nagdesign ng nursery nito. At personal na namili ng mga gamit.

" She's going to be fab and pretty like us. " nag high five ang dalawang kaibigan niya.

" Kahit hindi ako lumabas alam ko na kung sino ang dumating, ang iingay." agad namang nilapitan ni Elle si Ethan ng mamataan ito.

" I'm fine Gabriella." ginulo nito ang buhok ni Elle.

" Tsk! Ethan tigilan mo nga ako d'yan sa Gabriella mo, ginulo mo pa ang buhok ko. So may naisip na ba kayong pangalan ng baby?"

" I'll name her Maureen, ang pangalan na hindi nagamit ni Mommy Trisha. " ang second name ng anak ang sinabi niya.

" Nice pero bakit ang igsi, lugi naman yata sayo ang baby mo, ang haba kaya ng pangalan mo. How about Maureen Athena? Goddess of wisdom tapos katunog pa ng Ethan at A naman galing sa Alexandria mo. Tingin mo Best? baling nito kay Ethan..

" Leave the name of the baby to Chloe, Gabriella, siya naman ang ina. Mag anak kana din tapos pangalanan mo ng Gabriella, yon nga lang wala ka nga palang boyfriend  kasi walang nakakatagal sayo kasi spoiled brat ka." inirapan ni Elle si Ethan.

" Sad to say babalik na kami ng Manila bukas guy's, hindi na namin mahihintay na lumabas si Baby, may mga meeting akong naka line up while Sab is needed sa launching ng bagong product ng company nila. You see Ethan, may negosyo akong pinapalago kaya wala akong panahon magka lovelife." umalis nalang ang mga ito na masama parin ang loob ni Elle sa asawa niya. Napadalaw ang ang mga ito dahil may business conference na pinuntahan dito sa California.

" Mukhang nainis sayo si Elle, inasar mo naman kasi, alam mo namang balat sibuyas yon." tumawa lang si Ethan sa sinabi niya.

Napangiwi siya ng makaramdam ng paghilab ng tiyan. Anytime ay pwede siyang magsilang, wala pa ang due date niya pero baka daw mapaaga ang panganganak niya sabi ng OB niya. Hinaplos haplos niya ang tiyan niya.

" What's wrong Chloe? Manganganak ka na ba? Tatawagan ko na ba sila Mommy?" nataranta na ito.

" Ethan relax, ako ang manganganak hindi ikaw." but she felt the pain again..

Her water bag broke kaya lalong nagpanic si Ethan.

" Tawagan mo na sila Mommy and get the baby bag. Ahhh! Ethan umayos ka! " nasa kabilang bahay lang ang mga magulang nito. Si Ethan ang may gusto na bumukod sila pero siya ang nakiusap na kung maari  ay huwag lumayo ang mga ito.

Mabilis naman dumating ang mga inlaws niya para alalayan siya papunta ng sasakyan. Malapit lang naman ang Hospital sa lugar nila.

Napawi ang lahat ng hirap niya sa paglalabor ng marinig ang iyak ng anak. Her new hope para maging masaya. May dahilan na siya para mangarap muli.

Agad niyang hinanap ang anak ng magising siya. Hawak ito ng Mama ni Ethan.

" She's Beautiful Chloe."  pinagmasdan niya ang anak ng mailapag ito sa tabi niya ng Mommy Angela niya.

" Hi baby, nagkita na rin tayo anak." hinagkan niya ito sa noo. Hindi niya napigilang maluha. " Mommy's so happy to see you."

Maging si Ethan ay naluluhang nakatingin sa kanila. Alam niyang masaya din ito sa pagdating ng munting angel sa buhay nila.

" Gusto mo ba siya hawakan?" tumango naman ito, ikinabit nito ang mask saka nag alcohol sa kamay kahit hindi naman kailangan.

" Hi baby.." ingat na ingat ito sa paghawak at ngayon ay lumuluha na.

" Ang ganda ganda niya Chloe. Salamat sa pagtupad sa pangarap kong maging ama." naiyak na din siya. Pati ang mother in law niya ay luhaan. Naguumpisa na ding umiyak ang anak niya.

