Ice Turning Water

By TaaTeeNoo

1.1K 33 24

Do Best friend bullshit story always come in a happy ending? More

Ice Turning Water
CHAPTER ONE (Ayyyyy, siomai.)
CHAPTER TWO (Nutella)
CHAPTER THREE (What The Past!)
CHAPTER FOUR (Lumayo ka sa'kin! Buwakang bully)
CHAPTER FIVE (Paradise~)
CHAPTER SIX (The Revelation)
CHAPTER SEVEN (New Life)
CHAPTER EIGHT (Da Who?)
CHAPTER NINE (F-U)
CHAPTER TEN (Buti na lang...)
CHAPTER ELEVEN (This efforts)
CHAPTER TWELVE (It's okay)
CHAPTER THIRTEEN (Being alone with her)
CHAPTER FOURTEEN (Completely Alone Haysst)
CHAPTER SIXTEEN (Broken)
CHAPTER SEVENTEEN (A long time to see smile)
CHAPTER EIGHTEEN (Vacation Paradise, disappointment)
CHAPTER NINETEEN (The Forgiveness)
CHAPTER TWENTY (Freshies)

CHAPTER FIFTHEEN (Can You hear me crying?)

19 1 0
By TaaTeeNoo

*** Czarina Messurection’s Point of View ***

(Hoy babae, ilang weeks ka ng hinahanap sakin ni Joseph. Ano bang problema niyo?) tanong sa akin ni Ital sa phone.

“So? Nagmisscall ka ng napakadami para lang itanong yan. Jusko Ital ha!” nayayamot kong tugon sa kanya.

“Gumising ako para icall back yung mga tawag mo para lang dun?! Punyeta ka ha!” nanggagalit kong sermon.

(Sorry na! Galit ka agad!) sigaw niya din.

(Kayong dalawa kasi eh! Ayaw magpansinan tapos ako ng ako tatanungan nyo. Magkita na nga lang kayo.) sermon niya naman sakin.

“Ayaw nga. Busy nga, ilang bes ko nang tinatry. Bahala ka jan. Tutulog na lang ako.”

(Sus! Sabi niya ikaw tong di namamansin eh.) pagdadahilan niya naman.

“Eh! Tigilan. Wala na yung time sa bonding. Nako, tutulog na nga talaga ako. Bye.” Sagot ko sa kanya at binaba ang phone. Tumagilid ako sa kama at niyakap ang isa kong unan.

Simula kasi ng maging sila, grabe na sa time sched si Seph. Kung nabawasan ang quality time namin nung nililigawan niya pa lang si Camille. Lalong wala na nung naging sila.

Ilang bes ko namang tinry na ‘istorbohin’ sya pero naman kasi laging “Busy ako.” “Ha? Next time na lang.” “Sus, wag na! Gala pa ko.” Oh? Sino pa naman magkakainteres yakaging gumala yan.

Nakakainis lang kasi eh.

“Cza! Baba na jan.” Siga ni momsy sa baba, napakamot ako ng ulo ko. Ano ba? Kung kelan patulog na eh! Kainis! Tinignan ko ang orasan ko,  6 pm pa lang naman ah! Sabado din naman ngayon, kaya anong problema nya?

“Bakit po?” tamad na tamad kong sagot sa kanya.

“Mag-ayos ka na!” sigaw niya pabalik. Humikab lang ako at nagkamot ng ulo. Ano nanaman yan? Piste.

Nagkamot ulit ako ng ulo ko, antok na antok na talaga ako. Ulit, basta may momentum yun eh! Basta antok ako. Yun yon. Hindi ko pinakinggan si Momsy. Tulog na be, okay lang yan. Pumikit na ako.

“Czarina!”

“Hay! Punyatera, peste!” inis na inis kong sabi sabay umupo sa kama.

“Best. Bangon bangon din.” Pangungulit sakin ni Seph?

“Oh? Bat andito ka?” pagmamataray ko sa kanya at bumalik sa pagkakahiga.

“Kase nga, ligo ka na. Dali!” pangungulit niya ulit at kinalog ako.

“Oo na! Baba.” Irap ko sa kanya.

Agad naman siyang bumaba kaya nag-ayos na ako. Tumayo na ako sa kama at niligpit ang pinagtulugan ko. Kumuha na ako ng towel at pumasok sa banyo. Naligo na din syempre ako at nagdamit. Alangan.

“Hoy bata ka! Ano bat mukha kang basura?” tanong sakin ni Momsy.

“Ha?” tinignan ko ang suot ko.  Sando at pajama.

“Bat?” tanong ko naman sa kanya at pumunta ng kusina.

“Hapunan momsy?” tanong ko sa kanya.

“Sa labas nga tayo kakain kaya pinagbibihis kita! Hay! Itong batang to talaga! Lakad suot ng dress.” Nagkamot naman ako ng ulo ko. At least! Gala!

Labag man sa loob ko, nagdress na ako. Simple lang namang above the knee white dress para malinis tignan. Pinartneran ko na rin ng doll shoes. Baduy ba? Eh! Ayoko ngang matisod.

Bumaba naman ako at pumalakpak si momsy. Nagkamot naman ako ng ulo.

“Much better. Tara na, nag-iintay na sina Mamita mo.” Nauna naman akong lumabas kesa sa kanya.

“Hoy! Ayusin mo nga yang lakad mo! Babaeng babae damit mo ganyan ka maglakad.” Sita sakin ni mamita.

“Good evening!” bati ko sa kanya at bumeso. Naupo naman agad ako sa backseat. Bale si mamita ang magddrive, si momsy ang sa passenger seat at kami ni Seph sa backseat.

Sa dulong dulo ako umupo, madalas kasi sa gitna ako kaya sa dulo naupo si Seph pero ngayon magkalayong agwat gagawin ang lahat. Charot! Oo na, nagtatampo nga ako sa kanya ng konti.

“Czarina!” mahinang bulong niya sakin kaya nilingon ko sya na parang tamad na tamad. Nilabas ko na lang ang phone at earphone ko at nagsound trip. Eh ayokong kausapin eh! Bakit ba?

Gets niya nanaman siguro kaya naggm na lang ako. May mangilan ngilan namang nagtext kaya ayos na din.

Isa na si Ital syempre. Suki sa text. Nagtanong ng nagtanong. Ng mapansin ko nyeta! Wala pala akong pinakikinggan, ano ba czarina? Lutang?

“Baba na.” Utos ni Mamita sa amin. Madalas si Seph ang nagbubukas ng pinto ko pero ngayon ako ang nagbukas. Bat ba? Tinaggal ko na ang earphones ko at pumasok sa restaurant. Umupo ako sa dati kong upuan. Tumabi naman sakin si Seph.

Walang nagkikibuan saming dalawa. Nagtsitsismisan lang sina mamita at momsy pero ni isang salita walang nalabas sa amin ni Seph. Dumating ang waiter at umorder na sila, lagi namang t-bone ang inoorder namin kaya di na kailangan tanungin. Magfflappy bird na lang ako.

*pak*

“Aiish! Buwsit.” Inis na inis kong sabi ng mataya ako.

“Litsi.” Inis na inis ko ulit na sabi.

“Hoy Czarina Joseph.” Tawag samin ni Mamita.

“Yes mamita?” sagot namin ng sabay.

“Kayong dalawa ba’y may tampuhan ha?” tanong nito.

“Nope.” “Yeap.” Magkaiba naming sagot ni Seph.

“Ha? Magkaaway tayo?”  tanong ko sa kanya..

“Oo. Di mo nga ako pinapansin eh.” Sagot niya sa kin. Nagkibit balikat na lang ako at nagflappy bird ulit.

“Opo daw.” Sagot ko naman.

“Aba’t tignan mo tong mga to!” sigaw sa amin ni Momsy.

“Dadalawa na nga lang na magbestfriend mag aaway pa.” Panenermon niyia.

“Alangang tatlo? Syempre momsy. Dalawa lang dapat.” Pamimilosopo ko.

“Hoy!” galit na sigaw ni mamita.

“Juklang po. Ewan ayaw daw eh.” Sagot ko ulit habang nagfflappy bird. Lakas ko talaga!

“Magbati na kayo.” Utos ni mamita.

“Bati na tayo.” Sabi ko kay Seph at tinignan sya ng sandali at nagflappy bird ulit.

“Ang plastik!” comment niya. Umirap lang ako. Magsasalita pa sana si Mamita ng dumating na ang order namin. Kaya kumain na lang kami.

Matapos.

“Iiwan namin kayo.” Napatingin naman ako kayna mamita. Hayyst.

“Okay.” Sagot ni Seph.

“Susi?” tanong niya din.

“Eto. Sya, uuna na kami. Maggala na lang kayo jan.” Sabi ni momsy at umalis na sila. For sure me gala nanaman.

Tumingin lang ako kay Seph. Tumingin din sya sakin. Umiwas naman ako at tumayo na.

“San tayo?” tanong ko sa kanya.

“Mall.” Sagot niya kaya sinundan ko lang sya.

“Best.” Seryoso niyang sabi at tumingin sakin.

“Hmm?” tanong ko naman.

“Galit ka ba?” tanong niya.

“Sorry na!” dagdag niya pa.

“Hindi nga. Ikaw yata galit sakin eh.” Ngiti ko sa kanya

“Sus! Tagal mo na nga akong di pinapansin eh.” Sagot niya naman.

“Ewan sayo.” Sagot ko sa kanya at tumakbo papunta sa blue magic (Stuffed animals shop)

“Edi sasabay ka na sakin sa Monday?” tanong niya

“Hindi.” Sagot ko naman.

“Kitams galit ka nga!”

“Hindi nga! Eh kasabay mo si Camille eh!”

“Edi.. sabay tayong tatlo.” Inirapan ko lang sya at naglakad.

“Ayoko nga!” sigaw ko naman.

“Teka. Sino pa lang JS partner mo?” tanong niya sakin. Napaisip ako oo nga no.

“Ewan.” Sagot ko sa kanya.

“Nayakag mo na ba si Camille?” tanong ko dito.

“Di pa nga eh.” Sagot niya naman.

Next week na nga yung last JS namin. Sino bang promdate ko? Bahala na nga, syempre last year hindi naman ako namroblema dahil si Seph ang promdate ko. Eh ngayon? Ay aywan! Nakakainis kasi naman! Dapat si Seph partner ko. Bwisit! Mangiyak ngiyak kong sabi sa sarili ko.

“Parang tagal nating di nag-usap pero wala naman tayong mapag-usapan.” Natawa ako sa sinabi niya. Mejo mejo nga.

“Syempre. Halos lahat naman napag-usapan na natin eh.” Sagot ko sa kanya.

“Best. Kung sakasakali. Ikaw pa rin ba ang promdate ko?” out of nowhere na tanong ko.

“Syempre.” Ngiti niya sakin.

“Promise ko yon eh. Baka umiyak ka pa! Haha.” Dagdag niya pa saka ginulo ang buhok ko.

Ha? Ngayon naguguluhan na ko? Ano daw?

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 95.4K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features