" Nagugutom na siguro yan Chloe. Iiwanan ka muna namin, pupuntahan lang namin ni Ethan si Dr. Steve." lumabas na ang mga ito ng kwarto niya.

" Nagugutom kana ba baby? Bakit parang mas kamukha mo ang ama mo anak?  Si Mommy ang nagdala sayo ng 9 months tapos siya ang magiging kamukha mo? Hustisya.." parang tangang kinakausap niya ang anak.

Hindi maipagkakailang nakuha nito ang hugis ng mukha ng ama, ilong, mata pati ang kilay, labi lang yata ang nakuha sa kanya.

Hinahawakan niya ang maliliit nitong kamay para ibalik ang natangal na mittens. " Pangako ni Mommy na aalagaan kitang mabuti at pakamamahalin, walang sino man ang pwedeng manakit sayo anak. Sana lumaki kang may mabuting puso na handang umunawa sa lahat."

                           ~ ♡ ~

Dinalaw sila ng Mama Choleen niya ng magtatatlong buwan ang anak niya at nanatili ito ng ilang araw sa kanila. Tuwang tuwa ito sa anak niya.

" She's like you nong baby kapa anak. Nako' hindi makatulog ang Mommy Trisha mo gusto na makita itong apo namin, mga Lola na kami, pero ayokong magpatawag na Lola, I'm too beautiful for that term, how about you call me MommyLa ha, Baby Maui." nakasanayan na nilang tawagin itong Maui pero mas gusto niyang tawagin ito sa first name. " Nahihirapan ka ba anak? Bakit hindi ka kumuha ng Nanny?"

" Ma, ayoko ko naman hong ipagkatiwala ang anak ko sa iba lalo na at baby pa siya. Ang sabi ni Mommy baka magbakasyon sila dito kasama si Xhan at ang kambal may makakatulong na po ako magalaga sa anak ko saka dumadalaw naman po kayo."

" Sabagay iba padin kapag ikaw ang mag aalaga ng anak mo, don't commit the same mistake gaya ng ginawa ko sayo noon."

" Ma, kalimutan mo na yon. Ang mahalaga magkasama at masaya na tayo ngayon. " dahil ano man ang mangyari ina niya parin ito.

" Galit ka pa ba sa Daddy mo?" mapait na napangiti siya sa ina.

" Balang araw magkakaayos din kami ni Dad' Mama gaya natin." inihele ng ina ang baby niya na nag uumpisang na namang umiyak.

" Basta tandaan mo na mahal na mahal ka ng Daddy mo. Alam mo naman yon diba?"

" Napatawad ko na po si Dad, pero hindi parin po nawawala ang sakit Mama. Pero wala po akong pinagsisihan sa mga nangyari lalo na at may isang Anghel  na dumating sa buhay ko."

Natutuwa siyang makasama ang tunay na ina parang kasama niya narin ang Mommy Trisha niya. Tignan niya lang ang mukha ng isa sa mga ito parang kasama niya narin ang isa.

Kinailangan naring umalis ng Mama niya. Nangako itong dadalaw nalang muli pag may pagkakataon.

Masaya siyang inaalagaan ang anak, kahit papano ay tinutulungan siya ni Ethan pero ayaw niyang napapagod ito.

" Sige na Chloe, ako na ang bahala kay Maui, magpahinga kana rin." nilapitan niya si Ethan at niyakap.

" Salamat Ethan, salamat na nandyan ka para sa'min." kahit alam niyang nahihirapan din ito inaalagaan parin nito silang mag ina. Hindi niya man matubasan ang pagmamahal na binibigay nito, alam niya sa puso niyang natutunan niya narin itong mahalin.

Bestfriend niya ito at halos sabay na silang lumaki, hindi siya patatahimikin ng konsensiya kung pinabayaan na lamang niya ito at pinili ang sariling kaligayahan sa piling ni Z.

" Ano ang dapat magpasalamat sayo Chloe, napakabuti mo sakin sa kabila ng mga nagawa ko. Salamat." naiyak na ito kagaya niya.

" Ay nako, ikaw na ang bahala d'yan sa anak natin. Mamaya magaya sayo yan iyakin." biro niya dito.

" Salamat sa pagtupad ng pangarap ko na magkaroon ng anak, ng pamilya. Pangako magiging maayos din ang lahat Chloe." iniwan niya na ito sa kwarto ng anak nila.

Naisip niya na naman ang isang tao. Naduduwag siyang makibalita tungkol dito dahil baka masaktan lang siya kapag nalaman niyang masaya na ito sa piling ng iba. She knows he will resent her dahil umalis siya at iniwan niya ito. Pero iyon ang pinakatamang gawin para sa lahat ng mga panahong yon at kahit masakit wala siyang pinagsisisihan.

Dumating ang Mommy niya at mga kapatid dahil bakasyon ng mga ito sa eskwela. Nagdecide sila ni Ethan na pabinyagan ang anak habang naroon ang mga ito. Alam niyang gaya niya ay hindi pa handa ang Daddy niya na harapin siya. Binati lamang siya nito at si Ethan dahil sa anak.

" Parang ako ang kamukha niya Ate." komento ng kapatid niya habang nakadungaw sa anak na hawak ng Mommy niya.

" Ikaw ba ang Nanay para maging kamukha mo si Baby Maui Ate Isang?"  sagot ni Xhan sa dito.

" Magkamukha naman kami ni Ate Chloe kaya kamukha ko din ang baby niya. Tigilan moko sa  kaka Isang mo Xhan baka tamaan ka sakin." banta nito sa bunso namin.

" Tumigil nga kayong dalawa hanggang dito ba naman nagbabangayan parin kayo." saway ng Mommy niya sa mga ito.

Naroon din ang Mama niya na abala sa pag aasikaso ng bisita. Magkausap naman ang dalawang binata na niyang kapatid na si Liam at Ian. Her Tito Zack is with her Father in law. Tanging ang Daddy niya ang wala doon. Masaya siyang makasama ang pamilya kahit kulang sila dahil wala ang ama.

" Kamusta kana anak? Kamusta ang pagiging ina?" nilapitan siya ng Mommy Trisha niya.

" I'm good Mom, I'm happy, naiintindihan ko na rin ang maraming bagay lalo na ang mga tanong sa isip ko noong bata ako. Kung bakit n'yo kami pinaghihigpitang magkakapatid at kung bakit ingat na ingat kayo samin. Ganito pala ang feeling na maging Ina, kapag umiiyak ang anak ko, may mga times na natataranta parin ako. " naiintindihan niya na ang lahat ng pangaral ng Mommy niya noon.

Sabi nga nila mas maiintindihan lang natin ang mga magulang natin kapag naging magulang narin tayo.

Iniwan niya ng ina at kinuha ang baby niya na umiiyak hawak ito ni Isha. Lumapit naman sa kanya ang kapatid.

" Ate, may balita ka ba kay Kuya Z?" umiling siya. " Alam mo bang pumunta siya sa bahay noon at hinahanap ka pero nakaalis na kayo. Naawa nga ako sa kanya noon pero nakita ko siya last time sa Mall at mukhang masaya na rin siya gaya mo. Atleast kahit hindi kayo nagkatuluyan pareho na kayong masaya sa ngayon, diba Ate?"

Natutuwa siyang malaman na ayos na ito. Maraming siyang gustong itanong kay Isha tungkol dito pero hindi pa siya handang malaman ang mga iyon.


Itutuloy...






Hello, mukhang ang iba sa inyo ay galit kay Chloe but she has her reasons naman, soon malalaman n'yo rin. Sa tingin n'yo anong dahilan niya? Thank you sa reads at votes. Comment kayo ah..

Note: Unedited.

SKYCHARM24








Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
8M 179K 59
[MJS BOOK 1] He's the prodigal son. She's the good daughter. He's a gangster. She's the good girl. He's her nightmare. She's his obsession. How can t...
3.4M 39.4K 45
(Informally written and not yet edited.) Book Zero/Prequel of Playboy's Baby. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟯 - 𝟮𝟬𝟭𝟰 •
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...